HINAING
Posted on: October 10, 2010
HINAING
Ano ang kasalanan ko
(hinaing ng DENR)
I
Hindi ba’t ikaw ang nagputol ng mga puno
Nagkakaingin at illegal logging ng todo
Ngayong ang baha ay hanggang bubungan mo
Bakit ngayon ako ang sinisisi mo?
II
Ilang beses na kitang pinagsasabihan
Na kagubata’y alagaan at paka-ingatan
Di mo nililingap at pinapakinggan
Ang aking babala para sa yong kaligtasan.
III
Hindi ba’t ikaw rin ang nagbubutas ng ating kabundukan,
Gamit ang naglalakihang makina binubutas ang kalupaan
Bundok pinapasabog at nagtatayo ng minahan
Sa yamang lupa wala kang pakundangan
IV
Ngayong nabaon ka sa ilalim ng minahan
At ang iyong katawan diyan ay natatabunan
Ako ngayon ay iyong tatakbuhan
At sisisihin sa iyong kasalanan?
V
Mga hayop sa kagubatan wala ng masilungan
Di ka na nahabag sa kanilang katayuan
Ilan nilang pirasong lahi ngayo’y nagkukulang
Katawan nilang nanlalamig wala ng makublihan.
VI
Ano ang kasalanan ng “Kagawaran ng kapaligiran at likas na yaman”
At ngayo’y iyong sinisisi sa mga nararanasan
Gayong hindi mo ko pinakinggan, ako’y naiusap naman
Ngunit lahat ng batas ko’y nilabag mo’t tinalikdan.
Ano ang kasalanan ko
(hinaing ng BFAR)
I
Hindi bat ikaw ang sumira sa ilog at karagatan,
Kung magtapon ka ng basura ay ganun na lamang
Mga yamang tubig ay iyong pinaparusahan
Hindi mo naiisip pagkain mo ay galing diyan.
II
Ngayong ito’y namamaho’t amoy ay umaalingasaw
Reklamo ka ng reklamo, at kung kanino nagbibintang
Wala ka ng maihaing sariwang pagkain sa yong hapag kainan
Kaya dala nito ay panganib sa yong kalusugan.
III
Ang “Kawanihan ng mga Palaisdaan at mga Yamang-tubig”
Ay nanghihikayat ng pag-aalaga pero iyong binabalewala
Sa kampanya ng ahensiya ka di man lang tumalima
Anong kasalanan ko kung sa yamang tubig ikaw’y ay kapos na?
Ano ang kasalan ko,
(hinaing ng DOH)
I
Hindi ba’t ikaw ang nagbuga ng maitim na usok
Na sadyang ang amoy ay nakakasulasok
Kahit alam mong sa baga ito pumapasok
Wala kang pakialam ang mundo man ay malapok.
II
Ngayong “ozone layer” ay paubos na ang balot
At ang init ng mundo’y, hanggang buto kung tumagos
Ngayon sa ki’y nakatanghod, problema’y ipapapasagot
Hindi ba’t ikaw ang dahilan kaya mundo’y nauupos?
III
Bakit ako ang sinisisi mo sa banta ng kalusugan
Mga malnourished na bata sa kin paaalagaan
Di ba dapat ikaw ang siyang nananagot diyan
Tungkulin yan ng isang responsableng mamamayan?
IV
Ilalim ng tulay at daanan, ginagawa mong tirahan
Gayong sa probinsya malawak ang yong kalupaan
Sino bang may sabi na sumiksik sa kamaynilaan
At dito’y ipagsapalaran buhay mo’t kalusugan
V
Mga kanal at estero, hindi mo na iginalang
Hindi mo na nililinis, ginagawa pang basurahan
Ngayong binabaha ka at umaapaw sa karumihan
Dinulot nito sa yo’y sakit na peste sa katawan.
VI
“Kagawaran ng kalusugan” na sa inyo’y namumuno
Di nagkulang sa paalala, programa ay binubuo
Walang humpay sa pag-alalay sa iyo’y laging sumasamo
Ngunit di ka tumalima, matitigas ang inyong ulo.
