getty_rm_photo_of_baby_walking

To you, who did not have the opportunity to be tucked in bed at night by both your mom and dad when you were 5, i want you to know that it’s okay. That sleeping without both of them turning off the lights for you doesn’t mean you’ll forever live with darkness.

To you, who only had one parent to attend on your graduation unlike your classmate whose hands were held by his mom and dad on both sides, i want you to know that it’s okay. That having only one hand to hold you doesn’t mean you can’t achieve anything.

To you, who blows your candle during your birthdays with only one parent and a bunch of other relatives and friends, i want you to know that its okay. That blowing candles with these “other people” can still be part of unforgettable memories as you grow up.

To you, whose essays about “How I Spent My Summer Vacation” is always about aunts, uncles and cousins from only one parent side, i want you to know that its okay. That you cannot stop feeling envious of other kids but you shouldn’t pity yourself because there will always be something you have that they don’t.

To you who, is constantly bullied at school for having a broken family, i want you to know that it’s okay. That standing up for yourself requires your own courage and that whatever situation you are in, it’ll only be up to you to say that you are perfectly fine more than any of them.

To you, who is being defined by the society as someone who is prone to doing a lot of mistakes because of family issues, i want you to know that it’s okay. That who you are and who you will be isn’t always about other people, but rather about you and how you handle yourself.

To you, whose love interest is always affected by your fear of ending up like your mom and dad who were once so in love with each other and then later on ending up cursing their marriage, i want you to know that it’s okay. That overcoming fear comes with maturity and that maturity comes in its own time.

To you, with all these people blaming your parents for what kind of a decision maker you are, i want you to know that it’s okay. That whatever situation you maybe, you will surely make bad decisions at times, and that these things will teach what you ought to learn in life.

To you who did not have a father to dance with on your 18th birthday, i want you to know that it’s okay. That not dancing with your dad doesn’t mean your debut is ruined and that you are a perfect lady with whoever you are dancing with.

To you who did not have a mother to talk to about how your girl ended up with your best bud, i want you to know that it’s okay. That talking with someone else doesn’t mean your heart is unfixable and that they can’t provide the comfort you deserve.

To you who asks God as to why He let you suffer the consequences of having a broken family, i want you to know that it’s okay. That wondering “why” is not a sin yet “blaming” is another thing.

To you who asks yourself what you’ve done in your life to deserve this, i want you to know that it’s NOT okay. That putting yourself as someone to be blamed is not how things should go. That you have to stop pitying yourself for something you are not in control of. That you have to do what you think is right and let not society or ‘psychology’ dictate you how  to live as”they” expect you to.

That accepting things as how they are, doesn’t mean being irresponsible but being matured. That being responsible for yourself makes you a whole lot better than those people who depend on their parents for everything to be okay. That these scars of yours for the memories you can never have with both your mom and dad is something you shouldn’t be ashamed of, and rather be proud of because these shows who you are, what you’ve overcome, and what you are capable of.

I want you to know that its okay. Regardless of how many parents you have, as long as you stay true to yourself and you don’t let these things get in the way of where you really want to be, you are no less than any of anyone.

Utang na loob. ‘Wag ka mag skip. Umpisahan natin sa simula. Saka na ‘yang ending na ‘yan.

 

d6580b68148dfdb817daa543c072af89

Sumakay ako papuntang Apalit, Pampanga. Kaso lang, Alabang South Station yong bus na nasakyan ko. Iba yong feeling. Pinaghaluhalong takot, kaba at jebs ang sabay sabay na umiikot ikot sa tyan ko. Naks. Butterflies in stomach chenelin.

Syempre hindi naman ako gano’n katanga. Maryosep. Nagpapakadeep lang ako kasi para may pang intro. Pero eto na talaga mga ate’t kuya.

No’ng mga bata pa tayo, madalas tayong tanungin kung ano gusto natin maging paglaki. Lahat na yata nasabi ko noon. Every year paiba iba. Kumbaga sa malanding kerengkeng, yes. Lahat po inangkin ko. Tinodo ko na pati ang maging madre at astronaut.

Ang ending, nagMassComm ako. NagMassComm ako dahil gusto ko maging stewardess. Kung ano ang konek ng dalawang yon, itanong nyo na lang sa 16 years old na ako, kung nasa’n man ang ungas na ‘yon ngayon.

Nag aral. Nagrecite. Nagcutting. Nagboyfriend. Nangopya. Nagtapos. Saka kumuha ng trabaho na walang kinalaman sa tinapos na kurso.

Una sa lahat, hindi ko sinisisi ang gobyerno sa naging takbo ng mga pangyayari. Actually, mas sinisisi ko pa yong Facebook dahil habang nakikita kong may mga ina-aplayan na ang mga kaklase ko noon, napressure ako na ipush na rin na maging employed.

Swear, kung alam ko lang na gano’n kasakit sa feeling ang tax at ang katotohanan na ikakataba ko ang stress, hindi sana ko nagmadali. Charot.

May trabaho na ko. Maayos ang sahod. At keri naman ang life. Ang kapal ng mukha ko magreklamo. Yes po. Ganito po samin sa Makati. Charot lang ulit.

Bente dos anyos. Feeling nasa midlife crisis. Tinatanong ang sarili kung ano na ba ang pinaggagagawa ko sa buhay ko. Dapat akong bigyan ‘ultimate assume-ra award’.

Siguro kasi dahil sa field ang trabaho ko, panay ang senti ko sa mga byahe. Bus mula Alabang pa Lipa, Batangas 2 hours. Byahe mula Alabang hanggang Malolos 4 hours kung wala masyadong traffic. Nalaspag ko na ang Spotify. Duling na duling na rin ako sa panunuod ng mga movie at series habang nasa byahe. Ang dami kong pinapatay na oras para sa rak na rak na traffic sa Pinas.

May namumuong inggit kasi sakin. Inggit dahil habang sila nagagawa ang gusto nila, ako dapat na lang makuntento sa magandang bagay na meron ako. Inggit dahil sa isa akong idealistic na bata na ang gusto kung ano ang sa tingin kong “tama” para sa mga plano ko sa buhay.

Siguro natural na to. Natural sakin na mangamba kung ano mangyayari bukas. Natural sakin na maging kabado sa bawat gagawin sa araw na to, dahil malay ko ba kung ano ang magiging epekto nito bukas. Kasi bata pa ko. Madami pa kong hindi alam. Madaming madami pa yong mga bagay na malalaman ko pa lang.

Parang akong nasa space shuttle na dahan dahan pa lang na umaakyat, bumebwelo. Hindi alam kung kelan babagsak, o kung kelan biglang haharurot. Kabado lang. Kasi yon lang naman talaga ang pwede mong gawin. Ang sakyan ang buhay na meron ka. I-feel to the bones ang lahat ng pwede mong damahin habang hindi ka pa manhid. Tapos kapag bumuhos na yong saya na inaabangan mo, intense na yong feeling. Joy to the world level 999999.

Pero nakakainip din naman kasi. At the same time, ayaw ko rin naman tumanda ng mabilis. Ang gulo ko no? Atras abante. Laban, bawi. Living life the Duterte style. Last charot na, promise.

So ano ang ending nito? Actually hindi ko rin alam. Kagaya nang hindi natin alam lahat kung saan natatapos ang mga bahaghari. Pa deep lang ulit.

Gabi na. Isang araw nanaman ang natapos. Ang daling tapusin nitong lahat ng pinagsasabi ko sa pamamagitan ng isang verse sa Bible na swak na swak tungkol sa God’s perfect plan. Ang dami ding motto in life d’yan na tagos to the bones sana gawing last sentence. Pero hindi ako gagamit nyan. Kasi hindi pa ko tapos. Madami pang susunod. Nag uumpisa pa lang ako. Bata pa ko. Cute pa rin ako. Boom

 

P.S.

Ginamit kong image dito yong raindrops sa salamin kasi nauuso sa Facebook. Wala naman talagang konek sa mga sinabi ko. ‘Wag tayo magkunwaring pa-deep. Ganito talaga kaming mga bata. Basta in, go lang ng go.

Una sa lahat, gusto kong linawin na wala akong kinalaman sa pakikipag-break sa’yo ng jowa mo. Hindi ko alam kung may nahanap na s’yang iba pero peksman, wala akong kinalaman d’yan. E pero kung gusto mo pa ring isisi sa existence ko ang break up nyo, wala na kong magagawa. Choice mo ‘yan. And you chose to break my heart. Charot.

Hindi kayo si Popoy at si Basha. Wala rin akong balak gayahin ang nagtetrending na blog tungkol sa dalawang ‘yon. Pero ang mga kwentong tulad no’n ang isa sa nagpapabitter lalo sa iba sa inyo laban sa’kin.

Tanong ko sa’yo, kung sakaling nag-eexist nga ako, saan mo ba ko sinusukat? Saan mo ko binabase? Ano ang pruweba mo na dadating ako sa buhay mo o n’yo ng jowa mong mukang kulugo? Ano ang patunay mo na present ako sa malanding lovestory na binuo n’yong dalawa?

Feeling ko kasi  ginagamit lang ako ng iba dito. Emote na this. ‘Pag inlove, ang sinasabi ‘May forever’. Pucha ‘pag break na bigla na lang ako pinaglalaho sa buhay nila? I was used and i was thrown away that easily. Kung may tunay na biktima dito, ako ‘yon pre.

Ano ba kasi dapat ang maging parte ko sa buhay mo o n’yo? Umamin ka man o hindi, kahit gaano pa man kasakit ang break up n’yo, nagkaro’n pa rin naman kayo ng masasayang alaala ‘diba? Minsan ring kinilig ‘yang tumbong mo dahil sa kanya. Napuyat ka din naman kakaisip sa kan’ya. Nagka eyebag kaka-stalk sa Facebook, Twitter at Instagram account niya. Nagselos sa lahat ng pogi/chicks na naglike at nagcomment sa pictures nya. Naramdaman mo pa rin naman noon na buhay ka at tumitibok ‘yang kung ano mang lamang loob mo d’yan na pwedeng tumitibok.

Hindi ako ang dapat maging super big deal sa in’yo. Nasa inyo ang desisyon kung gaano magtatagal ang ‘forever’ na sinasabi nyo. Hangga’t kaya nyo kong pangatawanan, pangangatawanan ko rin kayo.

Isa lang naman ang goal ko dito. Ang pasayahin kayo. Ang bigyan kayo ng pag-asa na posibleng matupad ang lahat ng pangarap na binubuo n’yong dalawa. ‘Yon lang naman ang intensyon ko. Wala nang iba.

Pero hindi dahil huminto o napagod na kayo sa isa’t isa ibig sabihin basta basta ko na lang din kayong iniwan. Hindi ibig sabihin no’n inabandona ko na kayo. Gusto ko  rin naman kayong magkatuluyan hanggang sa oras na kaya kong ibigay. Pero kung ayaw n’yo na talaga at sumusuko na kayo para sa mas ikaliligaya ng isa’t isa sa piling ng iba, hindi ko kayo pipiliting magsama. Ayokong manatili kung alam kong iiyak lang kayong dalawa. Ano pang sense ko no’n kung hindi naman kayo magiging masaya?

Sasamahan ko pa rin naman kayo. Saan mang dako, magkaibang landas man, ga’no man kalalim ang bangin na inyong tatalunan. Itakwil mo man ako, mananatili pa rin ako. Dahil kapag nakita mo na s’ya, at alam kong makikita mo s’ya, gusto kong maramdaman mo ulit na kaya kong gawin kayong masaya. Tutungulan ka ng konseptong ‘nag eexist’ ako na buuin ang nabasag mong pagkatao at ang tumigil sa pagitbok mong lamang loob. Muli kong paliliparin sa langit ang pangarap mong hindi natin parehong alam kung kaya mo o n’yo ngang abutin. Pero maniwala ka, suportado ko ang anumang katangahan na pwede mong gawin.

Nandito lang ako sa ayaw mo man at sa gusto. Makikita mo rin s’ya. Hindi ko maituturo sa’yo kung sino s’ya o saan mo s’ya makikita. Ni hindi kita mabibigyan ng clue kung saan s’ya madalas tumambay o ano ang clan n’ya sa COC. Pero nandito ako hangga’t kaya mong magmahal, hangga’t kaya mong tumayo sa paa mo habang sinasabi mo sa tamang tao na gusto mo s’yang makasama hanggang sa haba ng panahon na kaya kong ibigay.

Kaya kong ibigay sa’yo ang lahat ng pag-asa at saya na gusto mong maranasan. Handa akong magbigay ng liwanag sa tuwing tatahakin n’yo ang madilim na daan. Wala akong hindi ibibigay hangga’t naniniwala kang kaya ko ‘yon at kaya n’yo rin ‘yon ng taong magpapatunay sa’yo kung saan mo ko dapat sukatin, ibase, at ano ang mga pruweba na may “Forever” sa buhay mo, n’yong dalawa.

Balang araw, ikaw ang magdedesisyon. Maghihintay ako sa araw na maalala mo ko at handa ka nang paniwalaan ang lahat ng sinasabi kong ito.

Hanggang sa dulo ng walang hanggan,

love-infinitely-logo

There was really nothing much to say after the announcement that the “promotion” will be “cancelled”. I smiled. Yes, I faked it because it’s ridiculous to cry over something you shouldn’t even want to have.

I went out of the room as the conversation ended. Ironically after that talk, I started feeling nervous. I feared that I might not help my tears from falling and that they will see this ‘weak personality’ again on me. I don’t want them to see me cry again. Never AGAIN.

I went home feeling more confused than ever. I never wanted that responsibility. I never liked to assume that someday I will be the one to do it. But I guess, not really having it all and “it” being assigned to someone else makes me feel envious. Yes, that can be the term.

I don’t hate that person. That’s a silly thing to do. But I fear that when I see her, she will be the reminder of Oh-sweety-you’re-too-weak-and-unfit-for-it-that’s-why-they-gave-it-to-me feeling.This is stupid. I know. But as the saying goes by, you won’t really know what you have unless you don’t have it anymore.

I never “had” it. I was just close to having it. And by the short time I learned about me “having” it, I felt good. I felt confident about myself. I thought I was dong my best and they are seeing it. I felt like I can be good in this career which I never really wanted, a career which is way out of my league. I thought I finally had a future with this and that it’s me being a moron to file my resignation.

Last week was a roller coaster of events which led me to nothing. I planned to resign, applied for this certain company, did the exam and the interview, waited for the result, prepared myself that I will be leaving soon as long as I pass the screening. And then, I prepared myself again upon learning the news that I will be taking a new responsibility at my present job, got excited and nervous and confused because of the usual me being pessimist. I was in huge confusion whether or not to take the new job (if ever I passed their test) or to remain with my present employer given the “promotion” and the higher salary that awaits. And then, in just a snap, I learned that the promotion will be cancelled and that it will be given to someone else, newer in the department than me.

So, to release my frustration, I ended up deciding that if the other company I have applied for calls me, I will certainly leave my present job without thinking twice. But then, when I opened my email I received a “no”. So certainly, it made me feel like I have nowhere to go and that I have no choice but to bear this shitty feeling.

The usual thoughts to comfort myself rushed on me. Maybe it’s not yet my time. Maybe something better awaits. Maybe I would be in doom if I ever got that position. Maybe the other company was no better. Maybe it wasn’t meant to be.

But no matter what I try to tell myself, the fact that they think I’m weak that’s why they didn’t gave it to me is still there, lingering amid all my fake excuses to cheer myself up. But I am not weak. That’s the thing. I’m still here. I didn’t commit suicide. My former resignation didn’t pushed through. They don’t even know all the troubles I’ve gone through with other people before I met them. And for me, crying is not a sign of weakness. Crying was my release when I really wanted to slap someone’s face but I can’t do it because I might get fired. They haven’t even tried to scowl at me or to yell at me so there is really no point of judging that I couldn’t handle those.

I felt insulted. Insult at it’s finest. I felt underrated, judged, taken for granted or whatever it is called. I feel bad. I think I have the right to. and I guess it’s a very common feeling for others who had the same experience.

They don’t know me and that’s all the explanation they’ve got. After all that has been said and done, they are now convincing me that it’s okay and that we are all the same. No one is higher than the other bla bla bla. But we all know it’s bullshit. That was what I was protesting for even before these all happened. They said “No, things don’t work out like that”. And now, they’re firing it back to me.

So now, all I can think about now is “What the hell?”

I went home crying on the bus. I felt stupid of course. But I don’t care. I did comfort eating although it didn’t really gave me even a bit of it’s purpose. I guess this is one part my life that I just have to overcome to become stronger. As if I have any other choice.

Well I do have a choice. I can continue searching for a new job or file my resignation for the 3rd time right at this moment. But I don’t want any of that. Right now, all I want to do is prove that I am not weak, that I am capable. That I am a strong person and that they’ve judged me wrong. It’s not revenge because I won’t be doing any of these things to them. It’s for myself, for the restoration of my crushed ego and pride, of my confidence over my personality.

I am doing this for myself and for Him, who has helped me all the way until now to be where I am currently am. I can manage.

Maganda pa rin ako 🙂

Chena.

Out of Fears and Pride

Posted: December 16, 2014 in Uncategorized

Lumapit ang konduktor ng sinasakyan kong bus para maningil ng bayad. Ibinigay ko sa kan’ya ang tig pipisong laman ng wallet ko para nang sa gano’n e mabawasan ang bigat ng mga bitbit kong gamit. Kumuha naman ng singkwenta ang katabi kong bababe para sa kan’yang pambayad.

Konduktor: Miss, wala kayong barya? Wala na kasi akong barya e.

Babae: Wala ho.

Konduktor: Miss, wala ba talaga? Wala kasi talagang barya dito e.

Tila nag init ang ulo ng babae sa sumunod na pangungulit ng konduktor sa kan’ya.

Babae: Wala nga ho kuya, kahit tignan n’yo pa ‘yong wallet ko. Wala na nga hong laman oh.

Natigilan ang konduktor sa paninigaw na ginawa sa kan’ya ng babae. Lumapit ito sa ibang pasahero para maningil ng kanilang mga pamasahe. Tinignan ko si ate. Mukha s’yang mabait kaya’t gano’n na lang ang gulat ko, at marahil ng konduktor, sa ipinakita n’yang emosyon.

May punto naman kasi si ate. Singkwenta lang naman ‘yong bingay n’ya. Hindi naman mahirap suklian ‘yon. May tigbebente namang hawak ‘yong konduktor. Barya ang ibinayad ko sa kan’ya. Kung tutuusin, sobra sobra pa ang barya na hawak ni kuyang konduktor para suklian s’ya at hindi naman ako nagkamali.

Lumapit muli ang konduktor sa babaeng nanigaw sa kan’ya. Dumukot ito sa kan’yang bulsa na s’yang nagpatunog ng lahat ng baryang naroroon. Tunog pa lang, alam mo nang madami. Ibingay n’ya ang sukli sa babaeng tila yamot pa rin sa nangyari. Agad naman nilagay ng babae ang kan’yang sukli pabalik sa kan’yang wallet.

Ako ang nayamot sa nakita ko.

Umaapaw sa barya ang wallet ni ate. Ang sarap pag untugin ng babaeng ‘yon at ng konduktor. Nagalit pa sila sa isa’t isa e pareho lang naman pala sila. Pareho silang wala sa lugar ang ipinaglalaban.

So anong punto ko?

Wala. Nayamot lang ako dahil ginugulo nila ang ginagawa kong pagmumuni muni no’ng mga oras na ‘yon. May pinaglalaban din kasi ako sa sarili ko.

Ito kasi ang eksena ko sa buhay. May gusto akong gawin pero di ko magawa. Nagpapapigil kasi ako sa mga takot at pangamba. Pero ‘yong takot at pangamba din naman na ‘yon ang nag uudyok sa’kin na mag alinlangan sa kung ano man ang ginagawa ko ngayon.

Takot akong baka hindi mahigitan ng susunod ang meron ako ngayon. Natatakot akong baka hanap hanapin ko ang mga meron ako ngayon kapag dumating na ‘yong araw na wala na sa’kin lahat ng ‘to. Natatakot akong baka hindi pala maging worth it ang lahat. Natatakot akong magsisi.

Pero natatakot din akong makulong sa patibong na ‘to hanggang sa pagtanda ko. Natatakot akong baka hindi ko magawa ‘yong mga pinangarap ko simula pa no’ng dati. Natatakot ako sa katotohanan na lumilipas ang panahon at baka kapag nagkaro’n na ko ng sapat na lakas ng loob para makipagsapalaran e naubos na pala ang lahat ng pagkakataon na meron ako. Natatakot akong magsisi.

Puro takot na lang ang meron ako. Puro pangamba na baka ganito, baka gan’yan. Kung papipillin mo ako ngayon sa pagitan ng puti at itim, agad kong isasagot sa’yo na puti ang gusto ko. Pero sa loob loob ko, inaasam ko din ‘yong itim. hindi ko lang ‘yon pinili kasi mas marami ang nagagandahan do’n sa puti.

