Is it okay if i call you mine…

Posted in Walang Uri on Nobyembre 20, 2011 by lhen8

(mangyari po lamang na paki STOP muna ang videokeman ko sa sidebar ko kung nais nyo mapanood ang video na ito para hindi magsabay ang video na ito sa music ko. Hindi po ako ito unahan ko na kayo 🙂 nakita ko lng sya sa u tube at naalala ko ang kantang ito dahil ito ang unang piyesa na natutunan ko tipahin nuon)

…. Naalala ko nung una akong nag aaral mag gitara etong kantang ‘to ang una kong natutunang tipahin …Mahirap kase pag nagkakagalit kami ng xbf ko (R.I.P) nuon…(magkasama kami dati sa simbahan mag choir at sya ang taga turo namin nuon) hirap kase damay ang choir pag war kami iniiwan nya sa ere ang grupo at walang nagtutugtog ng gitara (acapela tuloy kami madalas) kaya naisip kong need kong mag aral para kung sakali man matuto ako kahit papaano ako ang mag gitara … pero ang hirap talagang matutunan mag gitara … mangangalyo talga ang daliri mo masakit sobra nakakangalay at masakit sa likod…. buti na lang to the rescue ang aking tatay…. yun lang, kaliwete kaya hirap ako makuha ang turo nya 🙂 pero ok lang kase sabi nya no need ang musikero kong bf … pero astig ang kantang pinarinig nyang tipahin sa akin PARANG MAY LAMAN … HE’S A JELOUS GUY 🙂 (kase nuon pa man alam kong ayaw nya sa bf ko…)

Long hair nuon si erpat nung nasa SAUDI sya (for 6yrs) now ayaw na namin syang mag abroad.. still loyal sya sa company na pinapasukan nya sa LM CAMUS ENGR. (36yrs)

kaya everytime na maririnig ko ang kantang JELOUS GUY na kinanta ni JOHN LENNON (favorite ni erpat ang beatles) si erpat kaagad ang una kong naaalala …. kahit naputulan ng dalawang daliri sya sa pagtatrabaho nya sa saudi nuon tuloy pa rin at walang patid pa rin sa pagtatrabaho ang erpat ko … pero sa kabila ng pagkaputol ng 2 daliri nya sa kaliwang kamay,  kaya pa rin nyang mag gitara … dahil buti na lang kaliwete sya mag strum.. kaya bilib talaga ako sa aming cool tatay … 🙂

SECRET GROUP

Posted in Walang Uri with tags , , , on Nobyembre 15, 2011 by lhen8

SABTIK !!!

(Ang video na ito ay ginawa ng tinderang tisay na si CHELLE)

Now ko lang naalalang i post itong sekretong grupo na nabuo namin dahil sa alumni … sila ang mga ilan sa mga ka schoolmate ko nuon sa high school .. isang page ang nabuo na nag ngangalang CHS-CZA Alumni Interactive  kadalasan dyan ako tumambay at makibalita sa mga dating kaklase nung high school .. at sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagkita kita ang mga ilan kong ka batch at dahil sa isang post ng isang kaklase humaba ang mga komento na nagmukhang chatroom na dahil sa mga kulitan ng mga komento ng bawat isa …

Bakit nga ba nabuo ang sabtik at saan hinango ito ? ang salitang sabtik ay naisip ni BERNARD CATOLICO a.k.a DRED CATOLICO … ang sabtik ay pinagsamang salita na SAPI AT SALTIK …kase matindi ang mga sapi at saltik sa utak ng mga ka schoolmate ko sa mga komento … matitindi ang mga palitan ng komento.. matitindi ang kulitan na dumating sa punto na humaba ng husto ang mga comments (nakakahiya na talaga sa admin)

Nag react na nga ang kapatid ko ginawa na raw naming chatroom ang alumni page dapat daw gumawa na lang kami ng sarili naming page kung ganung nagttraffic kami sa kulitan namin … kaya naman naisip ko na lang na gawan ang grupong nakapag likha ng ingay sa alumni page … sobrang nahiya na rin ako sa nag mamay ari ng pahina na yun…