Ang tanging Hinaing Ko:
I
Ano ang kasalanan ko, hinaing din ng gobyerno
Bakit sa tuwing may problema ako ang sinisi mo
Welga dito, welga doon ang siyang ginagawa mo
Hindi mo naiisip mga pagkukulang mo?
II
Kung iyong hinahangad mundong maayos at perpekto
Huwag sanang talikdan responsibilidad ninyo
Bigyang pahalaga mga yaman ng mundo
Ito’y para sa kapakanan ng lahat ng tao
III
Bawat isa sa atin ay may pananagutan
Sa ipinagkaloob sa tin ng Diyos na likas na yaman
Huwag sanang iwanan ang gobyerno sa kampanya at laban
Sa pagpapanatili ng LIKAS NA YAMAN.
Kuwentong Pambata
Posted on: September 22, 2010
Isang araw, habang naglalaro ang mga batang ipis, nabanggit ni Ermis sa kaibigang si Pitis ang kanyang pagnanais na makapasok sa loob ng malaking bahay at makapunta sa kusina nito. Niyaya niya ang kanyang kaibigan na pumunta sila doon subalit tinanggihan siya nito. “Bakit mo naman gustong makapunta doon? Sabi ng nanay ko huwag daw akong pupunta dun kasi delikado daw dun.” sabi ni Pitis kay Ermis. “Wala! Gusto ko lang makarating doon at makita kung anong meron sa loob ng kusina nun na wala sa mga basurahang napupuntahan natin.” Gusto ko rin lang matikman ang pagkain sa kusina nila”. sabi ni Ermis
Dahil ayaw siyang samahan ng kaibigan at dahil na rin sa pagnanais na makarating sa kusina ng malaking bahay, pinuntahan ni Ermis si Dungis at eto ang niyaya niya. ” Dungis, nakapunta ka na ba sa malaking bahay? Gusto kong makapasok dun samahan mo ako.” Sabi nito kay Dungis. “Aba oo! pagmamalaking sabi ni Dungis. “Nakapasok na ako dun at napakasarap dun. Yung mga pagkain nila hindi bulok na gaya ng kinakain natin sa loob ng basurahan! Ang mga platong dinaanan ko puro makikintab at ang pagkaing nasa lamesa puro masasarap! “Paano mo nakain ang pagkaing nasa lamesa? Tanong nito ka Dungis. “Kasi walang takip yung pagkain na naiwan nung katulong dun sa lamesa kaya kaagad kong nagapangan at natikman. Ang sarap pala ang hindi bulok na pagkain! Pagmamalaking sabi ni Dungis. “Talaga!, gusto ko rin matikman yun! “ang sabi ni Ermis. “Pero kailangang mabilis ka tumakbo kapag pumasok ka dun at matalas ang pakiramdam para kapag may tao makakatakbo kaagad tayo. Delikado kasi dun e.” paalala ni Dungis.
Napagkasunduan ng dalawa na pumunta sa malaking bahay kaya isang hapon habang namamahinga ang mga magulang ni Ermis, dahan-dahan itong lumabas at mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Hinanap nya si Dungis dahil ito ang napagkasunduan nilang oras ng pagpasok sa malaking bahay. Pero ng sandalinga yun di niya makita si Dungis. Dahil sa gutom na si Dungis nauna na pala itong pumunta sa malaking bahay. Dahan dahan itong pumasok sa malaking gate para unti unting makapsok sa kusina ng bahay. Subalit di pa man siya nakakatuntong sa may pintuan ng kusina nakita na siya ng isang matabang babae na nagwawalis. Bahagya siyang nagtago sa gilid ng pinto para di makita ng matabang babae subalit nakita pala siya nito. Agad siyang hinabol ng hampas at wasiwas ng walis na hawak ng babae. Mabuti na lang at mabilis tumakbo si Dungis at agad nitong natakasan ang galit na galit na matabang babae at ang hampas ng mahabang walis nito.
