A little less than two months from now, BIG DAY na namin!
Today actually marks the first year anniversary of my marriage proposal. Up until now, napapangiti at napapatawa pa rin ako tuwing naaalala ko ang lahat. At hindi ko ma-imagine na magagawa ko pala yun! 🙂
Hindi ko naman talaga ginusto na maraming audience sa event na yon. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin ko pa rin na kaming dalawa lang talaga. Pero minsan, may mga planong hindi natutupad…kasi may mas maganda at memorable na pangyayari pala ang magaganap.
My original “own” plan was to propose on our first anniversary (June 26, 2014). Yung private lang ba pero syempre gagawan ko ng paraan na may participation yung mga mahal naming sa buhay.
Pero sabi ko nga, may mga planong biglaang naiiba. I purchased the engagement ring way ahead of my plan. At ang plano kong private proposal, dinis-approve ng mga kasamahan namin sa Singles for Christ (SFC). Kaya kahit ayoko sanang may witnesses, wala na ako nagawa. Mas masaya daw kasi kung nasi-share ng babae ang happiness, specially ang surprise.
Nagbuo sila ng isang exclusive at secret group chat sa Whatsapp. Syempre hindi kasama si Raine. Sekreto nga eh. Nagbuo rin sila ng isa pang group (kasama si Raine) para sa kunya-kunyariang birthday surprise sa ka-SFC naming magsi-celebrate ng birthday. So tatlo na ang group chats namin dahil may regular na group chat. Taking into considerations some “restrictions” (budget, time constraints kasi magbabakasyon din ako nung panahong yun, etc.). Nagbigay sila ng kanya kanyang inputs, nagbuo ng plano. Bukod sa group chat, nag-uusap kami ng tinaguriang “event organizer” ko. Until finally, everything was set and finalized. Pero dahil hindi nga sa group chat nabuo ang plano, my “event organizer” had to relay our “plans” to all. She screen grabbed our conversations and sent them to the group. Bale apat lahat ang nasend. Then, isa na namang unexpected and surprising twist: wrong send.
“Na-wrong send ako!,” sabi ng “event organizer” ko.
Sa maling group chat na-send ang detalyadong plano (as in detalyadong plano). Nagkagulo na!
Panic mode lahat.
“Bro, tawagan mo si Raine!”
“Bro, agawin mo yung phone ni Raine!”
“Bro, puntahan mo si Raine!”
FYI: nasa bahay ako at nasa office si Raine nang mga oras na ‘yon, at least 15 minutes travel from my place kung makakasakay agad ako ng taxi. How can I possibly snatch her phone from her?
With no solutions at hand at that moment, all I could do was to distract her. I phoned her. Kinulit ko sya sa Facebook chat. That’s all. Yun lang talaga ang magagawa ko.
When I came back to Whatsapp chat, Raine was removed from the group chat. The group chat admin has left the group. The perpetrator has left also. Lol! They thought the group would be deleted at once. I know it won’t. Indeed, it was not.
On-line na sya sa Whatsapp. Alam ko nabasa na nya lahat. Wala kasing reply sa Facebook. Malamang nagbabasa pa. Nung bumalik na sya sa chat namin sa Facebook, lahat ng reply nya kahit seryoso ang usapan namin may mahabang “hahahahahahahahaha.” “Anong meron?,” tanong ko. “Wala. Hahahahahahahahaaha!,” sagot nya. Parang baliw lang.
Epic fail!
Buti na lang there was back-up plan. Sabi ko, back to my own version of proposal – yun naman talaga ang orig kong plano. Ang mahirap lang e ang timing. Sa sobrang tamang hinala nya noon, alam ko mas sobrang tamang hinala sya ngayon. Gagawin ko ba ang proposal sa monthsary namin (March 26)? O makikiagaw ako sa birthday celebration ng kasama namin sa Thursday (March 27)? O isabay ko ba sa padespedida party ng magreresign kong officemate sa Friday? O sa airport paghahatid sa akin? I was running out of time. O gawin ko na lang na sa first anniversary namin?
