Gising…gumising ka Natalie parang may isang boses na bumulong sa kanya. Napatingin sya sa lalaking katabi na mahimbing na natutulog. Wari’y isang anghel natutulog nabumaba sa langit. Ngunit isang kahibangan ito, nagpalinga linga sya sa paligid medyo maliwanag na. Walang sabi sabi kinuha nya ang kanyang bitbit na bag at jacket at tumakbo palayo.
Parang wala sa sarili habang naglalakad sa daan. O kay gandang panaginip at parang ayaw na nyang magising ngunit kailangan harapin ang katotohanan ng buhay. Paalam Kiko…habang may luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Sabay buhos ng malakas na ulan na wari’y nakikidalamhati sa kanyang pighati sa araw na iyon.
“Angel ….kamusta ang anak ko?” habang palapit sa isang batang babae. “Mama papasok na po ako sa school.” sabay halik sa ina. Si Angel ang anak ni Natalie 6 years old na ito. Ang kaisa isang dahilan kung bakit pilit syang lumalaban sa buhay. Di man naging maganda ang mga nangyari sa kanyang buhay ngunit ang batang ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas at kaligayahan upang magpatuloy mabuhay. “Sige, anak pakabait ka ha! Mag aral ka ng mabuti” hinalikan nya sa noo ang bata at inakay palabas ng bhay. Doon naghihintay ang school bus na maghahatid kay Angel sa Preschool na pinapasukan.
“O san ka ba galing? Inumaga ka yata? Sabi ni Samantha sa kanya. Ang kanyang matalik na kaibigan na nakasama na nya mula nung ipinanganak si Angel. Kinupkop silang mag ina at pinatira sa bahay nito. “Wala nakatulog lang ako sa motel ng matagal” pagsisinungaling nya. Dumukot sya ng isang limang daang piso at inabot sa kaibigan “Pagpasensyahan mo na muna yan, wala kz akong kinita…kelan ba bayaran ng kuryente?”tanong nya dito. Inabot ni Samantha at sabay sbing “OK lang yun…ako ng bahala dun…”nakangiti ito sa kanya.
Nagtimpla sya ng kape at umupo sa lamesa. Napatingin sa larawan ng anak at doon namumbalik ang nakaraan. Kamukhang kamukha ni Angel ang kanyang ama. Di makakaila na may pinagmanahan ito.
“Lumayas ka dito!” sabay hagis ng damit ng batang si Natalie. “Ang dami mong kakalantariin ang Tsong mo pa” nagniningas sa galit ang tiyahin nya ng malaman ang nangyari sa kanila ng tsong nya. Walang sabi sabi ay kinuha ni Natalie ang kanyang mga damit at tumakbo papalayo. Nagpalaboy laboy sya sa kalsada, di alam kung saan pupunta. Ilang lingo syang palakad lakad, nagkasya na sya sa panlilimos at mula doon ay nakabibili sya ng tinapay at nakikiinom ng tubig sa mga karinderya.
Hanggang isang araw napadaan sa isang malaking bahay at nakakita ng karatula …WANTED MAID…. Kumatok sya sa malaking gate at may nagbukas na isang matandang babae. “Mag aapply po sana ako” sabay turo sa karatula. “Ay naku Iha masyado ka yatang bata para maging katulong” banggit ni Aling Nena, ang mayordorma doon. “Maawa na po kayo, kailangan ko po ng trabaho at matutuluyan” pagkasabi noon ay hinimatay si Natalie.
Nagising na lang si Natalie na nasa isang maliit na silid. Nakahiga sya sa isang double deck at may maliit na mesa at doon nakapatong ang isang bowl ng noodles at may isang basong tubig. Mabilis nyang kinuha ang tubig at noodles wala pang 3 minuto ay naubos na nya iyon. “Gising ka na pala”nakangiti si Aling Nena. “Ano bang pangalan mo?San ka nkatira? Ilan taon ka na?” sabay sabay nitong tanong. Upang hindi na magtanong isa isa nyang sinagot ang matanda at sabay kwento ng kanyang buhay. Naawa sa kanya ito at sinabing tutulungan syang mkapasok na trabaho at sasabihing pamangkin sya nito.