Mabuti pa ‘yong konduktor at ‘yong babae. Pareho silang naging matapang sa kung ano man ang mababaw nilang pinaglalaban para sa barya. Walang kagaya ko sa kanila. Walang umatras. Walang naduwag.

May nagsabi sa’kin noon na mababaw raw ang dahilan ko kung bakit gusto kong umalis sa kung nasa’n ako ngayon. Ang alam kasi n’ya, nila, kaya ko lang gusto umalis dahil nahihirapan na ‘ko. Totoo naman. Nahihirapan ako. Nahihirapan ako dala na rin siguro nang katotohanan na may iba talaga akong gustong gawin.

Nasaktan din ‘yong pride ko no’ng nalaman ko na gano’n pala ang magiging pananaw ng iba. Hindi naman talaga ko basta basta sumusuko. Wala akong matandaang bagay sa buhay ko na sinukuan ko. Hirap na hirap din naman ako no’ng nag aaral pa ko dahil kelangan ko pagsabay sabayin ang mga academic at non academic activities ng buhay ko.

Kahit pumpalpak ako no’n sa posisyon na hawak ko, kahit ilang beses akong napagalitan, hindi naman ako sumuko. Kahit no’ng akala ko hindi ko na makukuha ‘yong award na gusto ko, hindi pa rin naman ako sumuko. Kahit no’ng hindi na namin malaman kung ano’ng milagro ang gagawin para sa thesis, wala namang sumuko sa amin sa grupo. Kahit no’ng nagkagulo gulo na kami no’ng mga kasamahan ko sa org dahil sa mga bagay na hindi masettle, hindi naman ako sumuko. Hindi ko ugali ang sumuko. Ibang usapan naman syempre ang lovelife kaya ‘wag natin ‘yon idamay dito.

Kung susuko man ako ngayon, ito ang first time ko. Lahat naman ng first time epic ‘di ba? Epic na rin ang sakit ng ulo ko kung itutuloy ko ba ‘tong first time na ‘to.

Wala namang magandang bagay na hindi pinaghihirapan. Alam kong kelangan talaga ng mga sakripsyo sa buhay. Alam ko din na ano man ang maging desisyon ko ngayon, tiyak, may epekto ‘yon sa mga susunod panahon. At hanggang ngayon, takot ako na baka hindi maging kasing ganda ng bukas ang kahapon.

Sayang. Baka kasi… Kaso lang…

Puro ang mga salitang ito ang nagpapatakbo sa buahy ko nitong mga nakaraan. Nakakasawa na matakot. Ang hirap maging duwag. Ang hirap sumugal kapag ayaw mong ma- disappoint sa’yo ‘yong mga tao sa paligid mo. Ang hirap no’ng ayaw mong madisappoint ang sarili mo.

Baka balang araw… malay mo naman…

Ewan ko ba.

A writer’s dilemma

Posted: May 18, 2014 in Uncategorized

‘Pag sinabing writer, madalas sila ‘yong mga taong expressive. Isinusulat nila ‘yong mga naiisip o nararamdaman nila o nai-imagine nila dahil madalas, kapag may nangyayaring unexpected, kaexcite excite, sobrang touching, sobrang painful, overwhelming, nakakatakot, nakakabaliw, nakakatawa, nakakaawa, nakakaiyak, nakakadiri, nakakatulo laway, nakaka laglag panga, nakakainis, nakaka sakit ng ulo, nakaka heartbreak, o kaya nakaka buntong hininga,  kating kati agad ang isang writer na magsulat ng tungkol do’n pang column man ang peg o fiction.Umaapaw kasi ang creative juices at thoughts na naghuhumiyaw para mailabas. Sabi nga ni Maya Angelou, “There is no greater agony than bearing an untold story inside you.” 

 

So bakit ang hirap maging writer? Ang saya nga ‘di ba? May kakayahan ka para makaisip ng words na maaaring maging enough para madescribe ‘yong nararamdaman mo. Alam mo agad kung ano ‘yong paborito mong takbuhan sa tuwing pakiramdam mo sasabog ka na. Alam mong ‘pag nagsulat ka, kahit papa’no, may magpapaluwag sa dibdib mo. Alam mo kung paano ka makakaganti sa mga nananakit sa’yo. Alam mo kung paano makukuha ang huling halakhak. Alam mo kung anong klaseng kapangyarihan meron ka. Salamat sa peysbuk, twitter, blog, at kng anu ano pa.

Kaso may mga pagkakataon na ididikdik sa’yo ng utak mo na h’wag mo nang isulat ‘yan. Bakit? Kasi yong isip mo alam n’ya na kung halimbawang ipinost mo ‘yan e may ibang makakabasa. Nachismis ka na nong iba, lumala pa ‘yong problema mo. Minsan, pinipigilan ka din niyan magsulat dahil ipinapaintindi n’ya sa’yo na hindi ka na dapat gumawa ng remembrance na maaaring ikasama pa ulit ng loob mo pagdating ng araw. Hindi ka naman din daw dapat magtago ng record ng mga taong nagpasama ng loob mo. Forgive and forget.

 

 

Kung magsusulat ka tapos itatapon mo rin naman o idedelete mo o ipaprivate mo, may posibilidad na wala ka din namang mararamdaman na sense of fulfillment. Wala kang katibayan na nairelease mo na ‘yon. ‘Di ba kapag nasusuka ang isang tao, gusto niya ‘yong isuka. Kelangan n’yang makita na naisuka n’ya ‘yon. Nakakainis kapag puro pagduduwal lang ang nangyayari. Bukod kasi sa kakabahan kang baka signs of pregnancy na ‘yan, hindi mo rin magawa ‘yong dapat sana e goal mo sa pagsuka. 

 

Matapang ang isang writer na walang pakialam kung ano man ang sasabihin ng iba sa kung ano man ang ipapahayag n’ya. Minsan may mga wala sa lugar ‘yong tapang pero depende na ‘yon sa sitwasyon. Minsan din may mga bagay na ikaw na mismong sarili mo ang nagdidiktang ‘wag mo na ‘yang isulat. At sa mga pagkakataong kinokontrol mo ang mga ginagawa mo para sa konsepto ng ‘tama’ para sa’yo, sa mga pagkakataong nararamdaman mong gusto mong magsulat pero sinasabi ng isip mo na hindi na dapat, do’n pumapasok ang dilemma ng pagkakaroon ng hilig sa pagsusulat.

 

Ang isang tao na may puso para sa pagkanta, hirap magpigil ng pagkanta. Ang isang taong may puso para umarte, hinahanap hanap ang entablado. Ang isang tao na may puso para magpahayag, hindi mapakali kapag nagkikimkim.

 

Sa pagkakataong kelangan ng kontrol, kelangang magpigil, kelangang maglihim, maniwala ka, halos mabaliw ang isang writer sa panahong ‘yon

 

1. Hindi ako naging Deans Lister ngayong taon.

Bakit? kasi 1.76 ang naging average ko ng 1st semester ng taon na ‘to samantalang 1.75 ang minimum para makapasok sa mahiwagang listahan na ito.

2. Hindi ako nagsisisi

Bakit? kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman pansarili kong kakayanan ang naging dahilan. Isa pa, isang utot lang naman ang lamang ng 1.75 sa nakuha kong grade.

3. Wala kong naging pagkukulang

Bakit? kasi maayos naman akong nakisama sa mga kagrupo ko at ibingay ko naman lahat ng makakaya ko.

4. Opo, natural umiyak ako. 

  Bakit? natural. Isang taon na lang naging bato pa.

5. Hindi ako sure kung magiging cumlaude ako sa graduation.

Bakit? Kasi hindi naman ako nagtatanong dahil kahit ako ayoko munang malaman kung mapupunta lang sa wala yong tatlong taon kong paghihirap dahil sa 0.01.

6. Hindi rin ito dahil sa dyowa

Bakit? Kasi magkaiba naman kami at nasa ulirat naman ako para pagdesisyunan ang mga bagay bagay

7. Hindi ko ‘to masabi sa inyo kasi nahihiya ako

Bakit? Kasi alam kong masaya kayo kapag nakakakuha ako ng parangal. Masakit din para sa’kin na wala kong nakuha ngayon na pwede kong idedicate para sa inyo.

8. Kahit nahihiya ako taas noo pa rin akong naniniwala na wala naman talagang nawala sa’kin

Bakit? Kasi pwede namang ipakiusap ‘yon sa mga professor pero hindi ko ginawa

9. Mas pinili ko talagang maging 1.76 kaysa gumawa ng “paraan”

Bakit? Kasi masakit sa pride na mapapasok ako sa listahan na ‘yon dahil sa pakiusap, isang bagay na hindi ko naman ginagawa at kailnama’y ‘di ko gagawin.

10. March 31 ang graduation ko at magbibigay ako ng panggastos para sa bahay galing sa kikitain kong pera mula sa trabaho na makukuha ko kahit hindi ako maging deans lister o cumlaude

Bakit? Kasi mahal ko kayo ❤

Sa loob ng tatlong araw na Luzonwide presscon, isa lang ang itinaga ko sa sarili ko.

“Kailangan kong manalo”

Hindi para magkaro’n ako ng bagong post sa fb o para matuwa sa’kin sina mommy. Hindi para magpa-impress sa mga kaibigan koo magmayabang sa mga hindi ko kasundo. Pinili ko ang gano’ng mindset kahit hindi ko naman talaga nature na umasa ng gano’n sa tuwing sumasali ako ng contest dahil ‘yon ang nakita kong escape route o paraan para maibalik ko yong pagtingin nong “lalaki” na ‘yon sa’kin. Hindi ko s’ya jowa, ex, dating manliligaw, crush o kung ano pa man. Sabihin na lang natin na s’ya ang pinakamatanda sa’min sa opisina ng publikasyon at s’ya ang taong pinaka kinatatakutan ko do’n. ‘Wag na nating pangalanan kung sakaling mahulaan mo kung sino ang tinutukoy ko.

Sa loob ng walong buwan na pananatili ko sa posisyon na meron ako, nasanay na ko sa kan’ya. Sanay na ‘kong pinagagalitan dahil sa mga kakulangan ko o namin. Sanay na ‘kong kabahan sa t’wing magagalit s’ya. Sanay sanay beybe.

Hanggang sa dumating ang February 11, 2014.

Nag overnight ako ng biglaan sa ofice para tapusin ang liquidation na matagal na dapat tapos. Araw araw kong hinahawakan ang liquidation na ‘yon at kahit ako sa sarili ko nagulat dahil sa tagal ng naging pag-usad ng trabaho ko. Pwedeng dahil sa thesis o kung ano pa man. Pero hindi ako nagdahilan sa kahit kanino. Alam ko kasingtrabImageaho ko ‘yon. At wla kong balak sisihin ang sino man, Umaga na ng piliin kong matulog dahil hindi ko na talaga maintindihan ‘yong ginagawa ko. Ang inisip ko na lang habang naglalamay ay parusa ‘yon dahil nagkaro’n ako ng pagkukulang sa trabaho ko.

Hanggang sa magising ako mula sa dalawang oras na pagkatulog. May dumating na mga bata. Sa tulong nila, nalaman kong ‘yon ang doomsday ko. Hinanda ko ang sarili ko sa posibleng yamot na maramdaman ng mga kasamahan ko at sa yamot “niya”.

Pero kulang yata ‘yong paghahanda na ginawa ko.

 

Text message from “*******”

“Cge…wala taung pambayad nyan… we cannot attend”
“U shud be blamed for that… kung di mo kya trabho mo.sna nun p di mo n tinanggap… so disappointed”

Isa lang ang kalokohan na naisip ko pagkatpos kong mabasa ‘yon, “SYIT. pwede palang hindi tanggapin. Sayang -____-“

Pero syempre hindi ko ‘yon sinabi kaninoman. Ayoko namang makutusan. Ayoko ding mahusgahan na walang utang na loob. Hindi ko din alam kung bakit ‘yon ang naisip ko. Hindi ko rin naman isinusumpa ang trabaho ko. Sa kalaunan minahal ko ‘yon. Lahat ng papel, resibo at pirma na dapat kolektahin pinilit kong i-organize kahit walang likas na gano’ng katangian ang pagkatao ko. 

Umpisa pa lang alam kong mahihirapan ako. Naisip ko din na hindi ko kaya at tyak magkakaro’n ng abirya dahil sa’kin. Sinikap kong baguhin ang pagiging burara ko. Sinikap kong gumawa ng paraan para hindi makaapekto ang pagiging makakalimutin ko. Sinikap kong i-update palagi ang pinakamamahal kong anak- liquidation. Kung ang news editor may broadsheet, ang sports editor may tabloid, ang devcomm editor may NLET, ang literary editor may folio, ang features editor may magazine, pwes ako may liquidation. Lahat ng kaya ko ginawa ko. Walang social life maliban sa bonding kasama ang boyfriend dahil puno ng acads, articles at liquidation ang buhay ko. Natuto kong mabuhay sa gano’n. Nakapag adjust ako. Tapos na ko sa adjustment period. Alam ko ‘yon sa sarili ko. Alam kong ginawa ko ang lahat at bingay ang lahat ng kaya ko.

 

Kaya siguro masakit. Kaya siguro kulang pa din ‘yong paghahanda ko sa sarili ko no’ng araw na ‘yon para sa kung ano mang masakit na salita na pwedeng ipukol sa’kin. Kaya siguro kahit anong pigil ang gawin ko sa luha ko, hindi s’ya tumitigil. Hindi ako nasaktan dahil sa pinagalitan ako o napagsabihan ako. Sabi ko nga kanina, sanay na ko sa ganon dahil pinapagalitan din naman ako sa bahay no’ng bata pa ko. Nasaktan ako kasi nakakadepress tanggapin na kahit ‘yong best mo kulang pa din.

 

Para mas maintindihan, ganito kasi ‘yong problema. Hindi natapos agad ‘yong liquidation, dahilan para hindi pumayag ang accouting ng unibersidad na iproseso ang cash advance, dahilan para mangapa ang publikasyon ng ipangbabayad sa Luzonwide presscon na dapat salihan dahil sa pagkapanalo sa presson, dahilan para mapilitan na manghiram ng pera sa mga taong hindi naman na dapat pinoproblema pa ‘yon, dahilan para makareceive ako ng text message na nasa taas.

 

February 12 ang alis papuntang Lucban, Quezon para sa Luzonwide. Alas tres ng February 11, naghahanap pa rin ng 50k mahgit para sa ipambabayad.

 

Alas kwatro ng hapon, nagpatawag ng meeting ang Assoc. Sinabi kong ayaw ko nang sumama sa Luzonwide. Ang angas pakinggan dahil hindi lahat pinalad makasama ng luzonwide. Tapos heto ko tatanggi. Pero wala na kong pakialam no’ng mga oras na ‘yon. Ang dahilan ko, hindi ko kasi kaya. “Kung hindi kaya, ‘wag nang tanggapin”.

 

Bakit nga ba hindi ko kaya?

1. Hindi makaya ng konsensya ko na gastusan ako ng ibang tao despite ng napakalaking pagkukulang ko.

2. Nahihiya kong humarap kahit kanino. Gusto ko munang mapag isa,

3. Ayoko nanag bigyan “sya” ulit gn sama ng loob. Inisip kong kapag nakita nya ko, masisira lang ang araw nya.

 

Pero sabi nila, mali. Mas dapat nga daw akong sumama kasi baka lalo syang magalit kung hindi. Gamitin ko daw ‘tong motivation para gawin ang makakaya sa contest. Gawin ko daw tong inspirasyon para manalo.

 Napilitan ako. Dinesregard ko lahat ng rason na meron ako para sa paraan na nakikita ko para mabawasan ang disappontment ng ibang tao sa’kin. 

 

So nando’n na. Pinilit kong maging invisible. Para hindi na mag init ang ulo nya. Ganon kalaki ‘yong takot ko. Pero syempre maayos syang nakitungo sakin. Professionalism. Pero ang hirap. Ilag na ilag akong tumingin sa kaniya. Bakit? Ang laki ng hiya ko sa sarili ko. Ilang beses kong tinangkang magsorry pero hanggang plano na lang ang lahat. Walang natuloy. Walang lakas ng loob. Walang nakitang tyempo. Wala.

Pagkalipas ng dalawang araw, tapos na rin ang contest. Tapos na kong magsumamo sa nasa itaas na nawa’y tulungan ako manalo at tanggapin ang ano mang mangyayari nang buong puso. At ang resulta:

 

TALO. Ni hindi ako nagplace. 

 

Sakit. 

 

Masakit dahil epic fail ang plan A para sa oplan balik dangal sa sarili. So kailangan ng Plan B. Plan B na hindi ko alam kung magwwork dahil may kinalaman na ulit ‘yon sa liquidation, sa trabaho ko, sa pinaglaanan ko no’ng best ko na hindi pa rin sapat.

 

Tralalalalala. Pero gaya ng cliche na linya na pwedeng ipasok dito… Try and try until you succeed.

 Yes beybe. Push lang ng push na as in Pray Until Something Happens. In fairness nagkatotoo pa rin naman ‘yong hiling ko kay Lord. Nanalo ko sa app na nilalaro ko. At natanggap ko ang resulta ng contest ng buong puso.

 

Hindi man gumana ang plan A, may B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z pa naman. Someday, bibgyan ko ulit ng dangal ang pangalan ko. In His prefect time ❤

 

Whatever happens, to God Be the glory ❤ ❤ ❤ 

Puro Nga Kasi Simula

Posted: January 1, 2014 in Uncategorized

Ang dami kong balak gawin ngayong 2014.

Isa na dyan ang pagbblog sa unang araw ng taon. Buti natuloy.

Gusto kong matapos yong story na ginagawa ko sa wattpad bago ako mag bente anyos. BTW eto nga pala s’ya http://www.wattpad.com/story/11064761-a-letter-for-derick (baka sakali may maka appreciate <3)

Gusto kong pumasa sa thesis.

Gusto kong matuto gumawa ng accessories at magbukas ng business na related dito.

Gusto kong makahanap agad ng trabaho pagka graduate ko.

Gusto kong itreat si Mommy at si Mama sa kahit saan gamit ang unang sweldo ko.

Gusto kong mag outing kasama si Paul Junel Aquino sa malayo. ‘Yong kaming dalawa lang. Alam na. De joke lang. Wholesome tayo dito.

Gusto kong magpakabit ng wifi.

Gusto kong bumili ng laptop.

Gusto ko mag iba ng fashion style (kahit wala naman talaga)

Gusto kong magkaro’n ng sports na paglilibangan para pumayat.

Gusto ko matapos ang pagbabasa ng Lord of the Rings Trilogy.

Gusto kong magpaputi.

Gusto ko magbigay ng maraming kwarta kay Mommy para wala na syang masabi kapag nagbubukas ako ng electric fan.

Ang dami kong gusting gawin. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung magagawa ko ba lahat. Magaling lang naman kasi ako sa una. Ilang bese ko na ding pinilit na gawin lahat ng plinaplano ko pero wala. Hindi talaga natutuloy. Minsan dahil hindi talaga ubra. Minsan naman dahil tinatamad ako.

Gaya ng nabasa ko sa Paper Towns ni John Green na ang galing galing, minsan nasa pagpaplano lang talaga yong excitement. Tapos no’n wala na. Pero ayaw ko namang gawing katwiran ‘yon parati.

Siguro this year ang dapat ko talagang planuhin ay ang pagpupush sa sarili ko na mai-push ang mga gusto ko, ang gustuhing gawin ang mga bagay kahit tinatamad na ko. Siguro naman dahil magbebente anyos na ko mas magagawa ko na. Mas mapupush ko na. Mas mababawasan na ang katamaran. Pero ewan ko din. Sino bang makakapagsabi. Atleast may plano ko ‘di ba? Kesa naman wala 🙂

The Child I Used to Know

Posted: December 11, 2013 in Uncategorized

I want to hide.

Away from everything

Become invisible

To not exist

Even for a day, or for an hour

 

I want a minute

Free as a child

Carelessly cry when hurt

Laugh without manners

Shout when helpless

 

I want a minute

Free from guilt

Free as a leaf

Waiting to unattach itself

Fom the branches holding it back

Yet that which sustains its life

 

I want a minute

Free as a water

Smoothly flowing wherever it may go

Unsure of its track

Yet brave enough to let go

 

I want a minute

Free as the sun

Rise up when it may want

Let them all adjust

 

I want a life

Even for an hour, or for a minute

Sing as if everyone’s deaf

Dance like no one else can see

Breath as if that will be the last air

Sit in an endless time

 

It’s different from running away

I’m not a quitter

Will never even be

I just want a space

To subtract frustrations

End all that has to be

Fix the shattered pieces

Restore color on a fading rainbow

Find the lost child

Who was once careless of herself

Who lost the happiness

Overthinking of what she might be if she refuse

Thinking of the bad consequences

As they push her to do this and that

Those and These

Which took away the passion

of doing things with love

of pursuing with pleasure

of obeying with loyalty

 

The flame was lost

In the vast ocean of fear and pressure

Lost in doubt, weariness

Gone was the joyous heart

Gone with the once passionate child