Shuttered Life

Posted in Uncategorized on February 27, 2010 by arjayem

Shuttered Life

Running away from the past that’s after me

No matter how I tried, I could never be

Always on a sprint, a black hole to where I begin

It’s a tough game…It’s a battle I can’t win…

I’ll keep on smiling high, writing lights on a film

Exposing all what I’m going through this lens on my machine

I offered little tears on these radical souvenirs

I’ll wait till it fades, those reel of negatives

I don’t have my Kevlar helmet, Swiper swipe all my gears

It should protect me from this madness and bullet made of tears

This head is fully occupied with fear of moving ahead

I am a barehanded trained warrior backing out when I’m scared

Someone shouts; get back your heading the wrong way

I don’t give a damn, who are you anyway…

This is my war, and I have my battle plans

With full metal jacket and a funeral band

Head shot, bruises and stitches on my shoulders

I lose the fight but I am a proud wounded soldier

The white flag is waving and the war is over

But the humbled warrior keeps on running forever

It is a never ending voyage of love and hate

Colliding ideas and dismantled faith

It will never stop no matter how we pretend

Cause only the lifeless have seen the war ends…….

I have the power....It shines and I can’t stop the energy it possesses…Blinding light flashes between the eyes brings reflections of an unknown man…Golden walls around illuminates this halo above me…And I just can’t control it…I’m starting to fade……

REWIND AND STOP……

Posted in Uncategorized on January 14, 2010 by arjayem

Rewind and Stop……

Her eyes and the way she stares,

Bunny teeth and the smile she wares,

Swollen nose when in tears,

Falling curled and dead hairs,

Short arms and a bonus finger,

Undersized legs, feet like hare,

Slow moving marathon runner,

Race the snails and the turtles,

Snoring moments on-air,

Acrobatic poses comes in pairs,

Fetal positions once in bed,

Wake up calls..She don’t care,

Burping aloud after meal,

Farting over a romantic flare,

Laughing hard on a corny tale,

Rain showers never fail,

Instant cooking demo in display,

Rice, noodles and canned dishes in a tray,

Simple presentations in perfect way,

Served with loved….(and what?)…a strand of hair..,

She giggles in a bunch of flowers,

Craving more on a box of chocolates,

Hani, Doughnuts and coffee cups,

Sweet corns, Ice creams and forest cakes,           

Guitar strings and acoustic air,

Piano pieces and back up voices,

Playing sweet sounds in a shower,

Sing you all, choir of little angels….

Breakfasts, lunches and dinners we share,

The memories and moments you spare,

The mornings and goodnights kisses,

And the tears of goodbye in her last breathe……

End……

Camarines Sur Water Sports Complex

Posted in Uncategorized on December 28, 2009 by arjayem

Ang tahanan ng mamahaling pagkain at inumin.....tambayan ito ng mga hari at reyna....

             May Isang dahilan kung bakit naeenjoy ko ang pag-stay ko dito sa bicol. Hindi dahil sa magaganda at malalambing ang mga babae dito kung hindi sa mga magagandang tanawin at lugar na matatagpuan dito. Yung mga babae eh isa ring dahilan pero hindi applicable sa kwento ko ngayun…rak en rol.  

            Camarines Sur Water Sports Complex o mas kilala sa tawag na CWC. Ito ay isang water sports complex…..Sabi ko nga…..higit 30 minutong byahe sa bus mula Naga City hanggang Pili Capitol at 10 minutong sakay ulit sa tricycle papasok ng CWC. Pero kung gusto mong maenjoy ang byahe papunta sa lugar at kung medyo hindi ka naman nagmamadali, sumakay ka ng “padyak” na may bilis na 5 kilometro kada oras sa loob ng 20 minuto depende sa physical strength and capability ng driver at ang lakas ng pasubang hangin na talaga namang nakakaapekto ng malaki sa aerodynamic speed ng “padyak”. At dapat nga lang lagi kang handa na tumalon para magtulak sa pataas na bahagi ng daan pabalik malapit sa kapitolyo paglagpas ng maliit na tulay. Wag kang mag alala, maari kang humingi ng discount sa mga pagkakataong nabanggit.  

            Sya nga pala, kung ikaw ay taga ibang planeta o probinsya, magdagdag ng 8 oras na byahe sa bus sa halos isang oras na byaheng nabanggit sa simula kung manggagaling ka sa Manila. At kung gusto mo ng mas mabilis at medyo nagyayabang ka, 45 minutes lang sa eroplano, sabihin lang sa piloto, Pili Airport ang baba mo… At kung nagtitipid ka at nagpapaawa at gusto mo makalibre, sa loob ng 7 araw na walang hintong paglalakad, andito ka na. At kung gusto mo lit ng mas mabilis, tumakbo ka. Walang pipigil sayo. Walang makikialam….Pero ang dugo at pawis kasama ng mga kalyo sa paa ay mapapawi sa mga ideolohiyang iyong ipinaglalaban, ang makalibre sa pagpunta sa CWC. Tip:Sumabay ka sa lakad protesta ng mga taga Bukidnon pag pauwi na ng manila, may libre pakain sila.  

            Ang masarap sa CWC walang entrance. Libre ang lugar. Syempre ang amenities, may bayad. Ang swimming pool, ang skateboarding arena, ang boating sa Lago Del Ray, ang pagkain na americanized ang presyo, parang binili mo yung plato at kutsara nila sa mahal…at syempre ang pinakasikat na tsaraaaannnn!!!!!….”wakeboarding”  

            Hindi ko alam san nag-originate ang extreme game na ito. Wala na ko time magresearch. Basta sa TV ko lang sya napapanood dati. At balita ko dalawa lang ang meron nito sa Pinas. Isa sa Batangas at dito sa Bicol. Pero dito sa Bicol ang una sa Pilipinas sabi ni Governor…Sabi nya eh….  

Nature ng laro: Ang manlalaro ay nakasakay sa wakeboard at hinihila ng cable na nkakabit sa isa pang cable paikot sa paligid ng lake. Gagawa ng kanya kanyang routine sa tubig gamit ang mga jump at ibat ibang istilo sa ere. Ang may pinakamataas na score sa mga judges ang syang panalo…syempre….  

Mga Gamit sa laro: Mechanical Cable, Wakeboard, tubig sa lake, mga protective gear at pinakaimportante ang pera. Pag wala ka pera, hindi ka makakalaro.  

Mga pwedeng Maglaro: Yung may pera lang at kapamilya ni Governor.   

Pero wag magalala, may isa pang libre dito. Ang paborito ko. Ang mag photo shoot. Actually, ito lang ang naeenjoy ko dito. Magandang tanawin, lalo na pag may international competition, nagkalat ang mga turista galling sa ibang bansa, karamihan sa kanila nakabrief at nakapanty lang palakad lakad. Pero hindi naman un ang ipinunta ko dun, promise…totoo nga…peksman,…Pero ingat lang sa pag-take ng picture lalo na kay governor kasi baka bigla kang sunggaban ng mga praning na body guard nya na parang laging may magaassassinate sa boss nila…  

            Ayokong mag-wake board.  

Gusto ko lang icapture ang mundo at ibahagi sa ibang tao. Rak en Rol!!  

wake me up!!....

hindi ko sya kilala....napadaan lang sa harap namin.....

 

Ang anino, bundok, lawa, at ang kable......

 

Wakeboarder…..one of my favorite shot…ganda ng location ko eh kahit malayo…

Another day has gone...and tommorow is just another day....

stolen shot syempre...ang higpit ng security pero maluwag ang shutter ng camera....

Sunrise sa umaga…….

 

“WISH ko lang WELL”

Posted in Uncategorized on October 29, 2009 by arjayem

 wishing well sa mines view2

“WISHING WELL”

Patotoo ng isang Tunay na Bato…….

 

Hindi ko hawak ang buhay mo. Hindi ko alam ang mga mangyayari sa hinaharap. Isa lang akong batong natsitsimis na magbibigay katuparan sa mga kahilingang paulit ulit na sinasambit at ibinubulong mo sa hangin. Isa akong simbulo na hindi malinaw kung para saan. Sa paghagis ng piso sa batis ng kahilingan, kasabay ang pag-asang walang katiyakan. Barya na pantawid gutom na sana ng mga mahihirap na naghihikahos sa buhay at barya na walang halaga para sa mga mayayamang kapos palad. Ipinapaubaya mo sa akin ang mga kagustuhan mo, makikinig ako ngunit sino ang makakapagsabing nakikinig nga ako? Sabihin mo sa akin ang lahat ng gusto mong mangyari at ang mga pangarap na nais mong marating..Pero wala akong pakialam, ito ang papel ko sa mundo, ang magbigay kasiyahan sa mga taong nawawalan ng pag asa at piso na lang ang nakikitang paraan para makatakas sa mundo ng katotohanan. Wala akong sinabi na matutupad ang bawat kahilingan at gaganda ang iyong bukas kahit pa ilang piso ang ihagis mo. Pero hintayin mo lang at malay mo matupad..May awa din ang piso.

Piso bawat pangarap. Pag medyo mahirap ang hiling, dalawang piso ang ihulog mo. Pag gusto mong humiling ng imposibleng mangyari, huwag barya ang ihulog. Ihulog mo ang sarili mo una ulo.

            Hawak ko sa aking mga kamay ang mga hiling mo….pero ikaw ang tumupad. Isa akong taong bato sa “wishing well” at ito ay hindi “wish come true well”. Asa ka pa..

 

Paunawa: Ang bata na ginamit sa larawan ay hindi tunay na bata. Isa syang tunay na bato. Kaya hindi na kailangan ikuha ng permit sa DOLE..Rak en roll na tunay..

Note: In memory of 2010 election…….lets pray for them….

Walang Happy Ending…

Posted in Uncategorized on October 16, 2009 by arjayem
Heaven's Lamp

 

 

 

 

 

 

Walang happy ending….

                Fairy tale, kwentong pambata at pelikula lang ang merong happy ending. Cinderella, Snow White, Rampols…ramfol…ramflestiskin…ahhhh…Pinochio at Lovers in Paris. Very predictable ang mga kwento…pare pareho ang plotting ng istorya. Sa umpisa maapi ang bida, sa kalagitnaan makakaresbak na sya…may prince charming, may mga fairy god mother, witch , hari at reyna. Walang pinagkaiba sa mga teleserye at drama sa radyo. Nakakaaliw at epektibong pampatulog sa mga kabataang mula 4 hanggang 7 taong gulang. Pero base sa mga pagaaral at pagsasaliksik ng mga dalubhasa sa human behavior at mga nagmajor ng storytelling na nakakatulog daw ang mga bata hindi dahil sa magandang istorya nito kundi dahil sa sobrang boring moments nila sa kakapakinig. Zzzzzzzzzzzz…..

            Parang mga addict, “Once upon a time…blah blah blah…yadah…yadaah.……and they lived happily ever after”. Paulit ulit. Pinaniniwalaan  ng mga batang walang malay, mga batang madaling utuin. Dahil sa totoong buhay, walang happy ending.

            Kung iisipin, hindi natin alam kung san sisimulan ang kwento ng buhay. Kailangan magresearch pa kung saan ka nag evolve. Sa antimatter kung saan nagsimula ang universe? Kay Eva at Adan na ating mga ninuno ayon sa bible? O sa mga unggoy?…Hmmmm, yung ibang kilala ko pwedeng sa unggoy sila nagmula, yung iba nga mga mikrobyo daw ang ancestors nila…To make the story short, umpisahan natin sa pagsilang mo sa mundo, yan ang simula ng alamat mo.

            Iniluwal ka ng iyong ina. Masaya ang lahat, maliban sayo kasi di mo alam ang nagyayari sa paligid mo. Tulad ng opening ng kwento sa fairy tale at mga pelikula, tumutugtog ang magandang musika habang pinapakilala ang bawat tauhan. Sikat ka kasi ikaw ang main attraction dito. Aalagan ka, halos lahat ng gusto mo binibigay nila sayo….kahit yung hindi mo gusto. Ikaw ang bida sa sarili mong kwento. Kaya ikaw din ang gagawa ng sarili mong story line, plot at sound track. ….. Pero syempre hindi mo pa alam ang kwento mo dala ng iyong kamusmusan at kamangmangan sa mga bagay na sinasabi ko. Ikaw ang nasa lead role at sila ang producer at director na susundin mo. Wala kang magagawa. Mananatili ka ng ilang taon sa ganitong sitwasyon at magtitiis ng kaunti. Hintayin mo na lang ang revision na pwede mong gawin sa kwento pag nakagraduate ka na at kaya mo nang sagut sagutin ang mga magulang mo.

            Fastforward……Ito na ung climax ng alamat. May trabaho ka na, kaibigan, minamahal (rak en rol) at parang walang problema. Kasiyahang hindi mo alam kung saan nagmumula. Lakas na nanggagaling sa paghaba ng ilong, sa paghaba ng buhok, sa sapatos na naiwan mo sa party, sa mansanas o sa mga leprechauns. Matakot ka na kasi pagkatapos nito, problema naman ang kakaharapin mo. Hindi habang buhay eh masaya ka. Ano ka , sinusuwerte? Dito na lalabas ang mga nakakatakot na rebelasyon. Ipagtatapat mo sa mga magulang mo na ampon ka lang at hindi sila ang tunay mong mga magulang (shocking). Isa ka palang puppet na kahoy na ang tanging kapangyarihan eh ang paghaba ng ilong na di mo alam kung san pwedeng gamitin. Maraming tao ang nakakapit sa matibay at mahaba mong buhok na dahilan upang ito ay pamugaran ng mga kuto. Wala ka ng sapatos, at tanging tsinelas na ipinamimigay ni Korina Sanchez ang gamit mo ngayun dahil totoong ramdam nya tyo. May lason pala ang mansanas at nakatulog ka ng mahabang panahon hindi dahil sa lason kundi sa inip sa paghihintay sa prince charming mo. Ikaw pala ang leprechaun na mahirap bigkasin ang pangalan kaya bininyagan ka ulit sa pangalang (place your name here) at ang masaklap, iniwan ka ng iyong minamahal (rak en rol). Ang daming twist, inaanticipate mo na mangyayari pero hindi mo expected. Getz mo?..

            Huwag kang mag alala kasi hindi pa ito ang ending. Makakabawi ka pa. Babangon at dudurugin ang mga problemang dala ng realidad ng buhay. Irerehab ka na parang addict. Gagaling ka. Sasaya ka ulit kasi matatalo mo ang mga kalaban sa tulong ng pitong duwende, mga fairy god mothers, mga hari at reyna, mga prince and princess charming, mga magic spells at syempre ang nakakagising na halik galling sa iyong minamahal (rak en rol). Magdidiwang ang buong kaharian, magkakaroon ng party till the break of dawn. And Ive got a feeling that its gonna be a good night. A good good night. 

            And they lived happily ever after…………Para lamang ito sa isang masayang yugto ng kwento sa totoong buhay. Dahil walang happy ending. Wala talaga . As in wala. Ending siguro meron pero hindi masaya. Para sa akin, happy moments lang ito at hindi ending. Paulit ulit na mangyayari ang malungkot at masayang pangyayari sa buhay. Paiikutin ka ng sarili mong kwento na ikaw din ang gumagawa. Kahit ikaw na ang leading role at director, may mag e-edit nito at maaring palitan ang synopsis ng hindi mo nalalaman. The greatest hacker of all time. Kahit buhay mo iha-hack nya. Isang click lang, tapos ka na.

            Isa lang ang alam kong ending ng istorya nating lahat. Malayo sa tradisyonal na fairy tale, drama sa radyo at mga pelikula. Maaring magkaroon ng ending kahit hindi pa nagsisimula, maari din naming nasa climax pa lang eh tapos na ang kwento, at pwede rin na nasa dulo ang tinatawag na katapusan. 

At lahat ito hindi masaya. May kwento pa ba pag patay na ang bida? May masaya ba pag namatay ka na?

 End……

PHOENIX

Posted in Uncategorized on August 17, 2009 by arjayem
a lady appears to burn using long exposure and light reflections

a lady appears to burn using long exposure and light reflections

 

Lit the fire, as it burns, it will turned all into ashes and swept away through the winds……vanishing pain, forgotten in time………Sometimes, the one you love the most is not worth fighting for….so let go and accept the reality…even if it hurts…..Pain will not be forever in you….

 

Yellow and Purple Flower with green leaves of summer

Yellow and Purple Flower with green leaves of summer

Green leaves of summer….yellow and purple flowers….brigthens my tommorow from the blazing fire of anger…Look over the positive side of it….Beautiful things are there to cheer us up…they are made because God knows we needed it….

Dont look back......

Dont look back......

Just turn your back……just learn from it and never look back…..we feel the pain cause were humans…But it will heal in time….

End………….

 

Color of the year.....

Color of the year.....

A simple way of remembering the greatness of President Cory Aquino….and a simple way of getting close to her…..hehehe…(pasimple pa…..)

 

rak en roll!!!!!

Sampayan

Posted in Uncategorized on July 30, 2009 by arjayem
Sampayan at mga colorful sipit

Sampayan at mga colorful sipit

 

Sampayan

            Ito  ang aking sampayan…Ito ang nagsisilbing “hang” out ko pag feeling ko e basang basa na ako sa ulan ng mga problema at hassle sa buhay….pagkatapos linisin ng detergent soap at tubig ang makamandag na mantsa ng past tense ng buhay ko…isang maayos at  makulay na sampayan ang pumapawi sa mabagsik na kalungkutan….hindi pwede ang dryer….kailangang matuyo sa natural na paraan…..ipagpag para matanggal ang excess water at wag pilipitin kung ayaw mong magkapunit punit agad pag natuyo ka na…araw…hangin…..kailangan ko sila……at ang mga sipit na tutulong sa akin para di makabitaw kung sakaling di ko na makayanan ang lupit ng pangangalay…maaaring magkaroon ng pagkulog, pagkidlat at manaka nakang pag ambon pero matutuyo ka din….paglipas ng ilang hagupit ng hangin at matinding sikat ng araw, natuyo na ang sinampay…….wala na ang moisture content, ang mabahong amoy, ang pawis at alikabok galing sa santinakpan…..pero ang mantsa nananatiling makapit at patuloy na nakikipagbonding sa iyo…..ang mahalaga natuyo ka, nagbago at di bumitaw sa sampayan….makikita nila ang naiwang bakas ng mantsa, ang maling nagawa at pait na naranasan….sa katagalan, kukupas na lang at malilimutan na minsan ay nadungisan ang magara mong damit na kagagawan ng mga sampay bakod sa ating buhay….mag isip…maraming paraan…pero wala kang magagawa….hindi ka pwedeng bumili ng bagong ikaw at mas lalong walang second hand na ikaw….nagiisa ka lang….magbago at matutong tanggapin ang pagbabago…pamilya, kaibigan, special someone……kasama ko sila sa aking sampayan….sabit na….

special = 1 (lomography)

special = 1 (lomography)

 

Note: Lomo pix from my multicolored Holga….rak en roll!!!!

Who’s the man?…..

Posted in Uncategorized on July 30, 2009 by arjayem
Plaza Rizal in Naga City

Plaza Rizal in Naga City

 

I took this picture in a bright sunny sunday afternoon…..the sky….the Philippine flag, the angels, the lamp post carried by a white lady (he he) and the “man” standing up there……rak en rol!!!!

SALVATION

Posted in Uncategorized on July 27, 2009 by arjayem

StairsSalvation

            Hide as if no one can see you…….vanished along with your fears and anger…. No one can feel you……No one can read an empty face…you stuck in the middle of that stairs, will you go up or just fall behind?….heads down, hands concealed those scarred purity of childhood…Afraid of being a child..so naive  but brave enough to face adulthood in your 7th years on earth…..seasoned by adversity…..unaware of the consequences….All thoughts and words come out so right because no one stands to correct you….and you might not understand either…your mind has limited capacity….brain chips are empty….

Barefooted climbing that height with thorns sprinkled along the steps…You are hurt….No one is there…Screaming with your mouth shut, no one can hear you…..Help yourself….Dying to make a difference but you are an ordinary little one….no one will notice…..walking on the streets of life, begging for something to feed your mind….Get high with the aroma of that sticky substance wrap in a plastic bag…your fallback…..Hide your hunger and forget the world….fly as if no one can reach you…..but you will fall….and die….stuck forever in the middle of that stairs…

End……

The Blue Day Book

Posted in Uncategorized on July 14, 2009 by arjayem

BLUE DAY BOOK – A lesson in Cheering Yourself Up by Bradley Trevor Greive

 

I bought this book in one of the local book store in Legazpi City in the late afternoon of July 8, 2009. I’m searching for a book about photography and this one caught me. Maybe because its colour excels from the other pale book covers. The Blue Day Book contains black and white photos of animals in their best poses ever…and it is good….it will really brighten up your blue day…..you should have a copy of this….These animals really inspires me….Hope you could read the captions below each pictures….

Blue day book

Blue day book 2 editBlue day book 1 edit

Blue day book 6 editBlue day book 7 editBlue day book 8 editBlue day book 9 editBlue day book 10 editBlue day book 11 editBlue day book 12 editBlue day book 13 editBlue day book 15 editBlue day book 16 editBlue day book 17 editBlue day book 19 editBlue day book 5 edit

End……………..

Design a site like this with WordPress.com
Get started