maryo j

november 1

may pinuntahan din akong deadz kanina.

and this day marks the end of it all.

istediberd

alam mo yung steady? yung tipong walang nagaganap na exciting sa buhay mo.  yung tipong pati internet kinatatamaran mo na.  wala ka nang nilulook forward na whatever na pwedeng magpasaya sayo. or magpainis, for that matter.  yung tipong tamang nagsusurvive ka lang sa daily life.  yung wala kang ibang ginagawa aside from the usual bahay-trabaho-bahay routine.

alam mo yung steady?

yung ito.

nakakatamad.

parang nakakaloko.

a million dollar question

why is it so hard to let go of something not worth holding on to and definitely not worth fighting for?

a. you are stupid
b. you don’t believe that it’s not worth the effort
c. you don’t have anything else to worry about

gahd. i need an expiration date!

project deadz [09-13-08]

sumalangit nawa.

*********** is ONLINE

pero wala sa list ko. potek. pinermanently offline nga nya ko. tangena.

benchmark

Day 45.

and i’m doing fine.

ang galing ko talaga.

harharhar!

express padala from up there

i feel so light. ansaya ng araw na to. parang naghello sakin si god.  andami dami nyang pinaavail na signs.  now i know what to do. 

grabe hanggang pag-uwi ko, me mga pahabol pang signs o! grabe ansaya nito.  i think this is the right direction.  kapit lang.


taken by ka levi castro

quattro

dahil langkwents ang ipinunta namin sa ortigas, dito na lang kami nagcelebrate ng life, love, confusion, moving on, hatred, happiness, new life at kung anu-ano pa. di ko naimagine na makakasama ko iba’t ibang set of frends ko sa gabing to.

left – right:

– jonel
– frend ko since highschool.  kadorm nung first year sa kalay. ka-org sa isang provincial org. kras nya ko nung grade 6, kras ko sya nung first year hayskul. gumawa kaming tatlo nina mike ng isang crappy ‘experimental film’ nung first year at isinali namin sa isang competition. shempre di nanalo. haha. pangarap nyang maging artista.

– mike – one of my oldest frends in college. superfrends kami nito nung first year college, hanggang bigla syang nawala para magtrabaho. nitong gabi lang na to nya nalaman na kras ko sya nung 1st year kami. kras din sya ni kacey nung hayskul, pareho silang taga tarlac e. “hanggang tingin lang ako sayo noon” [pamintuan, 2008] pero sabi nga ni mike, parang kapatid lang ang tingin nya saming dalawa ni kacey at never nya kaming naisipan ng malisya. harharhar.

– claud – nameet ko sya sa imc, during rivermaya days.  nung mga bandang dulo na ng maya sya pumasok kaya di kami masyadong nakapagbond. pero naalala ko noong christmas party namin sa opis, pinuntahan nila ako doon ni mike. at witness sya nung muntik na ko masagasaan ng isang car. wasak lang. haha. masaya sya nitong gabing to.  me boyps na kasi sya, at one week pa lang sila. hihi!

– kacey – amm, forever kasama ko sa ibat ibang set of frends? haha. magkadorm din kami nung first year pero di kami close. actually medyo naiinis pa nga kami sa kanya dahil lagi nyang kasama ang mga crush ng bayan na sina art at tim. di ko na maalala kung kelan kami nagstart maging close nito, pero basta ngayon isa sya sa mga superfrends ko na forever maaasahan in all aspects. marami rin kaming similarities at halos sabay ang mga nagaganap sa life namin. nagtatrabaho kami sa bigtime super magkaribal na companies sa ad world pero shempre, di naaapektuhan ang frendship. pati nga officemates nya nagtataka rin. haha.

ansaya ng gabing to. kahit haggard yung struggle namin sa ortigas, nabawi naman ng masayang bonding sa quattro.

para sayo [kung mababasa mo man to]

andaming nagaganap na big things sayo. ayoko na makisingit pa.  steady lang ako dito.  masaya ako para sayo.  proud ako sayo, sobra.  di ko lang masabi sayo.  gustung gusto kong sabihin sayo kung gano ako kasaya at kaproud pero tingin ko hindi naman yun magmamatter sayo.  baka sabihan mo lang ako na nag-eemo nanaman.

di ko alam kung napapansin mo pero eto, sinusubukan ko nang wag nang kulitin ka pa…or magparamdam in any way.  para wala na lang.  para hindi na ako makaistorbo sayo.  para hindi na rin ako umasa.  [sana hindi na lang ako naniwala sa sinabi mo na mag-usap tayo pagbalik ko.]  pansin mo pati birthday mo tiniis ko? oh well.  tingin ko hindi mo rin naman mapapansin yung hindi ko pagpaparamdam, sino nga ba naman ako sayo. so irrele lang din tong ginagawa kong to.

hay.  basta ako dito, steady lang.  masaya na ako na ok ka, na nagagawa mo na ang mga gusto mo, at yun nga, na maraming big things na nagaganap sayo.  medyo nagiguilty nga ako na binabother kita dati, lalo na nung bago ako umalis. sorry dun. pasensya na sa pagiging selfish ko…

go ka lang dyan. galingan mo pa lalo.  sana maging super successful ka at ang mga ganap sayo.

maraming salamat sa mga masasayang alaala.

***
wala lang. lakas ng loob ko magsulat kasi malamang hindi mo rin to mababasa. haha. or kung mabasa mo man baka ten years after ko pa napost to. at baka by that time irrele na rin tong mga pinagsasabi ko…in a positive or negative sense, we’ll never know.

« Older entries
Design a site like this with WordPress.com
Get started