At ayun nga ginawan ko sila sa pamumuno ko para lang hindi kami makaperwisyo (sa totoo lang napilitan akong gumawa sa kadahilanang nahihiya ako sa mga ilang makakabasa) … ginawa kong mamuno sa pahinang iyon ay sila BERNARD CATOLICO , NOEL”pipoy” CADINONG, ADOR MERCADO AT RECHELLE RETRETA …  at para mas maganda ginawa kong SEKRETO ang pahina dahil may mga ilang ka eskwela na walang prenong mag komento na maseselang usapin … mga kaberdehan ang kanilang kulitan na usapan 🙂

Ang mga ilang ka SABTIK ay kinabibilangan ng mga ilang magkakaibang relihiyon … may ilan sa amin ay METHODIST , BORN AGAIN , INC, at MORMON …and the rest Catholic  na . Nakakatuwang isipin na magkakaibang relihiyon man kami sa aming pahina ay maligalig ang bawat isa sa pagpapahayag ng kanilang saloobin … palitan ng kuro kuro ,  opinion , pero never namang nagkaroon ng debate sa relihiyon dahil nirespeto ang bawat isa sa kanya kanyang paniniwala at ang mas nakakapag pakiliti at nakakapagpahaba ng komento ay ang usaping mahahalay na syang madalas pamunuan ni MARIO DANTES a.k.a ATAN (Pinsan ni dingdong dantes sa totoong buhay 🙂 ) at susundan ng cor commander sa high school (dati)na si NIC JOHN DOMACENA haaay sila ang mga malulupet na promotor sa kahalayan … na mapapapikit ka sa tindi ng mga banat nilang linya haay naku nakakawindang talaga palibhasa may mga asawa na silang lahat… ilan-ilan na lang sa amin ang mga hindi pa nakakapag asawa … ako na lang ata sa babae sa grupo ang wala pang asawa … tatlong lalaki ang wala pang asawa (rommel, pipoy at ador )…

Sa pahinang ito naranasan kong maiyak sa tindi ng galit ko nuon dahil sa isang espesyal na kaibigan ko …At  sila yung mga nakapag palubagloob ng galit at hinanakit ko nuon … naibsan ang himutok ko dahil sa mga makukulit nilang payo 🙂 naiyak din ako kase ang lalakas nilang mamikon … dumating sa puntong manahimik na lang ako at magbasa na lang ng magbasa ng mga comment nila na minsan kahalayan na ang usapan at nababanggit na nila ang pangalan ko dahil alam nilang ako ang umaalma pag sobrang kahalayan na ang usapan nila (na hindi ko nakasanayang dito sa blogosperyo) … palibhasa ako lang ang single sa grupo kaya siguro ganun na lang nila ako pagkaisahan na banggitin ng banggitin sa usapan … hindi ko alam kung bakit ba ako na lang ang trip nilang banggitin pag mahalay na ang kanilang usapan talagang SABTIK nga ang grupong nabuo ko tsk tsk tsk !!! 🙂 pero wala akong magawa at ganun na talaga siguro sila …. kaya minabuti ko na lang mag manman sa pahina at bihira na lamang makisawsaw sa komento … tinatantsa ko na lang ang mga post nila na makakarelate lang ako …

At ang malupit pa dito sa SABTIK group na ito … akalain mong may nabuong pagmamahalan ang isa sa amin 🙂 haaay ganun na lang ang gulat ko … nanahimik lng ako sandali at may LOVE TEAM na pala sa amin hehehe 🙂 haaay laki na talagang nagagawa ng bagong teknolohiya oh … 🙂

Hanggang sa palagkit ng palagkit ang aming bahay na sobrang nakakainggit na ang mag irog …. kaya lalong nanamlay akong maki join na talaga na O OP na ako sa kanila …Nawala na kase ang mga usaping makabuluhan na nagbabahagi ang bawat isa ng  opiniyon,na parang nasa blogosperyo ako ..  Kaya minabuti ko na lang na lisanin ang bahay na aming naitayo at ibinigay na lamang sa kanila ang susi para sila na lamang ang magpatuloy at mag ayos ng tahanang aming nabuo…

Namiss ko lang kase ang mga palitan ng kuro kuro , payo ng bawat isa, magbahagi ng mga ideolohiya … nawala bigla yun ng matabunan ng mga mahahalay na usapin na nauuwi sa walang kabuluhan usapan … at marahil masyadong natuon na ng mag irog ang kanilang nagliliyab na damdamin kung kaya puro kanilang “post” ang nakapang lunod ng pahina … ganun ata talaga pag in love 🙂 hindi na batid ang nakapaligid …

Pero sa kabila ng lahat nakilala ko ang bawat isa sa amin sa kabila ng mahabang panahon na nagdaan … ilan sa kanila ay mga hindi ko talaga ka close nung high school … may isa pa nga sa kanila na never kong nakakausap nung high school … pero ng dahil sa pagkikita sa alumni page at sa pag likha ng SECRET GROUP nakabuo kami ng samahan na hindi ko man natagalan eh nagpapasalamat ako at nakilala ko sila sa pamamagitan lamang ng makabagong teknolohiya …

Nakakamis din sila kung iisipin …  😦 sa sandaling panahon naging masaya rin ako at nakatagpo ng grupo na hindi ko inakalang makakausap ko sila o magiging ka tropa…

IWAS MUNA ….

Posted in Walang Uri on Nobyembre 12, 2011 by lhen8

Iwas muna o mas sabihing ibaling muna sa ibang paraan para makalimutan ang taong alam nating kumplikadong magustuhan…

kase naman twing makikita ko sya sa side bar ko sa fb nikikilig ako, twing mag la LIKE sya nakukuntento na ako at kikiligin nanaman ako  :-), at lalo na kung makakausap ko sya sa mga komento o kaya makausap sa message box ko 🙂 ….  alam ko namang taken na sya (kase naman yun ang nakalagay na sa status nya – in a relationship na ang lolo nyo) 🙂 at alam ko namang malabong magkagusto sa akin yun … at higit sa lahat alam kong magugulat ang mga kasamahan ko sa simbahan, kaparian at mga madreng kaibigan ko na nagugustuhan ko ang taong tulad nya…  :-(…

Eh bakit naman hindi?… mabait na lalaki, maingat sa mga komento , matipid magkomento, palabiro, malakas nga lang mang asar na nakakapikon pero dun ako talaga madalas matuwa sa lalaking malakas ang sense of humor…, may sense kausap … pag bumanat ng mga komento eh mapapangiti ka talaga dahil sa kakaibang banat nya ng linya 🙂

Hindi ko lubos maisip na magkagusto ako sa kanya patagal ng patagal nahuhulog na kase ang loob ko pero alam kong mali kase nga TAKEN na kulang na lang tanggalin ko ang letrang T para (T)-AKEN NALANG SYA 🙂 hihihi pero wag bad yun… ang mahirap nga kase nikikimkim ko lang feelings ko parang sasabog na at mahirap na pagsumabog ito marami ng makarinig sa dagundong na pagsabog yari ako sa simbahan…. 😦

naalala ko ang espesyal kong kaibigan (nuon)..lagi nyang tinatanong na kung meron ba? tanong ko anong meron?… sagot nya … meron ka bang nagugustuhang iba?.. hehehe sa inis ko kakatanong nya minsan ng mga ganun?… pabiro kong sinasagot na … oo ibang relihiyon hahaha sabay tawa ng malakas… kase nga gusto kong asarin lang dahil nga isa syang monk hehehe. Pero ayun nagkatotoo ang mga biro ko nuon lagi sa kanya… lintik na yan!!! ang hirap palang magbiro … bibiruin ka rin pala ng tadhana … ayan at ang bilis ng KARMA ko 😦 nagkakagusto ako sa isang lalaki na hindi ko karelihiyon …. haaaaayyy si GOD talaga hindi mabiro … parang biro ko lang naman yun sa kanyang alagad eh tinotoo naman 😦

Ang hirap grabeh ang hirap kimkimin yung ganun…. nagkakasakit na ako kaya buti nalang marami akong outlet sa buhay… dinadaan ko na lang sa pag lay out ng mga pix, pagdrowing ng mga stilo ng mga damit (at yun ang sinabi ng isa kong kaibigan na magandang libangan ang mag drawing,kaya drawing lang daw ng drawing hanggang masanay at matututo rin daw ako) pero ang hindi nya alam binabaling ko lang dun para makalimutan ko lang ang WEIRD na feelings ko sa isang guy na pilit kong kinikimkim ang naramramdaman ko…  at buti na lang may blog hehehe

Pero alam ko maglalaho rin ito pasasaan at lilipas din ang ganitong pakiramdam … isipin ko na lang na TRANGKASO na idaan nalang sa paracetamol na BIOGESIC “ingat” lang at baka malintikan pa ng kung sino pang masasagasaan ko …. (sigh)

At kung hindi pa ako nawirduhan sa feelings ko hindi pa ako makakapag post ng bago dito sa blogosperyo 🙂

