Nakabalik ako ulit! November 23, 2011
Posted by dannn315 in Uncategorized.add a comment
Langya!!! ayos ang bagong bungad, mura kaagad, hehehe..
Wala si amo, wala ako magawa sa opisina, halos lahat yata ng paborito kong website nagalugad ko na simula jarir bookstore, expatriate.com, pinoytambaygroup, workabroad, philstar, arabnews, yahoo, allyoulike.com..etc…pero naboboryong pa rin ako dito sa opisina. Nagiisip ako kung ano maganda gawin. Pumunta ako Google, type ko ang buhaysaudi sa search…at lumabas ang matagal ko nang blog na walang kakwenta-kwenta.
Sinubukan kong pasukin ulit gamit ang aking mahiwagang email adress. Himala at napasok ko pa rin at may nagiisang pending na comments…kawawang blog! hehe
Gusto mo ba kumita ng pera sa internet? March 1, 2010
Posted by dannn315 in Uncategorized.2 comments
Noong una, di ko pinapansin ito kasi ang akala ko di totoo, pero marami akong nabasa sa internet na lumalaki na ang kanilang kinikita sa simpleng pagpindot lang sa internet habang nagbrobrowse ka sa ibang site. kaya ito at unti-unti na ring lumalaki ang aking kinikita. bago pa lang ako kaya di pa ganun kalaki, pero araw-araw nadadagdagan sa simpling pag-click lang ng ads.
kung gusto mo ring kumita click lang ang banner sa baba para magregester.
sa susunod ko na i-post kung magkano na na ang naicash-out ko.
@#$%&*#$% June 23, 2009
Posted by dannn315 in Uncategorized.add a comment
oras ngaun 11:45 am saudi time, 23 June 2009 (martes)
ilang minuto na lang kakain na ako ng lunch. ano nanaman kaya ang ulam sa canteen, as usual indian foods nanaman cguro kasi tuwing martes un ang ulam, karamihan merong halong curry na medyo maanghang. pucha. nakakasawa. sakit pa sa pwet. hahahaha.
teka tawag ako ni amo….
ito na ako ulit…
teka kati ng ulo ko. hahahaha
hirap pala pag wala talaga magawa sa office. may internet ka nga, puro naman block halos lahat ng site. friends, myspace, facebook, ebuddy block na rin. buti na lang sa bahay di nila pwedi iblock kasi mero ako panguntra saka ako mismo ang administrator ng sarili kung network. nakakapagdownload ako ng gusto ko. wala cla pakialam. hehe.
oops 11:50 na. 5 mins na lang bababa na ako. daan muna ako sa cr, mukhang sasabog na ang pantog ko para marami ang maikarga.
nawawalan na ng saysay ang sinusulat ko, hirap kasi mgsulat pag wala maisulat lalo na pag medyo makati ang lalamunan tapos para akong sisiponin. di kaya ako nahawaan ng A1H1 virus. uminom lang ako kanina ng malamig na tubig sa bahay, sumama na ang pakiramdam ko. bwesit.
makakain na nga. tangna! syet!
ang hirap pala March 15, 2009
Posted by dannn315 in Uncategorized.add a comment
Tangnang buhay to oh..nangyayari na ang ayaw kong mangyari. ang hirap kasi di ako nakikinig sa mga nakakatanda kaya ito ako ngayon, nahihirapan na sa mga pangyayari. Gusto ko nang sumigaw, gusto ko ng ihampas ang ulo ko sa pader hanggang lalabas ang aking utak at kakalat sa sahig. Gusto ko nang suntukin ng suntukin ang pader hannggang madurog ang aking kamay at lalabas ang mga boto sa aking kamay. Bakit kasi kailangang nasa huli lagi ang pagsisisi, di ba natin pweding baguhin na kailangan munang mgsisi bago ang mga pangit na pangyayari. Tangna!
Sa una, ang saya-saya, kala mo kung wala ng katapusan ang kaligayahan, ang sarap tumawa, napakasarap ng pakiramdam. Makita mo lang para ka nang wala nang hahanapin pa, gagawin mo ang lahat makita mo lang, makasama mo lang. Ang sarap nga ng pakiramdam, para akong dinuduyan. Kaya mong kalimutan ang lahat, kaya mong itapon ang lahat wag lang cia, kaya mong kalabanin ang lahat makuha mo lang cia, kaya mong maging bulag basta alam mong nanjan siya. Ang akala moy wala ka ng kailangan pang iba.
Ngunit hindi pala, mali pala ako. Ngaun nakakakita na ako, dilat na ang aking mata. Kaya ko ng timbangin kung ang tama sa mali. Nakikita ko na at napaghihiwalay ang kulay pula sa kulay puti. Alam ko na ngaun ang tunay na maganda at pangit. Ngunit, datapwat, subalit, nandito na. Wala na akong magagawa, ngkasubuan na. Di na ako pweding aatras. Kailangan ko ng labanan ito dahil nangyari na. Kailangan ko ng tanggapin na ito na talaga ang katotohanan. Kailangan ko ng panindigan, laban kung laban. Magsisi man ako hanggang sa dulo ng aking kalingkingan, ito na talaga ang katotohanan na kailangang tanggapin. Tangna, ang hirap!
balik o hindi? February 24, 2009
Posted by dannn315 in Uncategorized.1 comment so far
naguguluhan ako……..babalik pa ba ako dito sa saudi o hindi na?
maraming mga bagay na kailangan timbangin, kailangang pagaralan mabuti. Hanggat maari ayaw ko nang bumalik sa saudi, pero paano? Saan ako kukuha ng panggastos sa araw araw, tuition ng aking mga pinagaaral…di ko kikitain sa pinas ang kinikita ko dito, baka uugod ugod na ako sa pinas di pa ako makapundar ng kung ano-ano samantalang dito ilang araw lang mayaman na kaagad.jejeje
sa kabilang banda, pag bumalik ako dito, balik nanaman ako sa dating ikot ng araw, bahay-trabaho-bahay, wala man lang bahay-trabaho-beerhouse-bahay. isang taon nanaman akong magmomokmok sa kwarto, papanoorin ko ang aking computer habang ngdodownload. walang ibang kasama kondi mga barako…tang-inang buhay to…
bahala na si batman…
ilang araw na lang February 22, 2009
Posted by dannn315 in buhay trabaho.add a comment
ilang araw na lang uuwi nanaman ako ng pinas, makita ko nanaman ang bayang sinilangan. mahigit isang taon din akong nawala at nakipagsapalaran dito sa saudi. ano na kaya ang itsura ng pinas? musta na kaya mga tao dun? cguro malaki na ang pinagbago? minsan naiisip ko bakit ako pinanganak na mahirap, di sana ako nandito para lang manilbihan sa ibang lahi, di sana ako nawalay sa aking pamilya na matagal na panahon, nakakatulog sana ako ng maayos pag gabi na walang iniisip, panatag sana ang aking kalooban. Kapalaran ko na yata ito. di bale, ilang araw na lang…….
Nahuli ako ng Muttawa December 16, 2008
Posted by dannn315 in buhay saudi.1 comment so far
Araw ng Lunes, 15 December 2008. Ito ang unang beses na akoy nahuli ng Muttawa (religious police) dito sa Saudi. Magkahalong kaba at takot ang aking naramdaman ng sitahin ako kasama ng iba pang pinoy sa isang cargo forwarder dito sa Al-batha. Sabagay kasalanan rin namin pagkat oras ng salah ay di kami lumabas sa opis ng cargo, isa ito sa mahigpit na pinagbabawal ng saudi law na dapat rumispito sa kanilang tradisyon, wala dapat tao maiwan sa loob ng opisina sa oras ng kanilang dasal. Eksakto pagikot ng Muttawa, natanaw kami sa loob habang ako naman ay nghihintay sa isang tropa. Di na kami makapalag, kinuha ang aming iqama(residence cert). Kinuha rin ang ibang mga gamit na pwedi nilang ebidensya kung meron mang ginagawang labag sa kanilang batas. Mahirap mawalan ng iqama dito saudi kaya wala kaming choice kundi sundan sila para kunin ng personal at magkapaliwanagan. Pumunta kami sa kanilang bulwagan, hinarap kami ng kabayang muslim, kesyo ganito ganun. umabot yata kami ng halos tatlong oras sa kanilang pagpapaliwanag, kami naman oo na lang ng oo para di na hahaba ang usapan. pag nagsalita ka pa kasi dito, wala kang kalaban laban dahil kahit anung sabihin nila ay tama. pasado alas dyes na nang kami pakawalan, sa kasamaang palad dinala pa sa ibang opisina ang aming iqama kaya kailangan namin ulit puntahan. nadatnan namin sa kanilang maktab (office) ang ilang kabayan na hinuli din ng muttawa. ayon sa kwento ng isang kabayan, sinita daw sila ng muttawa habang naglalakad kasama ang kanyang asawa, hinahanapan daw sila ng merriage contract. Kailangan kasi dito ang nasabing papel pag kasama mo ay babae, ngpapatunay na legal mo siyang asawa. Mahigpit na pinagbabawal ang pakikisalamuha ng mgkaibang kasarian. Sa kasamaang palad, dala lang ng magasawa ang kanilang xerox copy na merriage contract kaya sa huli dinala rin sila sa maktab.
Inabot din yata kami ng mahigit isang oras sa maktab bago binigay ang aming iqama, siguro nung makita na malinis ang aming record ay pinakawalan kami ng isa kung kasama. sa kasamaang palad, ang tatlo naming kasama na nahuli ay hanggang sa ngaun ay nakakulong pa, dati na kasi silang may record at nakitaan sila ng malaking halaga ng pera, ung isa naman ang expire na rin ang kanyang iqama.
Pasalamat na rin ako at hindi natapos ang gabi na nakalaya din kami. Isa rin itong aral sa akin na kailangan sumunod sa kanilang batas. Sa susunod magiingat na ako, kasi mahirap ang makulong lalo na dito sa ibang bansa….
ang babaw namin… December 15, 2008
Posted by dannn315 in buhay saudi.add a comment
di ko alam kung matawa ako o maawa ako sa kapwa ko ofw na napadpad dito sa kaharian ng saudi arabia. dala marahil ng higpit ng batas dito at hirap ng buhay sa pinas kaya tinitiis mamasukan sa bansang ito na daig pa namin ang isang preso dahil sa higpit ng batas.
araw ng biyernes, ngkayayaan ang tropa na mamasyal dahil ito lang ang panahon ng pahinga at araw rin ng holiday (Hajj). pumunta kami sa Ha-er (kamsa-kamsa daw *lima lima sa tagalog). ito ay isang lugar dito sa riyadh na palaging pasyalan ng mga pinoy na gustong makawala sa syudad ng riyadh. Sa lugar na ito pweding tangalin ang abaya (damit na itim ng mga babae) na parang sa pinas ka lang na pwedi mong suotin ang iyong nais di tulad sa kabayanan ng riyadh na makita lang na walang takip ang buhok ng mga babae ay sermon na ang abutin sa mga Muttawa(religious police) Dito makikita ang maraming kabayan na ngpipicnic, kanya-kanyang ihaw na malapit sa may ilog na akala mo ay ilog pasig dahil sa baho ng tubig na nangagaling sa mga planta. kanya-kanya ring dala ng sound system na akala mo ang mga pinoy ay ngwawala, kung sabagay di mo rin masisi ang pinoy kasi nga sa dami ng bawal dito sa tigang na lupa kaya dun na lang nila binubuhos ang kanilang damdamin.
kung iisipin, napasimple lang ng lugar pero dinadayo ito ng mga pinoy. masasabing ang babaw naming mga pinoy pero whocares? dito namin nararamdaman na nasa pinas kami na pweding gawin ang gustong gawin.


my diet plan December 15, 2008
Posted by dannn315 in buhay saudi.1 comment so far
paano b magdiet kung ganito lagi ang pagkain. habang tumatagal lalong tumataba, lalong bumibigat. minsan parang ayaw ko ng tingnan ang mga pagkain pero bkit tuwing oras ng kainan di ko na mapigilan ang kumain. nakakainganyo kasi sa dami ng pagkain, kunin ang gusto mo, kainin mo ang gusto mo, ganyan kaluwag ang pagkain dito sa kompanya na pinapasukan ko…lipat n lang kaya ako.? hehe
back to abnormal October 4, 2008
Posted by dannn315 in buhay saudi.add a comment
ang hirap gumising pala nang maaga. nasanay na kasi akong gumising ng tanghali sa haba ng aking bakasyon kaya kailangan kong matulog ng maaga. sayang di ko nanaman mapapanood ang mga downloads ko. kanina nanibago ako, pupungas-pungas ako pumunta sa banyo para maligo lalot papasok nanaman ang taglamig, kailangan nanaman ng panibagong adjustment sa panahon kasi sasakit nanaman ang mga kasukasuan. hehehe. Ok na rin at tapos na rin ang ramadan, pwedi nanaman akong magkape sa opisina. namis ko na rin ang tea with ment. hayzzzzz….at mas lalo kung namis ang aming cafetiria…ayan na ako humanda kayo….




