You don’t do that to me! :)

Madami akong naiisip na title para sa post ko na to.

“Gaano kadalas ang Minsan”

“Si Mabait”

“Milo”

“GMRC”

Pero sige since napaka-catchy nung sinabi ni Willie eh yun na lang.

Aga aga kasi sumama loob ko. Minor thing lang naman pero sa kin kasi may mga history na ko ng ganyang abuses. Yes, abuses, you heard me right. Inabuso ako. Wahhh. Not the sexual type of abuse ha. Abuse sa pagiging mabait.

Ubos na naman ang Milo sa kusina. I don’t or rather I can’t take Coffee kasi nagpapalpitate ako so importante sa kin na may Milo o Swissmiss (in packs) lagi sa kitchen pampainit sa tyan anytime I want to. Kaso kanina wala na namang Milo. Kakabili ko lang nun last week at hindi ako madalas magMilo so I expect na meron akong matitimpla anytime. Ano yun kinain ng daga? Nagmilo ang daga?? Same goes for other stuffs like cheesewiz or bread or anything na openly inaalok ko sa lahat ng housemates pero NOT to the extent na uubusin tapos in the end wala na. Mababaw lang di ba? Sige let’s go deeper para maintindihan mo where I’m coming from.

Recently lang may nagtransient sa min (tumira saglit sa isang room sa flat namin while looking for a job). Natuwa ako kasi una, natulungan namin sya kasi pinaalis sila sa dati nyang room ng bigla bigla and pangalawa, mao-occupy na ung isang room meaning hindi na naming aabonohan ung rent dun since buo ko binabayaran sa Landlord monthly. so win-win both ways. Inaabot nya ung bayad nung pagkadating nya, sabi ko kinabukasan na lang kasi gabi na nga saka kakahiya naman pagkadating abot agad ng pera. Dumating ang bukas at ilang araw at weeks pero nalimutan na ata ni girl ibigay. Nung pinaalala ko, nakiusap na wala na daw allowance. Wahhh. So ayun libre sa room, libre din sa food sa bahay (nagkataon din andito si Mommy sa SG kaya lagi nagluluto). Ang sa kin lang kung hindi ko pa tinanong hindi pa magkukusa magsabi. Ayun umalis na sya ng bahay kasi di nakahanap ng work dito. Babalikan nya daw mga gamit nya pati ung bayad iaabot nya. Awa ng Dyos naka-dalawang buwan na at di man lang nagpaparamdam. OK, fine. Mabait ako eh.

i-am-kind

Ung isang kasama din namin sa bahay na friend ko lagi naman nagdadala ng kaibigan at dito nakikitulog minsan ilang iraw, minsan isang linggo, madalas walang pasabi makikita ko na lang ung kaibigan sa bahay. So minsan sinabihan ko na unfair ung ganon sa ibang housemates kasi dagdag sa kuryente at tubig. Naulit pa din ng ilang beses. Hindi naman ako nagkulang ng pagsasabi. Sadyang may mga pasaway lang. At syempre ok lang kasi mabait ako.

be_kind

Dati may friend akong umabuso din sa pagiging mabait ko. Ung tipong pinatira mo na nang libre ng ilang months kasi walang budget habang hanap ng work dito (libre kuryente, tubig, may isang room pa syang sarili nya lang since 3 rooms namin nun) to the extent na kukuha na lang ng damit sa closet ko nang di nagpapaalam. Minsan nakita ko pa sa Friendster (dati pa kasi yun wala pa FB) suot nya ung damit at shorts ko pagbakasyon nya sa Pinas. Saya di ba? Madalas din nya hiramin ung maleta ko nun na bagong bili ko. Ung tipong isang beses ko palang nagagamit pero sya naka lima o anim na. Hiyang hiya naman ako sa yo, Te. May isang incident pa na akala ko pareho lang kami ng blouse na itim, pinuri ko pa sya kasi bagay sa kanya before ko tinanong (innocently) kng san nya binili kasi parehong pareho talaga kami. Excited pa ko nun ha kasi feeling ko iisa lang pinagbilhan namin. Mas exciting pala ung sagot nya “Eh sayo nga to eh”. Wow, pasensya naman, Te, hindi ko narecognize. Hehe. Kaya pala parang hindi ko na nakikita lately nasa closet na pala nya. Awts.

Ang sa kin lang parang wala ata sa vocabulary nila ang mga salitang COURTESY, RESPECT at DELIKADESA. Ewan ko kng nalimutan ba ituro sa kanila ng mga magulang nila yan o sadyang abusado lng sila. Naturally kung hindi sa yo, hiramin mo. O kung gusto mo naman, manghingi ka o magpaalam ka o kung sa tingin mo makakaagrabayado ito sa kapwa mo, kausapin mo nang maayos. Hindi naman ako manghuhula para malaman ko kng ano nasa isip nyo. At madalas pag nakukwento ko tong sama ng loob ko sa malalapit na kaibigan iisa lang ang sagot nila “Ang bait mo kasi”.

So kasalanan ko pala na mabait ako, na generous ako. Dapat pala nilalagyan ko ng note yng mga pagkain sa kusina “kung gusto mo, kuha ka lang, pero since nauubos to, palitan mo na lang next time”. o kaya sa closet ko “hihiram ka ba ng damit? paki-sauli ha”. May ganun ba dapat?

mannersEwan ko pero para sa kin, it’s not about my being kind or nice or lenient. Nakapag-aral naman kami lahat pero sana ung mga basics ng buhay hindi nila malimutan. Baka wala silang subject na GMRC (Good Manners and Right Conduct) nung elementary nila. Favorite ko pa naman yun.

Hindi talaga maiwasan na kahit anong bait mo o ayaw mong mang-agrabyado ng kapwa, may pilit pa din sumusundot sa sungay mo. At wala ka magawa kundi maging mahinahon at habaan pa ang pasensya.

Pero sa kabila ng mga ganitong mga taong nakikilala ko o nagtetest sa pagkatao ko, God has continuously blessed me with a wonderful life. Kaya siguro hindi ako nag-gigive in o nagiging tulad nila. I so believe in good karma.

Saka alam ko nothing and nobody can bring a good soul down.

M-A-B-A-I-T  ako eh. 🙂

But no one has the right to abuse it.  Kaya please, You don’t do that to me! haha 🙂

kindness

a grateful life

i got stuck with my last post about my dad’s demise that everytime i go through the words again, I cry.. a lot. the pain just comes back and the tears keep falling again. for this time and hopefully in my next writings,  i want to share happy thoughts. something i miss doing for some time.

this month is full of gratitude and happy moments. a month full of emotions, so to say.

-i’m thankful for the surgery that went well without any pain or complications. it was my first ever yet it went so smooth.

-for the doctors and nurses who are very professional and caring. the hospital nurse still called me a week after to check how i’m doing. that’s so sweet.

-i’m thankful that we didn’t have to pay any amount for the surgery. that saved us a lot of worries for the bill.

-for my mom (she’s here to take care of me)  who wakes up early to prepare my meals and do the chores at home. i’m grateful for the chance of being with her for 3 weeks (most of the time it’s her and me alone at home) which allows us to bond and catch up. something i miss doing with her for quite some time. wish dad is here, too 😦

-for friends and colleagues who visited me in the hospital and at home. i’m thankful for the flowers, get-well goodies, balloons and fruits..endless supply of fruits. sometimes i didn’t want to eat them. i just want to stare at them because they make me smile knowing i’m remembered.

– for the sweet messages and thoughts that i receive every now and then. i feel so special.

-for our home where we always share meals and laughter together. it is indeed a happy home.

-for our new friends and new found relatives. i feel another sense of belongingness in this foreign land.

the blessings just keep on pouring every day. how can i not recover so soon?

get-well

i feel so blessed and loved

more than the physical healing, my soul is also healed.

happy to have this grateful life 🙂

eroplano

Ilang beses na din ako pabalik-balik sa Pinas simula nung magtrabaho ako abroad. Isa, dalawa, tatlong beses isang taon kung umuwi ako.  At sa tuwing sasakay ako ng eroplano, bitbit ko ang excitement at saya bukod pa sa mga pasalubong na dala ko para sa pamilya ko. Lalong-lalo na kay Daddy. Syempre special yung pasalubong nya. Usually yung mga nirequest nya like Centrum vitamins, Japanese green tea, jogging pants, tsinelas, t-shirts, boxer shorts, chocolates at kung ano ano pa. Parang bata na tuwang tuwa yun pag inabot ko ung pasalubong ko sa kanya.

Last week, August 10, umuwi akong bigla sa Pinas. 2am yung flight ko. Nagtext kasi si bunso na hirap daw himinga si Daddy gawa ng pneumonia nya. Nagulat ako kasi kakalabas lang nun sa hospital.  Sabi pa nya pilitin kong umuwi kasi baka di ko na maabutan si Daddy. Mugtong mugto yung mata ko kakaiyak at pag-aalala. Maya’t maya ako natawag sa min kung ano na ba lagay ni Daddy. Sinugod sya sa hospital mga 2 ng umaga nung August 9.  Ang bigat bigat ng pakiramdam ko pagsakay ng eroplano. Wala yung usual na saya, excitement, pati pasalubong ni isa wala.

Gusto ko lang umuwi at mayakap si Daddy.

Pagdating ko sa hospital mga 7am, gising si Daddy at kitang-kita ko yung saya nya nung humalik ako sa noo nya. Sabi ni Mommy 2am pa lang daw ng umaga gising na si Daddy sinabi kasi nya darating ako. Para daw batang hindi makatulog kakaantay sa kin si Daddy.

Naawa ako sa lagay nya. Madaming nakakabit na tubes sa kanya. Merong dextrose, meron para sa food nya, may catheter para sa ihi nya, merong pang antibiotics, naka-oxygen tank din sya kasi mababa daw yung oxygen sa katawan nya. Hirap na hirap sya huminga dala na din ng plema nya sa baga na di nya malabas labas. Tuwing lalagyan sya ng nebulizer, nakikita kong di sya komportable, nakakunot ang noo. Ako naman sasabihin ko “Saglit lang to, Daddy, ha para malusaw yung plema mo para makahinga ka mabuti”. Pag matindi naman yung ubo nya na madaming plema, sina-suction sya. Ayaw na ayaw nya yun kasi masakit gawa nang tuyo yung lalaluman nya. Pumapasok ako sa banyo na kunwari nagCR lang ako para di ko sya makita sa ganung kondisyon. Naka-ilang tusok din ulit sa kanya sa tuwing nagbabara yung IV nya o kaya naman natatanggal nya yung gagalaw sya. Alam ko masakit pero pinipilit ko iapaliwanag sa kanya sa saglit lang yun kasi kelangan ayusin yung IV nya.

Puyat na puyat ako sa pagbabantay kay Daddy sa gabi. Si Mommy kasi pinapatulog ko na dahil pagod din maghapon. Sa tuwing tutunog yung Oxygen at Pulse rate monitoring nya (ibig sabihin, mababa ung Oxygen o kaya naman sobrang bilis ng pulso nya), nirereset ko yun kasi nakakatakot yung tunog. Ung parang naririnig nyo sa hospital pag nag-aagaw buhay. Ganun ang tunog nun lalo sa madaling araw na sobrang tahimik at paghinga lang ni Daddy ang maririnig namin.

Hirap huminga si Daddy. Yung normal na pulse rate ng tao nasa 80 beats per minute lang, Kay Daddy nasa 140. Para syang tumatakbo ng ilang kilometro  sa hingal nya. Sa umaga nga pawis na pawis sya at bibiruin ko “San ka na naman nagjogging, De, pawis na pawis ka oh” sabay punas at palit sa hospital gown nya.

May chapel malapit sa room ni Daddy. Laging kong dasal na sana konti pa, dugtungan pa yung buhay nya. Pero nung mga huling araw sabi ko kay Lord “Cge, kunin Mo na sya kung yun ang nararapat para wala na syang maramdamang sakit o hirap”.

Monday, August 13, maaga pumunta si Father sa hospital para basbasan si Daddy. Annointing of the sick daw tawag dun. Base sa homily nya, dalawang bagay lang naman ang pedeng mangyari, ang pagalingin sya sa physical na karamdaman, o bigyan sya ng buhay na walang hanggan sa langit.

Sasalinan sana ng tatlong bags ng dugo si Daddy nung umagang yun pero sa di inaasahan naubusan daw ng dugo dun sa hospital at kelangan pang kumuha sa red cross. Sobrang pag-aalala ko nun kasi baka kelangan na talaga ni Daddy ng dugo dahil bumaba daw ng husto yung hemoglobin nya.

August 13, 2pm. Napansin kong humihina yung Oxygen level ni Daddy at bumabagal naman yung pulse rate nya. Very unusual ito kasi alam ko ung usual na level ng Oxygen at Pulse rate nya.  Tinawag ko yun nurse para icheck. Napansin na namin na humihina na yung paghinga ni Daddy sa bibig nya kaya umiyak na kmi ni bunso at ni Mommy. Alam namin na yun na yung pamamaalam ni Daddy.

Time of Death- 2:15pm.

Niyakap ko si Daddy at hinalikan sa noo at sabay sabing “Pahinga ka na Daddy, mahal na mahal ka namin. Wag mo na kaming intindihin, Ok kami. Wala nang masakit sayo, wala na”.

Tatlong araw ko lang nakasama si Daddy. Nabantayan, naalagaan, nayakap, nahalikan, nakausap. Though di sya nakakapagsalita, tumatango naman sya at ngumingiti. I wanted to have more time with him para ipasyal sya, pasayahin sya, ibigay lahat ng gusto nya. magse-celebrate pa sana sya ng 75th birthday nya ngayong October at balak pa sana naming handaan. Plano ko pa magresign na next year sa trabaho ko at umuwi ng ilang buwan sa Pinas para makasama sya. Pero mas maganda pala yung buhay na ibibigay ni Lord sa kanya. Buhay na walang sakit, walang mga tusok tusok sa katawan, walang suction, walang hinahabol na paghinga. Buhay na di namin maibibigay sa kanya dito sa lupa. Kaya kahit paano maluwag namin natanggap na kalooban na din ni Lord na kunin na si Daddy. Masakit man isipin na di na namin sya makikita o makakasama, nandito naman sya lagi sa isip at puso namin.

“De, alam ko namimiss mo kami, ganun din kami sayo. Hinding hindi ka naman makakalimutan kasi kung ano kami ngayon yan ay dahil sa yo, sa pagmamahal mo at sa pagsusumikap mo para sa pamilya natin. Habang buhay kaming thankful sa pagiging ama mo sa min. Sabi nga sa homily ni Father, no goodbyes. See you later, De, enjoy mo lang yung journey mo jan. In God’s perfect time, magkikita kita din tayo. At tandaan mo lagi, mahal na mahal na mahal ka namin.

I may not be the best daughter you could ever have..pero sana, somehow, in my own simple ways, I made you proud…”

 

red alert: men shortage

may shortage nga ba ng mga lalaki? yes, you heard me right. lalaki. boyz. men. fafa. hehe..

ngayon ko lang kasi napagtanto na madami pala akong kakilala / friends na single pa din at naghahanap ng bf. sa tingin ko naman walang mali sa kanila.  dumaan din naman ako sa stage na yan (for a while, hehe) pero hindi naman talaga ako nagworry o nadepress kasi alam ko naman mayron talagang nakalaan para sa tin. naks.

single friend #1: 27yrs old, Pinay, maganda, maputi, may magandang career, maganda ang pangangatawan, petite, nagsusupport sa family. mejo nahihirapan sya humanap kasi Muslim sya so dapat din iconsider ang religion.

single friend #2: 31yrs old, Pinay, maganda, maputi, may magandang career, petite din, cheerful, makulit, mabait, maayos sa mga gamit, maganda pumorma, tumutulong din sa pamilya. close friend ko.

single friend #3: 32yrs old, Pinay, maganda, kayumanggi, may magandang career (arkitekto), active sa sports (cycling, badminton, running, volleyball, mountain climbing), mabait, masayahin. tropa ko.

single friend #4: 34yrs old, Pinay, maganda, kayumanggi, may magandang career (Engineer), active din badminton, minsan nang nalink sa mga may sabit, so hanggang ngayon looking pa rin for the right guy. tropa ko.

single friend #5: early 30’s, Singaporean, di naman pangit (lol, pag Pinay maganda decription ko), Engineer din kasama ko sa office, active sa outdoor activities, minsan naging GF ng isa ko ding friend na local, hiniwalayan, hindi maka-move on at ginagawa pa kong tulay para magkabalikan sila.

single friend #6: 32yrs old, Pinay, maganda, kayumanggi, may magandang career sa Pinas at ngayon dito sa SG, achiever, leader. minsan nagkaron ng muntik muntikan ng relasyon few years back, after nun di pa din maka-move on bakit naudlot ang kanilang pag-iibigan. close friend ko.

single friend #7: 33yrs old, Pinay, maganda, petite, teacher, long hair (literally). looking for bf din. lately nalaman ko may karelasyong may sabit, pero pilit dinedeny (kung ayaw aminin eh di wag). so looking pa din.

single friend #8: 34yrs old, Pinay, mejo maganda din, may magandang career, religious, mejo idealistic nga lang sa gustong partner, mag 7 yrs na since hiniwalayan sya ng bf nya nun at di pa nagkabf ulit after that.

meron pang ilan na di ko masyadong close pero just the same naghahanap pa din. apat pa ata yun. nasa 30’s na din.

asan na nga ba ang mga single guys? dito lang ba sa SG may shortage nyan o kahit saan din? dito kasi iniisip namin (sa aming minsang pagbibrainstorm hehe) na maaaring bago pa sila makaisip na mag-abroad eh nag-asawa na sila sa Pinas. kung meron mang mga binata pa eh iilan ilan lang at kadalasan may gf na din. so ano ba talaga problema? personality clash ba? intimidating ba ang profile ng aking single lady friends kaya mahirap makahanap ng partner? pero sa tingin ko, iilan lang talaga yung single guys. sabi nga nila 1:3 ang ratio,  1 single guy to 3 single ladies ang statistics ngayon. hindi naman pede share-share di ba?

gusto ko man din sila tulungan pero wala naman ako maireto. hanggang advice lang ako na maghintay kasi may nakalaan para sa bawat isa sa tin, wag madali, mahalin muna ang sarili, etc. yung mga kakilala ko ding guys either may gf o may pamilya na. swertihan lang talaga nun na single pa si Manong at age 27 nung makilala ko kaya di ko na pinakawalan (lol). kung hindi,  kasama sana ako sa nakapila ngayon na naghahanap pa din.

pero seriously, i feel their pain and their longing to be with somebody. lalo na’t malayo kami sa pamilya namin at mga kaibigan lang karamay namin dito. hindi naman lahat ng oras anjan mga kaibigan. so dumadating pa din yung oras na gusto mo may kausap at kasama ka anytime. ung masasabi mong sayo. ung masasabi mong you’re somebody’s someone.

NOTE:

kung ikaw ay lalaki, single, may matinong career, presentableng looks (not necessarily gwapo) at intresado kang makilala ang mga single friends ko, ipasa mo lang ang CV mo sa kin para macheck ko ang profile mo bago kita ireto sa mga friends ko. hehehe. joke lang po pero pede mo ding totohanin 🙂

kenny rogers at 3 red roses

Bagong bukas yung Kenny Rogers sa isang mall dito malapit sa min. Sobrang miss na namin to. Medyo malayo kasi yung ibang branches ng Kenny Rogers. Last week lang nagbukas kaya naisip namin dito kami magdinner.

Maraming pinoy crews kaya nakaka-at home kumain dun. Medyo pricey pero sige minsan lang.

Usap-usap, tawanan, kulitan, 18th birthday din kasi nung kambal na mga kapatid na babae ni Manong so kwentuhan tungkol sa handaan sa Pangasinan.  May pasok pa si Manong sa gabi kaya di kami pedeng magtagal dun.  Past 8pm lumabas na kami ng resto.

Ako: (Nag-uungot). sabi mo Manong bibilhan mo ko nun tuwing anniversary natin ah.

Manong: ano yun? relo?

Ako: Hmp! alam mo naman di ako mahilig sa alahas ah.

Manong: eh ano nga, damit?

Ako: hayssss… ayan oh (sabay turo sa flower shop).

Manong: uso pa ba yan?

Ako: Ewan ko sayo (pabulong bulong) sabi mo nun bibigyan mo ko ng flowers tuwing anniversary natin. Hmp!

Manong: Sa susunod na lang bibigyan kita.

Ako: Minsan na nga lang yung aniniversary natin eh. (Nag-uungot pero nakangiti).

Manong: O sige na papasok na ko.

Ako: Love you, Chuchi (ito na ang madalas na tawag ko kay Manong lately..hehe). Happy birthday ulit sa tin!

Nag-MRT ako at naglakad ng ilang metro. Bago ako umakyat sa flat namin, tumawag muna ako kay Ate sa Saudi. Kinamusta ko lang kasi kakapanganak nya lang kahapon. Mga 30 minutes kami nag-usap sa baba ng flat. Pagdating ko sa kwarto nagsort muna ako ng mga sulat na kinuha ko sa mailbox. Tumawag si Manong.

Manong: Kakadating mo lang?

Ako: Yup, Chuchi. Office ka na?

Manong: As in ngayon lang?

Ako: Paulit-ulit, paulit-ulit? (sabay tawanan). Oo nga, ngayon lang. Tumawag pa kasi ako kay Ate.

Manong: Nasan ka?

Ako: Dito nga sa kwarto, kulit oh.

(Bago pa man ako makapang-okray…nagulat at sobrang natuwa ako sa nakita ko sa gilid ng kama namin).

Hindi sya purple tulips gaya nung sa civil wedding namin dito. Pero sobrang natuwa ako kasi akala ko nalimutan na nya. Natuwa ako kasi si Manong ay hindi palabigay ng bulaklak pero dahil alam nyang ikatutuwa ko to, ginawa nya. Saya saya naman 🙂

One year and counting…… 🙂

adobong baboy at malamig na coke

Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nalanghap namin at nagtalo kami ni Manong at nauwi pa sa iyakan (well, syempre ako ung umiyak. hehe).

Late na kami gumising, alas-onse pasado na ata. Maganda naman ang gising namin, nag-usap pa nga kami kung ano uulamin namin sa pananghalian. Wala ng almusal, derecho na sa pananghalian.

Manong: Manang, luto ka ng adobong baboy ha. Bumili ako ng baboy sa grocery kahapon.

Ako: Sige, pero ikaw magsaing ha.

Niligpit ko na yung kama namin, sinalang ko na din yung adobong baboy. Habang nag-aantay, ngremote access ako sa email ko sa office. Tumawag din yung sa production mga dalawang beses.

Manong: ano ba yan, trabaho na naman.

Ako: sandali lang to, may chineck lang ako.

Manong: kagabi late ka na natulog dahil sa trabaho. off mo naman ah, magpahinga ka naman.

Ako: Hindi naman ako nagpapabaya dito ha. ayan nagluluto ako sa kusina,  nagcheck lang ako saglit. ikaw nga panay games mo jan sa phone mo.

Speaking of nagluluto, naalala ko may nakasalang pala akong adobo. Buti hindi nasunog, natuyuan lang.

Sa sobrang inis ko, naglinis ako ng banyo. feeling ko naman aping-api ako habang nag-iis-is ng toilet bowl at ng sahig. Si Manong naman nagligpit ng mga sinampay na damit sa sampayan at nilagay sa kama.  Halatang nainis din sa pagmamaktol ko. Pagkatapos ko maglinis ng banyo, isa isa kong tinupi ang mga sinampay.

Manong: mamaya na yan, kakain na. naghain na ko. (1:30 pm na to)

Ako: ayoko kumain, tatapusin ko to baka sabihin mo nagpapabaya ako dito sa bahay.

Manong: hindi ko naman sinabi yun ah. ang sa kin lang wala ka ng pahinga.

Ako: sinabi ko naman na naka-leave ung kasama ko, di ba?  kaya ako lang inaasahan nila, gusto ko ba to? pagod na pagod na din ako ah. (sabay hagulgol at punta sa banyo)

Sumunod si Manong.

Manong: sige, iiyak mo lang yan.  (ako naman hagulgol pa din na parang bata)

Ako: hindi mo ko maintindihan eh, di naman ako nagpapabaya dito sa bahay ah.kelangan ko lang talaga icheck yung email ko.

Manong: Oo, alam ko naman yun, multi-tasking ka lagi sa trabaho saka dito sa bahay. Pero wala ka ng oras sa sarili mo.

Ako: gusto mo lang siguro gamitin yung laptop! ikaw nga jan panay games mo, niligpit ko na nga yung kama eh, nagluto na ko at naglinis ng banyo ah.

Manong: Oo nga alam ko yon,  pero wala ka ng pahinga, dami mo lagi iniisip, wala ka na oras sa sarili mo, di ka pa nga ata nakapagsuklay (sabay yakap sa kin). halika, kain na tayo.

Nagsuklay naman ako nung umaga ah.

Ako: hmp! pakagat!  (yan ang pang-alis ko ng inis kay Manong pag nagtatalo kami.  kelangan ko makakagat sa bisig nya o kaya bigyan sya ng madiing kurot sa braso)

Ako: dito na tayo kumain sa kwarto, ayoko lumabas. Mugto yung mata ko.

Dumating si Manong na may dalang isang plato ng kanin na nilagyan ng maanghang na adobong baboy. May dala din syang isang baso ng malamig na malamig na coke.

Manong: share na tayo sa plato.

Tahimik sa kwarto. Kumain kaming nakakamay at pinagsaluhan ang adobong baboy habang nanonood ng NBA game sa TFC.

Manong: sarap no? match na match yung malamig na coke dito sa adobo.

Ako: Hmp! pagkatapos mo kong paiyakin jan. Pasalamat ka masarap magluto ang asawa mo.

Manong: Wag mo sasagutin yang phone mo pag galing sa office ung tawag ah.

Ako: Wag ka din maglalaro ng games ha. Pag nakita ko lang naglalaro ka, itatago ko yang iphone mo.

Sabay tawanan.

=======================================================

Ah gutom lang pala. Alas dos na din kasi ng hapon. Walang laman ang sikmura pati mga isip mababaw na din at nauubusan ng pasensya. Buti kayang bawiin ng adobong baboy at malamig na coke.

Sa buhay mag-asawa, kelangan ng madaming baong pasensya at pang-unawa sa isa’t isa. Alam ko madami pa kaming ganitong pagtatalo at maaaring mas malalim pa. Wala pa nga kaming isang taong kasal. Kung ire-rate ko ang pagsasama namin, siguro 8.5/10. Hindi perfecto pero masaya. At ang mahalaga, at the end of the day, naaayos ang problema, may pagpapatawad, pagpapakumbaba at pagmamahal. At higit sa lahat, may masarap na adobong baboy at malamig na coke na pagsasaluhan.

🙂

fishball noodles and chilli

This is a true story shared by a Singaporean colleague.

His mum (or mom) was recently diagnosed with stomach cancer and has undergone surgery just a week ago. His scholarship for further studies in the US has been approved and he is set to go this June. But he opted to stay and take care of his mum while recovering from cancer.
I couldn’t help but commend him for his post. I even told him he can title it as “the parable of the fishball noodles and chilli”.