Samantalang nasa may kalsada pa rin si Ermis at hinihintay si Dungis. Dahil sa inip napagpasyahan niyang pumunta na lang kahit mag-isa sa malaking bahay kahit pinagbabawalan na ng mga magulang at sa kabila ng babala ng kaibigang si Tipis. Habang naglalakad ito patungo sa malaking bahay nasalubong niya si Dungis na humahangos sa pagtakbo at napahiga ito sa pagod. “O Dungis san ka ba galling kanina pa kita hinahanap. Inip na nga ako paghihintay sayo e!” ang sabi ni Ermis. “aaaaahhhh!,” hingal ni Dungis.. Hinabol ako ng matandang babae dun sa malaking bahay buti nalang di ako naabutan! Pagod na pagod ako pagtakbo.” Ang tugon ni Dungis. Huwag na tayong tumuloy sa malaking bahay baka may manghabol ulit sa atin di ko na kakayanin pa ang tumakbo pagod na pagod na ako.” pag-ayaw ni Dungis. “Ano??!! Kanina pa ko hintay ng hintay at handa na nga ako pumunta doon tapos ngayon aayaw ka. Balak ko na nga lang pumunta kahit mag-isa e. Alam mo namang matagal ko ng pangarap na makarating doon.” Paghihimutok ni Ermis. “Delikado ngayon Hermis e mahina na katawan ko tsaka wag ka na lang tumuloy baka mapahamak ka rin lang. Ang tatapang ng mga tao doon at tiyak na di tayo paliligtasin kapag nahuli tayo. Ako nga takot na takot kanina buti na lang mabilis ako tumakbo”, sabi ni Dungis. ” Ah basta, kung ayaw ako na lang pupunta dun kahit mag-isa!” sabay talikod sa nanghihinang si Dungis.
Sa katigasan ng ulo ni Ermis, kahit marami ng nagasabi na huwag pupunta sa lugar na yun, nagpatuloy pa rin siya. Lalo itong naging matapang dahil sa sama ng loob kay Dungis na nangakong sasamahan siya pag punta doon. Narating niya ang gate ng malaking bahay. Nagpatingatingala siya at namangha sa ganda ng bahay. Nagpatuloy siya pagpasok at sa may likod na pinto siya dumaan para di mapansin ng mag katulong na nagsisipaglinis ang bakuran. Namangha siyang lalo ng mapasok niya ang kusina. Tuwang tuwa siya dahil pakiramdam niya di diya mapahamak sa lugar na yun. Maliban sa napakalinis at tahimik, napakabango pa ng mga pagkaing nakahain sa lamesa. Tama nga pala ang sabi ni Dungis na mukhang masarap ang mga pagkain dito kesa dun sa basurahan na palagi nilang kinukunan ng pagkain. Tuwang tuwa siyang gumapang sa mga plato, nagpadulas sa makintab sa sahig at naglaro laro s sa mga malilinis na kutsara at baso. Ang hindi niya alam nakikita na pala siya ng mayordoma ng bahay at dali dali nitong kinuha ang pang-spray para sa mga ipis. Hinabol siya nito habang winiwisik ang spray sa kanyang katawan. Nagsisigaw si Hermis at tumakbo ng mabilis pero hindi siya nakaligtas sa malupit na spray ng ipis. Hindi siya tinigilan ng galit na galit na spray hangga’t hindi siya bumabagsak sa sahig.
Nanghihina na si Hermis at din na niya maigalaw ang kanyang mga paa at tuluyan na siyang napahiga sa sahig. Habang nakatiyaha at nauubusan ng hininga, naalala niya ang sabi ng kanyang mga magulang.. Kung nakinig lamang siya sa paalala ng mga ito sana hindi niya naranasan ang ganito. Kung hindi lamang naging matigas ang ulo niya sana ay matagal pa niyang makakasama ang kanyang pamilya. Naisip niya ngayon na ang di pagsunod at pagpapahalaga sa sinasabi ng mga magulang lalo na kung ito ay para sa kabutihan ay nagdudulot ng kapahamakan. Sana pinahalagahan na lang niya ang bilin ng mga magulang at sumunod na lang dito para hindi siya napahamak. Nagsisisi man siya nagayon pero wala na siyang magawa. At dito’y nanigas na ang katawan ni Hermis at tuluyan ng nalagutan ng hininga.
Ang turo ni Ondoy
Posted on: September 29, 2009
isa na yata sa pinakamalungkot na sandali sa akin ay twing sasapit ang tag-ulan. maliban sa hindi ako makalabas ng bahay, nakakalungkot pa ang panahon.. pakiramdam ko buong paligid ay lumuluha at nagdalamhati.
Nung nakaraang araw napalusong na naman ako sa bagaman hindi ito ang una kong pagtuntong sa tubig-baha pero first time ko makita ang lugar na tinitirhan ko na lumubog ng ganito sa baha. Sinuong namin ang mataas na tubig dahil wala na kming choice.. Parang kelan lang nang huli kong maranasan to. di pa nakakalipas ang isang buwan at heto naman. tubig na naman ang siyang nagpahirap sa buhay ko. Sa kabila ng kabugbutan, bigla akong napangiti sapagkat sa aming dinadaanan, kabaligtaran ng inaasahan kong pakiramdam ang aking mga nasaksihan sa reaksiyon ng mag tao sa ngyayaring iyon. Aming nadaan ang ibat-ibang grupo ng tao na puro nagkakasiyahan at nagsisipaglaro na animo silay’y nasa isang malawak na karagatan.
Walang mapaglagyan ang knilang kasiyahan habang nagsisipaglaro at nagkakasiyahan sa ulanan.. Subalit kung ako ang tatanungin sa mga sandaling iyon, mas ninanais kong makaahon na sa maitim na tubig na aking nilalakaran. Maliban sa pangambang sa kalusugan, nagiginig na ang aking kalamnan sa pagkababad sa lamig ng tubig.
Samantalang sa ibang dako naman, habang ang iba ay nagkakasiyahan, ang iba naman ay tumataghoy at nagdadalamhati. May mga kawawang nilalang na nasa bubungan
at naghihintay ng mga sasaklolo. Ang iba naman ay pilit na sinusuong ang baha kahit mapanganib makita lang mga mga pamilya.. Habang marami ang nawalan ng tahanan dahil sa hagupit ng malupit na si ondoy
ng lamunin ang bawat bahay.. Naglutang ang lahat ng dumi sa paligid
Hindi na bago sa atin ang gnitong mga pangyayari. Habang patuloy na lumalakas ang ulan, nasilip ko ang tubig na lalong tumataas habang lumalalim ang gabi. Mbuti na lang at nasa 3rd floor ang kwartong aming inuupahan kaya hindi ito naabot ng tubug.. Dito naisip ko, ano nga ba ang itinuturo sa atin ng mga ganitong pangyayari.
Sa Genesis chapter 6, God saw the wickedness of man kaya pinasya Niyang lipulin ang mga tao sa pamagitan ng baha. Subalit bago yun nagbigay pa rin ang Diyos ng maraming babala sa pamamagitan ni Moses. Ngunit walang nakinig sa kanya bagkus pinagtawanan lang nila ang mag ito.. Kung ihahambing sa kasalukuyan nating nararanasan, marami ring pagkukulang tayong mga tao kung kaya tayo nakakranas ng ganitong sitwasyon..Masyado tayong nagiging abuso kung minsan sa kalikasan kay di na ntin makontrol ang pagbawi ntio. Sisi tayo ng sisi sa sa iba pero hindi natin tinitingnan kung gaano tayo karesponsable sa ating paligid. Nakikita natin ang pagkukulang ng iba ngunit di ang sarili nting pagkukulang .Walang pinipili ang gnitong sakuna. Kahit ano pa ang estado natin sa buhay damay pa rin tayo sa mga pangyayari.. Damay kahit ang mga maliit na bata na walng muwang sa ngyayari. Damay maging ang mga responsableng tao na gumagampan ng tungkulin para sa inang kalikasan.. Ang tanong ni ONDOY sa atin lahat,
1. Ano ang nagawa natin kaya siya nagtagumpay sa pagsalanta?
2. Ano ang ginagawa natin habang siya ay sumasalanta
3. Ano ang magagawa natin para di na maulit ang gnitong pagsalanta?
Ito din ang naitanong ko sa aking sarili habang sinusundan ng tingin ang mga poooopooooohhh na nakalutang sa kalsilog (kalsadang naging ilog).
