Filed under: personalan
Yeah! tama I’m moving up siguro within this week aalis na ako sa wordpress.com pero mag blog pa rin ako. Anywayz maraming salamat pala kay melaitot yung may-ari ng manilenya.com for assisting me sa pag set-up ng blog inaamin ko naman bago palang ako sa blog so kailangan ko pang maging makulit kay melaitot na expert na.
joanjoyce.com will give me some space para sa hosting wahehehehe thanks :D. Kaya domain nalang ang bibilhin ko oh! dba OK nakatipid pa kami sa hosting kasi libre host ng blog ko. Medyo malaki laki din kasi ang hosting capacity ni joanjoyce kaya mag host ng ilang domains kaya ride nalang ako sa misis ko. Ganun talaga ako mahilig sa ride hahahahaha.
Filed under: personalan
tagal na rin pala ako di nakapag blog medyo busy lang or nag busy-busy han lang. Nag aayos ng site nag upgrade upgrade ng mga bagong version ng SMF forum software tapos nag lagay ng mga modification sa joanjoyce.com forum sa wakas umabot na rin kami ng 500 users.
Then tinulungan ko si may esmi or baby sa blog site niya. Esmi as misis, ewan ko kung maganda ba sa paningin ng iba pero try nyo silipin ang blog ni misis ko if gusto nyo www.joanjoyce.com/blog bali ayumi yung theme pero I did some modification sa colors. Tulad nung forum site namin ayon bumaha na naman ng mga affiliates program hahahahaha buti nalang type din nya mga nilagay ko. Yun nga lang english yung blog nya compare sa akin na medyo may pagka jologs hehehehehehe.
Pero pinag iisipan ko pa kung gawing kung english itong blog ko na di ko alam kung ano anong mga laman. Sabagay nabasa ko na yung ibang international blogs and marami naman ang wala sa grammar.
Filed under: ang engot oh!
MOMMY1: Ano Pinapainom mo sa baby mo?
MOMMY2: Promil… para sa matatag na pangarap. Eh ikaw?
MOMMY1: Emperador… para sa totoong tagumpay!!!
Filed under: ang engot oh!
SAKRISTAN: Father, ano po ang dahilan ng arthritis?
PARI: Abuso sa katawan. Paglalasing. Pagsisigarilyo. Pambababae. Pagpupuyat. Bakit mo naitanong?
SAKRISTAN: Nabasa ko po kasi sa diyaryo na may arthritis ang Papa.
Filed under: personalan
Ugali naman sa ating mga pinoy ang mag celebrate ng fiesta maski walang wawart uutang talaga para may maihanda sa fiesta kaya ayun pagkatapos ng fiesta patong-patong ang utang. Inuman dito, inuman dun pagnalasing na rambolan dito…patayan dun only in the philippines mo lang makikita ang mga ganyan. Syempre di nawawala yung sayawan marahil sa ibang lugar wala ang mga ganitong trip yung isang grupo ng mga bakla na sumasayaw na may kasamang banda na gumagawa ng pagka mala impyernong ingay. Isang gimik siguro ito para mapagkakitaan ng salapi alam mo naman sa pinas kanya-kanyang gimik para mabuhay at least mas ok na rin ito kaysa magnakaw.
Habang kami’y natutulog ni esmi at nagpapahinga na disturbo kami ng pagka-ingay ng mga tambol naway parang mga taong naghahanap ng nawalang bata dahil itinago ng maligno. Kaya napasilip kami sa window at nakita namin ang isang grupo ng mga binabae na sumasayaw at sa unahan nila ay may isang jokla na nagbibigay ng sobre sa mga bahay-bahay parang caroling ang dating. At sila nga ay sumayaw sa katapat naming bahay para umpisahan ang kanilang makatindig balahibong performance……hataw na ang mga ate halos kulay uling na ang kanilang balat malamang kaninang umaga pa nagsimulang humataw ang mga ito. Nung matapos na binigyan naman sila nung kapitbahay namin at nag perform pa ulit inisip ko malamang maliit ang binigay kaya humataw pa para madagdagan at gumamit pa ng mga props katulad ng pagbuga ng apoy kaya tuwang-tuwa naman yung mga batang kalye mantakin mo paminsan-minsan lang sila makakita ng sunog na bading na bumubuga ng apoy at kung nagkamali yun malamang uling na jokla na ang nakita nila. Maganda naman ang kinalabasan ng show kala mo nasa peryahan ka, dun lang kami natawa nung inabot na yung pangalawang bayad, parang di maipinta yung pagmumukha ni ate para bang gusto nyang ibalibag sa nag abot ng pera sa kanya. Bigyan ba naman ng barya!!!! ayon parang bata na nagbibilang ng pambili ng kendi si ate. Nakakaawa nga naman mantakin mo na halos isugal na nya yung buhay nya sa pagkain at pagbuga ng apoy tapos barya lang ibinayad.