Sa mansion ng mga DELA MERCED ay naging maayos ang kanyang buhay. Naging mabilis ang paglipas ng araw. Ang dating batang si Natalie ay isa ng dalaga. Mabait ang kanyang mga amo. Ang mga anak ng mga ito ay lahat nasa abroad at nag aaral. Natapos ni Natalie ang kanyang High school sa tulong ni Aling Nena ngunit din a nagpatuloy ng kolehiyo dahil di na kinaya ng matanda ang mga trabaho sa bahay at kailangan na nyang tumulong dito. Malaki ang bahay, may mamalaking silid, 2 ang sala. At may malaking swimming pool sa garden.
Isang balita ang dumating isang araw, darating ang dalawang anak ng mag asawa dahil kapwa tapos na ang mga ito sa kolehiyo. Ngunit ang isang anak ay nagpaiwan dahil mas piniling doon magtrabaho sa abroad. Abalang abala ang lahat sa pagdating ng magkapatid.Mula sa kotse ay aninag nya ang isang matangkad at maputing babae sigurado sya iyon si Glydel ang pangalawang anak ng mag asawa. Mula sa kabila nmn ay bumaba ang isang lalakeng matangkad at macho, iyon si Emmanuel ang panganay na anak. “Mga anak ko” tumatakbong palapit sabay yakap sa mga anak ni Ginang Dela Merced. “MAMA”humalik si Emmanuel sa pisngi ng ginang. Ngunit ang isang sulok ng mata ay hindi maitatanggi na napako ang tingin kay Natalie.
Lumaking maganda si Natalie matangkad, mahaba at itiman ang umaalon na buhok may malamlam na mata na pinaresan ng mamalantik na pilik. Naging malapit sa kanya si Emmanuel samantalang si Glydel ay may kasamaan ang ugali at matapobre. Ginawang impyerno ni Glydel ang kanyang buhay sa mansion ngunit pinapagaan nmn ito ni Emmanuel.
Di nagtagal ay nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa, lihim silang nag iibigan. Di nila maamin ang kanilang relasyon sapagka’t natatakot si Natalie na baka di sya matanggap at palayasin. Tuwing gabi lihim silang nagtatagpo at nag uusap, bumubuo sila ng kanilang mga pangarap. “Mahal kita Nat”sabay halik sa kanyang pisngi “Konting panahon na lang, kapag naging matagumpay ang hinahawakan kong negosyo pagtatapat na natin sa kanila ang lahat”wika ni Emmanuel. “Wag kang mag alala, handa akong maghintay…gano man iyon katagal”hanggang unti unting naglapit ang kanilang mga labi. Hindi nila alam na sa isang sulok ay nagmamasid si Glydel. “Ambisosya” sabay ismid habang lumakad palayo.
Tok.Tok.Tok. napapiglas bigla si Natalie sa kanyang higaan. Tinungo ang pinto at nagbalot na lang ng robe. Pagbukas nya sumambulat ang lasing na lasing na si Emmanuel. Natumba ito at dahil sa kabigatan ay nalaglag sila sa sahig, hinala nya ito papalapit sa kanyang kama at buong lakas nyang hiniga dito. Hinubaran nya ito at tumambad ang malaki nitong pangangatawan. Kumuha sya ng malamig na tubig at pinunasan nya ito. Nang biglang hinawakan ang kanyang mga kamay at kinulong sya nito sa kanyang mga bisig. Dahan dahang hinahalikan ang kanyang buhok pababa sa kanyang noo. Hanggang makarating sa kanyang mga labi, amoy na amoy ang pighalong alcohol at pabango nito. May kakaibang sesasyon na lumukob sa kanyang katauhan. Malamig ang gabi ngunit natutupok sila sa init na kanilang kinahahandusayan. Unti unting kinalas ni Emmanuel ang kanyang robe at tumambad ang malaki nyang hinaharap. Bigla syang nahimasmasan at nanumbalik ang pagsasamantala sa kanya. Ngunit muli syang hinalikan at pinapanatag ang kanyang loob at alam nya sa sarili na handa na syang magpaubaya sa lalaking kanyang minamahal.
Naging isa ang kanilang katawan. Nabalewala ang kirot at hapdi ng nakaraan. Waring nkalutang saulap habang sinisimsim ang kanyang katawan. Paulit ulit at parang walang kapaguran ang kanilang ginawa. Kay sarap magpaubaya ng sarili…lalo na at dahil ito sa pag ibig.
Itutuloy…..
***pasensya na po…medyo bz at nasira laptop ko****ayan bawi na ko mahaba to…