ADIK moment
Posted on: September 22, 2009
CONGRATULATIONS SA LAHAT NG NANALO!!!!
salamat din sa lahat ng mga hurado sa pagpili sa aking entry. di ko inaasahan na mapapsama sa mapipili. tanging nais ko lang ay makilahok sa patimplak naegganyo kasi ako kay joyz (nakS! special mention), sulat kasi siya ng sulat kaya nagkaroon ako ng interest sumali.. masaya pala… marami kasing ADIK!! as in:
A—–abalang abala sa pag-iisip at paghahagilap ng mga ideya para makabuo ng kung anu anong obra.. di mo halos maistorbo akala mo busing – busy sa trabaho yun pala kaadikan ang trabaho..
D—–dead na dead sa ibang blogger.. mapadaan lang sa kanilang “bahay” animo’y mahihimatay samantalang ang sabi lang naman ay “hi”.. o diba kaadikan.. (my kilala akong ganyan)hmmmm.. my inlab factor pa…kows!!!
I——isip ng isip hindi lamang sa kanilang entry kundi paano mapapansin ang mga entry.. Ginamit na lahat ng creativity, powers, at charm.. laging pa spam! o diba effective naman.. (hamster excuse lang ha frendz tayo.heheh)
K—–kument dito, kument dun, dong! day!hay wala na ko maisip na ibang salita.. ang ibig ko lang naman sabihin e kulang sa pansin.. kelangang laging my papansin sa ginawa kundi pingback ito…wahahah..
ang dami kong natutunan sa paligsahang ito.. maliban sa mensahe ng mge entries na aking nbasa, ang pagiging ADIK ang pinakamasaya.. ikaw naging ADIK ka rin B??
i’m back..
Posted on: September 22, 2009
medyo matagal tagal na rin bago muling nagparamdam.. gaya ng dati, kinatatamaran ko na naman ang pagsusulat. marahil di ko mapagtagni tagni ang mga salita na aking hahabiin kung kaya’t di ako makapagsulat. nais ko mang isambulat ito sapagkat ang lahat ng ito ay nasa aking puso. di ko pa rin makaya itong isulat.

SUBALIT…. ang masaya dun, sa kabila ng mga masasalimuot na daan at madilim na kapaligiran, palaging may nakasilip na liwanag upang magbigay ng pag-asa sa kawalan..
Im back!! hopefully tuloy tuloy na…
mUsta naman AKO
Posted on: August 17, 2009
by God’s grace dito na ulit ako sa upuan sa aking opisina.. tandang tanda ko pa ang lahat ng aking mga karanasan na kahit burahin ng liquid eraser ay nabababasa ko ang pagkakasulat nito sa aking puso at isipan.
Habang aking tinatahak muli ang landas ng pakikipagsapalaran, ngayon ako nakakaramdam ng pagdadalamhati. Lungkot ng malayo sa aking pamilya. Lungkot ng nag-iisa at pakiramdam ng walang kasama. Di lang ako malamagn ang nakakramdam nito pati na rin ang pamilya ko na aking iniwan pansamantala. Miss ko sila.. Parang gusto ko lagi ko na silang kasama ngayon mula ng mabawasan kmi ng isa sa pamilya pero no choice..
Kanya kanyang panahon ang lahat ng bagay.. lahat ng bagay dito sa mundo ay temporal. May panahon ng pagluha at kagalakan. Nagkataon na ang panahon ko ngayon ay nangagailangan ng pagkalinga sa sandali ng katahimikan. Lilipas din ito at maghihilom sa pagdating ng takdang panahon.
Sa kabila ng kapighatian may mg bagay na natutunan. Marami ring mga bagay sa nadidiskubre at maraming alaala na dapat i-treasure. Mga karanasan na minsan lang natin naranasan. Mga aral na di pa natin na-encounter kailanman. May mga taong dapat pahalagahan at pasalamatan sa pagdating nila sa yong buhay.
Nananatili pa rin ang aking paniniwala na MAY LAYUNIN ANG DIYOS sa lahat ng bagay. Di ko man makita pa sa ngayon, alam ko na para sa ikabubuti ito ng lahat. Natatalo man ng kahinaan ang aking pagkatao at kasalukuyang nararamdaman, ito ay pansamantala lang sapagkat walang nanana tiling permanente sa mundo lalong higit ang pagdaramdam at paghihirap.. sa KANYA pa rin ang pasasalamat sapagkat nananatiling nakatayo at humihinga.
death and calamity
Posted on: August 9, 2009
july 21 – from makati mEd i went to the office kasi my doctor advised a rest.
july 22- from makati med i went home (Mindoro) to have my vacation. I stayed there a couple of days for some medication and rest.
Aug. 2- received a call from zambales. That was the last time i heard my mom’s voice asking us to visit her. Sabi ng youngest sister ko kami na lang ang hinihintay ang mother ko kaya pumunta na kmi there. at first we thought that it was not that serious so we decided that its my younger brother na lang ang pupunta to see my mom. But my aunt insisted that my mom want to see us in her last minute.
Aug. 3– travelled from Mindoro to Zambales. on our way, palaging sinasbi sa text ng aking kapatid na magmadali na kmi dahil nahihirapan na daw ang inay talagang hinihintay na lang kmi na mkarating. sa sobrang layo ng aming pinanggagalingan hindi na nya kmi nahintay.
1:58pm– pagkababa namin ng barko kasabay ng napakalakas na ulan ang dumating na text from ny sister na iniwan na kami ng inay. Di na kmi nahintay ng inay na dumanting. At first di ko muna sinabi sa aking tatay at kapatid dahil ayokong mag-alala sila. dumating kmi around 10pm at nadatnan na lang namin na nasa ataul na ang aking ina.
Aug 6– Goodbye Inay… 9am ng maihatid namin ang inay sa kanyang huling hantungan.
3pm in the afternoon- di pa man kami nakaklinis at nakakapagpahinga sa ilang gabing walang tulog at pagud, heto na naman ang matinding tribulation.. Lahat ng tao sa baryo ay pinalikas dahil anjan na ang isa na nmang delubyo.. May maLaking baha na sasalanta at kelangang lisananin ang lugar. Walang bitbit na khit ano maliban sa ilang piraso ng damit na maiisusuot ay agad naming nilisan ang lugar… nakakapangilabaot sapagkat lahat ng tao ay basang bas na tumatakbo at iba naman ay kinukuha ng helikopter para irescue.. Napadpad kami sa isang covered court na nagsisisksikan sa dami ng tao hanbang ang iba naman ay sa mga iskul nagsisissiksikan.. walang pagkain kundi naghihintay ng ibibigay ng gobyerno… di na nakuhang magsalaba kahIT ng pagkain man lang dahil mas mahalaga ang buhay…
9pm– ayan ang rasyon daw.. isang kilong bigas, 3 piraso noodles, at 2 delata bawat pamilya.. Kadalasan binabawasan pa ng mga corrupt at di na naawang mga buwaya.. tama ba yun?
Today Aug. 9, andito pa rin kami… di makaalis dahil walang madaanan. putol ang mga kalsada at tulay na lugusan paluwas ng maynila… Nanatiling kasama ang iba pang mga nasalanta sa mlamig na lugar kasbay ng pag-iyak ng mga batang maliit at mga sanggol. Ibat ibang pakiramdam.. May nagugutom, nilalamig, natatakot at kung anu ano pa.
Ano kaya ang layunin ng Diyos? di ko pa man nakikita sa ngayon alam ko para ito sa ikabubuti ng lahat…
praYer Request
Posted on: August 7, 2009
Please pray for me and my family for the following concerns:
1. Comfort for my whole family after my mom’s death. Today is the 4th day of my mom’s death please for for us.
2. God’s provision for our needs- we are at the evacuation center now. yesterday after my mom’s burial we were surprised by the great flood due to heavy rain. water from mt pinatubo overflowed. we really need help and assistance because we are staying now at the covered court here at the town.
3. Please pray for the weather and rain to calm down.
Planet nguyamyam
Posted on: July 21, 2009
- In: atbp.
- 18 Comments
Narinig mo na ba ang tungkol sa planetang nguyamyam??

Ito ang imagination ko dun.. Ikaw?
saying Thank you..
Posted on: July 21, 2009
- In: devotion
- 4 Comments

Give thanks in all circumstances, for this is God’s will for you in Christ Jesus.
1 Thessalonians 5:18
Naitanong mo na ba kung bakit di lahat ng panalangin ay pinakikinggan?
…. may mga bagay na kahit di natin inaasahan at di gustuhin ay nangyayari. Maari itong consequence ng ating mga ginagawa o sadyang kalooban ng Diyos na ito ay ating maranasan dahil meron Siyang nais na ituro sa atin. O maaring di tayo ganun ka seryoso sa pananalangin o baka nakakaligtaan dahil sa dami ng umuukupa sa ating pang-araw araw na ginagawa.
……Mas madalas tayong humihingi kesa ang magpasalamat. Minsan sa sobrang tuwa dahil sa dami ng blessings mas nagagawa nating mgtreat, magpainum, mgpakain bilang papakita ng pasasalamat dahil sa mga biyaya nating natatanggaap.. PERO binabalikan ba natin ang Diyos ng pasasalamat dahil sa paggamit nya ng instrumento upang makamtan natin ang blessing na ito?
… sa oras ng kahirapan at pagsubok, eto na tayo at at lumalapit pero kadalasan may tanong na BAKIT??
…ang pagtugon ng Diyos sa ating panalangin ay depende sa kung anong gusto Niyang mangyari sa atin. Bawat hakbang niya ay naayon sa Kanyang kalooban kaya hindi natin maaring kwestyunin ang kanyang tugon sa ting panalangin. Ang Kanyang plano ay mas higit pa sa ating nalalaman. Di man natin magustuhan ang resulta at ang mga nararanasan natin, ito ay base lamang sa Kanyang dakilang layunin.
…Nararapat ang papasalamat sa lahat ng bagay nating natatanggap mbuti man ito o mahirap dahil may layunin ang Diyos dito. Lahat ng bagay ay may kabuluhan…

| |





Nung nakaraang araw napalusong na naman ako sa bagaman hindi ito ang una kong pagtuntong sa tubig-baha pero first time ko makita ang lugar na tinitirhan ko na lumubog ng ganito sa baha. Sinuong namin ang mataas na tubig dahil wala na kming choice.. Parang kelan lang nang huli kong maranasan to. di pa nakakalipas ang isang buwan at heto naman. tubig na naman ang siyang nagpahirap sa buhay ko. Sa kabila ng kabugbutan, bigla akong napangiti sapagkat sa aming dinadaanan, kabaligtaran ng inaasahan kong pakiramdam ang aking mga nasaksihan sa reaksiyon ng mag tao sa ngyayaring iyon. Aming nadaan ang ibat-ibang grupo ng tao na puro nagkakasiyahan at nagsisipaglaro na animo silay’y nasa isang malawak na karagatan.
Walang mapaglagyan ang knilang kasiyahan habang nagsisipaglaro at nagkakasiyahan sa ulanan..
at naghihintay ng mga sasaklolo. Ang iba naman ay pilit na sinusuong ang baha kahit mapanganib makita lang mga mga pamilya.. Habang marami ang nawalan ng tahanan dahil sa hagupit ng malupit na si ondoy
ng lamunin ang bawat bahay.. Naglutang ang lahat ng dumi sa paligid