Kathy’s Home

“mga kwento mula sa aking kusina,kwarto,sala,kubeta,hardin atbp”

nagpaparamdam lang po! April 22, 2009

Filed under: Uncategorized — kathy @ 9:30 am

malapit na pong magpost…

namiss ko kayong lahat..

salamat sa aking guest blogger na si joycee..tenchuu ng marami sis

labshuu..mwaahugss^^

 

The Joys and Pains of Unrequited Love April 10, 2009

Filed under: Uncategorized — courajoyce @ 5:34 am

Kailan
MYMP

 

♪ Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit ano’ng aking gawin, ‘di mo pinapansin ♪

Hey heypi berdei sa inyong lahat, narito na naman ang Joyceebelle para mag-agiw-agiw. Kahit saan ata ko magpunta eh trabaho ko nang maglinis ng kung anu-anu. Ang tawag nga sakin ng officemate eh “service mistress” wahahahha.

 

Heniwey haywey milkywey, sabi ni Kathysexy eh magsulat daw ako dito ng kahit ano about love. Medyo nadelay ang post na ‘to dahil nag-isip talaga ko kung anung ipopost ko eh. Medyo mahirap para sa katulad kong mag-iisang taon nang single at hinde nakakaramdam ng pagmamahal at kalinga galing sa isang taong mahal mo din. Pero hinde naman ibig sabihin eh hinde na ko nagmahal ng ibang lalake simula nung naging single ko. May mga(?) minahal din ako, yun nga lang, hinde ko maintindihan kung bakit hinde nila ko magawang mahalin.

 

(more…)

 

Chorvah!!! March 11, 2009

Filed under: Uncategorized — kathy @ 6:26 pm

kanina tinawagan ako ni M{bawal ireveal ang name nya} ang aking long lost fwend..nagulat ako kase ndi ko nman ineexpect na tatawag sya.chaka tagal na din nmin ala komyunikashen.sabi ko nga sa kanya san nya nakuha ung cel number ko sabi nman nya kay rozel ung isa pa nming fwendship.ayun chikahan kame to the max hanggang maubos ang kanyang card.pero sandali lang nman ung paguusap nmin dahil tira lang nman ng card ung pinangtawag nya sa kin.sabi nya saka na lang uli sya tawag wala na daw sya card,sabi ko nga kuripot mo nman bili ka na lang uli ng isa pa now na!demanding ang lola mo. .pero shempre sabi ko jowk lang yun baka ndi ako bigyan ng pasalubong sa kanyang paguwi eh..hihihi^^

si M po pala ay isang kaibigan na nasa bansa ng Qatar ngaun.classmate/barkada/kaututang dila ko sya nung college sa UE Caloocan.pero nung lumipat ako ng skul nun nawalan kame ng komyunikashen dahil naging busy na rin sila at ako nman ay ganun din plus nagkaroon na nman ako ng mga new fwends sa aking  nilipatang  skul..miss ko na nga din tong baklang to eh.oo tama ang nabasa nyo bading sya pero ndi pa talaga sya naglaladlad katulad ni bebe gandang hari.ang tanong mo bat ko nasabi na bading sya?

eto mga senyales na nakikita ko sa kanya noon:


una:nung nakilala ko sya nun sa ue may “best friend” sya na lalake na lagi nya kasama at buddies talaga sila.infairness nman kay J—-(M’s  friend) eh lalaking lalaki nman sya..nung una ilang akong maging friends sya kase akala mo kung sino kung umasta sa klase feeling super matalino,gusto lagi sya lider sa klase kaimbyerna ba..tapos nung minsan nagkaroon ng group studies kuno na pakana ng titser nmin sa FIL 101 eh pinag-isang grupo nya kame nila M and J with my other two girl friends(rozel & nicky).sa umpisa nag kakailangan pa ciempre,pero nung tumagal naging close na rin kame.at dun na nga nmin nakikita ang mga senyales.PINAGSESELOSAN NYA SI ROZEL KASE NILILIGAW NI J SI ROZEL.vocal nman sya about dun,ang reason nya kase ndi na daw sila nagkakasama ni J,si rozel na lang daw lagi kasama nito.cge given na nga yun natural lang siguro na ganun minsan ang mga boys nakakaramdam din ng selos sa isang kaibigang lalake.


etong pangalawa:madalas sa klase nung ndi pa nmin close si M,madalas nmin syang pagmasdan nila rozel and nicky sa loob ng classroom(bad nmin noh) at minsan nahuhuli nmin na pumipilantik ang kanyang mga daliri at minsan napapatili pa.


pangatlo:talagang ndi na nya pinansin si J nung sinagot na to ni rozel..ganun ba talaga kapag nagtampo ka sa isang kaibigan na nawalan ng tym sau ndi mo na talaga sya papansinin?..actually ndi sa nawalan totally ng time kundi nabawasan lang.
pangapat:mahilig din sya magspot ng cute(gawain kase nmin yun dati ng mga girl fwends ko) sa campus kapag free time nmin or wala na kameng klase..ganito ang palitan nmin ng salita nun:

m: uy kat cute ni —– noh?

