Karapatan ng bawat bata ang magkaroon at mabigyan ng bahay na matitirahan, damit na maisusuot, edukasyon na maipagmalaki, hangin na malalanghap, pamilya na mag-aaruga at bigas na makakain. Karapatan nila ang maging masaya, ang maranasan ang maganda at masaganang buhay, ang mag-aral at kunin ang gusto nilang kurso at ang lumaki ng malusog at walang sakit.
Lahat na karapatang ito ay hindi na kailangan pang isulat sa batas o dumaan sa mga kamay ng mambabatas, kongreso at senado para lamang mapilitan tayong sundin. Ito ay hindi na kailangan pang ulit-uliting ipaglandakan at ipaalala sa atin. Ito po ay implied. Hindi na kailangang sabihin, isulat at ipaalala. Kita na mismo, sa sarili nating pag-iisip ay dapat alam ang mga ganitong karapatan.
Sa panahon ngayon naibibigay ba natin sa kanila ang mga karapatang ito? Let ask ourselves? Kahit ngayon lang.. Kahit isang segundo lang.. Nasunod at nagampanan ba natin ang ating mga responsibilidad bilang ama, ina, kuya, ate, at bilang isang mamamayang Pilipino?
Kung ang sagot mo ay OO, salamat.. Salamat dahil isa ka sa konting nilalang dito sa mundo na alam ang kanilang responsibilidad. Salamat dahil isa ka sa mga nagrespeto sa karapatang pantao ng bawat bata. Salamat dahil ikaw ay nagpakaPilipino. Pero pwede bang magtanong? Sapat na ba ang ginawa mo? Bukal ba sa loob mo ang mga iyon? Hindi ka ba naghihintay ng kapalit mula sa kanila?
Kung ang sagot mo naman ay HINDI, salamat pa rin.. Salamat dahil isa ka sa mga taong makasarili. Salamat dahil hindi mo nagampanan ng mabuti ang iyong responsibilidad. Salamat dahil kahanay ka ng mga taong nagbibingi-bingihan. Salamat dahil hindi ka Pilipino. Pero pwede bang magtanong? Hanggang kailan ka maging ganito? Kung huli na ang lahat?
Sana sa pamamagitan ng artikulong ito eh makakapagpalambot ako ng mga pusong kasing tigas ng bato. Gawin po natin ang dapat at kung ano ang tama. Wag po natin hayaang ang mga bata ay maging problema ng bansa instead of making them as “hope of the fatherland”.
Nasa senti mode po ako… Di ko lang kasi matake ang kakulangan ng bigas… Rice shortage…. GRrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr….. Maraming bata ang nagugutom…. Di po ba kayo naaawa?
Ito po ang MASAKLAP NA KATOTOHANAN! We can’t deny it! We are failed! Loser! Stupid!