Sa elevator pa lang pinupog ko na siya ng halik. Sa batok. Sa likod ng tenga. Sa lips. ‘Di ko na inisip kung may spy cam ang loob ng kinalalagyan namin. E ano kung magkaroon ako ng scandal video. At least naranasan ko ang maging artista!
Pagdating sa kwarto, dyaaaarrrraaaannn!!!…talo ko pa si superman sa bilis ng pag-alis ng aking mga saplot(in 3 seconds i was naked, pwede ba to sa guiness book of world record!?) Handa sa matinding pakikipaglaban na magaganap.Ang sinumang humadlang sa aking mithiin ay magsisisi kung bakit iniluwal pa siya!
Sinimulan ang lambutsingan. Hmmm…ambangooo ng bebi ni dengoy. Halik dito, halik doon. Salat dito, salat doon. Gumanti ang aking bebi. Aaaaahhh(habang tirik ang mata). Di ko na kayang patagalin pa ito… inihiga ko siya… handa na ako…handa na rin ang panaksak… eto na… malapit na…
kriiiiiiiiiinngggggggggggggg!!! kriiiiinnngggggggggggg!!!
…ampotaaahhhh! Bakit may mga taong hindi marunong tyumempo ng tawag!? Grrrrr! Inangat ko ang telepono.
dengoy: “hello?”
kabilang linya: “oohh, ahh”(lalaki ang boses)
dengoy: “sino ‘to?”
kabilang linya: blaggg!(binagsak ang receiver)
…paksheyt talaga! hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko at ipinagkakait pa ang paminsan minsan kong pagkakaroon ng panaginip. Lahat na lang bangungot!
Nilingon ko ang bebi ko. Nagbabakasakaling gawing katotohanan ang pantasya. Wala siya! Tinignan ko ang orasan…ala-una ng madaling araw! Nasaan siya? Bumaba ako. Wala rin! Baka nasa kubeta, tumatae. Tingin ako sa may bandang banyo, sarado ang ilaw! Nawawala ang bebi ko!!!
kriiiiinnngggg!!!
Eto na naman! Pasasabugin ko ang betlog ng taong ito kapag nalaman ko kung sino siya.
dengoy: “ikaw na naman, taragis ka! pipisakin ko bayag mo!!!”
kabilang linya: “Huh!?” Ano ‘kamo? Ba’t ka ganyan? Andito na kami sa Baguio. We’re safe and sound sweetie, ingat ka!”
dengoy: “Ah, okey. Ingat din. Enjoy your vacation!”
…di na ako dalawin ng antok. Sa lalaking bading na nang-istorbo sa akin kanina, kung nagbabasa ka ngayon, pakyu! Pupugin sana ng langgam na sindami ng buhangin sa dagat yang betlog mo!!!Taragis ka! Sinira mo ang araw ko. Isang linggo pa naman ang bakasyong ng mag-iina ko sa Baguio. Isang linggo akong walang dyug-dyug!
Pakyu! pakyu! pakyu!