Nakupo, sorry mga kapatid. Sobrang tagal ko nang di nadalaw itong bahay ko na to, aba naman, nalimutan ko na ang password ko at username, pramis!! Di ko nga alam kung meron pang babasa nitong post na ito pero sige na nga, sulat na rin ako, baka sakaling may maligaw 😉
Kahapon, kausap ko yung brod in law ko at naikwento sa kin bagong chismis na sa totoo lang eh lumang kwento na. Pero sa kakakwento niya ay na inspayr tuloy akong i blog ito.
Eh kayo ba nasubukan niyo na pag kausap mga pamilya sa Pinas eh sa dami ng kwento eh kung ano-ano istorya nila. Minsan nga kausap ko si Madir pati ba naman ulam ng kapitbahay nakwento niya sa kin. Minsan eh gusto ko na nga mag goodbye kaso baka magtampo naman si Mader/Sistah/Bro kaya sige kinig na rin ako sa mga kwentong kakatawa or kakasakit ng bulsa (aba mahal ata kada minuto!)
Basahin niyo rito mga hirit ng kapamilya.
1. Kilala mo ba? –
Madir: Kilala mo ba si Baby, pamangkin ng kapatid ni Maria?
Pokwang: Huh? Sinong Baby, sinong Maria?
Madir: (medyo irita) Ano ka ba naman Pokwang, si Baby, yung anak ni Dolce, kapatid ni Maria? Si Baby!
Pokwang: Di nga Mader sino nga yon? Di ko gets…
Mader: Susme! Anak ni Dolce, kapatid ni Maria.. si Maria yung kapitbahay ng Auntie Susan mo,
Pokwang: (di pa rin gets pero napansin 3 minuto na nasayang sa usapang ito kaya sige na nga ituloy na rin) Susan??? AHHHH si Auntie Suzy pla (Susan pala pangalan non!)
Mader: hay naku yun na nga.. o yan punta raw yung si Baby dyan sa Alemanya
Pokwang: Di ko naman kilala yung Baby na yan.
Mader: Aba kahit na, sabi ko tulungan mo naman dyan sa Alemanya, mag adjust alam mo na, Baka kailangan mga tips, ek ek., para di naman siya ma depress. Dala-dalawin mo rin.
Pokwang: Sya, sya, sige na nga. San ba yon nakatira?
Mader: Aba, basta sa Germany. San pa nga ba? (Pilosopong sagot ni Mader)
Pambihira, madalaas minsan naman feeling ata ni Mader kasing laki lang ng Baguio itong Alemanya. Parang lahat ng tao pwedeng magkita sa Session Road kahit ayaw nila, kasi isa lang town.
Sige tuloy ulit part 2 next post. Hanggang sa susunod!


Kamakailang puna