Ano na?

Nobyembre 11, 2011 at 6:54 umaga (Uncategorized)

Sana talagang makabalik na ako.  Pero maghahanap muna ako ng trabaho.

 

p.S

KAkagraduate lang. sa wakas! 🙂

see you!

Permalink Mag-iwan ng Puna

CoNtiNuAtiOn: CrustY

Pebrero 6, 2009 at 7:29 umaga (kathang - realidad, lab stori, letter)

By: Ma’am Grace

Dear Patrick,

It seems that somebody is making you happy right now.I can read the excitement, just like when I first saw you. The words you have written , reflect love, once you had for me. I can’t tell if I should be happy or not, but I know you have gotten over me. I dont know what to feel, maybe I can say I am happy for you.

Our lives changed now,  I am with someone else .She is making me happy also. Though it was not you, i woke up to every morning, she makes me long for the night. I walk in the city, not with you, our friends asked about you. I run out of words, or perhaps guts to explain to them why we ended this way.

I wish I could say it was worth it. Our separation, our lives without each other.I hope one day we can talk, be friends( hahahahha) and look to each other without hatred. Are you still mad at me?

I remember you saying to me, when we were getting ready to sleep ” Can you  tell me right away when you dont love me anymore.” Can I say right now, that i dont love you?

Wishing for your happiness!

Crusty Crab

Permalink 3 mga puna

cOnTinUatioN

Pebrero 5, 2009 at 9:34 umaga (kathang - realidad, lab stori)

By : Ma’am Grace

February 5, 2009

i UsEd t0 FrEt b0Ut d “pasT”… b0Ut PaiN, SoliTuDE,bREaKiNg uP,looSinG..i DeCiDEd t0 GiV mY sElF a CHaNce …t0 LoVe mY sElF mOrE…liKe No One wiL LoVe Me….tO Let No One..HuRt mE AgAin..ThiS tiME…No oNe CaN cOmE neAr…AS neAr as i LeT Him...No OnE cAn mAke mE CrY..N0 OnE CAn mAkE mE loOsE mY SeLf….aGain …WhAT wAs i tHinkiNg? wH0 wAs i FoOliNg?

d FaCt s…dEr s s0mEbodY maKiNG mE fLoat..aGain..dEr s s0mEbodY  sPeNdiNG RoSE-C0loREd times wiTH mE..aGain.. deR  s  s0mEbodY  i caN’t igNorE..aGain….dEr  s s0mEbodY  hU   mAdE mE    cHanGed ……sMiliNg..lAuGhing..L0viNg..aGain..dEr s s0mEbodY  i WaNt to b nEar .dEr s s0mEbodY  i WanT to CaLL miNE..

bUt…wE cAn’t Be…i cAn’t b iN hiS liFE…hiS liFe sEeMs pERfEcT..miNe s a MeSS…a biG mEsS..i D0nT haVe a hEart..LeT mE LEt hiM gO..

bUt..wHat maTTers.. s i L0vE hiM…lOvInG hiM..iN a space…loviNG HiM..d wAy…i KnOw i WoNt b HuRT…iT can’T hUrt..

He s…..SPONGEBOB…iSn’t hE a cUtee? … cHarMing…wHo cAn’t lOvE him….cAn u ReSist hiM?

OlweYz,

PaTRicK ( d’ sTarFish)

Permalink 4 mga puna

Return

Pebrero 5, 2009 at 9:13 umaga (Uncategorized)

Im Back…

For good…

Hopefully…

Permalink 2 mga puna

Kung ano – anu lang

Disyembre 5, 2008 at 7:12 umaga (Buhay Life)

Kahit naman daw wala akong dalaw masungit ako. Suplada na kung suplada. Pikon na kung pikon. Sa dinami dami ba naman kasi ng pagttripan ako pa. Maloko yung may monita sakin. Sabagay nagtrip din ako. Nagregalo ako ng bote ng patis. Good times! Karma daw. Oo na. Pero di naman ako talo. Nakonsensya siguro, bumawi bandang huli. Piesta! At nagbago ulit ng bunutan. Ngayon, mabait na ako. At mabait din yung may monita saken.

Kahapon lang pinag-uusapan ng mga kaopisina ko ang tungkol sa pag-aasawa. Yung isa ko kasing kasamahan gusto na gumawa ng bata nextyear. Maglilive in daw muna bago kasal. May umilaw tuloy sa ulo ko. Kaso biglang nagbrownout sa utak ko. Hindi pa nga pala ako pwedeng mag-asawa. Una dahil isip bata pa ako. Pangalawa, hindi ko pa alam sino mapapangasawa ko. Eh sus, wala pa namang gustong magpakasal sakin. Tsaka ano ba yang gawaan ng bata na yan? Di ko pa alam yan (ECHOS!) Siguro naman makakapaghintay pa yan. Baka isa ako sa mga machismis na maagang nag-asawa sa lugar namin. Kawawa naman kung sakali ang magulang ko.

