ang pagkakaibigan ay tulad raw sa isang salamin, na kapag nabasag kahit gaano pa piliting mabuo at madikit ang bawat piraso ay mananatiling may lamat ito.tulad sa isang sugat na kahit maghilom ay mag-iiwan ng marka na nagpapaalala ng naging sanhi nito.

pero hindi ba ito maaaring maging tulad ng isang dahon ng katakataka, na pagkatapos malagas sa puno ay muling uusbungan ng panibagong halaman?

everyone deserves a second chance o kahit third chance pa kahit sabihin pa ng iba na katangahan na ang pagbibigay ng 3rd chance. for me it is still a case to case basis. malay mo sa third chance na yun tuluyan na maging better person yung tao.

for me, genuine forgivenes is the key para muling manumbalik ang pagkakaibigan.kahit ano pa ang nagawa nito, kahit ano pa ang nasabi nito na lubos na ikinasama ng loob mo at kinadurog ng puso mo kung naroon ang totoong pagmamahal handa kang umunawa at magpatawad at bigyan ito ng pagkakataong magbago at patunayan ang sariling this time ay worthy na sya sa friendship mo.

namiss ko ang lugar na to.

ang tagal kung nawala.kelan ba ang huling dapo ko dito?minsan na naman akong naging pabaya sa mga bagay na sinisimulan ko. minsan gusto ko na talagang isipin na may pagka-ningas kugon ako.magaling lang sa umpisa.

pero hindi, di pa naman huli ang lahat di ba? marami pang oras para bumawi.para magbalik at muling ipagpatuloy ang nasimulan.

sa mga dumalaw kahit wala ako.salamat.

may dumating na blessing si Lord sa career ko. matagal tagal ko ring hinintay to. muntikan na nga akong umayaw at minsan ay naisipan ko na ring maghanap ng ibang trabaho. looking for a greener pasture ika nga.

monday last week ng may inabot sa aking papel ang boss ko. akala ko ay kung ano lang yun. laking tuwa ko ng ang nilalaman nito ay tungkol sa aking promotion. thanks God. sa pagkakaalam ko ay first time may mapromote sa aming company. dahil ang uso rito para malevel-up ka dapat applyan mo yung posisyon. o di naman kaya laging galing sa labas ang nagfifill up ng nababakanteng mataas na posisyon.

kaya ngayon ay medyo busy ang lola nyo. marami kasing dapat pang pag-aralan at matutunan. ayoko kasing pumalpak. gusto ko patunayang deserving ako sa recognition na to. kaya pacensya na kung lalong magiging madalang ang update ko. ngayon lang naman. pag gamay ko na ay balik sa dating kinagawian 🙂

matagal ko ng gustong tumaba at ngayon ay unti unti ng natutupad ang pangarap kung ito. tumatambok na ang aking mga pisngi. nagkakalaman na ang aking mga braso at hita. pero ang pinoproblema ko naman ngayon ay ang paglaki rin ng aking tyan. kakambal pa talaga ito ng pagtaba? pansin ko kasi yung mga matataba, malalaki rin ang puson at tyan.

sanay akong flat ang abdomen ko, kaya di ako comfortable sa pagbabago nito. kaya naisipan kung mag-exercise para maagapan ito.

ito ang aking exercise regimen:

1. partial sit up. oo partial lang at hindi ang nakasanayang curl-up. ito yung tipong tama lang na naangat ang scapula ( paypay ) sa hinihigaan habang nakatiklop ang mga tuhod ( pwede rin namang nakaunat).sa ganitong paraan mas nagcocontract ang mga abs dahil sa curl up more on iliopsoas ang naeexercise. tapos ihohold ko sya ng 10 counts then release. una ko syang ginawa na 10 repititions pero everyday ay iniincrease ko ng 5 reps.

2. alternate leg raise. self explainatory na siguro ito. supine position pa din. tapos same hold at reps sa partial sit up.

3. simultaneous leg raise. pareho lang ito ng number two. sabay nga lang itataas ang mga paa.

yun lang. simple para sa mga taong kagaya kong tamad mag-exercise. di gaanong nakakapagod pero surely effective. di lang pala to pampaliit ng abs, pwede rin itong exercise ng mga may low back pain a.k.a lumbago.

alas kwatro ng hapon kahapon ng pinauwi kami ng opisina. baha na raw kasi sa ilang lugar dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan dala ng bagyong marce. sobrang pag-aalala naming tropang buendia dahil tiyak na mataas na ang tubig lalo na sa may dakong mayapis. baka wala na kami masakyan. nagtatalo talo tuloy kami kung saan dapat ang way namin.

sakto namang pagtawid namin mula sa opisina ay may 6 by 6 na sasakyan ng mga sundalo ang nag-aalok ng libreng sakay. di na kami nagpatumpik tumpik pa. sakay agad keber sa poise.kesa naman maglakad kami o mastranded sa daan.

parang nagmistulang field trip ang aming byahe. sakto kasing may dala kaming kamera kaya click dito, click doon. pose dito, pose doon.tawa kami ng tawa. di namin alintana ang bagyo. tuwang tuwa pa nga kami at naghihiyawan kapag nadadaan kami sa matataas ang tubig. lalo na ng malampasan namin yung mga namamangka at nagbabalsa.

gumawa pa nga kami ng docomentary video. parang citizen patrol. tuwang tuwa sa amin ang mga kasabayan namin kasi di naging idle ang biyahe nila at marahil nakalimutan nila pansamantala ang pagbaha dahil kay marce. may ilan ring naki-ride sa trip namin at panay na rin ang kuha ng picture sa celfon.

once in a lifetime experience na maituturing. sabi nga namin saan ka pa, may escort ka ng sundalo, priority ka pa sa daan. at ang pinakaimportante dun ay nakarating kami ng maaliwalas sa aming paroroonan na may baong ngiti at saya dahil sa aming bagong karanasan– kahit na bumabaha na at napakalakas ng buhos ng ulan 🙂

 

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula