Sige kunyari english ang pamagat para mukang sosyal. haha. Sa paglalagi ko ng higit na rin isang taon sa mundo ng blogosperyo masasabi kong may ilan na kong hinangaan, at nagiging inspirasyon ko na sila ngayon para sa pag-abot ng minimithi kong buhay. At isa na dun si Lio Loco.
Isang CPA sa edad na di ko alam. Isang kapatid, anak, kaibigan, mabuting mamamayan at kasintahan. Bakit nga ba nauto ako ng blog nya na basahin at abangan ang bawat entry nito.
Una, di ko na gagandahan ang mga sasabhin ko dito kase di ko naman sigurado na mananalo ako sa kontest nya dahil sa laman ng mga salitang ilalagay sa post na to. Nadala na ko sa dating pakontest nya. Di ako nanalo. Nag expect na ako ng libro dati. Ayoko nang maulit yun ate Charo, napakasakit po.
Joke lang.
Ayoko nang isa isahin ang dahilan kung bakit nga ba. Mahilig ako sa mga bagay na nakakapagpasaya sakin, mahilig ako magbasa ng mga bagay na nakaka-inspire at nakakapag bigay sakin ng tuwa at kaligayahan (hindi po pokpok si Lio). Marami akong nakukuhang kaalaman sa blog nya, mga bagay na minsan di ko inaasahan na malalaman ko pala pag nagtyaga akong basahin yung napakahaaaabang mga post nya lalo na yung purong ingles, syet lang. Minsan pag ingles yung post, yung PS na lang ang binabasa ko, at dun na ko kukuha ng idea para makapag comment, para masabi nya na tagahanga nga ako. haha. Gusto ko yung walang pakundangan nya na pagbuhos ng tunay na nararamdaman, walang halong kaplastikan at walang halong bolahan. Gusto ko yung minsan eh nakakapagbigay sya ng kasiyahan, inspirasyon at kilig dahil sa pakikipaglandian nya kay Dude. Gusto ko si Lio kase magaling syang magsulat, hinahangaan ko sya tulad ng paghanga ko kung pano makipaglipstolips si johnlloyd sa bawat babaeng kakissing scene nya. At naniniwala ako na balang araw ay makakapagsulat sya ng sarili nyang libro. Sana yung tagalog.
Ito ay para sa pakonteshit ng nag iisang may ari ng STILLSSDDdatCOM sa mundo ng internet.
P.S Makikibati na rin po. MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT! 🙂