Masama man tumawa pero sa reaksyon ng pagmumukha ni ate para ba syang natalo ng 1 milyon sa laban o bawi. Nung inabot nya yung pera sa kasama nya para bang yung bata na nag abot “nay ito po yung barya”. Di naman masama ang magbigay pero dapat kung wala na e sinabihan nalang sana nila kaysa naman pasayawin pa nila ulit tapos yun lang ang mapapala. Mga pinoy talaga minsan nakakatuwa minsan di mo malaman ang pagka ewan.
Filed under: personalan
past 12 na medyo sinipag ako na silipin ang mga affiliates program na sinalihan namin kung meron nabang pwde makuha, matagal-tagal na rin kasi ako di napapadpad dun. Nag papa umpisa kasi kami ng isang online community kung saan ginawang tambayan ng mga frens or even old frens namin. At ito yung Joanjoyce Camp Online bago palang syang online community well nagpapasalamat nga kami sa mga kabarkada namin na sumusuporta at tinutulungan kami na mang invite ng mga kaibigan nila to join us. Masaya naman dun actually kinuha yung name na yun sa mabutihing maybahay ko :D. Mag 500 users palang kami and I’m proud to say na di boring yung forum kung tutuusin dahil matindi discussion dun especially sa love, girls room or even sa mens room pero majority active dun are female kaya talo kaming mga kelot dun. Lagi kaming na sapol ng mga babae dun lalo na sa mga tanong na mahirap sagutin ex. “Bakit kayo LIAR?” at marami pa wahhhh. (KAYA REGISTER NA KAYO AND JOIN NA) amp nag promote pa talaga ako hahahaha.
Syempre nilagyan namin yun ng mga affiliates program. Ika nga nila kumikita daw kaya sinubukan namin.
Google Adsense – basta yung mga advertisement links na galing google yun na yun.
Domains.ph – nagbebenta ng .ph
adbrite – nagbebenta ng ads space sa site namin.
amazon – online shopping books, perfume, etc.
bluehost – nagbebenta ng webhosting
edesignershop – nagbebenta ng mga designers bag online
buybeauty – online shop for beauty products
wweshop – nagbebenta ng mga wwe memorabilia (mahilig kasi ako sa wrestling)
drugstore.com – online drugstore shop
ikobo – online money transfer program.
Inisip ko medyo marami rami pala silang nasalihan namin, malay namin kung pumatok ba ang mga ito or nagpapasikip lang sa site namin. Then sinilip ko ang disk capacity at data transfer namin medyo malaki pa ang space up to 3 gig ang disk capacity then 20 gig data transfer/per month medyo malaki pa ang bakante.
Filed under: ang engot oh!
Basahin mo ito ng mataimtim at walang manggugulo pag meron batukan mo……!!!
WASARI AMUSAR BIKULOM DE AMUNAR
TALASPAKU AMUNAR HOM IR DE PEKRE AL
MADUKURAR HOM HOM PURAN!
Orasyon yan…
Pam-paitim ng……
PUWET!!!
Filed under: personalan
oo nga! bakit tagalog ang napili kung wika? abah kita naman siguro sa pangalan ng blog ko “BARUBAL” ano pa ba ang ekspekin mo sa laman alangan naman english, mandarin or espanyol. Filipino kasi yun lang ang madali para sakin minsan pa nga mahirap pa bigkasin yung iba. Tsaka tama na rin ito kaysa magpa trying hard na mag ingles na di ko naman talaga kaya at inaamin ko naman na pooring ako sa salitang ingles. Kaya nga di ako mapasok pasok sa letcheng call center na yan dahil baliktad ang dila ko. Para daw akong may kinakain na bubble gum na ubod ng lagkit pag nagsasalita ako ng ingles. Tama rin yun nabasa ko sa isang paborito kung blog na kay “gagopolis” mahirap na mapansin ang mga tense natin.
Kung sa bagay wala namang masama kung salitang pinoy ang gagamitin ko at least proud ako na pinoy me. Kaysa naman tulad ng iba kung naririnig na isang buwan lang sa Tate nung umuwi spoken one dollar na.
Filed under: ang engot oh!
erap habang pinaparada ang favorite mercedez benz ng paatras…
erap : o boy ngo-ngo, i-guide mo ako ha.
boy ngo-ngo : inge sey!
erap : o kasya ba?
boy ngo-ngo : sey!!! aasya!!! aasya!!!
erap : o ayan, kasya pa ba?
boy ngo-ngo : sey!!! ningnan niyo!!! aasya!!! aasya!!!
BLAGGGGG!!!!! (warak ang bumper sa likod)
erap : sabi mo kasya?
boy ngo-ngo : oo nga sey!!! aasya!!! yan o!!! uno ng aasya!!!
PUNO PALA NG AKASYA!!!