Para sa aking opinyon, lahat naman nang tao ay may tinatawag na “katangahan, kababawan,at kaartehan sa katawan. Mabenta yan sa lahat, alam nyo na, makakakilala tayo nang mga taong gustong gusto tayo sa unang tingin pa lang, meron naman sa isang kisap mata lang akala mo kilala na buong pagkatao mo, meron din gusto ka sa umpisa tapos ayaw ka na pala. Iba iba ang paraan nang pagkilala natin sa tao,pero hindi mo maaaring sabihin na mali ang pagkakakilala mu sa kanya bilang tao.
Kung sabagay, sa sobrang dami ba naman kasi na populasyon sa Pilipinas, sino ka, sino ako para sabihing bihasa na tayo sa pagkilala sa taong makakasalamuha natin? diba ang madalas naman natin pinapagana ay ung Instinct na tinatawag? Malas mo lang kapag ikaw ung tipo nang tao na sa unang Tingin palang tataasan ka na nang kilay.
Biktima ako nyan, sa dinami dami nang taong nakilala ko, mangilan ngilan lang talaga ang ngumiti sa unang pagkakakilala, mas marami ang nakataas ang kilay. ayon sa kanila, nakikita daw nila sa mukha ko na isang akong napakalaking MALDITA at BRATINELLA, hahaha, weird lang kasi once that they know me, they would just exclaimed ” AKALA KO DATI ”
Pero come to think of it, Sa anyo nang tao talaga tayo unang bumabase kung gusto natin sya o hindi, pag walang magandang sapatos, mamahaling damit at bag. ayaw na natin sa kanila? Pag mukhang impakta,maldita,bratinella ayaw na natin sa kanila?
Im not one of those judgemental people, para sa akin mas masaya kilalanin ung mga taong nakataas ang kilay pero makikita mo ung kabaitan sa mata, ung mukhang maldita pero alam mong may tinatagong kulit at lambing, ung mukhang bratinella pero hindi nakakatiis sa kapwa.
Naalala ko, may mga kaklase ako dati na uber maldita talaga, people hates them, but i love them. para sa akin, sila ung pinakatotoong taong nakilala ko sa loob nang silid aralan namin, ,well sempre aside from my friends. Treat them right, they will treat you well, treat them bad, they will give you hell. Atleast hindi ko napalampas ung pagkakataon na makilala sila nang lubusan,Until now, we are still good friends
Ikaw? sa tingin mo.. ilang mabubuting tao kaya ang napalagpas mong kilalanin dahil ang mga mababaw na katangian na yan ang pinagbabasehan mo sa pagkilala sa mga ito.
I’m selfish, impatient and a little insecure. I make mistakes, I am out of control and at times hard to handle. But if you can’t handle me at my worst, then you sure as hell don’t deserve me at my best.
–Marilyn Monroe,sixth greatest female star of all time by the American Film Institute.
I’m living with that Marilyn Monroe quote, ( insert Smiley)