Kanina lang nagbuklat ako sa friendster. Ewan ko pero kalokohan ko na naman, hinanap ko yung past ni bf. Tsk tsk. Gusto ko lang pasakitin yung kalooban ko. Eh anu naman kung mas maganda yun? Fresh naman ako. Nakita ko na kasi yun dati. Nung kinuha niya yung anak nila nagkasabay kami sa waiting shed. Hindi naman niya ako kilala.  pAST IS PAst. Tsaka wala naman akong napala sa paghahanap. Haaays.

Kung anu-ano lang na naman tong pinagsusulat ko. Gusto ko lang naman sabihin na malapit na ang pasko tapos bagong taon na. Advance sa inyong lahat. Sana pagkatapos ng putukan walang magpositive maputukan sa atin inyo.Wala pa akong ibang planong gawin next year kundi ipagpatuloy ang pag-aaral. Iniisip ko palang parang nahihirapan na ako. Buti nalang nanonood ako ng Doraemon, sabi nga ni Damulag – “walang mangyayari kung di mo susubukan”. Ayus na yun.

Permalink 4 mga puna

Eksena

Nobyembre 14, 2008 at 7:22 umaga (A day after Yesterday)

Eksena

*****
Nanay : Sa tingin mo tama bang pagalitan ko pa siya ulet? Kawawa naman.
Ako : Ok lang yun sumusobra na siya eh.
Nanay : Araw-araw ko nalang siyang napagsasabihan. Mukang natutorture na ang utak kakaaral.
Ako : Tama lang yun, ang suplada eh. Moody.
Nanay : Nung ganyan ang edad mo moody ka din.
Ako : Hokey.

*****
Ako : Sinasali ako sa banda, bokalista.
bi-ep : Ok, Kung saan ka masaya, dun ka.
Ako: Kahit mawalan ako ng time sayo?
bi-ep : Sinong pipiliin mo? banda o ako?
Ako : Pwede both?
bi-ep :

*****

Opismate : hindi na ulit si bill gates pinaka mayaman. yung friend nya ulit..
Ako : palitan lang sila a
Ako : anu nman ung pinaka mayaman na bnsa>?
Opismate : luxumberg nmn yung richest
Ako : kala KO “H”
Ako : ngsisimula?
Opismate : MALI NGA EH.. cnabi ko rin nmn yung luxumberg noh
Ako : bkit siya ang pinakamayaman?
Opismate : hahaha
Ako : bkit luxumberg?
Opismate : eh malaki budget nila..
Ako : ahh ok
Opismate :
Opismate : tyo hirap mag budget
Opismate : kya mahirap
Opismate : oh diba
Ako : kasi wlang mabudget
Opismate : meron, kulang lng
Opismate : super kulang
Ako : utang lahat yun
Ako : nung unang panahon pa
Ako : nangungutang na tayo
Opismate :

Wala ako sa katinuan, pasensya na…:-( Happy weekends sa Lahat!:-)

Permalink 6 mga puna

Magulong paglalahad

Oktubre 16, 2008 at 11:18 umaga (Realidad, stories) (, , )

Sa simula pa lang alam na nating walang nagtatagal dito sa mundo. Kung meron man, kaimposiblehang imortal na matatawag yun. Hindi lang buhay ang pansamantala, pati samahan, pagkain, damit, pera, etc,. Lahat nabubulok, lahat nawawala.

Ang mga nagawa na sa nakaraan ay hindi na dapat pang binabalikan. Maaari itong pag-usapan pero hindi mo na pwedeng ihakbang ang paa mo pabalik sa kahapon na minsan nagkamali ka o may bagay kang hindi natapos.

Wag kang humingi ng respeto dahil masasaktan ka lang kapag umasa kang makakamit mo ito. Hayaan mong kusang ibigay sayo ito ng mga taong tingin sayo ay dapat kang irespeto. Ika nga, kung ano ang gusto mong gawin sayo ng kapwa mo, gawin mo rin ito sa kanila. May dalawang uri ng pagganti, ang pagganti sa mabuting paraan at pagganti sa masamang pamamaraan.

******* ******* *******
Nasasaktan tayo kapag ang mga taong malalapit sa atin ang siya pang naghuhulog sa atin sa bangin. MASAKIT dahil ang mga salita nila ay nagiging totoo sa paningin ng tao at pati na rin sayo. Masakit dahil sila pa na pinagkatiwalaan mo ang maglalaglag sayo. Pero wala talagang permanente sa mundo. Walang perpektong samahan.

Madalas nagkakasiraan sa pamamagitan ng pagpapalaki ng issue . Pag nag-away na, kabilaan ang punitan ng pagkatao. Pero hindi ba mas nakakatawa ka kapag ikaw ang naninira dahil hindi ang taong sinisiraan mo ang mababago ang buhay kundi ikaw mismo. Oo ikaw. Kung sa tingin mo panalo ka kapag inilabas mo ang baho ng kapwa mo. Pwes nagkakamali ka dahil sayo mismo mo sisingaw ang masangsang na amoy na binutas mo sa kaaway mo. Masuwerte ka kung ang binulungan mo ay isang taong pareho mong makitid ang utak. Pero pustahan pa rin tayong may konting porsyento sa kanya na mag-aalangang kaibiganin ka. BAKIT? Dahil kung nagawa mo iyon sa kaibigan mong kaaway mo na ngayon, bakit hindi sa taong kakampi mo ngayon na nakikisimpatya lang naman sa kagaguhan mo.

Hindi ako mahirap pakisamahan. Mahirap lang akong sakyan. Madali akong tumanggap ng pakikipagkaibigan pero habang magkaibigan tayo, nagbibigay ako ng pagsubok na hindi mo alam. At kapag bumagsak ka sa pagsusulit na iyon, doon magtatapos ang maikling samahan na iniukol natin sa isa’t-isa. Simple lang naman ang pagsubok na yun….kung paano mo lang ako pagkakatiwalaan. Ginagawa ko iyon dahil hirap din akong magtiwala. At kapag napagtagumpayan mo iyon, sisiguruhin kong isa na ako sa kasangga mo buong buhay mo basta manatili ka lang na tapat at ganun din ang gagawin ko.

Madalas kong marinig ang mga salitang “Kung ayaw mo sa akin,mas lalong ayaw ko sayo”. Naniniwala ako dito. Dahil kung ano ang ibinigay sayo, kailangan mo itong suklian ng siksik, liglig at umaapaw pa. Pero mahirap magsalita ng tapos, madalas kong kainin ang mga sinasabi ko. Gusto ko itong isuka pero nadurog na pala ng sistema ko hanggang sa kumalat nalang ang sustansya sa buong katawan ko.

Ikaw ang nagpapagulo ng buhay mo. Ikaw ang gumagawa ng kapalaran mo. Ikaw lang ang may karapatan sa sarili mo. Pero hindi mo pag-aari ang katawan mo. Gaya ng malayang pagsusulat…walang dapat makialam sa tinitipa ng daliri mo. Pero oras na ilathala mo ang mga salitang yan, malaya mo rin dapat tanggapin ang komento na ibibigay sayo. Mabuti man o masama. Dahil hindi pribado ang internet. Ginagamit ito ng halos lahat ng taong nabubuhay dito sa mundo. Dapat lang nating tandaan ang ating limitasyon.

P.s : hmmmn…walang lang 🙂

Permalink 1 Puna

Biglaan

Setyembre 16, 2008 at 11:44 umaga (Uncategorized)

“Ayoko na ngang umiyak eh, hahayaan ko nalang na ang langit ang umiyak para sakin”

Ito ang isang napaka-emosyonal na salitang narinig ko mula sa aking kaklase at kaibigan na kelan lang eh namatayan ng mahal sa buhay — ang kanyang ina. Agad ko siyang tinawagan nung malaman kong patay na nga ang kanyang nanay. Nakakalungkot isipin na nawalan na naman ang mundo ng isang ilaw ng tahanan.

Nagulat ako sa narinig ko. Ito ang kauna-unahang beses na naging sobrang helpless siya. Sa amin kasing magkakaklase nung hayskul, isa siya sa maituturing na Presidente ng mga palaban. Di agad sumusuko, hindi nagpapatalo, at hindi nagpakita ng kahinaan. Small but  terrible ang laging bansag sa kanya dahil sa bukod sa maliit siya eh kamuka niya pa si Gloria (peace tayo! 🙂 )Matalino din siya at laging sumasali sa mga debate.  Kahit noong nabibigo siya sa tinatawag na pag-ibig eh hindi ko pa ata siya nakitang umiyak ng sobra.

“Wala na talaga eh, wala na tayong magagawa.”
Malungkot ang boses niya sa telepono. Hindi ko man siya nakikita pero alam kong anumang oras iiyak na naman siya. Saksi ako sa relasyon nilang mag-ina. Dahil nga sa kaibigan ko siya. Palagi rin ako sa bahay nila noon. Lagi silang nag-aaway at hindi sila ganun kaclose. Kung iisipin, huli na siguro para maipakita niya ang pagmamahal niya sa nanay niya na dapat noon palang ipinadama na niya.

Pero siguro, ganun talaga ang buhay. Mas madalas na ikaw ang iniiwanan. Hindi mo alam kung kelan, basta nalang nangyayari ng walang pasabi. Palaging biglaan.

Bago ako umalis ng bahay hindi ko nakakalimutang humalik sa pisngi ng nanay at tatay ko. Ganun din pag-uwe. At bago matulog, minamasahe ko sila para naman kahit papano eh mabawasan ang pagod ng pagttrabaho nila sa maghapon. Ayokong isipin na balang araw mawawala din sila sa akin. Iniisip ko kung pano ko iyon tatanggapin. Kung yung kaibigan ko nga na matigas ang loob eh biglang lumambot at nanghina..ako pa kaya. Habang nandiyan pa sila, gusto kong iparanas ang ginhawa ng buhay at pagmamahal ng isang anak sa kanyang mga magulang.

Ang lahat ng bagay ay ipinahiram lang sa atin, dadating ang araw na kailangan din itong kunin ng tunay na nagmamay-ari sa kanila..

Permalink 5 mga puna

Ako ang tinulak

Setyembre 6, 2008 at 8:27 umaga (Buhay Life, family)

Matagal ng issue sa pamilya namin ang pag-aasawa ng kapatid kong panganay. At naikwento ko na rin sa isang entry ko Basahin ang karugtong nitong lahok »

Permalink 5 mga puna

Trahedya (Part 2)

Agosto 14, 2008 at 7:28 umaga (kathang - realidad, stories)

Para akong nakawala sa hawla ng umalis ako sa lugar na yun. Masakit man dahil naiwan ang aking anak, malaya naman ang katawan ko. Masarap mabuhay pag wala kang iniisip. Mabubuhay ako ng mag-isa dito sa Maynila. Hahanapin ko ang sarili ko.  Pero pano na ang anak ko?  Kailangan ko munang tuparin ang pangarap ko bago ko siya balikan. Alam kong mali pero kailangan, ayokong makuntento sa simpleng buhay. Ngunit pano na ang lalaking naghihintay ng aking pagbabalik? Ang lalaking tumanggap sa akin sa kabila ng aking nakaraan. Magkasama sila ng aming anak ngayon.  Pero ayokong manghinayang. Kailangan kong tumuloy….

Mahirap makapasok ng trabaho pero pipilitin kong makaipon. Kailangan ko ng pera. Hindi pag-aasawa ang nararapat para sa akin kundi ang magkaroon ng magandang buhay. Maganda ako. Hindi kaila sa marami yan, lalo na sa ama ng anak ko. Ilang buwan lang ang nakalipas at nagkaroon ako ng oportunidad sa isang club.Dito ako magsisimula.

Lahat sila nakatingin sa aking alindog. Inaasam na matikman ang katawang animoy hinubog ng isang mahusay na manlililok. Ngunit kakaiba ang nararamdaman ko sa pamilyar na pigurang nagtatago sa isang sulok ng club. May pagkilatis ang kanyang mga tingin. Maingay ang paligid ngunit malakas kong naririnig ang tibok ng puso ko. Ito ang ikalawang pagkakataon na bumilis ang tibok nito. Sa kanya lang..hindi sa ama ng anak ko..pero sa kanya lang.

“Liz, table number 5 daw!”

“Ah sige..teka sure ka?”

“Oo, at mukang interesado siya sayo. kanina pa yan nangungulit eh, at muka namang mayaman!”

Nag-ayos ako. At habang papalapit ako sa kinalalagyan niya, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

“Hi–!”. at ganun nalang ang aking pagkabigla nang tamaan ng liwanag ang kanyang mukha.

“Rex??”

“Kamusta ka na Liz, hindi ko akalaing makikita kita sa lugar na ito.”—-

Hindi ako nakasagot at hindi rin ako makatingin ng diretso, ilang sandaling tumigil ang mundo ko, malaking kahihiyan para sa akin na makita niya ako sa lugar na yun. Pakiramdam ko, sa bawat sulyap na ipinupukol niya sa akin, isang maruming babae ang nakikita niya. Pero hindi, dahil sa pagtama ng aming mga mata. Nakikita ko ang dating pagtingin na matagal ko ng inaasam na makita.

“Nakita kitang pumasok dito kanina kaya sinundan kita…I just want to fix things between the two of us…hindi ka bagay dito, sumama ka sa akin, for this second chance, i want you to be mineagain.”

At muli, sa ikalawang pagkakataon, nahulog ako sa patibong na siya lang ang pwedeng gumawa. Hindi ko inisip ang mga naiwan ko. Bumalik ako sa nakaraan na binuhay niya sa kasalukuyan.

Itutuloy…

Permalink Mag-iwan ng Puna

Next page »

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula