??? Mayo 27, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: inner-self, life, senti-mood, uncertainties
3 comments
gusto kong lumipad
pumailanglang sa taas ng ulap
nais kong abutin ang mga bituin
hanggang sa ako’y magkaroon ng sariling ningning
ngunit pano ako makakarating
sa dakong nais paroonan?
kung di ko kayang ikampay aking mga pakpak
dahil sa mga dalahing sadyang kay bigat
paano gagaan, kailan mababawasan?
kailan mawawakasan ang mga pahirap?
ganito nga ba talaga ang buhay
kailangan bang parating may lumbay?
ang bawat pagtawa ba
ay may pagluhang kakambal?
kailangan ba talagang mabigo
bago magtagumpay?
Today’s Journey Mayo 23, 2008
Posted by einn0c in Whatever!.Tags: blog, bloggers, blogging, wordpress
3 comments
Sa matagal kong pagbabakasyon sa aking pagbablog ngayon lang ako muling nakapaglakbay sa mundo ng wordpress at nakadalaw sa tahanan ng mga kaibigan. Magkahalong lungkot at saya ang aking naramdaman. Lungkot sapagkat may ilang nakapinid na ang kanilang tahanan, ang iba naman ay wala ng nakatira pagkat namaalam na ang nagmamay-ari sa pagsusulat, pagbukas ko ng kanilang mga pinto ay puro me ultimo adios ang aking nabasa. Isa na rito si Yani aka Ramdom na isa sa pinaka una kong naging kaipigan sa blogosphere. Mamiss kita mare!kulang na ang mga mariang makukulit.
Sa kabilang dako ay nakadarama naman ako ng saya sapagkat may mga bloggers na tulad ko ang muling nagbalik like cams,although hindi na sya ganun ka-active at si lilmiz na halos kasabay kung nagbalik. At siyempre masaya ako sa pagkakaroon ng bagong kaibigan si emoboy na nag-iwan ng komento habang ako ay nasa bakasyon at ngayon ay patuloy na dumadalaw sa aking tahanan.thnx emoboy sana di ka magsawa sa pagbasa ng walang kwenta kung entries..hirap kasi ng ninanakaw lang ang oras sa pagbablog.puro on the spot ang mga posts. (palusot pa,eh ang totoo nyan wala talaga ako talent sa pagsusulat he..he..)
Sa aking biyaheng ito,napagtanto ko na tunay nga ang kasabihang walang permanento sa mundo natin kahit na sa mundo ng blogging. May bagong darating, may mamamaalam,may mamamahinga, may magbabalik. Subalit sa bawat pagsara ng pintuan ay may magbubukas ng bintana para sa iyo. 🙂
susme Cosme! Mayo 21, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: calamity, Pangasinan, thyphoon cosme
1 comment so far
Alas singko ng madaling araw ng sabado ako dumating sa Pangasinan. Malakas na ang hangin noon pero hindi sapat para sabihing bagyo.Dahil sa pagod sa biyahe ay agad akong nakatulog. Nagising na lang ako ng magulat sa lakas ng tunog na narinig mula sa bubong ng aming bahay. Tunog pala iyon ng nahulog na mangga na bumagsak sa bubong. Maya maya ay rinig at ramdam ko ang lakas ng hangin at bumuhos na ang malakas na ulan. Wala kaming choice kundi magmukmok na lang sa loob ng bahay at manalanging huminto na sana ang malakas na ulan. nakatakda pa naman sana sa gabi rin iyon ang aking pagbalik ng maynila kasama ang aking anak,ang kanyang yaya, at si mama. “ano tuloy ba tayo?” usisa sa akin ng aking mama. “oo” tugon ko “kapag tumila ang ulan”. Sumapit ang gabi ang patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan at dagungdong ng malakas na hangin. Di namin alam kong anong storm signal meron dahil brown-out na sa panahong iyon.Pakiwari ko ay mabubutas ang aming bubungan dala ng sunod-sunod na pagbagsak ng indian mango dito. Malalim na ang gabi pero wala pa ring nagbago sa panahon. Lalo pa ngang lumakas ang hangin noong magbago ito ng direksyon. Sabi nga ng mga taga-amin after 20 yrs,ngayon na lang daw uli nagkaroon ng ganung kalakas na bagyo.
Kinabukasan ay wala na si Cosme. Tanging bakas na lamang nya ang naroon.Ang putol na antenna ng aming tv, ilang sakong nahulog na apple mangoes at indian mangoes, nabuwal na mga puno at mga bali-baling sanga. Dagdag mo pa ang sangkatutak na dahon na nagkalat kung saan.At murang bangus na tig-biente lang isang kilo.
Dapat sana ay luluwas na kami sa araw ng linggo subalit walang bus na bumibyahe. Di ito nakapasok ng Pangasinan dahilsa mga tumumbang poste ng kuryente at nagkalat na kawad sa daan.
Sa wakas lunes ay nakaluwas na rin kami. At ako ay lubusang nalungkot sa mga nakita ko sa daan. Mga bahay na walang bubungan, walang dingding. Mga istraktura na gumuho. nasirang pananim. Anlaki nga ng pinsalang idinulot ni cosme.Akala ko malakas na ang bagyo sa isla namin, mas malakas pa pala sa mainland. Kawawa naman ang mga kababayan kong biktima.Pano sila magsisimulang muli? 😦
the comeback Mayo 20, 2008
Posted by einn0c in Whatever!.Tags: blog, blogging
2 comments
Long time no post..hayyyy ilang months nga ba ako nawala? ayoko ng alalahanin pa at least ang mahalaga ay nakabalik ako.
Ang totoo I was tempted to close this blog (na naman?) gaya nung una kung blog home kasi akala ko di na ako magkakaroon ng pagkakataong i-update sya.Besides ay nagkasabay sabay ang aking mga problema na naging dahilan ng pagkakawala ng aking gana. Dagdag mo pa ang restriction sa paggamit ng internet dito sa office at katoxican sa trabaho.
Pero buti na lang at nagbago ang isip ko. Sayang naman kasi ang aking nasimulan (ang hirap kaya magsimula muli). Sayang ang mga oras na ninakaw ko sa trabaho para lang makagawa ng post at higit sa lahat sayang naman ang mga kaibigang nakilala ko sa mundong ito.
Don’t Quit Abril 4, 2008
Posted by einn0c in INSPIRATIONS.Tags: hope, life, positivity
5 comments
When things go wrong,
As they sometimes will,
When the road you’re trudging seems all uphill,
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile,
But you have to sigh,
When care is pressing you down a bit
Rest if you must,
But Don’t You Quit!
Life is strange with its twists and turns,
As every one of us sometimes learns,
And many a fellow turns about
When he might have won had he stuck it out.
Don’t give up through the pace seems slow
You may succeed with another blow.
Often the goal is nearer than
It seems to a faint and faltering man
Often the struggler has given up
When he might have captured the victor’s cup
And he learned too late when the night came down
How close he was to the golden crown.
Success is failure turned inside out
The silver tint of the clouds of doubt,
And you never can tell how close you are,
It may be near when it seems afar
So stick to the fight when you’re hardest hit
It’s when things seem the worst
That You Mustn’t Quit!
~unknown~
Since my mind is still pre-occupied of so many things and can not think of a topic for a post, i am sharing this poem that continuously inspires me when i am feeling down…hope it will also give hope to those who are under pressure and carries heavy burden in their lives 🙂
Broken Heart Abril 1, 2008
Posted by einn0c in The Serious Side of Me.Tags: broken heart, emotion, feeling, inner-self, love
7 comments
pwede pala! Marso 30, 2008
Posted by einn0c in On The Lighter Side, Whatever!.Tags: blogging, cellular phone, mobile internet, technology
1 comment so far
hay,lazy sunday.alas onse na ay tnatamad p akong tanggalin ang aking likod sa pgkakadikit sa hgaan.ano kya mgandanang gwin?makapgkalikot nga at mkpgfinger ng keypad ng cp ni mr! Pwede kya magblog d2?ang pagkakaalam ko ay mdalas magnet ang aking hubby s knyang cp para mag-download ng mga cracked n softwares,games,mp3 at kng ano pang anik anik ng celfon.na infairness ay masmura kesa padownload ka sa lbas.20 pesoses lng nman per hr kya pareho lng ang rate s mga net cafe ang pgkakaiba nga lng ay pwede mo gawin khit anong gusto mong posisyon-paupo,pahiga,patuwad,patayo,pahiga o paluhod hbang nagnenet. Aba,at naaacess nga wp d2 heto nga at kinakarir ko n ang pagbablog.in fairness keri nman medu kakangalay nga lng s kamay dhil hndi one click ang pindutan unlike sa cp.enter k lng ng enter.musta kya hitsura nitong post ko s pc?same din kya?
Gain Marso 28, 2008
Posted by einn0c in Uncategorized.Tags: appetite, gain weight, health, sleep, vitamin
6 comments
Matagal ko ng pangarap ang magkalaman. Kung ang iba suliranin nila kong paano mag loss weight, ako naman ay namomoblema kung paano tumaba. Pero tapos na ang aking pag-aalala dahil unti-unti na akong bumibigat.
Kala ko talaga ay forever na akong maging isang tingting buti na lang at binigyan ako ng doctor ng vitamin noong sinumpong ako ng matinding vertigo. Propan with iron and preniscribe sa akin. Pampagana kumain at pampataas ng hemoglobin. Anemic rin kasi ako since elementary pa. At tingin ko ay mukhang effective nga sya.
