naranasan mo na bang mabalewala,
hindi pinapansin kahit anong gawin.
animo’y isa kang manipis na papel,
ang kulang na nga lang, ikaw ay punitin.
naranasan mo na bang parang nakabaon,
sumigaw ka man, walang nais tumulong.
alam mo bang may pag-asa pa?
kaya’t hali ka na at bumangon ka.
hindi mo kailangang maging pampasikip,
ika’y nag-iisa, hindi pwedeng ihalip.
kung alam mo lang ang naghihintay sa bukas,
pagkatapos ng bagyo. bahaghari’y lumalabas
payabungin ang pag-asang kumikislap,
lumipad ka at abutin ang pangarap.
magningning ka ng makita ng lahat,
mula sa pagkabaon, ika’y mallupit na aangat.
eto lang naman yung tulang sinulat ko nung buwan ng wika(wow, antagal na!) nagchampion lang naman yan. pero may baho na nagtatago sa mga salitang nandyan. medyo basahin mo ulit ng iyong malaman. clue: paputok
oo tama, yung mga salita ay galing dun sa kanta ni Katy Pery na Fireworks. yung mga katagang ” manipis na pepel” (do you ever feel, feel so paper thin). tapos yung “naranasan mo na bang parang nakabaon, sumigaw ka man walang nais tumulong”(do you ever feel, already burried deep?, six feet under scream but no one seems to hear a thing) at marami pang iba.

katy perry’s fire works
eh kasi naman, biglaan kaya yung pagsali ko dun. dapat talaga yung kaklase ko lang yung sasali, ay dalawa pala yung dapat kasali, edi nagvolunteer ako. tapos nung kaorasan ng kontes, hindi ko alam ang gagawin. naglista na lang lang ako ng mga words na pwede kong gamitin. napansin ko yung mga words ko ay pagkakatulad dun sa fireworks, kayatinagalog ko na lang. oy mahirap din kaya magtagalog, tsaka mahirap ipag rhyme. pero mabilis akong natapos. at yun nanalo champion!!!!

nagtagalog lang ako ng kanta at nagchampion na ako.
antotoo nyan, lalagay pa yan sa dyaryo ng school namin. o diba? i’mnot recommending you to copy from ones work then revise it. what i’m saying is that sa panahong biglaan, dapat marunong kang maghagilap.