Kadalasang pinaaalala sa bawat isa ngunit ipagsasawalang bahala.
Karamihan sa’ting mga tao ngayon ay walang pakialam sa bagay-bagay sa mundong ginagalawan kahit sa pansariling kapakanan ay wala lang rin. Alam naman natin ang mga bagay na makakasama ay patuloy pa ring isinasagawa, nasa harapan na nga ang mga bagay na nakabubuti, nakikita na, nauulanigan at nauunawaan na ngunit tila isa pa rin itong damo na walang pakinabang sa lipunan. At kapag dumating na ang unos doon pa lamang magsisisi at sasabihing “sana pala naniwala ako”
Isa sa mga suliraning kinahaharap ngayon nating mga tao lalo na ng mga kalalakihan ay ang pagkakasakit na dulot bisyo, tulad ng alak at sigarilyo. Tagay dito, hitit doon ang libangan ng karamihan na tila ba wala ng bukas, alam naman na ito’y nakasasama sa kalusugan ngunit patuloy pa ring ginagawa kahit kalusugan na ay masira mapagbigyan lamang ang nananabik na dila.
Ano pa nga ang silbi ng nga karatulang nakakalat kung saan saan, mga karatulang ipinapakita ang mga kemikal nabumubuo sa bagay na iyon at higit sa lahat ang perang naiipon kung itatabi na lamang kaysa ipambili ng bagay na iyon, tila isang payaso ang kinalabasan sa mga nakakakitang walang pakialam, katawa-tawa sa kanilang paningin at kung minsan pa’y may gana pang manggalaiti at sasabihing “hindi naman totoo iyan”
Ayon nga sa DOH marami ang namamatay kada taon dahil sa pagkakaroon ng sakit dulot ng mga nasabing bisyo, hindi lamang ang gumagamit ang napipinsala kundi ang mga taong nakapaligid dito. Kamakailan lamang ay nagpatupad ng batas ukol sa pagpapataas ng presyo ng sigarilyo at hanggang sa kasalukuyan ay idinidinig pa rin ito, ngunit makakatulong nga ba ito sa pagbaba ng bilang ng mga gumagamit nito? May mga magandang bang maidudulot? Wala, dahil satin, satin ring mga tao magsisimula ang tunay na pagbabago.
Sa mga maling gawi, maraming kapahamakan at kapinsalaan ang nakaabang. Isa na nga nag katamlayan ng katawan at kung minsan pa ay ang pinakamsakit sa lahat, ang kamatayn. Mayroon pa bang solusyon?
Napakadali ng solusyon sa mga problemang pagkakaroon ng sakit, sa mga letrang “PIBTC” masosolusyonan ito, ngutin ano nga ba ang PIBTC? Kinakain ba ito? Ang PIBTC ay “Prevention Is Better Than Cure” na napakadaling isaisip at unawain na nangangahulugan lamang na huwag na nating intayin pa na dumating ang unos bago pa agapan mas mabuting sa una pa lang ay iwasan na ang mga bawal. Dapat tayong lahat, matanda man o bata, saan mang dako tayo tumungo, ano mang bagay ang nais nating gawin lagi nating itatak sa isip at puso ang PIBTC. Dahil kapag ito’y isinagawa tayo ay hindi na kailangan pang paalalahanan bagkus ay alam na natin ang nararapat nating gawin.