Grabe ang lakas ng appetite ko. Daig ko pa ata ang construction worker sa dami ng nakakain. Basta may pagkain pa sa harap ko ayokong tumigil. Parang inaakit ako..ohhh lumapit ka..Parang angsarap ng lahat ng pagkain. Kahit ano gusto kong lantakan.Yummy!Salamat nga pala kay porky, piggy at piglet na nag-impluwensya sa aking lumamon ng lumamon.
Sarap din ng tulog ko. Katatapos pa lang ng kung fu kids ay inaantok na ako. Buti na lang night shift si hubby walang disturbo sa pagtulog <joke lang bhe,luv u!>.
Siguro nga ay ito na yung matagal kong hinihintay. Kaya sasamantalahin ko na ang pagkakataon baka bigla na naman akong mawalan ng gana at tuluyang maligwak ang aking pangarap. Pero sana wag namang sumobra dahil ayoko rin namang maging obese at lumba-lumba. Yung tipong ako lang ang kasya sa tricycle o tatlo ang babayaran ko sa dyip,wag naman,over na yun.
Miss YOu Marso 27, 2008
Posted by einn0c in Whatever!.Tags: child rehabilitation, exercise regimens, geriatric patients, physcal therapy, play therapy, profession, Pt applications
2 comments
Tatlong taon na rin pala ang lumilipas simula ng huli akong humawak ng pasyente. Kahit papano ay nakakamiss ding maging isang PT (physical the rapist) daw!
Namimiss ko si lola sa Golden Acres na 102 years old ng ako pa lang ay isang intern. Nasaan na kaya sya? Buhay pa kaya sya? Kung nagkataon ay 108 na sya this coming june. Di ko nakalimutan araw ng kapanganakan nya dahil pareho kami ng bday. pareho din kaming taga-pangasinan kaya ilokano kung kami ay mag-usap. Madalas ayaw nya gawin ang exercise regimen nya. Magkwentuhan na lang daw kami at kapag nagtanong ang aking clinical supervisor ay sasabihin nyang ginawa namin lahat ng dapat gawin.Nung intern kasi bawat di mo ginawa o mali ang pagkakagawa ay may katumbas na demerits at every 20 DM ay katumbas ng 1 day make-up.Sabi ko sa sarili ko pag-nakagraduate na ako ay dadalawin ko si lola at dadalhan ko sya ng maraming stork candy ( ito kasi madalas nyang ipabili sa akin, na palihim kong binibigay dahil bawal magbigay ng kahit ano sa pasyente).
Namimiss ko rin ang exercise namin sa nasabing institusyon. dala-dala ang snare drum ay aming tatawagin ang mga matatanda para sa formation. Uumpisahan ang ehersisyo sa isang…”hingang malalim….buga” na sa halip na bumuga ay sasabayan rin kami sa pagsabi ng buga. Susundan ng lipad hangin, tiklop siko, baluktot bewang…tagalog na tagalog di ba?Ay, bigla kong naalala yung isa pang lola na naging pasyente ko rin na sa tuwing nakikita ako pagkatapos ng exercise ay walang mintis na hahalikan ako. Minsan nga ay tinataguan ko na sya, naiiwan kasi laway o bakat ng lipstick nya sa aking pisngi.Sweet talaga itong si lola kasi nung last day ko sa golden acres ay binigyan nya ako ng isang sabon pampaligo at isang pulbo mula sa avon. Pakiwari ko ay matagal na nyang itinago iyon dahil medyo nagbago na ang amoy, pero ang mahalaga it’s the thought that count ika nga.
Namimiss ko rin si Arvy ang batang lalaking cute na cute subalit walang lakas at pakiramdam ang dalawang paa dahil sa menigocele. Ang play therapy namin, pagkanta ng otso otso at pamela para di sya mabored. At ang walang katapusang question and answer namin. At syempre ang goodbye kiss tuwing matapos ang session.
Kasama rin sa namimiss ko si tatay sa may blumentrit. Na sa tuwing matapos ang aming therapy session ay nagpapameryenda ng softdrinks at hopia. Di nagtagal ay nalaman kong sa ilalim ng tulay lang pala sya nakatira. Sobrang natouch talaga ako. Kahit walang wala na sya ay nagawa pa nyang mag-share.
Marami pa akong namimiss na pasyente. May thoughtful, may sweet, may makukulit pero meron ding pasaway. Namimiss ko rin ang mga kapwa kong PT na ubod ng kulit, mahilig sa inuman, lakwatsa at tong-its. Namimiss ko magstretching. Magbigay ng ibat ibang exercise para sa strengthening, mag-apply ng electrodes at hotmoist pack. Gumamit ng ultrasound. Magturo sa paggamit ng mga assistive device. I-reeducate ang mga stroke na nakalimot ang mga kalamnan at kasukasuan sa dati nilang ginagawa,atbp. Hay nakakamiss. Ano kaya kong bumalik na lang ako sa Hospital?