friends www.jun-g.com is up and running… updates and new blog entries are posted there… thank you for visiting. Enjoy!
www.jun-g.com
Posted in Uncategorized
FINDING GOD IN EVERYTHING
Conviction of the Heart
isa ito sa mga paborito kong kanta.
naniniwala ako sa tawag ng Diyos. hindi ito nakikita ng mga mata, pero nararamdaman ng pusong may ugnayan sa Kanya.
nang umuwi ako noong Pasko, maraming mga kaibigan ang nagtanong kung bakit ako pumasok sa semenaryo. isa lang ang sagot ko. ako ay tinawag. paano ako tinawag? di man kapanipaniwala, pero ang Diyos ay nagsasalita. Narinig ko Siya at di ko kayang hindi sumunod sa tinig Niya.
buong puso kong pinaniniwalaan ang tawag Niya sa akin. hindi ko man mabago ang mundo, ngunit alam kong ang pagsunod kong ito sa Kanya ang siyang magbabago sa buhay ko at maaring makapagdulot ng kabutihan sa aking sarili, sa aking pamilya, sa aking komunidad, sa lahat ng mga nakapalibot sa akin. alam kong hindi madali ang pagsunod sa Kanya, pero ang paniniwalang ito ang laging naghahatid ng kapayapaan sa aking puso, at lakas upang gawin ang mga bagay na akala’y hindi kayang gawin.
lahat ay nagsisimula sa simpleng paniniwala… kung sa mundo, “to see is to believe,” sa ating pananampalataya, maniwala ka’t iyong makikita.
– Jun-G Bargayo, SJ –
Posted in REFLECTIONS, VIDEOS
A SACRED MOMENT
Mindanawon
LEARNING STILL

Confucius said, “At fifteen my mind was set on learning. At thirty my character had been formed. At forty I had no more perplexities. At fifty I knew the Mandate of Heaven (T’ienmin). At sixty I was at ease with whatever I heard… At seventy I could follow my heart’s desire without transgressing moral principles.” Analect 2:4
When I was in grade four, our homeroom teacher asked us to write on a sheet of paper our ambitions in life. I wrote: at the age of twenty-one, I am already a college graduate and have a stable job; at the age of twenty-three, I am already running my own business; at the age of twenty-five, I am already a millionaire; at the age of twenty-seven, I have already settled to married life. Now, I am already thirty years old. Did all these come true? Read More…
Posted in REFLECTIONS | Tags: Confucius, Learning Still
Sa Bawat Lugar
Gustong gusto ko nang magsulat kagabi pa. Nakaharap na ako sa computer ngunit wala akong masulat. Siguro sa sobrang daming dinidikta ng aking utak, nawindang ako at di na makagalaw ang aking mga daliri para pumindot sa keyboards at bumuo ng mga salita, pangungusap at talata.
Ngayon, susubukan ko. Read More…
Posted in REFLECTIONS | Tags: Bawat Lugar, ESSC, Summer Apostolate
almost over…
My summer exposure is almost over. Many significant things happened. I want to write them all here but my thoughts are so many and are not yet organized. But, still i will try to name and articulate few of my thoughts. Read More…
Posted in MOMENTS
Pacquiao Moment

Ako at si Philip, mga taga-tubuan, nanonood ng laban ni pacman
sa barangay ng tubuan, datu blah sinsuat, pagdating ng ala una ng hapon, lahat ay nasa isang ‘kiosk’ para hintayin ang laban ng pambansang kama-o. bata man o matanda, lalaki man o babae, lahat inaasam mapanood ang laban ni pacquiao.
ang tubuan ay isang ‘coastal’ barangay, matatagpuan sa moro sea. walang signal ng ‘celphone’ duon. walang kuryente. tubuan elementary school ang natatanging paaralan. mga muslim ang naninirahan doon. may mga higit kumulang na 89 ‘household’. makakarating ka lamang dito sa pamamagitan ng ‘pump boat’. mga 45 min ‘boat ride’ from tapian. para makarating sa tapian, sasakay ka ng motor. mga higit isang oras din yun mula sa cotabato city. Read More…
‘enjoy’ lang…

sa bbq station... ediflor, philip, ako, gladys, william... si pyk ang kumuha ng picture...
Nakakapagod ang araw ko kahapon. Maraming kailangang tapusin. Maraming kailangang puntahan. Biyahe papunta at pabalik sa Upi, sakay kami ng motor, bilad na bilad sa init ng araw. Sunog na sunog na ang aking balat.
Dumating kami dito sa opisina isang oras nalang bago maghapunan.
Hapunan. Kasama namin ang mga ‘staff’ ng ESSC. Kumain kami sa ‘bbq’han. ‘First time’ ko doon. Ang kinain ko: pastil (kanin na may maanghang na ‘beef rendang’ na nakabalot sa dahon ng saging, at ‘bbq’ na “native chicken’). Sarap! Pagkatapos bumili kami ng serbetes. Kinain namin ito sa opisina. Habang kumakain ng serbetes, nanonood kami ng tv. Pinapanood namin ang “May Bukas Pa.”
Hindi talaga maiiwasan na hindi mapag-uusapan ang aming ‘vocation story’. Syempre, nagkuwento naman kami.
Kuwentuhan. Tawanan. ‘Enjoy’ lang talaga.
Salamat kina Ediflor, Gladys, Pyk and William.
Natapos ang gabi na puno ako ng pasasalamat sa Kanya.
Biniyayaan na naman Niya ako ng mga bagong kaibigan, mga papuso ko’t kapamilya dito.