NA MISS KO ANG BLOGOSPERYO 🙂

PLUS FACTOR POEM by: Fr. Adonis Narcelles Jr., SVD

Posted in Walang Uri with tags , , on Agosto 1, 2011 by lhen8

Naalala ko ng minsan napanood ko ang homily si father Joey Faller., SVD sa “Healing Eucharist TV Mass” at minsan nyang binahagi ang tulang iyan na akda ni father Adonis Narcelles Jr. SVD… kaya naman ng matapos ang misa sa T.V. muli kong hinagilap sa you tube ang mass para sa replay … dahil gustong gusto ko ang mga linya ng tula para lang makita at mabasa ang buong tula … at dahil sya ay isang pari ng SVD… nabanggit ko ito kay father fiel.. at sinabi nya ngang friend nya ito sa kanyang fb… kaya naman dali dali ko syang inadd at nag iwan ng mensahe ….

Laking tuwa ko ng may matanggap akong mensahe sa aking FB…

FATHER ADONIS NARCELLES JR. SVD : hi lhen- ito ba yung palayaw mo- hehe- yes, confrere ko si fr. fiel- kanina ba yung mass ni fr. joey faller sa TV- di ba sa Megamall ito? dito ko rin ni launch yung Words of Hope (sold at national book store), kung saan galing yung poem THE PLUS FACTOR, ito yun, enjoy and God bless from Berlin

the PLUS factor

i asked for HAPPINESS
you gave me SADNESS instead
plus a deep FAITH
to live with my situation

i asked for HEALTH
you gave me SICKNESS instead
plus the STRENGTH
to accept my condition

i asked for COMFORT
you gave me IRRITATION instead
plus the COURAGE
to find meaning in it

i asked for SUCCESS
you gave me FAILURE instead
plus the SATISFACTION
in what i am and have

i asked for VICTORY
you gave me DEFEAT instead
plus the HUMILITY
to learn from my mistakes

i asked for BLESSINGS
you gave me TRIALS instead
and the PERSEVERANCE
to search for your will

i asked for ANSWERS
but you only gave me QUESTIONS
plus the adequate PEACE OF MIND

LHEN: ahhhh thank you father i share ko po ito kse talgang ang ganda ganda salamat po talga mwaaahhhh !!!! :-)add ko na rin po kayo father dito sa fb salamat father…

FATHER ADONIS NARCELLES JR. SVD : thank you for the compliment- to God be the glory and praise- thank Him for His Words- through my simple hands- accept kita para mabasa mo pa yung ilang mga poems sa aking fb- God bless

Kaya naman lagi kong gawi ang ibahagi ang bawat tula na kanyang nilalathala sa FB…

December 08, 2010.., muli kaming nagkita ni father fiel sa studio ng aking tiyahin sa españa manila… at sobrang tuwa ko ng regaluhan nya ako ng aking paboritong libro ni father Adonis Narcelles Jr. SVD …

Pero laking gulat ko na lamang nang makita ko sa News feed na binahagi ni father Adonis ang kanyang malubhang kalagayan o sakit na cancer … muli.., hiningi ko ang panalangin sa ibang kaibigan ang kanyang kagalingan … Ngunit hindi nagtagal at pumanaw na ang paring nagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa marami …. Sobrang lungkot ko ng malaman ko sa aking kaibigan na pari (father fiel) ng magtxt sya sken … nalungkot kami ng sobra sa kanyang pagpanaw… napakabata pa ni father adonis para maaga sa mundo pero wala naman kaming magagawa kung yuon ang kalooban ng diyos….

Father Adonis…, ma mimiss kita… ma mimiss ko ang bawat “upload mo ng mga poems mo” …. we love you father adonis….

 

Konting tulong lang po..

Posted in Walang Uri with tags on Abril 1, 2011 by lhen8

Bilang katekista isa  po akong alingawngaw para makatulong sa mga paslit na nasa pangangalaga ng aking mga kapatid kay kristo.. ang mga madre sa ADORERS OF THE BLOOD OF CHRIST na kasa kasama kong magkatesismo sa mission center sa MGLF (Messenger of God’s Love Foundation) sa Tandang Sora Q.C. Upang matulungan sila sa simpleng hiling na matugunan ang pangangailan ng mga paslit sa darating na pasukan sa eskwelahan.

sila ang aking mga kapatid kay kristo ASC

Nais kong matulungan sila sa paraan na alam kong maaabot ko ang mga taong may ginintuang puso sa bawat sulok ng mundo dito sa blogosperyo.  Simple lang naman ang hiling ng aking mga kapatid kay kristo… ang matugunan ang mga pangangailan ng mga bata sa Orphanage na nasa kanilang pangangalaga..

mga bata sa ORPHANAGE sa pangangalaga ng mga ASC SISTERS

mga ngiti na punong puno ng PAG-ASA ... at pagtitiwala sa langit na sila ay mabibiyan ng biyaya

isang liham ang aking natanggap mula sa isa sa mga kapatid ko kay kristo…

“Hi Len, patulong naman dito oh,hehe, maghanap lang ng benefactor. , mag ask lang po sana kami ng konteng favor this coming school year for our children. Just in case its ok , here are your choices. You can choose just one for 15 children. Thank you. May God continue to bless all your endeavors and plans.”
SCHOOL SUPPLIES FOR
ST. MARIA DE MATTIAS CENTER ORPHANAGE:

• Intermediate pad papers
• Construction papers
• Oslo papers
• Red and black ballpens, pencils
• Cartolina
• Crayons
• Bond papers
• Folders

Naisip ko gamitin ang blogosperyo para maabot ko ang ibang taong nais makatulong sa mga paslit… maliit na bagay lamang po ang kahilingan namin para sa mga bata na nasa orphanage… kaya naman po isa rin po akong kumakatok sa inyong mga puso na kung maaari lamang po ay matugunan ang mga simpleng hiling ng aking mga kapatid kay kristo para sa mga pangangailangan ng mga bata sa darating na pasukan…

 

Narito po ang address at telepono ng mga ASC SISTERS (Adorers of the blood of Christ)..

14 Pilar Hidalgo Lim Street

Tierra Verde Subd. Tandang Sora

Quezon City 1107

Tel# 951-2510 look for Sister Flora Manga

 

Vocation Directress

St. Maria De Mattias Center

90 Ipil St. Marikina Heights, Marikina City 1810

Tel# 941-5166 / Cp# 0920-6118417

Blessed Maria De Mattias Center Orphanage Account no.: 389939700012 PNB Circle Branch.

Thank you.!!!



 

 

 

kUnG tLaGaNg OrAs mO nA….

Posted in Walang Uri with tags on Enero 13, 2011 by lhen8

Parang kailan lang nagdadalamhati ako sa pagkawala ng isang taong minahal ko ng apat na taon… (September6 year 2009).. Matapos ang isang taon… heto na naman ako nagdadalamhati at nakikiramay sa pagkawala ng mabuting kaibigan ..

hindi inaasahang magkikita kami muli mag kakaklase nung high school … labing walong taon na rin ang nakakalipas at muli kaming nagkita-kita…

Nakakalungkot nga lang isipin at sa paraang pagbisita namin sya masasaksihan na may lubhang karamdaman… Nagpapasalamat naman ako sa mga makabagong teknolohiya at sa madaling paraan kami nagkatagpo… Nagkatulungan kaming magbabarkada nuon na damayan at tulungan ang kaibigang nakikipaglaban sa malubhang karamdaman…

Salamat sa facebook at sa pamamagitan nuon … muli kong nakausap ang pinakamalapit kong kaibigan nung high school na si rommel..

sya rin ang unang nagbigay ng tulong pinansyal kay jaime ..dahil nsa abroad sya

sa pamamagitan nya nalaman kong humaharap na sa matinding karamdaman ang aming kaibigan na si JAIME… kaya naman dali dali kong hnagilap ang mga ilang malapit na kaibigan nya (sa FACEBOOK).. at dun nagsimulang mag usap kami ni allan … Sya ang masugid na naghagilap sa matagal na hindi nakikitang kaibigan…

(txt message)

ALLAN: Lhen punta tayo ngayon kay jaime

LHEN: Cenxa na now ko lng nabasa, may katesismo ako dito sa foundation .. sige mag c5 ako para baba ako ng bayan.

