“Lahat tayo ay nasa ilalim ng nag-iisang langit.” Iyan ang katagang hindi ko makakalimutan sa koreanovela ng GMA na Hana Yori Dango 2. Hindi dahil sa tamang senti ako.
“Lahat tayo ay nasa ilalim ng nag-iisang langit.” Iyan ang katagang hindi ko makakalimutan sa koreanovela ng GMA na Hana Yori Dango 2. Hindi dahil sa tamang senti ako.
Masarap daw ang sundot kulangot ayon sa mga ekspertong nakatikim na nito.Isang produkto mula sa baguio na kung saan ay gawa sa masarap na coco jam at nakalagay sa bamboo sticks. Pick a booger or candy booger daw ang tawag dito. Malagkit, matamis at nakakatinga. Hindi ko ma-describe kasi hindi ko pa naman talaga natitikman.
Sa Dubai, kakaibang experience na naman sa matatawag kong ‘sundot kulangot’.Sa Pinas halos pagnasaan ko ang pagkain ng shawarma. Amoy pa lang siguradong magugutom ka na.Dito hindi mo pangangarapin kumain nito lalo at kung mga pana ang nagtitinda. Noong una nahikayat din ako lalo’t madalas akong abutin ng gutom sa daan habang nag-aapply.
Ngunit minsang ako’y nag-aabang ng bus na masasakyan, hindi ko maiwasang mag emo at pansinin ang paligid. Iyan ang kadalasan kong libangan kapag nagpapalipas ng oras huwag lang mabagot sa pagdating ng bus.
Naloka ako nang mapansin ko ang panadol na nagtitinda ng shawarma. Walang customer at ang loko nag eemo din tulad ko. Pero mas matindi at karumal dumal na pag eemo ang ginagawa. Hindi ko alam kung alintana ba niya na ipasok ang daliri sa ilong para tanggalin ang ika nga monster sa loob nito. Para bang kapag inistorbo mo ay mananagot ka ng husto. Napangiti ako ng mapansin iyon. Kahit wala ako sa pinas alam ko namang may kalayaan ang sinuman gawin ang ganun maaring sa publiko o lihim na lugar. Ngunit hindi doon natapos ang karumal dumal at karimarim niyang pagsesenti. Maya maya lamang ay may lumapit na customer at bibili ng shawarma. Ang saya, walang kaabug abog, walang hugas ni punas man lang, diretso kuha ng wrapper ang lolo mo. Hiwa ng karne, chicken o beef lagyan ng vegies, sibuyas at kung anu ano pa, balot sa wrapper. Bravo! Instant shawrma na!
Akala ko ay nakatsamba lang ako ng ganoong tindero. Pero kahit sang tindahan ako ng shawarma mapunta ay ganun pa rin.Hindi uso sa kanila ang guwantes. At maraming pagkakataon na mas maitim pa ang kamay nila kesa sa niluluto nilang beef o chicken shawarma. Huwag mo nang idagdag pa ang subconcious na ritwal nila bago ihanda ang nasabing ‘sundot kulangot’.
Aaminin ko, nakakain ako ng nasabing ‘sundot kulangot’, mga dalawang beses din iyon. Noong una hindi ko alintana kahit medyo nagulat ako dahil kinamay lang talaga. Noong mga panahong iyon ay madalas kasi akong magutom sa daan at tanging shawarma lang ang mabibili ko sa halagang 3dhms na kung saan ay kaya ng budget liban pa sa kaakit akit nitong halimuyak.
Dalawang beses lang iyon pero hindi ko na uulitin pa…
Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!
| M | T | W | T | F | S | S |
|---|---|---|---|---|---|---|
| 1 | 2 | 3 | 4 | |||
| 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 |
| 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 |
| 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 |
| 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | |