Kanina katatapos lang namin magpatraining ng mga Barangay Tanod ng Santa Rosa City. It was a 3 day inhouse training sponsored by the City Government. Officers like me were lecturers while our staffs stood as their Assistant Instructors (AI’s) kung tawagin namin sa training…Para sa isang trainee ang AI ang mga walang puso at ubod ng ligalig na mga nilalang ng Panginoon upang mamburyong at mang asar sa mga nagtraining. Bigla ko tuloy na alala ang mga panahong asa PNPA (Philippine National Police Academy) pa ako, noong payat kadete pa ako…zooooooooooooooooombrewrrrrlllll….(flashback)
Sa akademya wala kaming AI pero may dalawang batalyon kaming mga Upperclassmen!!!Konti lang naman sila ito ang problem para sa ma mathematician: may apat (4) na classes sa academy at may approximate 300 members each class.
Questions:
#1) ilan ang mga upperclass ng isang plebo?
#2)ilan naman and sa mga 3rd Class at 2nd class?
#3) Nagcompute ka ba talaga? Hahaha!!!
#4) Naimagine nyo na ba ang saya ng Cadet corps?

the cadet corps' long blue line
Ang mga upperclassmen ang mga kuya namin sa loob at labas ng academy (regardless ng edad o pinag-aralan at stado sa buhay upperclass is always right)! Sila ang syang mga tagapag masid at gumagabay sa mga underclass at kung kinakailangan ay sumusupil sa mga naliligaw ng landas.uhmp!!! Sa loob ng apat na taon sa PNPA unti unti kong napagyaman ang aking sarili at ang aking pakikitungo sa iba. Noon kasing di pa ako kadete hindi talaga ako pala labas ng bahay solong anak pa ako kaya’t hindi ako masyadong nakikihalubilo sa mga tao. Kaya pagpasok ko sa akademya marami ang nabigla at nasindak sa mga naging desisyon ko. Marahil ay dahil na din sa katotohanang mahirap ang buhay at ang nanay ko ay may sakit kaya pinili ko na ding maging isang kadete. Doon kasi FULL GOVERNMENT SCHOLAR na kami may allowance pa!!! Pero ang lahat ng yun ay dapat paghirapan ng literal na DUGO at PAWIS! Marami akong mga naging karanasan sa PNPA mapapait, masasakit, malulungkot at iba pa na doon ko lang naranasan!!! Pero ang mga karanasang yun ay di ko pinagsisihan dahil ito ang nagpatibay ng aking pagka-tao at nagpalakas ng aking loob! Kahit anung pagod at hirap ninamnam ko ang lahat at inisip na ang lahat ay para sa akin!

