Ayan na…
…malapit na! Konting tulog na lang talaga at inauguration opening na nang aking bagong bahay. Yey! Samahan ninyo ako sa blessing ha. Overflowing ang kape at desserts. 🙂
*excited*
*excited*
*excited*
😀
Moving Forward… when all you can do is to move on.
In a few days babaguhin ko na ang domain name kong “anotherfrustratedwriter“. Hindi dahil sa ayoko nang maging writer, kung di ayoko ng isipin na isa akong “frustrated writer“. Noong magsimula ako sa pagba-blog, hindi naman ako naghangad na makilala sa blogospiya. Sapat na sa akin ang maibahagi ang ilang mga bagay-bagay sa aking buhay; gayundin ang ilang mga kalokohang paktuwal na naglalaro sa aking isipan. Ang pagdayo ng ilang mga kaibigan, pagresponde ng ilan sa mga napadaan, at pagbati ng mga ka-blog ay sapat na upang HINDI ko ituring na frustrated writer ang aking sarili.
Frus·trat·ed adj.
1. disappointed; thwarted
2. having a feeling of or filled with frustration; dissatisfied.
Sa taong ito maraming plano akong nais isakatuparan. Unti-unti ko nang inihahanda ang aking sarili sa maaaring malaking pagbabago na magaganap at ayokong ma-frustrate dahil sa hindi ako nagsikap o dahil sa hinayaan kong ang tadhana ang kumilos para sa akin. Nais kong ituring ang lahat na munting pagsubok para baguhin ko ang ikot ng aking mundo, at gusto kong isipin na anuman ang maging galaw ng orasan, o anuman ang barahang inihain para sa kin, lahat ay “piece of cake” lamang. Yakang-yakang; sisiw. Sayang na lang kasi ang sinasabi ng astrolohiya ukol sa sign kong “Rabbit” na very fortunate at financially lucky kung mananatili akong stagnant. Lalo ko lang paiigtingin ang koneksyon ng salitang “frustrated” sa aking buhay.
Nais kong pasalamatan ang mga taong nagbasa, bumabasa at magbabasa ng aking mga blogs. Hindi man ako madalas makatanggap ng mga komento mula sa inyo, ayos na sa akin ang makitang araw-araw ay nadaragdagan ang mga bumibisita sa aking webpage. Ramdam ko na rin ang inyong pagtangkilik. Sa panimula ng taon, pipilitin kong dagdagan at gawing makabuluhan ang mga darating ko pang blogs. Salamat kina Roel, Tee at Judy ng Multiply na mga unang nagbigay pansin sa page na ito. Sana ay muli kayong madaan. Salamat sa mga taong nasa blogroll ko na patuloy na umaani ng aking respeto at paghanga. Sana ay maging tulad ninyo rin ako na nagbibilang ng fans sa blogosphere.
Naisip ko na ang bagong magiging domain name ko. Ito ay literal na naglalarawan ng aking bagong pananaw sa buhay. Ililipat ko pa rin doon ang ilan sa mga blogs ko dito at marahil ay magkakaroon ng mga kaunting pagbabago pero mananatili pa ring kape ang aking paboritong higupin. Ilang tulog na lang at maayos ko na iyon. Excited na ako!
Hanggang sa muli mga bro!
Kontrabida
It really doesn’t matter whether it’s the villain or the hero. Sometimes the villain is the most colorful. But I prefer a part where you don’t know what he is until the end.
~ Glenn Ford
Hindi talaga kumpleto ang buhay kapag walang kontrabida. Eto raw ang nagpapasarap sa bawat yugto at eksena ng buhay mo. Kumbaga, kung may tamis dapat ay may asim din. Ano nga naman ang saysay ng isang pelikula kung puro bida lang? E di para lang siyang naglaro ng baril-barilan mag-isa? Ang okray di ba?
Nagpakulay ako ng buhok kahapon sa isang salon na malapit sa amin. Habang prenteng naghihintay na magkulay pula ang medyo brown kong buhok, isang maanghang na panlalait ang pumailanlang sa apat na sulok ng parlor. OMG! Nilalait ng isang kustomer at ng isa sa may-ari ng salon ang isa mga bading na beautician. Evils!
May-ari: Eh kasi naman bumili ng damit hindi naman bagay sa kanya.
Customer: Oo nga. Ang pangit niyang bading noh! Lalaking-lalaki yung itsura niya.
