Dear Kiko,
Bago ang lahat, gusto ko lang sabihin na ang lupit nitong blog mo. Ibang klase ang dating ng mga pinaglalagay mo—akalain mong walang kuwenta ay nabibigyan mo ng kakaibang kahulugan. Dahil dito eh napapasaya mo ang marami. Sana magtuloy-tuloy ka pa sa pagbibigay saya sa amin.
Magtatanong lang sana ako, kasi sa mga nababasa ko dito, sa tingin ko ay makakarelate ka sa problema kong ito. Madalas kasi ay nakikita akong pinapasok ang kamay ko sa pantalon ko para dukutin ang alam mo na at iayos pataas. Dangan kasi, ’pag nararamdaman kong nag-out of place siya eh ‘di na ako mapalagay. Ang siste sana eh payuhan mo naman ako kung paano ko ito maiiwasan o malusutan man kung sakaling may makakita sa akin, nakakahiya kasi eh.
Lubos na gumagalang,
Kirby K.
Ang sagot ni Kiko….
Alam mo Kirby, hindi lang ikaw ang may problemang ganyan, marami rin, in fact ang alam ko pa nga ay may support group para sa ganyang habit o addiction. Ang Dakma-Dukot Anonymous ay naghohold ng regular meetings para matulungan nila ang mga miyembro nilang mahilig dukutin ang kanilang ano. Check mo sa internet, i-google mo at baka may local chapter na malapit sa inyo.

Hindi ko alam kung maflaflatter ako o maiinis ako sa iyo, pero dahil ikaw ang unang sumulat sa akin para manghingi ng payo ay pagbibigayan kita at susubukan kong magbigay liwanag sa problema mo.
Unang payo siguro na mabibigay ko eh mamili ka ng super sikip na underwear, ng sa gayon eh hindi magpagalaw-galaw si junior mo habang naglalakad ka o paupo-upo. ‘Wag naman ‘yung sobrang sikip na hindi ka na makakahinga, piliin mo ‘yung sukat na tama lang para sa iyo. Tandaan mo, kailangan din ingatan si batotoy kung nais mong magkaroon ng anak sa hinaharap.
Pangalawa ko namang payo eh makilugar ka. Kung hindi mo talaga malabanan ang urge at ‘di ka talaga mapakali eh tumingin-tingin ka naman sa paligid mo kung may makakakita sa iyo. Mahirap ipaliwanag ang rason na “inaayos mo lang bateterts mo” sa pulis kapag kinakaldkad kang papalayo sa paniwalang isa kang manyak na pakalat-kalat.
Pangatlo, kapag naligo ka ay sabunin at linisin mong mabuti ang dapat. Huwag mo ng ipagkaila, kaya mo rin dinudukot yan eh gusto mong kamutin.
Sana ay makatulong itong mga payo ko. Lagi mo lang iisipin na God is watching you always…but don’t feel bad about it, kung kailangan ayusin talaga eh ayusin mo na. Huwag mo na kaming isipin at baka lalo kang mabaliw kapag di ka mapakali.