tikas di ba??
Sabi nga sa isang Plebe Knowledge na paulit ulit naming sinasabi nung cadetds pa kami: “Cadetship is but a grim struggle of winning supremacy over ones self!” Sa buhay natin malimit naman talagang ang kalaban natin ay ang ating mga sarili. Iniisip lamang nating pinahihirapan tayo o inaapi pero sa katotohanan tayo lang ang makakasagot sa sarili nating mga problema. Ito ang natutunan ko sa PNPA ang harapin ang aking kahinaan at mula doon ay maging isang mas mabuting tao!isang mabuting kadete! Maraming pakikibaka sa aking sarili ang ginawa ko sa PNPA. Isa kasi akong tamad na bata noon kaya sa academy eh talaga namang nanibago ang Gwapito!!!hahaha!!! Ang pagising ng maaga at ang pag liligpit ng gamit ay isa pa lang sa milyon milyong pagbabagong naganap sa buhay ko noon pumasok ako sa academy. 17 years old ako noon…bagong graduate sa highschool at Totoy na totoy pa nga ako noong na reception ako sa academy. (ang reception ay ang mainit na pag tanggap ng mga upperclass sa mga bagong plebo…sinisigurado ko sa inyo ang dalawang bagay 1) walang kainan doon at di yun masaya para sa plebo 2) kahit isang milyong piso ang ibayad sa akin di ako babalik sa panahong yun) Nabigla talaga ako sa mga tradition at mga indoktrinasyon sa amin noon pero gaya nga ngg sabi ko kanina inappreciate ko na lang ang lahat at nagtiwala sa sinabi ng upperclass ko na balang araw mauunawaan ko din ang lahat at kahit masakit at mahirap ay balang araw ako pa ang magpapasalamat sa kanila…
Many are called but few are chosen and among the chosen few only the best and the brightest survived! Yan ang madalas na pep talk ko sa sarili ko tuwing may kamalasang dumadating sa buhay ko noong plebo pa ako. “Kailangan akong magsurvive!kailagang maging isa ako sa Nation’s best and Brightest!Ano ako nagpagupit lang ng crewcut tapus uuwi din?!?” sabi ko sa sarili ko. Minsan sa sobrang awa ko sa sarili ko tumutulo na lang ang luha ko habang walang kakiloskilos akong nakahiga sa bunks (higaan na dobol deck) ko! Bawal kasi sa isang kadete ang magpakita ng emosyon ayun sa indoktrinasyon sa amin ang taong emosyonal ay weak…marahil dahil na din ito sa prinsipyong “if you are weak pretend to be strong and when you are strong pretend to be weak” ni Zhun Zu. Hindi ko pa nabasa ang Art of war pero marami ang tumangkilik ng librong yun sa academy noong kadete pa ako mas nahilig kasi ako sa mga libro ni Bob Ong at ni Jessica Zafra…(OO inaamin ko namana ko din yan sa Tito Utoy ko)Taga salo kasi ako ng mga librong tapus na nyang basahin… Kung minsan na iisip kong tama nga siguro sila malimit kasing nagiging emosyonal ang tao sa mga bagay na weak sila at dahil doon naexpose ang vulnerability nya. Ganyan sa PNPA madalas kaming tumatawa at humahanap ng paraan upang mabaling ang atensyon namin at malimutan ang anu mang sakit at hirap pisikal at emosyonal. Dahil sabi nga ng mga namin “In PNPA we separate the boys from the men” …

noong tedaks (cadet) pa ako isa ako sa mga yan...Kulay (Colors) simply the best!!!
Ngayong graduate na ako at nasa serbisyo na gaya ng iba pang mga graduate ng mga service academies ng bansa mapa PMA, PMMA, MAAP at iba pa. Hindi namin malimutan ang unang araw na yumapak ako sa loob ng academy at gayun din ang pangungulila sa pag-alis namin dito. Ngayon napakasarap na lang balikan ng mga panahon nagpapakapawiis kami ng umaga at magdamag dahil sa nahulog na mumo sa Mess Hall (lugar kung saan lahat ng kadete ay sabay sabay na kumakain), o ang kaklase naming nahuling naninigarilyo o nag “take life”(tumakas o nag take ng risk) kumain ng hopia. Mga panahong ala ako maintindihan sa mga pangungulit ng mga upperclass ko at nakakaasar na mga utos nila na di ko noon maintindihan ngayon ay tinatawanan ko na lamang tuwing naalala ko at mula doon ay natutunan ko ang pagka mababang loob. Natutunan kong ang pagsunod ay lagging higit na mabuti kesa sa pagsuway lalu’t may tiwala ka sa kasama mo… ito ang di namin maaring kalimutan ang tiwala sa isa’t isa. Sa academy ala kang ibang kalaban kundi ang sarili mo pero hindi mo din kayang mag survive ng mag-isa importanteng maging bahagi ka ng grupo importante ang tiwala namin sa isa’t isa… isang pamanang di ko malilimutan sa loob man o sa labas ng PNPA at ng aking serbisyo… ang mga pangaral at ang kapatirang sa Academy ko lang natanggap …


I WAS FOUR AND