RAJAA IBRAHIM…her regards!

November 6, 2010

Rajaa Ibrahim is back in our midst!!

Most of us should know her, sister Rajaa, the Palestinian who used to work in the surgical ward. Suddenly she appeared in the blog!  Unfortunately, she cant understand the language used in here but her initiative finding us is a thing that counts most. A testament that distance  is not a hindrance to  friendship and has no boundaries, even race. Enormous time passed after that bitter farewell has not eliminated her instinct to be in contact with the group again…likewise , the same to most of us, i guess.

She is extending her regards to everybody. Remember,  most of us used to hop in their family car for our errands? I still remember, once we joined her family on a picnic in one of the oasis in outskirts of Jahra.

We are very happy to have you back Rajaa.  Regards as well to you and your family!!

AFTER ALL THOSE YEARS…ika nga!

October 11, 2010

Pagkatapos ng kung ilang taong lumipas, salamat at nagkitakita na naman…at parang bumalik uli ang tanawin ng Jahra Hospital sa isip ng dating samahan. Pati panahon humalakhak dahil ang araw ay dumilat nang husto pero tamang tama ang ikinalat nyang temperatura at natapat pa sa petsang isang beses lang nangyayari sa loob ng sanlibung taon: 10-10-10. Pero sana naman hindi ito ang katapusan kundi ito ang panimula ng mga susunod pang pagkikita.

At sa ilalim ng kaaya-ayang  sinag ng araw at maalumamay na simoy ng hangin, bumalik ang mga ala-ala ng desierto…after all those years…the same joyful group still…

 

reunion

 

MEMORIES …like the tunes of old songs

October 6, 2009

Ang mga nakaraan kung minsan ay parang isang sirang plaka na kumukulit sa tahimik na pag-iisip…bumabalik-balik. Ang deperensya nga lang, ang plakang sira ay nakakainis pero ang memoria sa desierto ay parang kiliting kumakalabit…

Maski sabihin pa natin na maraming enerhia ang  nakunsumo natin sa pakikipagbunong braso sa rough weather doon, sabihin pa natin na ibang-iba ang paligid,  dahil bihira ang mga  nakikitang tanim at puno…naging bahagi ng ating buhay…hindi na natin pwedeng kaltasin ang tsapter na yon. Pag pinilit natin tigpasin ang parteng yon  sa  ating nakaraan, magiging pilay ang labas…putol at may kulang.

Pero ngayon na malayo na tayo roon, kung minsan pag dumadampi sa kukute ang itsura ng nakalipas..para bang isang bulate sa isip na maski sa katahimikan ng gabi,  biglang sumusulpot…maski tulog ka na,  parang hangin na umiihip,  dahil lumalahok minsan sa panaginip…

Nangyari yan sa akin kamakailan lang…bumalik ang hugis Kuwait sa akin,  hindi sa panaginip at pag-iisip,  kundi ibinalik ng mga kakilala…pagkatapos ang biglang dating ng mga dating halakhak ni Ipo Relativo…sumulpot ang tawag ni Orland Mamenta mula sa California, napag-usapan  tuloy namin ang mga masasayang araw na pagkagutom namin noong sumakay kami kay Don Camilo, isang barkong handa nang lumahok sa mga sina “salvage” at gawing scrap metal.

Noon,  bagong labas pa kami sa school campus, aksidenteng nagkakilala kami sa daan patungong Mindanaao kung saan nagrural.  Akala namin,  noong nataapos ang Mindanao adventure, thats it…tapos na, di na magkikita uli. Yon pala, after few years, mapapadpad sa malayong desierto..kita uli!

Binalikan namin ang mga kakengkoyan at sarap ng mga malalamig na beer at hilo na dinulot ng Tanduay at tuba sa Davao. Then,  ang mga araw sa Kuwait…noong,  ni wala pa maski isang puti sa aming dating makakapal na buhok.

Tapos biglang sulpot itong si Rudi Medrano, na kung saang lupalop sa UK pala sya nagtatago at nagbubuo uli ng dagdag ng mga marami nang nabuo niyang  pangarap.

Before that…may message si Lito Izon after na nagmeet kami sa Facebook.

A week later, nagkasalubong ang aming daan ni Bong Rugay. Ang isang di ko malilimutan na ginawa nya sa akin: i was not aware na pareho kaming nakabakasion noon sa Pinas…i was walking in Recto, the usual state of mind of a bakasionistang galing Arabia:  nobody knows you.

Dala ang katahimikan ng buhay desierto, biglang pumunta sa aking likod at kunwari sasakalin at hohold-apin ako. Right on that moment,  my wife who was left home then taking care of a newborn,  nearly became an instant widow…muntik akong na M.I. sa takot!

Tapos,  biglang halakhak ang loko…yong nakakatawang halakhak…sino naman ang magagalit sa isang mabuting kaibigan…humalakhak din ako ng mas malakas pa sa kanyang tawa…nagulat ang buong Recto, tuwang-tuwa ang mga taong hindi namin kilala,  na nakakita sa amin…cguro sabi nila….MGA BUWANG…eh ano, pakialam namin. Ngumingiti lang si Aida ang misis nya na nanonood sa kagagohan namin.

Maliban sa mga madalas na updates ni Myrna Villanueva, nagparamdam din si Julie Militar from Medical Ward dto sa blog. Tapos nagsulpotan sila Jaliha Sahac, Janet de Lara from Chicago.

Janet Delgado Taguinod, dating kasama sa OT..nasa Facebook din pala..kaya iisa na uli ang circle ng mga taga Jahra.

Lately sa tagal ng panahon, biglang nagkaroon uli ng kontak kay Manny/ Beth Vicera at Alex Cristobal…we share state borders pero sa dami ng inaasikaso dito sa lugar na napadparan natin…occurrences of communication  more seldom than the visit of typhoon like ONDOY…hindi nakapagtataka, normal yan sa buhay ta-te.

Maski si Juliet Abello, from my place to their house…i just need to cross a river pero mas nauuna pang sumikat ang bughaw na buwan kaysa sa pagkikita namim…buhay nga naman.

Three days ago, guess who came…CARLITO BAGINDA…the guy who used to bring us the tunes of PLATTERS…i can still remember, there was a singing contest sa KAPILKU…Carl and Lito Lagasca were choosen as the 1st and 2nd  among the many. Tumawag sya.. tinatanong kung nagtetennis pa…sagot ko: I’m still doing it for LOVE…

Mga taga Medical Ward 14 Al Jahra Hospital…bagong update

September 24, 2009

Kasasabi ko lang na kung minsan masikip ang mundo, bagamat, madalas ginagawa natin talagang mas maluwag pa sa geograpikang sukat nito. At kung talagang mailap ang pagkakataon, maski nandyan lang sa ilalim ng ating mga ilong ang gusto nating makita uli ay hindi natin nakikita, dahil hindi nagkakatugma ang paningin natin. O dili kaya,  tuloy-tuloy na  natatambakan ang pader sa pagitan natin,  kagaya ng pagtatambak ng mga hindi natin napipigilan na taon na naidadagdag sa ating EDAD, dahil sa LIMOT.

Gustong gustong i take advantage ang forgetfulness ang tagal ng panahon. Mga bagong e ksena na dumadating sa buhay natin kung minsan ay binubura ang mga memoria ng nakalipas. Pero kung ang mga nakabaon sa utak ay hinuhukay paminsan minsan…parang isang butil, ika nga, sumisibol uli, napapabago at lumalago…

Kamakailan lang dumating bigla sa aking screen si Rudy Medrano, nagpopped out na parang kidlat ang message nya sa akin…nasa UK pala sya, kasama ang misis at dalawang anak. Dati siya sa Ward 14, kasama nila  Joe Padama, Felix Columbres at Alfred Vilgera.  Kasama pa niya dati sila May Saliendra, asawa ni Ernie na kasama kong dumating sa disierto noon,  si Susan Castor, Jean Villanueva at di ko na maalala ang mga iba.

Si  Susan Castor ay nasa South Jersey, nakapunta na ako sa kanila minsan…years ago, kasama ko ang aking esmi, bagong salta lang ako sa Tate noon, sa paglipat-lipat ng tirahan at kaguluhan sa trabaho, nawala ko ang kanyang contact number.

Ganon din si Julie Militar na dating taga medical ward…napadpad minsan dito sa blog at nag-iwan ng mensahe…

Mga Lledo sisters, hayan tumama na ang aking sinabi, sa tagal nakalimutan ko na ang mga first names nila…meron lumalabas sa aking ala-ala pero di ako sigurado, kaya mabuti pa, huwag ko nang ilabas…nasa Florida rin sila. Itoy binalita sa akin ni Lito Izon, asawa ni Judy sa O.T.

Ganon din Si Boy Lledo na kapatid nila, na bayaw ni Lito…misis ni Boy ang sister ni Lito from Maternity??

Ganon yata ang sakit ng mga baby boomers…parang salmon…habang lumuluwang ang hektaria sa noo at nagbabago ang kulay ng buhok  at lumalabo ang paningin, hinahanap niya ang stream kung saan siya lumaki at ito’y  bumabalik…it can be true to some humans, reflecting on old memories can be satisfying…

Dagdag sa kulang na naalala ko noong sinusulat to..si Carl Baginda pala..Wd 14 di noon bago mapalahok sa OT..sila lahat ang nanggugulo sa medical ward…gulo na ikinakatawa naman ng mga kasamahan nila..

Kahapon lang ( Jan. 18, 201)  biglang labas sila Nita Marco Valino at Jessica Joson na dating taga medical din..nasa Cali si Jecc at for good sa sariling bayan si Nitz. Pareho sila from Batangas, and holding Facebook accounts.

Sa Facebook ko sila nakasalubong..t.y. uli sa social web…

Mga kuhang kupas na…

September 20, 2009

Nagising minsan ang tulog na sallapingaw

At kinatok ang lumang  larawan

Bumalik sa naghihingalong hagdanan

Nabuhay ang panaginip na pumanaw

Durugin mo man ang tumandang utak

Nungka hindi mawawasak

Lumayo man ang lipad ang pinakawalang sallapingaw

Gaya ng pagbagsak  ng bulalakaw

At maski ilang beses nagtawataw

Hahanapin pa rin ang kandong ng kamay na pinanggalingan…

September 20, 2009

MEETING OLD FRIENDS…kumakalabit lalo sa mga AL JAHRA Hospital at Al Riqaee babies…

September 11, 2009

May bentahe rin ang tumira sa liblib ng desierto kung minsan, maliban sa tahimik,  pwede kang araw-araw na nakikipag-usap sa kalikasan.   Kung medio mahina nga lang  ang pagkapanday ng inyong personalidad…at dumating sa punto na ang sarili mo ang kinakausap mo,   psych breakdown ang labas…he he.

Ang isa pang advantage, hindi mo na kailangan makipagbalitaan o magsurf ng web para malaman kung nasaan na ang mga dating kasakasama at kaibigan {this applies to Jahra dudes in the early and late 80s}

Malaking pagkakaiba, noong nasa Kuwait tayo, nandyan lang si kuan at sya at ganito at ganoon, dahil sa isang bilding lang tayo nakatira o sa kabilang kanto lang ang apartelle ng iba…kayo kayo rin ang nagkikitakita sa OSPI..tapos ng tour of duty..parehong mukha uli.

Pero dito sa Ta-te, kung saan saan na nga tayo hinagis ng hangin, kulang na kulang ang  panahon na makipagkomiunikeyt sa mga dating kaibigan, madalas,  gustohin  man…di mo na alam kung saan sila napadpad. Maliban doon, minsan,  nagsisikstin hours tayo sa …PITAL, kasi nga naman ang sarap magpaplantsa ng “credit card”…lol.  Hindi lang do’n, paano natin imiminteyn ang string ng communication…sa bahay, ikaw ang kusinero o labandera kaya, hardinero at basurero pa!  Kung may mga maliliit kang tsikiting…yaya, driver at tutor sa mga assignment nila…pordios..kaya, nasa trenta ka pa lang kung medyo mahinahina ang pagka glue ng buhok  sa anit..lagas! Pag hindi nalaglag…nagiging kulay APOG  na hindi oras.

Pero leytli, naging generous ang pagkakataon, nakausap ko si Bong Rugay.  Yong mga medio dinadampihan na ng Alzheimers ang kukute…sya yong taga trauma ward…ala Julio Iglesias kung bumanat..gustong gusto nyang tirahin ang…To All The Girls..ehem, ehem Before…nasa south sya kasama ang butihing misis na si Zenaida at ang buong pamilya…Tzabacano sila…gaya ni Jaliha Sahac, who i believe in Chicago, with Janet de Lara and Gabby Seriosa…

Kalog pa rin ang kumpare natin, i mean si Bong, at nakita ko ang pics nila sa  FRIENDSTER…hindi tumanda!  Siguro nakahanap sya ng magic liniment against aging sa mga dalampasigan ng Florida. Pahingi pare…

Last week, nagkita kami ni Phillip “Ipo” Relativo, pa tour tour ang loko dito sa East Coast, most of the time, totoong masikip lang ang mundo, kala ko noong paalis ako sa Kuwait, di na magkikita uli..pero that proves,  the literary line: East is East and West is West, never the twain shall  meet… is wrong. Yes, nagkita kami at guess what…still the very fine guy..full of life. full of joy!

