Noong hayskul ako lagi kong ginagamit ang a.k.a. ko na jhuniel #22.
Tinanong ako ang kaibigan ko, “ano yung number 22? birthdate mu?
Sagot ko, “Hindi, gusto ko lang.
Sabe nya, “adik”.
Sa totoo lang naging paborito ko lang yung numerong yun dahil sa fan ako ni Howie D. ng backstreet boys na ipinanganak ng August 22. Simula noon ay naging paborito ko na ang numerong yon. Bukod pa dito, talagang nagustuhan ko na rin ito dahil sa may mga pagkakataon na may nangyayari sa akin na maganda sa petsa na yun. Ewan ko ba. Basta nagustuhan ko na yun.
Isang araw, magkasama kami ng aking kasintahan, napatingin ako sa kanya may kakaibang emosyon akong naramdaman at dun ko nalaman ang sagot kung bakit naging espesyal sakin ang numerong 22. Ito ay dahil iyon ang petsa ng kapanganakan ng aking mahal. Tila parang naging sign? Ano ba ito destiny? Meant to be?
Masaya ako na makilala ang isang tulad nya. Sobrang napakahalaga nya sa akin at lage ko ipagpapasalamat na nagkakilala kami. He’s my number 22. 😀