Nag-suggest uli ang “event organizer” ko. Bumawi. Mukhang OK naman ang suggestion. Kinagat ko. Pero basta kasama pa rin daw sila. Magtatago na lang daw at lalabas kapag tapos na. And then I have decided. I’m gonna propose hindi sa monthsary namin, hindi sa birthday celebration, hindi sa despedida party, hindi sa airport at lalong hindi sa anniversary namin. Kundi sa simbahan…sa malapit sa altar…pagkatapos ng misa….sa Friday, March 28, 2014.
March 28 na. Friday na.
Sinundo ko sya sa bahay nya. Ayoko nang tingnan ang cellphone ko baka kasi makahalata pa sya sa plano. Kaso may tumawag…unregistered number.
Ako: Hello?
Other Line: Hello, bro asan na kayo?
Ako: On the way pa lang, BRO. (Ka-bro ko sa SFC ang tumawag)
Ka-Bro: O sige, simba na rin kami. (Then we hang up.)
Raine: Sino yun? Ako: Si Mam Beth. (Haha! Langya, di ko alam kung narinig nyang tinawag kong “bro” yung nasa kabilang line tapos ang nasabi kong alibi e “mam.”
Sa church, bukod sa nagdadasal ako nang pabulong, nagme-memorize din ako ng mga sasabihin kong linya. Pabulong din. Habang papatapos ang misa, padagdag nang padagdag ang kaba ko. Bago matapos ang misa, maiihi daw sya (sya pa ang naiihi e ako itong kinakabahan).”Paano ko ba sya mayayaya sa malapit sa altar?,” tanong ko sa isip ko. Ako rin ang sumagot, “bahala na.”
Tapos na ang misa. Bumaba na si Father sa altar at lumagpas na rin sa may pwesto namin. Luminga-linga ako sa paligid. Hala, marami pang tao. Kaya ko ba? Inilabas ko ang cellphone ko at kunyaring pinicturan ang altar. “Hindi maganda ang shot, lapit pa tayo..” inakay ko sya papalapit sa may altar (habang ako tumitingin sa paligid). Marami pa ring tao. Hindi ko kaya to. Niyaya ko sya palabas, “Tara, CR na tayo.” Hahahaha!
Nag-CR din ako, minessage ko ang mga kasabwat ko. “CR muna kami. Grotto na lang.” Habang nasa CR sya, tinawagan ko ang mga kasabwat ko.
Sa Grotto
Madami ring tao kaya hinintay ko munang mag-alisan ang iba (at para makahinga-hinga man lang ako dahil sobrang kaba ko na…)
And then, the rest is history…
The collage would say it all. Salamat sa mga paparazzi sa mga photos, sa Team Al-Sadd sa palawers, sa officemates ko sa ideas, sa family ko sa prayers. Salamat sa inyong lahat. Salamat kay God for giving me Raine. Salamat kay God sa pagbibigay sa akin ng lakas ng loob na lumuhod, iabot ang singsing, at tanungin si Raine ng “Will you marry me?” At syempre , salamat uli kay God dahil sumagot si Raine ng “YES.”
***
EPILOGUE
Marami pa ring audience pero alam kong hindi naman talaga mauubos ang mga taong nagdarasal sa grotto. Kasama dito ang mag-ina na kinukulit na daw ang nanay umuwi.
Little Girl: Mommy, mommy, tara na.
Mommy: Wag kang maingay! May nagpo-propose!

“Wag kang maingay may nagpopropose” – Our “moment” was witnessed not just by our “intended audience” kundi pati na rin ng ibang parishioners. As much as I wanted to propose in a more private place, minsan may mga planong hindi nangyayari pero napapalitan ng mas magandang pangyayari.

21 Days – Eksaktong 21 days bago ako magbakasyon,sinend nya sa akin yan. Napaisip ako, anong posibleng mangyari sa loob ng 21 days? I had no plan for a proposal at that time. Wala pa nga akong balak bumili ng singsing noong mga araw na iyon.

The Polished Nail – On our 8th monthsary (February 2014), we had a fine dinner date in a hotel. I asked her to wear formal attire. Sinabi nya yon sa dati nyang SFC leader na nag-advise, “Naku sis, maglinis ka ng kuko mo. Baka bibigyan ka na ng singsing.” Kaso walang singsing. Sa 9th monthsary pala mabibigay. Pero ang totoo, tinesting ko kung OK yung lugar for a proposal.


