And Orland Mamenta, he called me up…we burned the line just recalling the memories of  desert life..he is in Ca..and he has a spot  in FACEBOOK…see the portrait of a gentleman in his page.

Manny Vicera is a Facebook guy too…last time na nagkitakits kami,  sa bahay ni Juliet Abello sa NY..Henelyn de Runa and her hubby and kids were in the US on a tour then…nandoon din noon sila Myrna Villanueva, Alex Cristobal,  Danny Macapinlac at kanyang esmi si Joy and Mavic Tapiculin…

Lito Izon gani…the husband of Judy frequents Facebook…oo, nandon din siya..kasama ko, lol.

What could be the best explanations for these actions? nagkakaedad? It’s conspicuousssssss!!!

I have to go…i’ll post and may add some updates pag nagkapanahon uli…

Rey Gacad, Romi Alam-alam at Efren Jesus Melegrito…sa Gabing Madilim

September 10, 2009

Dumaan lahat sa umaga ang lahat na nilalang at hindi rin maiiwasan ang pagdating ng hapon at gabi..gabing tila tumigil ang pagningning ng mga bituin, gabing tila pinakamadilim sa mga gabing madidilim…ganon nga ang nagyari sa mga tatlong kaibigan natin..

Si Rey, dati sa Trauma/Ortho ward.. kasama nila Jack Valdez at Jacinto “Bong” Rugay at Ednald Borja, in fact batch ko syang dumating noon sa Kuwait..malinaw na malinaw sa aking ala-ala, noon dumating kami patapos na ang kainitan sa desierto….humuhupa na ika ang nakakapasong hangin at may mga gabi noon kasama namin si Ernie Saliendra, Rudy Medrano, Ralston Segundo na beterano na that time sa Al Rigae dahil nakaka two years na yata sila noon at sya ang tour guide namin paminsan-minsan, kasama din si Alfred Vilgera…we used to hang out on the rooftop of the hostel and have merienda under the moonlight…uhaw na uhaw ang aming mga lalamunan sa malamig na serbesa…

Romi naman, kilabot na center ng basketball team ng PARAMEDICS..at gustong gusto nyang kinakanta ang The Boxer…madalas naming pinaguusapan kasama ang barkada sa Operating Theatre…Orland Mamenta, Phillip Relativo, Gabby Seriosa, Manny Vicera, Alex Cristobal..si Mang Andy Alcantara, Mel Gutierrez,  si Carl Baginda na province mate nya,  ang mga tanim nyang mangga at kung ano na ang nangyayari sa kanyang orchard…Romi nasaan ka man sana tahimik ang walang katapusang pahinga sa kamay ng Panginoon…

Ganon din si Efren, medyo may pagka heavy pero ala Freddie Webb magdala ng bola…at huwag lang pabayaan sa kanyang paboritong anggulo with in his convenient turf in the court…SWAK! 3 points most of the time!!nasubukan din namin tumira sa iisang flat, noong hindi pa dumating si Susan ang kanyang kabiyak…kasama si Jack Valdez…he used to relate to me his wonderful childhood memories in Tarlac..i think if my memory is right somewhere in Pura,  then his St. Rita days during his nursing internship…

Well…as the saying goes: nothing remains forever…and it reminds us of the brevity of our existence dito sa lupa…nauna man sila..their memories will remain with us…so long…

Pinakabagong kuha at ala-ala ng lumang panahon na parang laging bago sa hindi naglulumang isip!!

January 19, 2009

Re-UNION daw, Balak ni Myrna Villanueva!!

January 15, 2009

Nag-babalak si Myrna ng isang reunion, di pa cgurado kung saan at kailan…pinag-iisipan nya ang pinakamabuti..

Nagsuggest nga na makagawa ng blog, para may tambayan at magbigay ng opinion, tungkol dito at maski hindi connected sa sinasabing pagtitipon…

dito daw magkita-kits, mas madali keysa forward email…para makita ng lahat…


Design a site like this with WordPress.com
Get started