May-ari: Assistant nga siya ng partner ko (tomboy ang may-ari) bukas para mag-ayos sa kasal. Ayaw sa kanya nung bride. Di raw siya kagandahan.
Customer: Ay talaga naman noh! Mukha siyang kabayo! Naku ang sagwa talaga ng mukha niya.
Hay, nakakaawang bading. Buti na lang at umalis sandali ‘yung pobre kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang mga kontrabida na manlait at mang-api. Mahihiyang lumapit ang sinumang may masagwang mukha sa dalawang ito, lalo na sa aleng kustomer na simbaho ng imburnal ang amoy ng bunganga. Mukhang nakalimutan yatang mag-sepilyo ng isang buwan kaya naman mamamatay sa baho ang mabugahan ng kanyang hininga. Sana man lang nag-mouthwash kahit paano si manang o di kaya ay sinubukan niya munang tumingin sa salamin bago sinilaban sa apoy ang kapwa nya. Nakakaloka!!!
Pointless (Confession of A Drama Queen)

2009 na. Bagong taon, bagong pakikibaka sa buhay. Gusto kong magsaya, pero di ko magawa.
People don’t want their lives fixed. Nobody wants their problems solved. Their dramas. Their distractions. Their stories resolved. Their messes cleaned up. Because what would they have left? Just the big scary unknown.
~ Chuck Palahniuk
Bago sumapit ang bagong taon, madalas akong magday-dream. Nag-ilusyon ng mga future plans. Sa mga nagdaang mga araw, andalas kong maging iritable. One factor na siguro na malapit na ang buwanang dalaw ko, pero ang kabuuan ng mood swing ko ay di ko pa rin maintindihan. Di ko pa rin ma-decipher ang kahulugan.
Kung sa karamihan siguro ay naging maganda at maaliwalas ang mga nakaraang okasyon, sa akin ay naging makulimlim at maulan katulad ng panahon. Parang naging napakahirap sa akin ang ngumiti at magsaya dahil hindi na naman ako sigurado sa aking sarili. May mga kaguluhan na naman ako sa isip at mga katanungan na di pa rin masagot-sagot at dadalhin ko na naman sa kasalukuyang taon. Bakit nga ba di matapus-tapos ang drama sa aking buhay? Masyado na yata akong nasanay sa emotional distractions at sadyang maninibago ako kapag medyo nagiging masaya ang estado ko. Minsan plinaplano ko na ring baguhin ang aking alyas dahil mukhang di na bagay. Di na tugma sa akin disposisyon. Sabagay, mahaba pa naman ang taon at marami pang mangyayari. Anuman ang dumating sa ‘kin sa taong ito, matupad man ang mga pangarap at plano ko, tanging ako lang makakaalam. Dahil tanging ako lang din ang babago sa aking buhay. Hindi pa naman siguro huli para i-enjoy ko ang natitira ko pang bakasyon dito sa Pinas.

Nakakadismaya na walang sigla ang unang blog ko sa taong ito. Ayoko sana pero walang paglagyan ang pagiging iritable at cranky ko. Daig ko pa ang isang menopausal. Kulang lang daw ako sa sex, sabi ng jowa ko. Tiempo kasi sa “bisita” ang dating niya. Sana nga ganun lang ‘yun. Sana ang emosyon na ito ay tulad lang ng tuyong lupa na kulang sa hamog. Ng isang addict na hindi nakapagkape. Ng tasang kulang sa dampi ng mga labi. Ng unan na naghahanap ng yayakap. [Pakshet sa corny!]
Happy New Year sa inyong lahat! Ganito man ka-unpredictable ang takbo ng isip ko, hangad ko pa rin ang kabutihan ng ating mga buhay-buhay sa taong ito. ‘Wag tayong pagupo sa problema dahil “WHAT DOESN’T KILL US CAN ONLY MAKE US STRONGER“. Kung katulad kita na sanay sa distraction at puno ng drama ang buhay, ‘wag ka pa rin matakot na harapin at sumugal sa buhay. Dahil malay mo, jackpot pala ang katapat ‘nun.
Tuloy Pa Rin Ang Pasko
Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak
Ganyan ang indak ng mga bombilya
Kikindat-kindat, kukurap-kurap
Pinaglalaruan ang iyong mga mata.