He just smiled at me.

This is his exact post from his facebook.

“Was at TTSH (a famous hospital here in Singapore) canteen this afternoon with a friend.

Shared a table with a mum and her late-teens son.

Mum bought a bowl of fishball noodles for her son but got screamed at for forgetting the chilli.

(chopped red or green chillies are common condiments for soups here in this side of the planet)

I couldn’t help but ask the son if the chilli was more important than his mum?

And if the chilli was indeed so important, he should jolly well get off his ass and get it himself.

Haha got a middle finger as a reply from the son but an appreciative smile from the mum.

Let us learn to be more appreciative of what our parents have done for us.

Focus not on the lack of chilli.

Rather focus on the very bowl of noodles in front of you

which was only made possible thru the time, effort  and money provided by our parents’ love.”

That’s a very powerful deed coming from a son who almost lost his mum to cancer.

Recently, I had a misunderstanding with my mum.

 It took me a while to realize how stupid I am to feel and think that way.

I have said harsh words which I shouldn’t.

How can I, who is far away from her, be unforgiving for a simple mistake

when I should have just called and clarifiy things with ther?

We shouldn’t focus on things that  are missing but rather appreciate what is there and what is more important.

And remember, fishball noodles still taste good without the chilli.  So don’t focus on the lack of chilli but on the goodness of the fishball noodles.

Happy Mother’s day, Mommy, and to all mothers in the world!

waiting for trisha

“Asan na’ng apo ko? Sabik na ako sa apo eh”

Yan ang paulit ulit na tinatanong ni Tatay nung minsan nagbakasyon sila ni Nanay dito.

“Wala pa po eh”. Magalang na sagot ko.

“Aba bilis bilisan nyo na. Sabik na ko magka-apo eh”.


Ganun lang kasimple yung sinabi nya pero sa kin parang ang bigat-bigat.

Lalo’t paulit ulit ang pagtatanong na para bang may obligasyon akong hindi ko nagawa ng tama.

Feeling ko may utang ako sa kanila, sa lahat. Na sa tuwing titingnan nila ako, gusto ko lumihis ng tingin kasi wala ako maisasagot sa tanong nila.

Tumatak sa isip ko yun kahit ilang buwan na ang nakalipas. Mula noon naging mailap na ko sa kanila. Hindi na ako yung dating tumatawag lagi para mangamusta. Ngayon nandon lagi yung takot na tatanungin na naman nila ako sa apo nila at wala akong masasagot. Dyosme, kung may nabibili lang sa kanto nun eh mamamakyaw na ko. Minsan hinahanap nila ako pag tumatawag si Manong sa kanila, pinapasabi ko na lang na busy ako o sadya akong umiiwas kausapin sila. Ayoko kasi mapikon pag hinanap na naman nila yung wala pa.

Sabihin mo nang OA ako pero ganun talaga ako ka-psychologically affected. Gustuhin ko mang palampasin na lang pero hindi ko magawa. Ayaw na ayaw ko kasi yung bumibigo sa expectation ng iba. Feeling ko failure ako para sa kanila kasi hindi ko sila mabigyan pa ng apo. At failure din ako kay Manong at sa sarili ko.

Ako din naman nananabik….sobra. Pangarap ko sa buhay ang maging mabuting asawa at ina. Hindi pagiging Engineer o Chef o magkaron ng mataas na katungkulan sa kumpanya. Maging isang mabuting asawa at ina. Yan lang ang gusto ko.

Kung gaano sila nananabik sa apo nila mas lalo akong nananabik makita ang junior namin.

Makuha kaya nya ang mga mata ko o matangos na ilong ni Manong? Kulot ba ang buhok nya gaya nung bata ako? Tisay ba sya o nakuha nya ang kayumanging kulay nila Manong? Matalino kaya sya? Makulit at bungisngis gaya namin? Matangkad ba sya o maliit gaya ko? Palangiti kaya sya? Masayahin kaya syang bata?

Kung alam lang nila yung lungkot ko sa tuwing negative ang resulta ng test.

Kung alam lang nila  yung paghahangad ko na sana pag uwi ko sa bahay may baby na nag-aantay sa crib na paniguradong papawi sa pagod at stress ko sa trabaho.

O yung weekend na mamamasyal kami sa park sa tabing dagat o kaya magsa-shopping ng mga magagandang damit pambata o maglalaro sa playground.

Pero anong magagawa ko?

Gustuhin ko man magtanong sa Kanya, ayoko. Nahihiya ako. Alam ko kasi ibibigay naman Nya yun sa amin sa tamang panahon. Ayoko magtanong kasi wala akong karapatan kwestyunin ang mga nangyayari at mangyayari pa. Basta ang alam ko at pinaniniwalaan ko at lagi kong hinihiling sa Kanya, isang araw darating sya. Si Trisha. At sya ang kukumpleto sa masayang pamilya namin.

At may isasagot na ko sa tanong nila. “Asan na ang apo ko?” na sasagutin ko ng “Nasa labas po naglalaro. Kasama ng tatay nya.”

Alam kong malayo pa ang panggagalingan mo, Trisha. Malayo kasi ang langit, di ba? Pero kahit malayo at matagal, aantayin kita.

Aantayin ka namin.

hikaw, christmas tree at facebook

nakapabusy ng araw na to. simula umaga hanggang sa huling minuto, busy ako. oo, ako na ang busy-busyhan pero  masaya naman akong naging busy para sa araw na to.

11 December 2011

4am -> ginising ako ni Manong para ayaing kumain sa McDo kasi nagugutom daw sya. magba-bike sana kami kaso malambot yung gulong kaya naglakad na lang kami. sarado yung McDo kaya sa 711 na lang kami bumili ng makakain. nakauwi kami ng bahay before 5am na.

8am -> tinanghali ako ng gising kaya dali dali akong naligo at pumasok sa office, half day ako ngayon kaya busy-busyhan ako kanina. si Manong tulog pa kasi night shift sya kaya kelangan mag-ipon ng tulog

2pm -> nakauwi ako galing office. ginising ko si Manong para kumain. tinapang bangus at ginisang beef at corn soup ang ulam namin.

5:15pm -> ginising ko si Manong para magsimba at magdinner na din.

6:15pm -> late kami sa Misa. pero di bale gusto ko talaga magpasalamat sa Kanya kaya kahit nakatayo kami, ok lang.

7pm -> nag-dinner kami ni Manong sa Teppanyaki sa isang mall dito. first time namin pareho dun. ok naman yung food medyo may kamahalan at bitin ako sa rice!

8:15pm -> naghiwalay kami ni Manong sa mall pagkatapos naming ipaadjust yung relong niregalo ko sa kanya para naman sa birthday nya. may pasok pa kasi sya sa night shift kaya nagpaiwan ako sa Mall. kahapon inabutan nya ko ng $300, ako na daw bahala sa gusto kong bilhin sa birthday ko (ahihi). nung isang araw tinawagan nya ko na bibilhan nya daw ako ng kwintas. ano raw ba gusto ko. sabi ko wag na, ako na lang bibili (wala akong tiwala sa taste nya.. hehe).

naglibot-libot ako sa Mall. gusto ko kasi madami akong alaala sa gift nyang pera sa kin. tingin ako ng mga relo pero wala ako magustuhan. I ended up buying a pair of earrings. two-toned sya gaya nung wedding ring namin at may maliit na diamond. $199. may sukli pa ko..yehey! 🙂

nawili naman ako sa mga Christmas decors. kakabili lang namin ng bagong Christmas tree kasi inuwi na sa Pangasinan yung luma kong  tree.  dun naubos ang oras ko kakatingin sa mga palamuti sa Christmas tree at syempre iniisip ko din ung budget. mejo mamahalin yung mga ornaments dito at kakaunti lang ang choices. so ayun ang nabili ko –earrings at mga christmas decors..

10pm-> nakauwi ako ng bahay. dali dali kong nilagay yung mga decors sa christmas tree. bronze/red/gold ang motif namin ngayon. simple lang yung christmas tree namin di tulad last year na madaming burloloy.. nevertheless, masaya ako kasi lutang na lutang yung pagka-green nya.. alam nyo naman ako like ko ang green 🙂

12:58am ->next day na to, pero hindi ko pa tapos replyan lahat sa facebook. ang dami! nasa almost 200 yung rereplyan ko. ayoko kasi ng basta i-like ko lang. gusto ko isa-isahin kong pasalamatan yung mga nakaalala sa araw ko at kamustahin na din. nakakataba ng puso, nakakabuo ng araw pag may nababasa kag sweet thoughts and wishes mula sa mga kaibigan, pamilya, dating classmates, officemates, etc . feeling ko special ako at may mga nagmamahal sa kin.

naisipan ko din magpost sa blog ko para may alaala ako sa araw kong ito. last year nilagay ko lahat sa garapon ang mga nagpapasaya sa kin. basta masaya ako ngayon. paminsan-minsan lang naman to kaya iki-claim ko na na akin ang araw na to. at ako ang bida. ako na! hehe

at gaya nga ng pinost kong status sa FB..

To the One above, I will forever be grateful for your blessings…

balik-tanaw

Ang bilis ng siyam na araw na saglit akong namaalam sa hectic kong buhay dito sa SG. Opo, 9 days akong nasa Pinas. Hindi ko maubos maisip na eto kaharap ko na naman ang mabagal kong PC at nababagot ako dahil wala akong makakwentuhan. 9 days na parang kahapon lang ay nag-eempake pa kami ng gamit namin na dadalhin sa Pinas. Ang bilis ng oras 😦

Tatlong araw ang nilagi naming sa Pangasinan, sa bayan nila Manong. May sampung buwan din nung huli akong dumalaw sa kanila. Namiss ko naman talaga ang tahimik na buhay dun, ang sariwang gulay at preskong hangin. Madaming pagbabago sa bahay at buhay nila Manong. Nakakatuwa kasi kahit paano naging parte ako sa pagbabagong yon. At masarap magbalik-tanaw sa kung anong meron sila dati at sa meron sila ngayon.

Yung dating lumang bahay na madilim at magulo, maayos na ngayon, bagong pintura. Ilang buwan ding pinag-ipunan ni Manong ang pagpapaayos sa kisame sa sala at kusina, napalitan na din ang mga lumang bintana ng sliding windows, yung kisame pinagawa nya pa yung plano nun sa tropa naming Architect dito sa SG. Binilhan din namin sila Nanay ng bagong sala set at lagayan ng TV nung huling umuwi kami. Talaga naman nakakatuwa sya tingnan ngayon kasi nakita ko kung ano hitsura nun dati. Yung madilim na banyo nun na amoy baboy (tabi kasi ng babuyan), maganda na ngayon at maaliwalas.  Ako ang pumili ng mga tiles, toilet bowl at gamit sa banyo nung huling umuwi kami. May flush na din 🙂  Napakabitan na din ni Manong ng motor pangtubig kaya hindi na kami kelangan mag-ibig ng gagamiting tubig sa kusina o banyo. Itong huli, binilhan na din namin sila Nanay ng automatic washing machine. Alam ko matagal na nyang gusto ito lalo pa’t wiling wili sya sa paglalaba sa bahay naming nung nagbakasyon sila sa SG ni Tatay. Naiset-up na din nila yung luma kong 7ft na Christmas tree. First time nila maglagay ng Christmas tree kaya ramdam ko na masaya sila sa munti kong regalo. May aircon na din yung kwarto namin ni Manong (weehh..hehe). Nakapundar na din kami ng thresher ng palay at mais bukod pa sa nabiling mga lupain at baka (oo, baka, para mai-corned beef.. hehe). Wala lang nakakatuwa lang dahil sa paglipas ng ilang buwan, madami na din palang nabago sa bahay at buhay ng pamilya ni Manong..ooppss.. pamilya ko na din pala 🙂

Lumuwas kami sa Cavite para naman sa side namin. Madami din akong pagbabalik-tanaw sa ilang araw na nilagi ko dun. Bukod sa naglalakihang pinsan na hindi ko na makilala, nagawi din ako sa mga dating lugar na naging importante sa kin.

Isa na dun yung dati naming tinirhan sa Las Pinas.. yung nakwento kong apartment sa “Washing Machine”. Hindi ko naman talaga nakita yung bahay pero nadaanan namin yung subdivision. Mukhang luma at masikip na yung labasan. Siguro kasi dumami na din yung mga bahay na naitayo dun. Yung dati kong school sa elementary, ang laki na din ng pagbabago. May ilang floors na sya ngayon at mukhang sumikip na din. Teka bakit ba hindi ko napicturan yung mga yun 😦

Ang huli kong pagbabalik tanaw ay sa Intramuros. Kelangan kumuha ni Manong ng NBI clearance at ako naman, naisip ko ding ayusin yung diploma ko na “his” ang nakalagay at hindi “her”. Hindi talaga ako mapakali sa mistake na yun. hehe. Sabi naman ng Registrar papalitan daw nila kasi mistake nila yun. Gusto ko din naman bumisita sa aking Alma Mater. Ah eto may pictures na ko 🙂

Same old place. Hmm, pedeng sabihin na, older place na sya ngayon. Yung underpass na dinadaanan ko nung nag-aaral pa ko, puno na ng mga nagtitinda ng pagkain, damit, may patattoo pa nga eh. Ok na din kasi hindi na masyado nakakatakot maglakad. Yun nga lang lalong sumikip at dumilim. Madami pa ding tinda tinda sa labasan. Gusto ko nga sana bumili ng banana-que eh kaso nagmamadali na ko.

Una kong hinanap yung McDo at 711 sa labas ng side gate. Nyahh, bakit may building na don. Hotel pa nga yata yun eh. Whatever. Wala na yung McDo at 711, OK fine.

Dun na lang ako sa main gate dumaan at nagregister. “Alumni po.” Sabay tatak ng guard sa braso ko “MAPUAN. VERIFIED”. May ganun? Eh hindi naman nila chineck yung records ko.. ah basta nag-iwan lang ako ng ID dun.

To cut the story short,  hindi ko naman nakuha yung “her” na diploma ko kasi wala pa daw yung Dean. Naisipan ko na lang umakyat sa walls.

Ibang iba yung pakiramdam kasi after ilang years (15 years ata) nakatapak ulit ako sa tambayan namin dati. Kung san madalas kami magreview (at mag date? Haha) nung College. Ganun pa din naman ung walls. Tanaw pa din ang City Hall. Andun pa din ang mga lumang kanyon. Mejo bitak na din yung mga bato at kung hindi ka maingat eh talaga naman matatalisod ka. Dami pa din estudyante. Madami na nga lang mga nakamamahaling kotse (nung sa panahon kasi namin iilan lang ang may sasakyan).

Mausok pa din sa Maynila. Habulan pa din sa Jeep. Babaan sa gitna ng kalye. Abutan ng mga naglulumaang barya at perang papel na bayad sa driver na pawis na pawis. Takip ng ilong dahil sa tindi ng usok habang patagong nagti-text kasi baka manenok ang aking iphone4s (wehh… hehe).  Buti na lang talaga coding kami nun kaya naranasan ko ulit ang sumakay ng jeep at malanghap ang usok ng Maynila.

Reminiscing lang naman.

I’m back 🙂

midlife crisis

Hyper na naman ako.

Ang daming bagay na tumatakbo sa isip ko. Madami akong gustong gawin at puntahan pero parang kulang lagi ang oras. Gusto kong pumayat, mag-gym, gusto kong magcharity, gusto kong mag-aral ng Culinary Arts, gusto kong mag-baby, magresign, magbusiness, manirahan sa New Zealand, alagaan si Daddy, ipa-renovate yung bahay sa Cavite, magtayo ng farm sa Pangasinan, magdonate para sa Operation Smile, ipasyal ung pamangkin ko sa Universal Studios, mag-aral mag-drive. Ang dami kong plano. Puro yata eroplano eh.

Slow me down, Lord. Alam ko naman po na kaya ko pero hindi sabay-sabay. At alam ko naman din po na  hindi lahat yon gusto mo para sa kin. Ikaw na po mamili kung ano yung dapat mauna. Kasi sa totoo lang nalilito ako kung ano ba dapat ang uunahin.

Ito ba yung tinatawag na Midlife crisis? Term pa lang nakakatakot na di ba? Midlife. Crisis.

Pero kung tutuusin, aminin ko man o hindi,  parang ito na nga yon. Yung parang nasa crossroad ka ng buhay at kelangan mo mamili ng priorities mo. Come to think of it, I might have already spent half of my life. Who knows hanggang kelan ako sa mundong ito. Gaya ni Steve Jobs who died at a young age of 56. Imagine 56, and he had all the money and power in the world yet they could not save him. Ako pa kaya na ordinaryong tao lang. Kung totoo nga na nasa midlife na ako sa ngayon, ano ba ang gagawin ko sa susunod pang mga natitirang taon ko dito sa mundo to make it worth living? Yung purpose-driven life na tinatawag.

While it is true na maiksi lang ang buhay, siguro pwede naman maging quality life ito kung gugustuhin lang natin at kung aalamin natin kung ano ba yung dapat unahin. 

Should I start improving or helping myself first before I try to help others? Like taking care of my health (regular exercise, eating healthy foods, getting rid of bad fats). Paano ko ba magagawa yung mga plano ko kung sakitin ako? Paano ako mag-aattempt magkaroon ng babies kung ako mismo hindi healthy? (Biro ko nga kay Manong, siguro hindi pa binibigay ni Lord sa tin yung baby natin kasi puro taba daw at bilbil ang tyan ko, wala pang space para kay baby.. hahaha).  Or paano ako magtatravel sa kung saan-saan pang lugar kung hindi ko naman kakayanin yung weather kasi mahina ang katawan ko? Paano ako magfifishing sa New Zealand kung uugud ugod na ko kasi sakitin ako?

How about my soul? Wala na bang grudges, wala na bang hatred sa puso ko? Have I been totally healed from past wounds? Have I totally forgiven and forgotten? Kasi kung meron pa, isa ito sa nakakabigat sa bitbitin ko. If I’m always reminded of past hurts or plans that didn’t work out, pano ako magfo-focus sa mga future plans ko?

How about my relationship with God? OK ba kami? Wala ba kaming tampo sa isa’t isa?  Ako, I’m sure, wala akong tampo sa kanya pero Sya, hmm baka nga may tampo sya sa kin. Kelangan ko yata ayusin muna to. Mahirap na pag si God ang may tampo. Bale wala lahat pag si God wala sa side mo. Sige mamaya mag-uusap kami ng masinsinan sa simbahan.

Sometimes it pays off when you talk to yourself once in a while.

Ganito na lang. I will live each day one at a time. I will focus on improving myself, my relationship with God, my relationship with others, and everything else will follow.

kanina pa nga humihilab ang tyan ko at kelangan ko magbanyo..sa tingin ko, ito muna ang uunahin ko sa ngayon.. eeewww 🙂

Happy Sunday, everyone 🙂

paalam, Cornella..

Kahapon pa ko malungkot. Tuluyan nang namaalam si Cornella. Ilang taon din kaming nagkasama nun. Magpo-4 yrs sana sya ngayong December.

Kahapon lang ng umaga masaya pa akong naglilinis sa kusina at naibulong ko sa kanya na nakabili na ko ng ingredients sa bago naming cake recipe. Strawberry-layered chocolate walnut cake. Pangalan pa lang nakakatakam na di ba? Excited din lahat ng housemates pati si Manong sa ibi-bake kong cake. Nasarapan kasi sila dun sa binake ko last time na chocolate walnut cake din. This time, 3 layers sya with strawberry fillings tapos lalagyan ko pa sana ng chocolate frosty at mga strawberries at grapes sa ibabaw. Lahat ng iyon naglaho kahapon nung mapansin kong hindi umiinit si Cornella.

Si Cornella ang aking matapat na Oven.

Nakailang power on/off, plug/unplug ako kahapon pero wala talaga. Naisip ko baka nabasa ko yung wirings sa loob nung nilinisan ko sya nung umaga. O baka naman nagtampo si Cornella kasi nilalagyan naming sya ng mga tiring ulam at nitong nakaraang araw since me dalang bagoong sila Nanay galing Pangasinan eh  ilalagay din namin dun pag me leftover. Baka hindi nya nagustuhan yung amoy ng bagoong. O maaring nagselos sya kasi si Sanyo (ang aking microwave oven na mas matanda pa sa kanya) at katabi nya lang sa kusina eh hindi naman nilalagyan ng left over na food sa loob.

Nanghihinayang ako pag may mga bagay na anjan dati tapos wala na ngayon. Nagpabaya ba ako? Hindi ko iningatan? Inalagaan? Gaya ni Cornella. Baka isipin nyo me sayad ako (slight lang.. hehe) kasi pinangalanan ko ang aking oven ng Cornella (Cornell kasi ang brand nya). Kung babasahin mo yung  nauna kong post na  Pathetic Fallacy, maiintindihan mo na mahilig ako magpangalan sa mga bagay na malapit sa kin. At totoo,  malapit sa kin si Cornella dahil sa hilig ko sa pagluluto at pagbi-bake.

Madami akong sinubukang recipes nung “buhay” pa sya at madami akong napangiti dahil nasarapan sila sa mga recipes na yun. Ito ang ilan lang sa mga nagiging masasaya naming alaala ni Cornella:

Chicken ala king (nagdala ako sa office at bilib naman ang mga chekwa kong housemates. Madami din humingi ng recipe nito), baked macaroni(specialty ko .. naks. hehe).. kasi lagi nirerequest pag me gathering ung tropa namin, mga ulam sa bahay (baked tahong, grilled pork/bangus/chicken, steamed dory fish with butter and garlic), butter cakes, banana bread, cinnamon cake, chocolate cakes at meron pa sana kaming project yung Braso de Mercedes. Pati yung muffins at macaroons. Naghahanap lang ako ng tyempo para makabili ng muffin molds.

Hindi ako nanghihinayang sa gagastusin ko pambili ng kapalit ni Cornella.

Nanghihinayang ako kasi matagal kaming nagkasama at sa tingin ko madami pa sana kaming taon na pagsasamahan. Kasabayan nya pa yung ibang gamit ko sa bahay pero bakit nagpauna na syang namaalam. Feeling ko napabayaan ko talaga sya.

Sorry, Cornella. Promise yung susunod na papalit sayo, aalagaan  kong mabuti.

the beach and the elephant

Have you watched the movie “The Beach” starring Leonardo Di Caprio in 2000? It was filmed in Phi Phi Islands in Thailand and below photo is one of its famous shoot locations at Maya Bay.

I had the chance to visit this paradise (and take above photo, too) when we went to Krabi and Phuket a few weeks back. It was my 8th visit in this lovely country but my first at Krabi.

Krabi is a quiet town which boasts of many beautiful islands. There are many tourists, mostly Westerners and few Asians. It was only a 1 1/2-hour-flight from Singapore and there are hundreds of hotels / resorts / inns to choose from.

small pubs at day time

view from our hotel

One good thing I like from this town is that you can rent a motorbike for only 100baht a day (~150pesos) and you can go around the town on your own. You just need to leave your passport as a deposit. That’s a lot of savings compared to taking public transport everytime.

Our first day there was mainly spent going around the town looking for local foods, buying souvenirs, going for massage and enjoying seafoods as the price was way cheaper than here in Singapore. We booked for Phi Phi Islands tour for the next day.

We were picked up from our hotel at 8 in the morning and took the speedboat (which was really fast) from the pier along with other tourists. We visited a few islands and had lunch in one of them.

I really enjoyed the blue sea and the green surroundings. I’ve been to different beaches before (in Philippines and Thailand) but I really fell in love with this place. It was like a bunch of tiny islands scattered around and each of them has its own charm and mystery.

Maya Bay was really captivating. Despite the hot weather, we swam, snorkelled and just enjoyed every minute we were there.

Koh Phi Phi National Park

Maya Beach

The next day, we just enjoyed the whole morning at the hotel swimming at the pool after our buffet breakfast. We were picked up by our rented van at 10am off for our next destination, Phuket.

It was a 3-hour comfortable journey from Krabi along with 11 other tourists. We paid 350bahts each.  This is quite cheap compared to taking a speedboat to reach Phuket.

Unlike Krabi, Phuket is crowded and noisy (especially at night) where pubs are everywhere.  I can say that nightlife, and not the beach, is the main attraction in Phuket. I’ve been to this place in 2003 but it was so different now. Street foods are everywhere which I really enjoyed.

Our room was on the 14th floor and we had a good view of Phuket from above 🙂

Phuket at night

We went for the Elephant tour the next day, it was a halfday event but it was really fun though the weather was very hot that day.

As we still had few hours left before our flight, we decided to watch “Captain America” in the mall’s cinema. The ambiance was really good. It was like a hotel and it wasn’t that expensive.

Just like my previous visits to this beautiful country, I enjoyed every minute I had for both towns. If you have the chance, try to visit these places. It’s worth your money and time.

There goes the short story of  The Beach and The Elephant. Hope you enjoyed reading. 🙂

ching-ching

“Nalimutan mo na naman si ching-ching. Salbahe ka talaga. Balikan mo sya. Hmp! “

Ito ang kadalasang eksena sa loob ng elevator paglabas ng bahay sa umaga papasok sa office.

Hindi naman sya away na masasabi. More on lambingan o asaran lang.

Ching-ching ang tawag namin sa aming wedding rings. At oo, madalas nalilimutan pa din namin isuot lalo’t nagmamadali.

Minsan binabalikan pa talaga namin sa bahay. Minsan naman (lalo’t pag sabay namin nalimutan isuot) eh magtatawanan na lang kami.

Isang buwan na ang nakalipas after ng aming purple and green wedding (civil) dito.

Madaming pagbabago. May nakkatuwa, may nakakainis.

  1. sumikip ang kwarto ko (ay namin na pala) -> dahil mas convenient na sya ang lumipat sa bahay namin kesa humanap kami ng ibang flat, eh nadagdagan ang mga gamit sa kwarto. lalong sumikip at dumilim. may naglalakihang pantalon na nakasabit. madaming jersey shorts (dahil likas na mahilig sa basketball si Manong), madaming tuwalya, etc.
  2. lumiit ang aking bedspace -> waahh yung anim na unan ko naging tatlo na lang. at hindi ko na sakop ang buong queen size bed, may kahati na ko.
  3. madaming kable -> charger ng PSP, charger ng phones, ipod at kung ano ano pa. parang mga spaghetti noodles ang  mga kable dun sa saksakan. dati charger lang ng phone ang nandon.
  4. hard core music -> hindi ko alam powerful pala yung speaker ko sa kwarto, kasi sa tuwing magpapatugtog sya dumadagundong sa kwarto na palihim ko naman hinihinaan ang tunog dahil ayaw ko sa malalakas na music.
  5. ang daming labahin -> dati kahit 2 wks ako di maglaba ng mga damit ko, carry pa. ngayon ang bilis mapuno nung laundry basket.
  6. ang toilet seat! -> madalas ko nababasa to na ito ang isa sa mga major major na changes. at totoo nga!! kahit anong gawin kong pagbaba ng toilet seat, sigurado mamaya lang nakataas na naman. so ayan, pirmi na syang nakataas kesa lagi naman ako magsermon tungkol dito.
  7. may kaagaw na ako sa mga palabas sa tv -> dati kahit anong teleserye panoorin ko ok lang. ngayon me naglilipat na sa ibang cable channels! naiinis pa nman ako ng palipat lipat kasi minsan namimiss ko yung eksena sa TFC.
  8. may malakas na hilik sa gabi -> dati ako lang ang naghihilik. ngayon me sumasabay na. at madalas, ako pa ang sinisita kasi malakas daw hilik ko. sorry po, pagod lang. hehe

Ilan lang to sa mga pagbabago na nakakasanayan ko na din bilang bagong misis. I’m sure madami din syang paninibago.

