Hilaw
Linggo. Family day.Tulog. Bonding Time. Text yung pinsan-bezfren ko. “Ei sis punta ka naman dito sa bahay. Miz na kita.” Kahit medyo bitin pa ako sa tulog, umu-o na din ako dahil miss ko na rin naman siya tsaka bihira na din kami magkita. So pumunta ako dun ng 3pm. Tamang kwentuhan ng lovelife tapos kain. Ambilis ng oras. 8pm na ako nakauwe.
Pagdating ko sa bahay. Nakakapanibago. Ang tahimik. Yung dalawa kong kapatid himalang hindi nag-iingay ngayon. Tuloy tuloy ako sa sala. Pinapakiramdaman ko lang kung may tao. Tapos sa kwarto ng mga magulang ko may umiiyak. Siyempre pasok ako agad baka ano na nangyari. Nabigla pa ako nung makita ko yung nanay kong humahagulgol na nakaupo sa gilid ng higaan. At sa mga pagkakataong ganun na nakikita ko ang nanay ko na umiiyak,nadudurog ang puso ko at gusto kong magwala. Ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak. Tinanong ko kung anung problema. Si kuya daw at yung asawa niya nag-away na naman. Sabi ko hindi naman na bago yun bakit masyado siya naging emosyonal ngayon. At yun nga, nagkwento na. Si kuya daw, sinaktan ng asawa niya (actually di sila kasal – live in lang). Nabigla ako, hindi yung tipo ni kuya ang basta nalangnagpapatalo or nasasaktan. Lalo na in physical. Lasing daw, mahina, walang laban. Pinayagan naman daw nung babae na uminom kung bakit bigla na lang nag-iba yung ihip ng hangin at bigla nalang sinugod sa inuman,pilit pinapauwe at ang masaklap pa, sinaktan niya sa harap ng nanay namin. Sa babaeng nagluwal sa kapatid ko. Naghirap sa pagpapalaki tapos sasaktan lang nung babaeng yun na kung tutuusin wala namang karapatan sa panganay namin.
OK naman siya nung una . Pero habang tumatagal lumalalabas yung tunay niyang ugali. Ok lang na bastusin na niya ako. Wag lang ang mga magulang ko. At wag niyang sasaktan ang kapatid ko porke mahal siya neto. Naiinis na naaawa ako kay kuya. Naiinis dahil hindi naman mangyayari sa kanya yun kung hindi niya maagang pinasok yang pag-aasawa na yan. Naaawa dahil mahal niya yung babae at wala siyang magawa nung time na yun dahil lasing nga siya at wala sa katinuan. Pero mas naawa ako kay nanay nung time na yun. Masakit daw sa kanya na makita yung anak niya na nakalupasay sa sahig at ingunungodngod sa lupa. At nung malaman ni tatay…first taym kong makita tatay ko na nagalit ng ganun. Super pasensyoso at mabait pero nung nagsalita tagus tagusan. Hindi niya daw kami pinalaki para saktan lang ng ibang tao dahil ni minsan hindi niya kami sinaktan.
Nasa bahay ngayon si kuya. Pagkatapos daw nila mag-usap ng kinakasama niya ay kukunin na nya daw yung mga gamit dun sa bahay nila. Pasalamat yung babae at nagkataong wala ako. Dahil hindi ko alam ang magagawa nung mga oras na yun. At sana..matauhan naman na si kuya…di pa naman sila kasal at wala pa silang anak. Bata pa naman siya, may trabaho..marami pang babae diyan.
kulot said,
Hunyo 2, 2008 Sa 11:27 umaga
yun naman, kaya pala medyo nalulungkot ka kahapon e, anyway, sabihan mo si kuya mo, madami pa talaga pakalat kalat na babae dyan, yung hindi nananakit, o kaya magtry din sya ng lalake malay mo magclick lols!
gasti said,
Hunyo 2, 2008 Sa 2:02 hapon
grabe naman yan..na-imagin eko itsura habang ngingudngod sa lupa yung mukha nya..sinamantala kasi nga lasing at walang laban. pero nagtataka lang ako dahil nagsama sila pero wala naman anak. buti na lang din at wala pwedeng pwede sila maghiwalay anytime na gustuhin nila…papuntahin mo ng Maynila yang kuya mo at ipapakilala ko sa mga chics dito. haha!
rio said,
Hunyo 2, 2008 Sa 5:15 hapon
psst! sabihin mo sa kuya mo..available ako…lols!
seriously, dapat kausapin nyo yung ka live in ng kuya mo…baka naman kasi may mali din si kuya kaya napuno nalang si ate mo..sana maayos pa eto at sana hindi na maulit pa…mukhang labs n labs pa naman ng kuya mo yung girl..=)
lyingwithclotheson said,
Hunyo 2, 2008 Sa 7:13 hapon
blog hopper..
kawawa naman kuya mo.. siguro kahit ako ikaw, kung andun ako, kahit pa sabihin na nakikialam ako sa buhay mag asawa o kung ano man ang tawag dun.. aapila pa rin ako sa kanya.. baka masabunutan ko pa sya..
kasi tama ang tatay mo, hindi tayo pinlaki ng mga magulang naten para saktan lang ng kung sino sino..
Jon Cabron said,
Hunyo 2, 2008 Sa 10:03 hapon
hindi dapat sa harap ng nanay mo, walang respeto yun at hindi dapat pinagsasayangan ng buhay yung taong ganun, sabihin mo sa kuya mo habang maaga pa at wala pa silang anak o di pa sila kasal, mag isip isip na sya’
beero said,
Hunyo 5, 2008 Sa 4:52 hapon
minsan talaga nagiging problema kinakasama ng kapatid natin. naranasan ko na rin yan. pero minsan wala din tayong magawa kung talagang mahal ng kapatid natin. pero di naman siguro tama yung ginawa ng ka-live in ng kuya mo yun. dapat magpakita sya ng respeto sa ermat nyo.