kathy: oo nga pero ndi ko sya type,eto si nicky patay na patay jan.

nicky: oa mo nman patay na patay ka jan!crush kon lang sya noh!

kathy:mas oa ka nman jan noh!imagine crush mo pa lang sya ng lagay na yun,para ka na nyang anino kung nasan sya nandun ka din..

m & rozel:(nagkatawanan ang dalawa habang napapapilantik ang daliri ni m)


panglima: natural lang ba talaga sa isang lalake na magkaron ng crush sa isang cute na guy?minsan kase habang inaantay nmin sila nicky and rozel sa ilalim ng puno ng ekek(ndi ko alam kung anong puno ba yung madalas nming tambayan nun) eh may dumaan na cute na guy na kakilala nmin.sabi nya ang gwapo nyang si *bleep yan ang lalakeng crush ko..sabay natawa..pero feeling ko kahit nagjojowk lang sya crush nya talaga yun..hehehe

ayan kayo na lang ang magjudge ako kase feeling ko 50/50 sya..or ung silahis na sinasabi nila..pero pag nakita nyo sya makalaglag panty sya ngaun grabe..gulat din ako sa transformation nya.gusto ko sana ilagay ung pichure nya kaya lang baka may makakilala sa kanya eh.chaka baka makurot ako nun sa singit kapag nadiscover nya tong bahay ko.hehehe..pero lab ko tong fwends ko na to at super miss ko na sya..panigurado pag uwi nya session agad toh{inuman}..hihihi

lesson of the story::

girls wag agad mainlab sa mga lalaking may magandang katawan at pamatay na mga ngiti,ndi nyo alam may nakatago sa likod ng magandang katawan at makalaglag panty na ngiti ay isang lalaking may pusong katulad ng kay bebe gandanghari..hehehe^^…sabi nga nila,don’t be deceived by what you saw,sometimes looks can be deceiving..oh ha english yan,naghanap pa ko ng dictionary para mabuo lang yang sentence na yan..hehehe..pero totoo nman di ba ang dami ko kayang nakikita sa mall ang kyute nung guy tapos ang laki pa ng katawan kase mukang naggigym kaya lang bigla ka na lang manghihinayang pano may kaholding hands na fafah..hay naku pano nalang ang mga katulad nila heleyna and joycee kung karamihan ng guy eh guy na din ang gusto?!{peace sistah!}^^




 

Tagness!!! March 5, 2009

Filed under: Uncategorized — kathy @ 2:59 pm
Tags: , , , , , ,

ayan napilitan na tuloy akong gumawa ng tagness na to kase dalawa na silang ni tag si ako..

eto daw ang rules!

List the names that you are called by and name the people who call you by these names.


katrina-yan po talaga ung real name koat natatawag lang ako nyan sa bahay nmin kapag nagagalit na sila sa kin..

kathy-ayan ang tawag nila sa kin sa bahay kapag mabait na bata ako at walang ginagawang bad..yan din ang tawag sa kin ng ibang fwends ko.

ate kat/ate kathy-for obvious reason tawag sa kin ng mga nakakabatang kafatid at pinsan ko.

kat-ung ibang fwends ko yan ung tawag sa kin kapag siguro tamad silang bigkasin ang kathy or katrina.

trina-isang tao lang ang tumawag sa kin sa pangalan na to,si A..ewan ko ba bat sya lang talaga..{asan na kaya sya ngaun?..wondering!}

kat-kat-binigay na pet name ni revsiopao sa kin..natawa nga ko nung nitawag nya ko na kat-kat kase para lang sya nagtatawag na pusa para pakainin eh..hehehe

tita kathy-tawag ng mga makukulit at magaganda kong pamangkin na mana sa tita kathy sa kin.

tati-meaning kathy,tawag ng cute na cute kong pamangkin na si migs sa kin na 2 yrs old pa lang.

hon-tawag ni hubby..hehehe..baketbe!gusto ko tong isama eh.^^


so ayan lang po ndi po interesting noh…hehehe


so dapat talaga itag ko rin sila kase sabi ni joycee kaya nya ko nitag isa ako sa dyosa ng buhay nya…hehehe..kaya dapat maipasa ko din to sa mga maladyosa ng blogosperyo para makaganti..heheh^^


eto ang aking itatag sina:


ate angie

azul

walongbote

helena

ms.winkie





 

alaala ng kabataan February 25, 2009

Filed under: Uncategorized — kathy @ 5:29 pm
Tags: , , , , ,

isang hapon pauwi ako galing sa skul ay nakita kitang nagbubuhat ng tv mula sa isang trak na puno ng gamit at pinapasok sa apartment na nung isang araw lang nabakante.ang naisip ko agad ang bilis nman malipatan.ndi kita masyadong pinansin nun dahil mejo pagod na din ako nung hapon na yun at ang gusto ko na lang gawin ay magpahinga muna at matulog kahit saglit lang….


kinabukasan papasok na uli ako sa skul napatingin uli ako sa katapat na apartment pero nakita kong mejo marami kayong nakatira sa loob.nakita kita na nagmamadaling umalis bitbit ang cute mong bag na parang pang gradeschool ang design.dun ko na napansin na cute ka pala..bigla kang napatingin sa gawi ko at binigyan mo ko ng isang pangclose-up at makalaglag panty’ng ngiti.biglang kumabog ang bata kong puso para sayo,pero ndi ako nagpahalata at lumakad na ako sa sakayan ng tricycle sa kanto papuntang eskwelahan.habang alam ko na ilang dipa lang ang layo mo sa akin,ndi ako lumilingon kase alam ko na nasa likod lang kita.derederecho ako ng sakay sa tricycle papasok,hanggang makarating ako ng eskwelahan ndi pa rin naaalis ang kabog ng aking dibdib….nang hapon din iyon paguwi ko galing skul nakita na agad kita sa tindahan ng aking tita  na nakatambay at nakikichika sa kanya.nung palapit na ako tinawag ako ng aking tita at pinakilala sayo”Kathy halika muna pakilala ko muna sayo si A— sila yung bagong lipat jan sa tapat,A— si Kathy pamangkin sya ng mister ko”..hi lang ang nasabi ko nun sayo kase nahihiya ako sayo{dahil likas akong mahiyain}’kahit na super friendly nman ang bati mo sa kin…pero simula nun naging kabatian na kita tuwing nagkikita tayo.pero ndi pa rin nawawala ang kabog ng dibdib ko sa tuwing nakikita kita..


summer vacation

bakasyon na at madalas nasa bahay lang ako..nung minsan ako ang pinagbantay ni tita Lala ng kanyang tindihan dahil may bibilhin lang daw sya pandagdag sa paninda nya pumayag nman ako dahil wala nman akong ginagawa…nakita kitang palabas ng gate nyo at patawid ka ng kalye at dito ka sa pwesto ko patungo.coolness lang ako ndi na nman ako nagpahalata na kumakabog ang aking puso dahil sa nakapaskil mong pangclose-up na ngiti..bumili ka ng coke at pilit na nakikipagkwentuhan sa akin.dahil mabait ka nman ay ndi ko namalayan na isang oras na pala tayong naguusap ng kung ano-ano lang nman.simula nun madalas ka nang magpunta sa amin para makipagchikahan lang nman,minsan kung ano-ano ang dala mong pagkain para habang nagkwekwentuhan tayo meron tayong nakukutkot sabi mo…ndi ko alam kung ano ba mararamdaman ko sayo kase madalas parang nakakabatang kapatid lang ang tingin mo sa kin.oo nga siguro younger sister lang ang tingin mo sa kin dahil sa agwat ng edad ntin dahil ikaw 20 ako nman 16 lang nung time na yun..pero di ba ndi nman malayo ang 4 na taong pagitan ng edad natin?…


pero alam ko ndi pagtinging kuya lang ang nararamdaman ko sayo.kase may kuya ako kaya alam ko na iba ang tingin ko sayo.ndi nman kumakabog ang dibdib ko kapag nakikita ko ang kuya ko madalas pa nga naaasar ako sa kuya ko kapag nakikita ko kase kahit malaki na kame hilig pa rin akong paiyakin..


isang gabi nagkwekwentuhan tungkol tayo tungkol sa pagibig at nasabi ko sayo…kapag na-inlove ako sa iyo dapat mahalin mo rin ako.wag mong gawing malungkot ang first love ko ha”.ang tangi mo lang nasabi “ikaw talaga oh…bata ka  pa wag mo muna isipin ang first love na yan” sabay gulo sa buhok ko..alam ko ndi mo sineryoso ang sinabi ko sayo,iniyakan ko rin ng ilang gabi yun at ndi ako lumalabas ng bahay…


isang hapon pinuntahan mo ko sa bahay at dinalan mo ako ng peborit kong chokoleyt{alam na alam mo talaga ang weakness ko} at tinanong mo ako bakit ndi ako naglalalabas ang sinabi ko lang sayo..”wala lang ako sa mood lumabas”..nagkaroon na nman ng false hope ang bata kong puso sabi ko baka eto na ang simula baka mahal mo na din ako..bago ka umalis sinabi mo sa kin na may ipapakilala ka sa akin mamayang gabi paguwi mo tapos nagmamadali ka na rin umalis kase sabi mo may pupuntahan ka pa.nang gabing yun nakita kitang bumaba ng taxi at may kasamang magandang babae nakaedad mo…


napangiti ako ng mapait nang mapagtanto ko kung sino ang sinasabi mong ipapakilala mo sa kin…one reality check,coming up sarkastiko kong nasabi sa aking sarili….nilapitan nyo ko at pinakilala mo ako sa kanya”kathy this is sheena my GIRLFRIEND,SHEE this is Kathy my favorite neighbor“..nakapaskil ang isang plastik na ngiti sa aking mga labi at nagpaalam na agad ako sa inyo,agad akong nagtungo sa aking kwarto at tahimik na lumuha..favorite neighbor lang pala ko sayo..sana ndi mo na lang sya pinakilala sa kin..ang batang puso ko agad nawasak nang dahil sayo..


alam ko kahit hindi mo sinasadya nagawa mo pa ring maging malungkot ang aking first love…




 

 
Design a site like this with WordPress.com
Get started