Hindi naman sya pagrereklamo (slight lang.. hehe) pero isang pagkukumpara nung buhay ko non at ngayon.

Madami din naman positive changes at happiness syempre. Gaya ng pagbuo ng mga bagong pangarap o pagpunta sa mga okasyon na dalawa na kayo, may kaagapay sa lahat (sa grocery, sa pagpasok sa office, sa mga hinaing sa trabaho, etc).  May kasama, katuwang, better half.  Mas may meaning ang bawat paggising sa umaga kasi alam mo may katabi ka ..na kahit may muta o amoy laway pa eh gustong gusto mo halikan at batiin ng “good morning” o yayakapin ng mahigpit at sasabihin “ayan, para masaya ang araw ko kahit pagod sa work”

In short, hindi na ako mag-isa kundi parte na ako ng isang bagong kabuuan.

Isang kabuuang pang habang buhay na pipilitin namin maging solid, intact at hindi kailanman kayang buwagin ng pagsubok…

sila Ching-ching 🙂

purple and green

I’ve long been dreaming  of a Purple and Green Day

 It starts with a purple ambiance

with  purple and green balloons

and yummy purple and green cupcakes

simple purple tulips

and purple gerberras

purple and green corsage

and purple laced tokens

but then i woke up and realized i was no longer dreaming.

I self-proclaimed 11 June 2011 as my own Purple and Green Day

 which I happily shared with my Manong 🙂

I thank you all for being with me in my journey.

I always feel some kind of belongingness here everytime I write my thoughts.

That’s why I decided to share again a piece of my happpiness.

Wish us luck in our new life together….

~Manong and Manang~

🙂

numbers

i’m getting sick of people worrying about how they look like, how old they are getting, how many calories are in their food, how much they weigh, how many wrinkles are appearing on their faces, etc..

“ayoko ng magbirthday, tumatanda na ko”

“ang daming calories nyan!”

“dami ko ng wrinkles”

“ang taba ko na”

“ang liit ng sweldo ko”

ah.. numbers.

don’t you think it’s so stressful to live your life bounded by limits? when you always have to worry on how you can impress others by the way you dress or how slim you are or how much money you have in your bank account?

come on, it is not always about YOU.  there are countless things to do in this world rather than think about YOURSELF.

life is not just about numbers. not about quantity but quality. not about getting a good impression but about reaching out to those in need. not about YOU but about OTHERS.

“hindi na ko magda-diet, te, baka bukas o makalawa guguho na ang mundo, sayang naman hindi ko naenjoy yung masasarap na food”

the recent disasters make us think how precious life is. we won’t know what’s gonna happen tomorrow. let’s think about NOW. forget about YOURSELF and enjoy LIFE.

and instead of trying to impress others, why not we make it a habit everyday to impress GOD instead? by doing good, by being good. not so tough, i guess.

Nite nite, everyone! hope we all have a peaceful sleep tonight.  and tomorrow and all mornings, i hope we all wake up with more hope and faith and more goodness in our hearts…Amen? AMEN! ….

anger vs forgiveness

Found out about a colleague’s negligence causing trouble in my peaceful worklife today. I was about to send him an email pinpointing his mistakes and routing the mail to his boss and to my boss. I am BAD.

Then a thought came in.  What if I just talk to him over the phone and tell him what happened? If he argues with me, then let the WAR begin.

That’s what I exactly did. I explained his mistakes and what trouble it has caused us today. To my surprise, he acknowledged it and apologized for committing such honest mistake. He said he will learn from it and he even thanked me for informing him about it.

From that instance, I forgave him. The anger just blew away like a headache lying heavily in my head. I even advised him to be careful next time.

Anger is a choice.

I can choose to be blown away by my emotions and make things hard for another person. It wasn’t my fault anyway.

I can choose to be harsh and unreasonable and proud.

I can choose to be bad and just tell the person “nothing personal, this is just work”.

But Forgiveness is also a choice.

I can choose to forgive and accept that mistakes happen.

It can happen to me, too. That he is just human. And that I am human, too.

I can choose to be good and acknowledge another person’s mistake won’t be so bad after all.

I chose to forgive and it did a lot of difference today.

Let’s choose to forgive everytime. The world is not perfect.

But it can be if we just accept and forgive its imperfections.

 Happy Forgiving Sunday, everyone!! 🙂

garapon

Di ko alam kung san ko isisilid ang kasiyahan ko.

Iba-blog ko ba? Ipopost sa facebook? Itetext ko sa mga kaibigan?

At bakit nga ba ako masaya?

Hmm.. sabihin na lang natin things are falling into places.  Saka Mahal ako ni God.

 

Penge na nga lang ng Garapon. Yung medyo malaki ha, may tight seal.

Ilalagay ko sa loob mga tao at bagay na mahalaga sa akin.

Dadalhin ko kahit saan para maalala ko lagi mga bagay na nagpapasaya sa kin ngayon at lagi lagi.

At pag nalulungkot ako, pagmamasdan ko lang ito para masaya na ulit ako.

 

Teka nabanggit ko ba na birthday ko ngayon?

Kaya pala sobrang saya ako mula pa kaninang pag gising ko..

 

I feel so blessed.

I may not have the best of everything.

But I certainly I have a  God who blesses me with all  that I need to be happy in this world.

Kaya sayo, Big Bro, at sa inyo na nagpapasaya sa akin, a big

THANK YOU!!

 

 Pasok ka na sa Garapon ko. Pramiz, iingatan kita 🙂

sakay na!

Nakasakay ka na ng barko?

Nung bata ako, nasa Grade 3 ata ako nun, hinatid namin si Tita sa Pier sa Manila papuntang Mindanao. Dahil medyo maamoy at mauga yung barko dun sa Pier, nahilo ako at nagsuka. Simula nun parang natrauma ako sa pagsakay ng barko. 

Last month, nag-cable car kami going to Sentosa dito sa SG. At ito ang isa sa mga na-enjoy kong view from the top.

Hmm.. ano kaya feeling pag sumakay dun sa luxury ship na yun? May swimming pool pa sa gitna ah. Napanood ko yun sa movie ni Kristine Hermosa at Aga Mulach dati at mukhang masaya dun..kakaibang experience. Teka, I don’t have to be a Kristine Hermosa to experience that.

So ayun, tawag sa agent, tanong tanong, email email, transfer ng bayad, at last booked na kami for 3days 2nights cruise. Byaheng Singapore at Malaysia lang.

Ang ganda sa loob ng Cruise Ship. Para syang floating hotel. Kumpleto sa amenities. Gym, pool, casino, basketball court, mini-golf range, restaurants (6 meals per day free!!), theater, casino, Spa, Beauty Salon, etc. Wala kang gagawin dun kundi pumasyal, kumain, mamamgha at mag-enjoy.

Nakakawili yung pagkain dun.May buffet style, meron naman ala-carte style at pinakamasaya dun eh libre.. hehe. May bar at entertainment area din, pwede magdisco o chill out lang sa gabi.

2 beses nagstop-over ang barko. Isa sa Malacca at yung isa sa may Port Klang, Malaysia.

Syempre pa andun ang payapang karagatan. I really enjoyed looking at the calm sea lalo na yung mataas ang araw. Blue and green ang paligid. Very relaxing.

Madami tayong kababayan na crew dun. Global Pinoy talaga! Sa restaurant, sa casino, sa entertainment area, sa maintenance, sa bar, sa gym. Una namin tinitingnan yung name plate nila kasi andun yung name saka kung anung bansa sila. Pag nakita namin na Philippines nagtatagalog na kami. Tuwang tuwa sila na may Pinoy na guests dun kasi bihira daw dun mga Pinoy. Madami kaming nakakwentuhan. Pati yung naglilinis ng bintana sa labas ng barko, Pinoy din. Nakakatuwa kasi parang sabik din sila makakausap ng kababayan.

Bitin yung 3days, actually parang 2 days nga lang kasi gabi lumaot yung barko. Madami pa sana pwede gawin dun at i-enjoy. Next time yung 6 days cruise naman ang itatry ko. Yung dadaaong sa Malaysia, Thailand at Vietnam para mas masaya. 

I took this photo from the restaurant inside the ship while having lunch. Nasa Singapore na ulit kami nito. What I like most about this photo is just a month ago, we were in one of those cable cars above looking at this Cuise ship and wondering kelan kaya kami makakasakay dito. At ngayon, yung cable car naman ang tinatanaw namin from the Cruise ship. Di ba ang saya?

So pano po, sakay na!! 🙂

wonder mom

“Nahohomsik ako te iba n pla pg my anak k n. gus2hn k mn mksama ank ko wla nmn pera sa pinas. Hrap n hrap kaloobn ko te pra gus2 n sumabog. Ipgdsal m dn me te ha…”

Exact text messages ni Insan sa kin kahapon. Nagtatrabaho sya sa Taiwan.

Actually natapos na yung contract nya dati at umuwi sya sa Pinas.

Nag-asawa at biniyayaan ng isang cute na baby. Pero nitong September nagpasya syang mag-abroad ulit kasi mahirap daw ang buhay sa Pinas.

2 years ang contract nya. Walang uwian until matapos ang contract. Ibig sabihin 2 years pa bago nya makasama ulit ang baby nya.

Naiyak ako sa text nya.  Ramdam ko yung hirap ng kalooban nya lalo pa’t mag-isa lang sya dun.  Hindi ko pa naman naranasan maging Nanay pero alam ko yung pakiramdam ng may naiiwan sa ngalan ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Yung madaming namimiss na mga okasyon at mga moments. Nung minsan akong umuwi, napansin kong matanda na nga pala sila Mommy at Daddy.  Malalim na yung wrinkles sa noo ni Daddy at si Mommy, parang losyang na din. Yung mga pinsan ko naglakihan na din. Madami na ding may mga anak. Ewan ko ba parang nafreeze ata yung memory ko kasi lahat  ng naaalala ko sa kanila ay nung simula ako mag-abroad 9 years ago.

 “Still missing my little angel.. so sad I wasn’t there to see his first steps…”  status naman nya sa facebook…

Hay nadurog ang puso ko. Ilan p kayang mga nanay ang nawalay sa mga anak nila dahil sa pgtatrabaho sa ibang bansa? Ilan p kayang masasayang moments gaya ng unang pghakbang o unang pagsalita o graduation o birthday o pagdadalaga ng anak na babae ang mamimiss ni Inay. Bagay na di nya gusto pero kailangan.

Saludo ako sa yo, Insan, at sa lahat ng mga nanay sa mundo na nagtityaga at nagtitiis na mapalayo sa pamilya para mapabuti ang kinabukasan ng anak. Para sa kin isa kang Wonder Mom.
 
Sana maintindihan din ng mga anak kung bakit wala si Nanay physically pag kailangan nila. Hindi nya yun ginusto. Walang nanay na ninais mapalayo sa mga anak.
 
Sana pag ako naman naging nanay hindi ko maranasang mapalayo sa mga anak ko. Sana sama sama pa rin kami kahit di ganon kakomportable ang buhay, sama samang magkasalo sa pagkain, mamasyal, magkulitan. Gusto ko silang masubaybayan at gabayan sa bawat sandali ng paglaki nila. Sana maging Wonder Mom din ako in my own way at sana di ko na kailangang lumayo para mabigyan ko sila ng magandang buhay. Sana…

tabing poso

Please allow me to share another cheesy story.  Gusto kong ikwento to dun sa sandosenang okra. But since ang topic ko talaga dun ay buhay probinsya, minabuti ko munang ipagpaliban ang part na to. Parang Precious Hearts Romance series ba? haha. Promise last part na to ng Manang and Manong series. Alam ko nauumay na yung iba. I just can’t help writing my feelings down.

Punong abala ako sa kusina nung gabing yon. Actually hapon pa lang sobrang busy na ko. Masama kasi pakiramdam ni Nanay. Sabi nya ako na daw bahala. Di na ko nahiya. Feeling ko hindi na ko bisita dun. Since hilig ko talaga ang mangusina at magsilbi sa mga bisita, ayun nagpasama ako mamili sa palengke ng sahog sa pansit saka mga hito at bangus pang ihaw. Pagkaluto ko pa lang ng pansit, sunod sunod na yung pagse-serve sa  mga bisita.  Ang bilis maubos ng isang kawang pansit.  Uy mabenta. Hihi. Wala din kasing patid ang dating ng mga bisita. Ang bilis din maubos ng papaitan at kalderetang kambing. Ang daming bisita at kamag-anak. Fiesta ba? Sabi ni Manong, ganun daw dun pag nagkatay ng kambing. Dagsa ang mga tao. Kainan, inuman, kwentuhan. Pinagpyestahan nga si Goatee 🙂

“Che!!”  si Tatay yun ah.. tinawag ako mula sa may balkonahe. “Halika dito”.

Nyah si Tatay lasing na ata. Hiyang hiya ako dumaan sa sala na puno ng mga nanonood sa tv. Syempre ngiti sa lahat, pakaway kaway (beauty queen ka, teh?) kahit ang dungis at malamang ang baho ko na gawa ng maghapong pangungusina. Ok, saglit lang to, Manang, tapos balik sa kusina ka na. Medyo nahihiya pa din kasi ako sa lahat (pangalawang araw ko pa lang na andon) kaya madalas andun ako sa kusina pasulyap sulyap sa tv pag walang huhugasang pinggan si Inday este si Manang.

Pagdating ko sa balkonahe, ang dami palang tao dun. Mga kasama ni Tatay sa Baranggay. Mga Kagawad. Andun din si Kapitan.

“Sila ang mga kasama ko sa Baranggay.” sabi ni Tatay.

“Magandang gabi po.” sabi ko sabay ngiti.

“Si Che. Ang mamanugangin ko.” pakilala ni Tatay.

Huwaaatttt????  Feeling ko nagkaron bigla ng spotlight dun at nakatutok ng husto sa kin. Nyah si Tatay lasing na talaga. Napangiti na lang ako. Di ko matandaan lahat ng pangalan nila. Hindi ako maka-get over sa sinabi ni Tatay.

“Ayan si Kapitan, kukunin nyong Ninong yan ah”

Hindi ko na matandaan kung ano mga sinagot ko. Basta sobrang natatawa ako (o kinilig ba tawag dun..ahihi).  Asan ba si Manong?  Save me, please. Parang nalulusaw na ko sa hiya dun.

Ok, fine, pasok na ko sa loob.  Malamang naman wala na sila matandaan nung gabing yun kasi lasing na silang lahat.

Mga ilang minuto pagkapasok ko sa kusina may tumawag na naman sa kin mula sa balkonahe.

“Che, halika dito”. Si Manong naman. Nyah isa pa tong laseng. Hehe.

Inakbayan ako ni Manong. Wah, ang cheesy mo, Manong,  ah ang dami kayang bisita. Biglang nagsalita si Manong.

“Gusto ko kayong imbitahin lahat sa kasal namin hopefully next year”  sabay tingin sa kin. “Ok lang ba sayo, Che?”

May ganon???  Teka tama ba pag-intindi ko. Kasal namin?  Ayan na naman ang imaginary spotlight tutok na tutok sa mukha ko. Pwede ko bang sabihin “Eh teka di pa tayo nag-uusap tungkol dyan”. Wala akong nasabi kundi, “Oo naman”.  Sabay ngiti.  Ang saya ng lahat. Hiyawan. Kantyawan. Wahh, parang nalulusaw na ko nung gabing yun (kandila ka, teh?)

Pabulong kong sinabi kay Manong “Lasing ka na ah”. Sabi nya hindi daw alam nya daw sinasabi nya.

Ok, fine. Walang bawian. Hahaha.

Pagkalipas na naman ng ilang minuto, tinawag ako ni Manong sa may likod bahay. Ang dilim dun at medyo maamoy. Andun kasi kulungan ng mga baboy at baka.

“Manang, halika usap tayo.”

Wag po, Kuya. Hahaha.

 “Hindi dahil lasing ako kaya nasabi ko yung kanina. Nadapa ka na nun, ako din. Gusto ko nang lumagay tayo sa tahimik.”

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Aba moment ito. Di ba pedeng irecord to???

Madami pa syang sinabi. Pero isa lang ata nagregister sa utak ko nung moment na yun.

 “Will you be my wife?” Sabay kuha sa kamay ko.

Waahh, feeling ko nagliwanag ang kalangitan sa madilim na gabing yun at nangamoy flower petals instead na amoy kulungan ng baboy. Syempre umoo ako. Mag-iinarte pa ba ako. Eh teka walang ring? Hahaha.

Ayun. Kung yung iba nagpopropose sa mamahaling restaurant at kung ano ano pang gimik, sa kin simple lang. Dun lang sa  madilim na likod bahay, saksi ang tatlong biik at dalawang baka. Malapit sa thresher ng palay. Dun sa  tabing poso kung san ko naramdamang seryoso na pala si Manong sa min.

Gusto kong maiyak sa tuwa. Pero dinaan na lang namin sa biruan. “Ikaw pag nagloko ka ha, lagot ka sa kin.”  sabay pisil sa ilong.

Ayun. Masaya lang. Sayang di ko nakuhanan ng picture yung poso nila. Dun din kasi sa posong yun, pinagbobomba nya ako ng tubig habang naliligo ako (syempre may damit naman. wholesome ba.hehe) at pagtapos kong maligo sya naman ang pinagbobomba ko ng tubig. Kahit buong araw kaming maligo at magbombahan ng tubig sa posong yun, ayos lang. Kasi mahal ko na yung posong yun….

Ang cheesy na naman ni Ate. Yaan nyo na. Minsan lang to 🙂

found: kuya

6 months ago, nagsulat ako ng “Wanted: Kuya“. Yun yung time na mejo pagod na kong maging Ate ng Bayan. Madaming reactions/comments (salamat po sa inyo). Madami din nagprisinta na maging Kuya. At dun na din nagsimula na tawagin akong “Ate” ng karamihan sa king mga blog friends. Hindi ko naman talaga kinareer ang paghahanap ng “Kuya”.  Sabi nila bf daw hinahanap ko. Hmm hindi naman talaga. Kahit kaibigan na may kuya factor, ok na sa kin. Dumating man o hinde, oks lang din sa kin.

Hanggang sa makilala ko si Manong. O ayan, Pong, ha. Magkukuwento ako ng konti tungkol kay Manong.

Mas bata sa kin si Manong. Pitong taon. Oo, pito. O ang daming nag-react oh. Hehe. Pero sa height nyang 6 feet (Oo, six-footer si Manong) at kayumanggi nyang kulay (Oo, tall, dark, and ayaw ko na naman magyabang pero sige, handsome..ahihi) hindi naman sya mukhang batang bata kesa sa kin. O mukha ba akong bata sa age ko? Haha. Wag na nga pag usapan ang edad na yan…haha.

Panganay sa tatlong magkakapatid, 11 years ang agwat niya sa kambal nyang mga kapatid na babae. Laki siya sa  hirap. Laki sa pag-aararo sa bukid, pag-aalaga ng mga kambing, baka, baboy. Nagsikap makapagtapos ng Engineering sa kolehiyo. Nangarap iahon ang buhay ng pamilya nya sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa Manila at eventually sa pagwork abroad.  Tatlong taon sya sa Taiwan at ngayon taon nagsimula sya magwork sa Singapore. Officemate ko si Manong.

So ayun me kuya factor si Manong. Kuya sa pamilya nila. Pinakikinggan nila Nanay at Tatay. Responsable. May pangarap sa buhay. May tyaga. Kuya sa mga pinsanin. Kuya din ng bayan. At palibhasa iilan lang ang nakapagtapos sa kolehiyo sa bayan nila, mataas ang tingin sa kanya don. Good example sa mga kabataan kung baga.  Mejo isip bata kung minsan  o siguro masayahin lang. O sense of humor ba tawag dun?

Aba mukhang nakahanap ng Kuya ang Ate ng bayan. 🙂

Eh bakit nga ba Manong? Minsan nag-usap kami kung ano tawagan namin sa isa’t isa. Yung mejo unique daw kasi nakakasawa na yung mga common na tawagan.   Wala ako maisip. Hanggang sa sinabi nya na Manong at Manang na lang daw.  Sa isip ko, aba sakto, naghahanap ako ng Kuya. So ayun, ako na si Manang at sya si Manong.

Ayan closed na ang application for Kuya. Kukunin ko na yung paskil sa labas ng bahay namin na Wanted: Kuya. Kasi sa di inaasahang pagkakataon, o siguro mabait lang talaga si Bro, nagkaroon ako ng isang Kuya at di lang basta Kuya. Isang bagong inspirasyon. Ang cheesy naman ni Ate ….

Nakow, mababasa to ni Manong at siguradong matatawa. Di bale na. Totoo naman eh.

Inaru Taka, Manong 🙂

 

sandosenang okra

Nakakain ka na ba ng isang dosenang nilagang okrang sinawsaw sa bagoong na may kalamansi? hmmm ako? Hinde. Hindi ko sya kayang tigilan. Ang sarap nun!!!

Isang linggo akong panandaliang ngapahinga at super nag-enjoy sa buhay-probinsya. Sakto lang din na kelangan ko mag-clear ng leave sa office. Ilang beses akong sinabihan ni Manong tungkol sa buhay don… malayo daw sa komportableng buhay ko sa Singapore. Buhay probinsya daw. Baka di ko kayanin.

Ano kaya ang di ko kakayanin?

Pagdating namin don mga 5 ng hapon, pinakilala nya ako kay Tatay na busyng busy sa pagwewelding kasama ng ilang kapitbahay. Nagmano ako bilang paggalang. Sunod kong nakilala si Nanay na halatang nabigla sa pagdating namin. Simple lang ang bahay nila. May kalumaan pero maluwag. Medyo mainit nun o siguro galing lang kami sa mahabang byahe. Galing pa kaming Clark, Pampanga sa airport dun tapos sumakay ng bus papuntang Pangasinan. Oo, nakarating ako ng Pangasinan…

Hindi naman masyadong malayo 🙂

Papag ang higaan namin. Walang kutson. Malapit sa kwarto yung poso. Poso ng bayan. Pwede kasing inumin yung tubig nun kaya madaming nadayo dun para mag-igib ng libre. Mejo maingay kasi madaming nag-iigib dun. Maamoy sa umaga. Yung amoy kulungan ng baboy.  Yung banyo, walang ilaw, madilim sa gabi, walang flush yung toilet. Typical na toilet sa probinsya. Alas-sais pa lang gising na lahat. Mataas na din ang araw. Kinakatok na kami para mag almusal. Kanin at Tinapa at scrambled egg. At syempre may baon akong swismiss kasi di ako pede magkape.

Nakakapanibago sa umpisa. Pero isang araw lang ata yun. Kinabukasan, at home na ko.

Madami laging tao sa bahay nila. Mga kapitbahay na tumutulong sa mga gawain dun. Mga kamag-anak. Labas masok ang mga bata. Madaming pinakilala sa kin. Di ko matandaan lahat ng pangalan nila pero tanda ko yung mga ngiti nila. Iniinterview ako. Kinakamusta. Nakakapanibago sa simula. Siguro sila din nanibago sa kin.

Enjoy ako sa buhay ko don. Sa paghuhugas ng plato. Sa pagluluto. Sa paglilinis ng isda. Sa pag-iigib at paliligo sa poso. Sa pamamalengke. Sa paglinis linis.  Sa pagtanaw sa mga palayan sa likod bahay nila. Sa panonood sa makukulit na baboy at mga baka dun din malapit sa poso. Sa pagkain ng nakakamay. Sa halo halong preskong gulay na sinabawan ng bagoong. Sa pag-aasikaso sa kusina at mga bisita. Laging parang fiesta dun. Siguro kasi sabik ang lahat makita si Manong (anim na buwan syang di nakauwi mula nagwork sa Singapore).

First time kong magluto ng isang kawang pansit. Ang sakit sa braso kakahalo pero sulit naman kasi sabi nila nasarapan daw ang mga bisita. (Naks, abot tenga ang ngiti oh). Hindi ko mabilang ang dami ng tao nun pangalawang gabi namin dun. Lahat ata ng parte ng bahay nila pati sa labas may mga tao. Masaya ako nung gabing yon kahit pagod sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan at pag asikaso sa mga bisita. Nagkatay sila ng isang kambing. Kinaldereta, papaitan at kilawin. Wah sino ba naman hindi mawiwili kumain. Pangalawang araw ko pa lang don pero ramdam kong hindi ako bisita kundi parte ng isang masayang pamilya, isang masayang baranggay, isang masayang bayan. Parang ayaw ko ng bumalik sa Singapore. Gusto ko na dun. Mahal ko na sila. 🙂

Ako, si Tatay at ang mga kasama nyang Kagawad sa Baranggay nila

Ako, si Manong at ang masayang pamilya nya

First time kong makakita ng palay 🙂

Monday, pumunta kami sa Bolinao. 3 oras ata yung byahe. Dumating kami dun gabi na. Ang bait ng kamag-anak nila don. Sobrang asikaso kami. Ang daming seafoods. Nawili akong mamalengke dun mura kasi mga isda. Naligo din kami sa dagat at sa bukal. Ang sarap ng kain namin sa tabing dagat. Nakakamay. Inihaw na talong, inihaw na baboy, bagoong, pepino. Hay, basta ang saya. Nakabalik kami sa bahay mga 5 na ng hapon kinabukasan. May pupuntahan pa kasi kaming kainan. Dun naman sa side nila Nanay. Pinakilala ako sa mga kamag-anak nila. Ang dami. Pero ang saya saya.

 

Ang ganda ng Bolinao 🙂

 

Ang malamig na tubig sa bukal

 

Wednesday, pumunta kami sa Lady of Manaoag Church. First time ko din don. Iba yung feeling habang nagdarasal ka. Parang anjan lang si Mama Mary at nakikinig sa tabi mo. Nagba0n kami ng lunch namin. Akala namin isang jeep lang kami. Biglang naging dalawang jeep. Ang saya! Dumaan kami sa grocery para bumili ng mga tinapay, drinks at Chicherya para hindi magutom lahat sa byahe. Nagprepare din ako ng Pininyahang manok, Adobong baboy, saging at dalandan baon namin,. Si Nanay nagpangat ng mga isdang dala namin from Bolinao. Kahit mainit at nakakapagod ang byahe, sulit din kasi masaya lahat. Nakasimba at kumain ng sabay sabay.

Yun na yata ang pinakamasayang bakasyon ko. Very fulfilling. Yun kasi ang gusto ko. Simpleng buhay lang. Nature. Masasaya at mababait na tao. Yun mararamdaman mong tanggap ka kahit saglit ka lang nilang nakilala. 

Nakakamiss don. Namimiss ko sila Tatay, si Nanay, sila Kambal, mga kapitbahay, mga kamag-anak, mga baboy na maingay pag gutom, mga bakang brusko, mga palayan na ang ganda ganda tingnan sa mainit na araw, paliligo sa poso, pagkain ng nakakamay, etc. Hay, lahat nakakamiss.  

At syempre ang sobrang namiss ko.. yung sandosenang nilagang okra. Oo, sandosena naubos ko sa isang kainan. At dalawang beses yun. 🙂

 

PS:  Hmm..meron pa pala akong ikukwento. Pero sa susunod na lang 🙂

ang ipis

Naglilinis ako ng banyo kanina at sa laking gulat ko me ipis dun sa me lagayan ko ng mga tuwalya at tissue. Inisip ko panu nagka-ipis dun. Tapos napansin ko meron nga pala akong naiwang oats (sinubukan ko maglagay nun sa mukha sabi nila natural na moisturizer daw… hehe..ilang beses lang ako naglagay nun makalat kasi nagbabara pa sa lababo pero in fairness, malambot nga sa mukha). Balik sa ipis, hindi sya kalakihan, hindi din sya baby pa. Kung baga sa tao eh teenager pa lang. Pero kahit ano pa ang edad o laki nya, TAKOT AKO SA IPIS!!!! Feeling ko mahohospital ako pag nadapuan nya ko at ikamamatay ko pag kinagat nya ko. Ganun ako katakot sa ipis.

Tulog pa yung mga housemates ko. 830 ng umaga. Usually pag pawis na pawis na ko kakahabol sa ipis at namamaos kakasigaw, tinatawag ko na yung housemate ko. Astig yun. Kukuha lang ng tissue tapos dadamputin yung ipis na nagpupumiglas pa. Panu nya nagagawa yun? Nahiya naman ako gisingin sya para lang patayin yung ipis. Hindi din ako mapapakali buong araw pag alam ko me buhay na ipis pa sa banyo ko. So ayun naglakas loob ako. Para kaming me duwelo nung ipis. Feeling ko pinapakiramdaman nya din ako. Nakailang pili ako ng tsinelas (syempre hindi ko tsinelas.. tsinelas ng mga housemates ko.. ayoko mga mamatay yung ipis sa tsinelas ko). Kinuha ko din yung walis tambo sa kusina (meron akong sariling walis sa kwarto..pero syempre ayoko din gamitin pampatay sa ipis). After 10 minutes, na-corner ko sya at nahampas ng walis. Isang malakas na hampas lang, tulog na sya. Ang saya ko sobra. Nakapatay ako ng ipis!!

Bakit nga ba ako takot sa ipis?

Napaka-unpredictable kasi nya. Hindi mo alam kung kakaliwa ba sya o kakanan o bigla na lang lilipad at dadapo sayo. Na-trauma na din kasi ako nung college ako. Aga ko gumising para magreview for finals. Pagbukas ko ng ilaw, me lumipad na ipis sa leeg ko. Sa sobrang gulat , nahampas ko sya ng kamay ko. Ayun, nadurog yung ipis sa leeg ko. Eeeeeewwww talaga. Alas-tres ng madaling araw naliligo ako sa sobrang pagkadiri ko. Hindi po nag-iinarte ha. Nagpapakatotoo lang. Matagal tagal din akong di nakakita ng ipis mula ng nagwork ako dito sa SG. Bihira ang ipis at daga dito. So ayun, after today’s encounter with the teeanage ipis, mejo tumapang ako ng konti. Naisip ko mas malaki kaya ako sa ipis bakit ako natatakot sa kanya. Saka tsinelas lang pala katapat nya. Ang yabang ko.

Madami pa akong mga “ipis” na kinatatakutan o ayaw sa buhay ko. Allow me to share some of them.

  • Injection -> Nakow mahina talaga ako dito. Hindi ko lang pinapahalata minsan sa clinic pag kinukuhan ako ng dugo pero pag me moment ako mag-isa, naiiyak talaga ako. Nung bata naman kami sagana kami sa injection sa pwet dun sa Family Doctor namin sa me Baclaran. Tanda ko pa weekly ang injection naming magkakapatid (salitan ng pisngi ng pwet.. kanan this week, kaliwa next week). Wala naman kami magawa kasi vitamins daw yun (at thankful din kami kasi hindi talaga kami lumaking sakitin). Kunswelo namin nun after ng injection eh maglalaro kami sa playground sa tapat ng clinic ni Doctora. Kahit mainit yung slide at seesaw dun (usually tanghaling tapat) at masakit pa yung injection sa pwet, masayang Masaya na kami nun. Para lang walang nangyari. Ngayon wala na kong nakakasama pagpapa injection ko. Wala na din playground na mapagbabalingan ko ng pansin ko so tinitiis ko na lang yung sakit. Naalala ko din pala one time ngpa-injection kami ng officemate ko dito ng anti-chicken pox kasi ikakasal sya nun (2004 ata yun) at uso yung sakit na yun so pinilit nya ako magpa-inject para daw maka-attend ako sa kasal nya. Napansin ata nung Doctor na takot ako. Kumuha sya ng Teddy bear tapos inabot sa kin. Ako naman natuwa. Naisahan ako ni Doc. Habang natutuwa ako sa Teddy Bear, tinusok na nya yung karayom sa braso ko. Nagmukha akong batang paslit nun. Tawa ng tawa yng officemate kong chekwa.

  • Bulutong (chicken pox) -> hindi pa ko nagkakabulutong. Dati nung bata pa ko aliw na aliw ako sa mga kalaro kong me bulutong. Ang cute kasi. Bilog bilog, matubig tubig. Akala ko dadapuan na din ako nun kasi sabay nagkabulutong si Ate at si Bunso. Hanggang nagdalaga na ko. Lahat na ata ng kakilala ko nagkabulutong. Ngayon ayoko na ng bulutong. Mainit daw sa katawan yun, masakit, makati. At 2 weeks kang absent sa work. At pagbalik mo, bilog bilog na din ang peklat sa mukha mo at katawan. Parang hindi ako matutuwa dun. Ayoko talaga magka-bulutong.

  • Heights -> Umaakyat ako ng bundok pero takot ako sa heights. Ironic di ba. Kasi naman pag bundok gradual lang naman ang taas at di ko nililingon yung bangin sa gilid.  At pag nasa peak ka na, napapalitan ang takot ko sa heights ng pagkamangha sa tanawin sa paligid. Pero sa mga matataas na buildings, elevators, escalators, nangangatog na yung tuhod ko. Pinagtatawan nga ako ng mga kaibigan ko kasi tinatakpan ko ng mga kamay ko yung gilid ng mukha ko pag nasa mataas na part na kami. Ginagawa ko yun para hindi ko mapansin yung taas at hindi ako matakot.

  • Patola -> Opo, patola (luffa in English).  Hindi naman ako takot dito pero ayaw ko sa kanya. Pakainin nyo na ako ng damo at lahat ng gulay sa mundo, wag lang patola. Ewan ko ba. Sinisisi ko ang nanay ko sa pagkakataong ito. Kasi tandang tanda ko pa nung bata kami ulam naming miswa na me patola. Hindi ko na maubos sabi ni nanay wag daw tatayo ng lamesa hanggat di nauubos yung food.  Masuka suka na ko nun, nakailang galong tubig ata nainom ko para lang malunok yung natitirang kanin at ulam. Simula non, I hated patola. Alam nila yun sa bahay.  Hindi ako maarte sa pagkain pero sa patola sumusuko talaga ako.
  • Kape or anything with caffeine -> iced tea, coffee, softdrinks.  kalaban ko talaga mga to. Simula nung madiagnose ako nun na me Toxic goiter (katakot ng term ano.. actually hyperthyroidism ang common term nun, which simply means over-productive yung Thyroid glands, kabaligtaran ito ng hypothyroidism yung goiter na lumalaki yung leeg.. trivia yan ah), hindi na talaga ako nag-kape. Sobra kasi palpitations ko parang malalaglag na yung puso ko sa bilis ng tibok.  Hindi naman talaga serious yung sakit ko. Me ininom lang ako gamot nun then regular check ng Thyroxine. Ang nakakainis lang dun isang vial ata ng dugo ang kukunin sa kin pag magtetest ng level nito. Which means mas matagal yung pagpasok ng karayom sa veins ko. Paminsan minsan pasaway ako. Nainom ako iced tea o iced peach tea o softdrinks pero tinataon ko na weekend o Friday night. Maging zombie man ako sa di pag tulog ng magdamag at manginig ng bongga eh wala naman pasok kinabukasan.  Saka pag nagpapalpitate na ko, galong galong tubig ang dapat ko inumin para ma-flush yung caffeine sa katawan ko. Hassle kaya wag na lang.
  • Anything na nakakagulat like kulog, suspense movies, barilan -> ay ayaw ko talaga nyan. Nawawala ang pagkamahinhin ko pag nagugulat ako. Hehe. Nung nanood kami ng “I am Legend” ni Will Smith sa sinehan, meron isang scene dun sa sobrang  gulat ko,  nangibabaw yung tili ko. Feeling ko nga nag-echo pa. nakakahiya talaga. So hindi talaga ako palanood ng suspense/horror o action movies.

Ilan lang yang mga yan sa mga ipis ko sa buhay. Alam ko sisiw lang yan para sa iba. Pero sa kin, big deal na yan. Paunti unti nilalaban ko naman o pinipilit na i-overcome sa sarili kong pagsisikap. Gaya ng pagkain ng patola, balak ko mag imbento ng bagong recipe para makain ko sya. Gaya ng baked patola with butter, cheese and bacon bits. Ewan ko pa naman kung hindi ko pa makain yun. Saka madaming ayaw sa okra, ampalaya at alugbati na sya naming gustong gusto ko. Patola lang susuko na ko. Anak ng patola naman oh. 🙂

Yung kape hmm mukhang malabong maging magbestfriends kami. Sinubukan ko na dati pero talagang di pwede.  Ok na din kasi tipid hindi ako nagagawi lagi sa starbucks 🙂

Alam ko din in time madami pang darating na mas malalaking ipis na katatakutan ko at aayawan. Sana hindi na ko aasa sa iba para malampasan yung ipis na yun. At sana din pag dating nun, nakaready na din yung dambuhala kong tsinelas at walis. 

Takot ka din ba sa ipis? 🙂

a sad clown

naranasan mo na ba yung gusto mong umiyak pero hindi pwede?
hindi pwede kasi walang tissue? walang panyo? 
hmm.. hindi naman..
hindi pwede kasi wrong timing…. oo.. wrong timing na pag-iyak..
 

ganyan yung feeling ko kanina sa canteen.

i won’t elaborate kung bakit. pero in the middle of a happy lunch with 2 colleagues, gusto kong umiyak, humagulgol, ngumawa because of some sad thing na nakita ko sa facebook sa phone ko (basta!)..wahhh..pero hindi ko magawa..

ano naman sasabihin ng mga kasama ko kung makita nila akong biglang naiyak eh kanina kanina lang ang bungisngis ko. inaasar ko pa yung isang pinoy so sige sabi ko sa sarili ko hindi muna ako iiyak. pipigilan ko na lang muna hanggat makaakyat kami at pumunta ako sa CR.

pagdating sa CR, ang dami naman tao. pano naman ako iiyak nito? walang bakanteng cubicle.. sige pigil muna, puso ko ha.. mamaya ka na mag-emote.. at ikaw na luha ko, mamaya ka na bumagsak ha.. wrong timing eh.. ang panget ko pa naman (as if maganda ako.. ) pag naiyak.

so di ako nakaiyak kasi derecho ako sa meeting after ko magCR.

pano naman ako makakaiyak nun habang nasa meeting? mukha naman akong ewan kung mega-emote ko habang me discussion. so sige pretend na lang na OK kahit hindi OK.. nakangiti kahit sasabog na ang dibdib sa sama ng loob.

ang hirap pala ng ganun.. para akong sinasakal.. naninikip yung dibdib..namumula yung maluha luhang mata..ang sakit sa lalamunan.. kung pede lang maghalfday.. ano naman irarason ko?

“Boss, I take half day urgent leave because i want to cry” (in english kasi chekwa yung Boss ko)… ang babaw naman.. hay…

“Boss, i need to go home now because i can’t cry here”.. ang babaw pa din..

ilang beses na nangilid yung luha ko pero sinasabayan ko na lang ng pag-ubo kunwari nasamid lang ako..

dinaan ko na lang din sa pag-inom ng madaming madaming tubig.. oo madami.. naubos ko yung laman ng 1.5L kong water bottle..

naisip ko pano na kaya yung mga clowns.. yung lagi silang dapat masaya at nakatawa kahit sa loob nila may dinaramdam? hindi sila pede malungkot kasi malulungkot din yung mga bata.. meron bang clown na naiyak?

 hmmm.. ang hirap palang maging clown. kanina feeling ko clown ako.. a sad clown. kilala kasi ako as masayahin, bungisngis, palabiro… so nakakagulat pag nakita nila akong tahimik, walang buhay at worst, umiiyak!!

pero naman hindi ako clown!! tao kaya ako.. ay tao din pala ang mga clowns 🙂

so nakaiyak ba ako? hay pinostpone ko muna….mamaya na lang pag uwi ko sa bahay.. ang dami ko pa trabaho dito sa office.. bawal umiyak!!

eh pano pag napansin ng mga housemates ko mamaya na mugto mata ko ano sasabihin ko?

hmmm.. nanood ako ng nakakaiyak na movie (after ng work ko at this hour??)

masama pakiramdam ko?

namimiss ko yung pusa ko sa pinas?

natapilok at nadapa na naman ako sa may bus stop?

irritated yung mata ko sa contact lens ko?

hayyy.. basta gusto ko lang makauwi na at umiyak sa kama ko….waahhhhhhhhh 😦

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

dito na ko sa bahay.. hmmm..gutom na ko at antok..gusto ko na matulog… iiyak muna sana ako pero wrong timing na naman..saka na nga.. 🙂

sawadee ka

It’s nearing end of July and I haven’t posted or shared any thoughts yet. I was really busy. Extremely busy since I came back from my vacation in May.  I wanted to bloghop and rekindle ties with other bloggers but i just don’t seem to have enough time to stay in front of my PC for long. I just wanted to rest and sleep when I’m home. Apology for that. I guess I need some energy boost up 🙂

This time let me share my recent trip to Bangkok. Short but very fulfilling.

(Kiko, pardon me, the trip was rush. I didn’t have time to inform you.  I so wanted to meet you in Bangkok when I was there).

It wasn’t my first time to visit Thailand. I’ve been to different parts of it like Phuket, Bangkok, Chiang Mai, Pattaya.  Recently I revisited Bangkok. My third time here in the City of Smiles.

Took early Sunday morning flight via budget airline Jetstar (S$200  for a two-way fare.. not bad.. that’s about 6000 pesos including taxes). The flight was okay. I had the chance to take aerial photos when the plane was about to land.

Suvarnabhumi Airport is very nice and modern. The moment the plane lands and you see the airport, you’ll feel very excited to see what Thailand has to offer.

I come in peace:) 

Bangkok is a very convenient place, not to mention, it’s also safe (except the chaos a few months back). You see tourists everywhere.. streets, MRT, shopping malls, etc.  We spent most of the time walking, taking public transpo like BTS (skytrain) or tuktuk (similar to our tricycle in the Philippines).  Luckily our hotel is just near the MRT, we saved quite a lot for the taxi fare.

Sky Train (BTS)

I won’t get lost here 🙂

 Siam Paragon (nice, classy and expensive.. i prefer night markets 🙂

i look so fair here.. thanks, guys 😀

What else to do but shop, eat, take photos, visit temples, thai massage (the best!!), walk around, smile at people, bargain in the night market, read maps, ask for directions. I simply love this place. 🙂

Suan Lum Night Market -> make sure you wear comfortable footwear bcos you’d be walking a mile bargaining for almost all kinds of stuffs you can find there 🙂

  Chao Praya River (just a few minutes walk from our hotel)

 

read my shirt… agree?? haha 🙂

I did not visit many temples during the trip. I’ve visited them few times  when I travelled to Thailand last time.  But the Temple of the Reclining Buddha really amazed me (first time for me to be here).

She’s there…

sleep tight 🙂

Most of the time, we wake up late but not too late not to catch up the buffet breakfast in the hotel.  It was great having to spend few days without work calls. No facebook, too!! It was just Bangkok and me.

Chilling out beside the pool at night at hotel roof deck was just amazing.

pool side view at night

i wonder what’s that bright thing on top. a bar perhaps?

Bangkok is more than just about temples and shopping. What I love most about this city and Thailand, in general, are the hospitality and friendliness of the Thai people.  Their smiles will make you feel at home.

I’ll come back in few months time to visit Krabi or Koh Samui for a snorkeling trip. I’m so excited…

by the way, Sawadee Ka 🙂

northern beauty

Exactly a month ago, I had the chance to visit Ilocos Region when I went for a two-week vacation in the Philippines. It was my first time to visit the place and I really loved it. I call it Northern Beauty.

We flew from Manila to Laoag City via Cebu Pacific Air. I got the roundtrip air ticket for only 1600 pesos and I saved 14 hours (one-way) of tiring bus journey for that. Not bad. 🙂

We went to Pagudpud (a beach town in Ilocos Norte), stayed at Hannah’s resort for a night (for free!!.. courtesy of a lady friend) and enjoyed the sun, the sand and the beach. Ah, I won’t be saying much. The photos will surely tell them all. 🙂

 

I love Pagudpud. It was all blue and green and peaceful. I wish I could have stayed a little longer.

Our next stop was at Bangui Town, a few minutes drive from Pagudpud where the towering Bangui  Windmills are proudly facing the sea. I love this place. It was magical. 🙂

The next places we visited were the Cape Bojeador Light House and the famous Paoay Church. They are simply amazing and worth visiting.

Cape Bojeador Light House

Paoay Church

That was the end of our trip in Ilocos Norte. At early evening, about six hours drive from Pagudpud, we reached Ilocos Sur.  And our next adventure began. 

We went around the city in Kalesa (horse-drawn carriage) where the kind driver brought us to famous places like Baluarte, Secret Garden, the Bell Tower and Vigan City.

Baluarte (mini-zoo)

 

Bell Tower

St. Augustine Church

I love Vigan 🙂

 

I did enjoy this trip. I was wondering why only now I had the time to appreciate the beauty of my country. On my next holiday, I’ll visit South. I’m sure I’ll find the same or even more beauty and magic again just like my trip in the North. 🙂

pandesal, peanut butter at hot chocolate

Nag –excess luggage ako. 6Kg. Sabi ni Manong, 4500 pesos daw babayaran ko. Wah ang laki nun. Buti napakiusapan ko.  2kg lang pinabayaran. 🙂

Pano ba naman hindi mag-o-over luggage yun eh punung puno yung backpack at maleta ko ng mga pagkain (tuyo, daing na bangus, daing na pusit, sinigwelas (uu, pinadalhan ako ng 2kilos ng tita ko!!), polvoron, noodles, seasonings, biscuits, century tuna, corned beef, liver spread, cheese wiz, mik mik, bagoong, conditioner, alcohol, perla (namiss ko to), boy bawang, nesvita, eggnog, cream-o, nagaraya, biogesic, alaxan, efficacent oil, etc. Parang magtatayo ako ng sari-sari store sa Singapore sa dami ng dinala kong grocery. Haha.

Pero syempre, hindi yun ang nagpa-over sa bagahe ko. Yung masasayang alaala. Wah kahit magbayad ako sa excess luggage, ok lang. Over naman din ako sa saya na nakauwi, nakapahinga, nakasama ang pamilya at mga kaibigan sa loob ng dalawang linggo.

Hay, dalawang linggong ang tagal kong pinanabikan pero parang ang bilis lang dumaan.

May nagpabaon pa pala ng puso nya. Ahihi. Magaan lang naman dalhin. (Opo, ingat  na ingat ako sa puso mo. Hindi ko sya chineck-in. Nasa handcarry ko sya dun sa ilalim ng upuan sa eroplano. Baka sabihin mo hindi ko iningatan, ah. 😀 )

Ang dami ko palang namiss sa tin. Lugar, tao, pagkain, pamumuhay. Kahit na naiingayan ako sa tahol ng aso, tilaok ng manok, ingay ng jeep at tricycle, iba pa din pala pag naririnig mo yun (505 days akong hindi nakarinig ng ganun). Iba pa din yung luto ni Nanay, kwento ni Bunso, tawa ni Ate, paglalambing ni pamangkin, bungisngisan ng mga dating kaibigan, kulitan kasama ng mga bagong kaibigan. Iba pa din talaga yung andun ka.Yung sama-sama kayong kumain, kahit nga manood lang ng TV maghapon, ok na din. And paborito kong gawin dun, magdilig ng halaman (wala kasi akong halaman dito sa SG) at makipagkulitan sa mga pamangkin. At syempre ang mag-almusal ng pandesal (na me palamang peanut butter) at hot chocolate (swissmiss). Hay, priceless.

this is home 🙂

Balik na ko ulit dito sa mundo ko. Though inaamin ko bahagya ko ding namiss ang komportable kong buhay dito, may part pa din talaga na kulang. At hindi yung kayang punuan ng kahit anong ganda na meron dito.

Pag-on ko pa lang ng cellphone ko kahapon, me text na yung officemate kong local.

“Welcome home”.

Sabi ko, “Yes, I’m back. But this is not my home.”

Sabi nya, “What’s the difference? You’re back. You’re home!!”

Sabi ko, “I’m just back here, but my home is there..because that is where my heart is.”

At eto reply nya “Whatever!! 🙂 “

Hinding hindi nya ako maiintindihan kasi hindi nya ramdam ang difference ng house at ng home.  Sa kanya, iisa lang yun. Ah, basta.

I’m back. 🙂

backpack at maleta

nagtataka pa rin ako kung bakit ang bigat bigat ng maleta ko.
iilang chocolates at iilang mga pasalubong lang naman ang laman nito
iilang piraso lang din na damit ang dala dala ko na pinagkasya ko pa sa luma kong backpack.

yun lang naman pero parang ang bigat bitbitin.

ah alam ko na.

bukod kasi sa mga materyal na mga dala ko,
siksik at halos umaapaw ito sa pananabik, pagmamahal at pangungulila.

ah yun pala nagpabigat dito.

mas matimbang kasi yun kesa sa mga materyal na bagay na dala ko.

505 days to be exact mula nung huli ko silang nakasama.

505 days simula nung huli akong umuwi sa Pinas.

pero mamaya, 5 oras mula ngayon, buo na ulit ako.
may nanay, may tatay, may mga kapatid, pinsan, tito, tita.
may pamilya. at higit sa lahat hindi nag-iisa.

pansamantala ko munang iiwan at kalilimutan ang napaka-busy kong mundo dito.

isasantabi ko muna ang pagiging Inhinyera dahil uuwi ako bilang isang payak na anak na sabik sa pag-aaruga ng isang pamilya.

uuwi ako bilang isang kaibigan na namiss ang walang humpay na halakhakan sa tuwing babalikan ang panahong pinagsamahan.

magbabalik ako bilang isang Pilipino na sabik sa masalimuot pero hindi maikukumparang buhay sa ating bayan.

limang oras na pag-aantay sa boarding kasama paglipad ng eroplano kumpara sa limang daan at limang araw na malayo sa kanila? nakow, sisiw na sisiw. 😀

lumang backpack at katamtamang maleta lang ang bitbit ko.

pero wag ka. higit pa sa nakikita ng mga mata mo ang nilalaman nito.

higit pa.

ang tagal ng boarding!!  naiinip na ko… 🙂

in a kingdom called far far away

Matagal na din namin naplano nga mga housemates ko ang pagbisita sa Universal Studios dito sa Singapore. Due to time and budget constraints, kahapon lang kami natuloy. Sakto din kasi na walang pasok sa work ng Monday in lieu of May 1 holiday so may time pa kami makapagpahinga.

Mabilis lang ang byahe papunta sa Universal. Lahat naman dito sa SG accessible so hindi problema ang transpo. NgMRT kami then taxi na nung malapit na dun. 6 kaming lahat. Mga 10:30am nasa loob na kami.  Sobrang hinintay namin ang araw na yon kaya lahat kami excited. $72 yung tickets for adults at $52 naman for kids. Me kasama na $10 food voucher saka $5 retail voucher yun kaya ok na din. Sulit na din.

Iba yung feeling nung andun kami. Para kaming mga batang nakawala sa isang malaking playground. Hindi kami mapakali kung san susunod na pupunta o anong rides yung susunod na sasakyan. Hindi din mapatid patid ang tawanan at bungisngisan. Ilang beses din nangibabaw yung tili at sigaw ko sa mga rides na mabibilis at nakakahilo. Walang poise poise dun. Lahat game.

 

 

 Sobrang init kahapon. Nagsunblock na din kami para proteksyon sa balat. Sa haba ng nilalakad, sobrang sakit talaga sa paa. At dahil mainit, nakailang bili kami ng iba’t ibang drinks. Naghalo halo na nga lahat ng nainom naming drinks pero parang lagi pa din kaming uhaw.

 

 

Madaming magagandang attractions. Medyo matagal nga lang yung waiting time sa dami ng taong andoon. Average ay 30 to 45 minutes. Ok lang naman mag-antay kasi madami kami. Hindi masyado nakakabato. Madami ding mga Disney characters at famous people (syempre ginaya lang naman) ang nakasalubong namin. At syempre mawawala ba ang pictures.

 

Madami din iba’t ibang lahi ang nandoon. Chinese, Japanese, Americans, Filipinos, etc. Lahat ata meron. Talagang Universal. 🙂  Magagaling din yung mga performers. One particular group that really caught our attention was the hiphop group called Rockafellas Street Boys. Ang galing nila. Napahinto talaga kami to watch them at nagpa-picture pa. And syempre, mga pinoys ang members kaya nakakabilib talaga.

 

 

Iba yung ambiance dun. Relaxed, carefree, masaya, exciting. Nakailang beses ko din nabanggit na sana madala ko yung pamangkin ko dun lalo na sa Jurassic Park. Mahilig kasi sya sa dinosaurs at mga Disney characters.  Kung ako nga na matanda natuwa nang husto dun yun pa kayang bata.

 

Ang sarap maging bata ulit. Kahit man lang isang araw lang dun sa far far away kingdom na yun naranasan ulit namin ang pagiging malaya, masayang masaya na kami.

At gaya ng mga batang hapo sa maghapong paglalaro sa ilalim ng mainit na sikat ng araw, umuwi kaming amoy pawis, pagod na pagod, nanlalagkit, hindi magkadaulit sa pagkukwento ng kakaibang adventures..pero masaya at looking forward na maulit ang isang araw na yon ng malayang paglalaro sa buong maghapon.

Ang sakit ng katawan ko pag uwi ng bahay. Pero hindi ko na rin naramdaman nung paulit ulit naming tiningnan yung mga pictures. Ang sarap balikan nung mga adventures.

Buti na lang wala pa akong  pasok sa school ngayon. Ay sa office pala. 😀