~ Excerpt from “Kumukutikutitap” of Joey Albert
Ilang tulog na lang at Pasko na. Brr! Damang-dama ko na ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot hanggang laman. Halos mamaluktot na rin ako sa pagtulog kahit pa balut na balot na ‘ko ng makapal na kumot. Sa di kalayua’y iba’t ibang boses naman ng mga nangangaroling ang madalas kong marinig. Nakakatuwa na kahit ang iba’y sintunado, sige pa rin sila sa pagbirit ng kanta. Kahit pa paulit-ulit na lang ang kanta at “Patawad po,” ang kasunod na hirit ng mga kuripot natatapatan.
Minsan Isang Panahon
Habang nag-oorganize ng mga dating gamit, naispatan ko ang dating sinulat ko noong adviser pa ko ng P.I.P.O.L. Nakatago pa rin pala ‘yun pagkalipas ng halos 12 taon na rin. Habang binabasa ko di ko mapigilang mapangiti. Ginawa ko kasi ‘yun para sa dating mga opismate na sunud-sunod na nagpakasal. Nakakatuwa na nagawa kong isulat ‘yun sa panahong gulo din naman ang utak ko. Pakiramdam ko tuloy naging pretentious writer ako. Gayunpaman, ibabahagi ko na rin sa inyo para masabi ko namang minsan isang panahon, naikuwento ko ito sa inyo. Kayo na ang bahalang kumilatis. 😀
Bente-singko
Dumalo ako kagabi sa isang konsiyerto na binuo ng dating sinalihan kong choir sa lugar ng Tondo. Tulad ng isang batang Tundo, naging excited ako na balikan ang aking pinagmulan pati na rin ang mga bagay na naging bahagi ng buhay ko doon. Kasama na nga roon ang grupo na minsa’y pinagbuhusan ko ng atensyon at oras. Alam ko sa sarili ko na hindi naman kagandahan ang boses ko. Pero nang mapabilang ako sa kanila, bigla akong nagkaroon ng unting yabang sa sarili. Kasi nama’y isa ang grupo namin sa pambato ng aming simbahan pagdating sa mga choir competitions. At isang karangalan na muling ma-witness ang 25th anniversary special nila. Imaginin mo ‘yun? Ganun na pala sila katagal. Bente-singko.
Crossroad
Minsan dumarating sa buhay mo ‘yung mga pagkakataon na naguguluhan ka at nagda-dalawang isip kung tama ba o mali yung ginawa mong desisyon. Gusto mong bawiin pero huli na, nagbitiw ka na ng salita; nagdesisyon ka na. Maiiwan ka sa sitwasyon na alam mong ikaw ang maiipit at dehado. Pero wala kang choice kasi dalawa lang naman ang kalalabasan ng susunod mong aksyon; (1) babawi ka para maituwid mo ang lahat, pero may siguradong masasaktan at matatapakan o (2) papanindigan mo ang desisyon mo at mag-suffer sa magiging consequence nito. Alin man sa dalawa ang piliin mo, alam mong hindi ka magiging masaya.
Tuliro
This part of my life is called… TULIRO.
*****
Linggo. Alas-nueve ng umaga.
Nagtext ‘yung hipag ko. Pinaringgan daw siya ng isa ko pang hipag. Ang sabi, bakit daw siya (hipag 1) andun? Akala daw ba ano? Ano’ng ibig sabihin ng “ano”?
“Pa’no ba ang pagkakasabi?“, tanong ko.
“O bakit ka nandito? ‘Kala ko ba ano?“, ang sabi daw ng isa ko pang hipag. Walang ibang tao dun kungdi siya (hipag 1) at ang ‘yung mag-asawa (kapatid ko at hipag 2). Kaya alam ni hipag 1 na siya ang pinariringgan ni hipag 2. Just a short background, mayroong cold war ang (mapagpatol na) mga kapatid kong lalaki at ang mga kumander nila.
Maya-maya nagtext ang tatay ko, “Wag mong tawagan si (hipag 2). Nagkamali lang ng pagkaintindi si (hipag 1).“
Nagtext ulit si hipag 1. Lumalabas daw ngayon na siya ang sinungaling.
Saan ako lulugar?
Tuliro.
*****
Balik Pinas
Sa wakas. Matapos ang ilang araw na lakaran simula ng dumating ako, nagkaroon din ako ng chance na makapagbukas ng kompyuter. Ilang araw ko din hindi nadaan ang WordPress at na-miss ko naman talaga ‘to. Kating-kati na ang mga daliri ko sa pagtipa at punung-puno na ng mga rubbish kuwento ang utak ko.
Uumpisahan ko noong araw na umalis ako ng Singapore.




Who brews with me: