kahapon nagkita-kita kami ng mga kadepartamento ko sa may ayala MRT. dun and miting place namin. pupunta kasi kami sa lamay. quarter to 7am nandun na ako. para akong pokpok dun na may inaantay na costumer. ang tagal ng mga kasama ko. medyo naiinipat inaantok pa ako. nagdatingan sila mga pass 7 na. nang mabuo ang aming grupo larga na kami papunta sa burol ng tatay ng isang kasamahan nain sa opis.
una on ang byahe namin. kwentuhan, tawanan kung saan-saan na padpad ang usapan namin. dumaan kami sa may tapat ng cebu pacific kasi may pi0pick-apin na pad sabay kumain na din ang mga SC sa jobe tapos alis agad. nakarating kami sa burol mga 9 am na. nagdasal kami ng rosario. medyo na pagka komede pa. habang nagdadasal tumunog ang co nung namumuno biglang ipinasa na opismayt ko ang rosary biglang umayaw kasi hindi naman sya katoliko. sabay abot sa isang may edad na. tapos sagutin ang cp kuha ulet ang rosary deretso ang pagdadasal hanggang matapos.
kumain sila ng mga kutkutin ako hindi kasi hindi ko talaga ugali kumain sa may patay. maarte? ewan basta hindi ako kumakain sa may patay.
umalis kami ng 10am ang layo ng narating namin sumama pa kasi kaming mag-field wala kaming choice kasi nakikisakay lang kami sa car nya. tanghali na at gutom na lahat. ako hilong-hilo na sa gutom marahil at isa pa sa sinasakyan namin. pano ba namang hindi ka mahihilo eh pag promeno sasama kat at mangungudngod sa katabi mo. sa likod kasi kami sumakay so mukha kaming bagahe. at kaskasera pa ang driver namin. para kaming nakasakay sa roller-coaster… sa wakas nga 2pm nakarating kami sa opisina. bigla akong bumaba sa sobrang nasusuka na ako at nahihilo. nagdidilim na din ang paningin ko.
lahat pala kami iisa lang ang idinadaing nahihilo. siguro di sa gutom yun. malamang sa pagsakay sa sasakyan. at pagtapos ng trabaho para pang may after effect ang pagsakay namin sa kanya pakiramdam ko ganun pa din…
sobrang pagod ang araw na yun. para akong nanlalata pagdating ko sa bahay at parang ayaw kong kausapin mga tao sa bahay.

Kamakailang puna