At nagkita – kita nga kami… unang pinuntahan si MARIO DANTES o sa tawag namin ATAN.. atska namin sinundo si MIKE

ALLAN     ATAN        JAIME          LHEN        MIKE

At dun nagsimula ang pag gawa ng pahina sa FACEBOOK para mas maraming makaalam sa kalagayan ng aming kaibigan .. naisipan ni allan na pagawain ako ng pahina para kung may gustong tumulong kay jaime sa kanyang pag papachemo.. at hindi kami nabigo may 3 tumugon sa aming kahilingan … (maraming salamat kay ROMMEL.., SHIRLEY .., AT IMELDA ..pAgpalain kayo ng diyos) +

Isa sa mga matalik na kaibigan ni JAIME si ALLAN ang syang tanging nakasama ko sa mula unang dalaw sa bahay … maging pagbisita sa hospital

UST hospital

sa simula pa lamang sya na nakasama ko … ang nangulit at masugit na hagilapin  ang kaibigan … bakas sa mukha ni allan ang pag aalala  … kaya kahit abala ito … hindi nagdalawang isip na magbisita dito… sa larawan na yan… yan ang araw na ibinigay namin sa aming kaibigan ang tulong pinansyal na inabot ng isang malapit kay jaime na si rommel at sinundan ito ng malaking halaga na bigay ni shirley at ni imelda….(mga ka batchmate)

Ngunit dumating ang takdang panahon ng kinakatakutan ni allan ang lumisan ang kaibigan… na hanggang kamatayan… nandun sya sa tabi ni JAIME…..

Sa aming paghihintay sa abo ng aming kaibigan … napag usapan namin ni ALLAN ang kamatayan….

Lhen: Matagal din pala mailabas ang abo nya… saan kaya ilalagay ang kanyang abo?.. basta ako ‘lan kung mamamatay ako, prang gusto ko na rin i- cremate ,, kaysa ilibign… at yung abo ko gusto ko isama sya sa lupa ng halamang bonsai… tutal maliit akong tao para buhay pa rin ako sa pamilya ko …

Allan : Ano kaya pakiramdam ng ganun noh?.. sinusunog?..masakit kaya yun?.. hindi ba pede, katawan lang sunugin itira yung ulo… ?…

Lhen: Sira!! patay na nga mararamdaman pa kaya yun?… baliw!!!

Theresa: (isa sa mga ka batch namin ) Ano ba yang pinag- uusapan nyo?..

…………… Ganun na nga ang kawirduhang napagkwentuhan habang inaantay ang abo ng kaibigan…

……………Sa pagninilay nilay ko …. nasasabi ko sa sarili ko na hindi talga natin masabi kung kelan ang takdang panahon natin… ang takdang oras kung kelan lilisanin ang mundo..

………….. Pero sa totoong buhay naman darating at darating din ang takdang panahon para sa atin… kung kelan?.. paano , saan at anong  klase at paraan tayo mamama alam sa mundong ginagalawan… wala makakapagsabi tanging Diyos  na lamang ang nakakaalam…

………….  kaya dapat lamang laging handa… gumawa at mag-isip lagi ng tama para sa pagdating ng TAKDAng PANAHON … maluwag , payapa at matanggap ng ating mga mahal sa buhay na iiwan… kung sakaling dumating na sa atin ang ORAS na iyon…

WISH KO LANG!!! ♥ Sa pASKO +

Posted in Walang Uri with tags , , on Disyembre 3, 2010 by lhen8

Ang wish ko sa Pasko

 

1. Sana gumaling na ang kaibigan kong si JAIME CARRERA sa sakit nyang

“nasopharygeal carcimona cancer or neck cancer”


2. Sana marami pang mag sponsor sa mga bata sa orphanage ng ASC ADORERS of the BLOOD of CHRIST

Adorers of the Blood of Christ

http://www.facebook.com/photo.php?pid=439825&id=100000129736623&fbid=143957292285261#!/profile.php?id=100001796563336

3. Sana mabigyan ng tulong pa ang mga batang may cancer sa CHILD HAUS

Mga batang may cancer

Yan lamang po ang wish list ko para sa xmas….

isang tugon para sa pa kontes ni salbe … (seryosong wish ko lang.. ok lang kung hindi manalo ang post ko pero sana may makabasa sa mga wishes ko…)

Para sa Make a Wish List Raffle ni Salbehe

Man’s Best Friend

Posted in Walang Uri with tags , , on Oktubre 17, 2010 by lhen8

Dati hindi ko gusto ang mag alaga ng aso… kase naman ilang beses kaming namamatayan ng aso nuon at wala akong tiyaga at panahon mag alaga … laging may nagbibigay sa amin ng aso pero hindi tumatagal at nangangamatay lang… at iritang irita akong maka amoy ng aso… kaya ni minsan hindi ko inisip na darating din pala sa buhay ko ang mapamahal sa isang aso….

Isang tao ang nakilala ko rito sa blogosperyo na talaga namang maalaga sa aso at yun ay si sandi martin … na syang naging daan para matuto akong mag blog… sa hindi inaasahang pagkakataon na makita ko ang post nya sa internet at nalibang akong magbasa ng mga sinulat nya at mga komento duon… Mapagmahal sa aso talaga si sandi dahil minsan na ka chat ko sya para lang i guide at turuan nya akong mag create ng blog… nahinto pansamantala ang pagturo sa dahilang kinakailangan nyang mag pakain muna ng kanyang alagang aso… at nakita ko nga sa mga litrato nya sa friendster na may mga alaga syang aso at maging sa avatar nya sa YM… ksama nya ang aso nya….

Napaisip ako bakit maraming nahihilig sa pag aalaga ng aso gayung napakahirap naman nilang alagaan … ayan yung kinakailangang paliguan… pakainin lagi at higit sa lahat ang kinakatakot ko nuon ay ang baka biglang mangagat…. at higit sa lahat ay ang hindi kagandahang amoy nila lalo na pag hindi kaagat napaliguan (grrrrr kainis na amoy yun!!) lalo na nung makagat ako ng aso parang masumpa sumpa ko ang aso sa galit ko nuon at kakainis na mga insekto sa kanilang katawan….

Sa anong dahilan at nahilig nga ba ako sa aso?… hindi ko rin maintindihan kung bakit…. isang araw kase nuon may isang kaibigan ang  nanay ko na binigyan sya ng  tuta… isang aspin o walang lahi ito.. galit na galit ako dahil ayoko talaga ng aso… at dagdag pakainin at trabaho sa bahay…

Isang araw… bigla akong natuwa sa tutang iyon ng bigla nya akong tahulan na para bang may sinasabi… yun pala nag susumbong ito na may nakita syang daga sa aming bakuran !!!! waaaahh natuwa ako sa kanya first time ko kaseng ma obserbahan ang kilos ng aso…. kaya naman parang ginanahan akong alagaan sya kahit na aspin pa sya (asong pinoy) dumating sa punto na nagkasakit at muntik ng mamatay iyon … pero isang bagay ang napatunayan ko sa sarili ko … na kahit may allergy ako sa aso at hindi ko talga hilig nuon mag alaga ng aso … pero ang saya pala ng pakiramdam lalo na pag ito ay naglalambing na sayo … kaya lalo akong napamahal talaga….at hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang simpatya ko sa tutang iyon (si putot) 🙂

Hindi nagtagal naging dalawa na sila (parehong lalaki) ngayon may aspin na may mongrel pa (mix breed) at pareho pa silang puti…. napakasaya na nakakapagod (sa pag aalaga) pero nakakawala ng pagod pag may pinakitang gilas at mag umpisang maglambing  sa akin….

sya si PUTOT hehehe (maliit kse sya nuong bata kya putot)

sya si HATCHIKO na napaka harot

Kaya naman wiling wili kami ng kapatid ko sa pag aalaga at bilhan ng kung anu anong anik anik nila sa buhay hehehe

Palibahasa parehong kami ng kapatid ko na wala pa ring asawa kaya mas naging masaya para sa amin ang mag alaga ng aso… na tunay na nakakawili…

Ngayon na ako naniwala na ang aso ay parang kaibigan at syang tunay dahil napapasaya ka nito , pag inaalagaan at pinahahalagahan sila nakakapag bigay sila ng sigla at kulay sa buhay.. at masasabing loyal o tapat talaga sya sayo kung ipaparamdam lang natin ang tunay na pag aalaga at pagmamahal sa kanila…

 

BDAY…

Posted in Walang Uri with tags , , on Setyembre 3, 2010 by lhen8

Ilang araw nalng pala ay nalalapit na ang special day ko…. espesyal ito dahil magka tulad kami ng mahal na birhen ng araw nya…

ang bilis bilis naman pala ng araw parang kelan lang ay nag daos na ako ng especial na araw ko… ngayon ay muling madadagdagan ang ang aking edad…haaaaayyyy

Last year ang hindi ko lang makalimutan ay ang nagdadaos ako ng aking kaarawan at kasalukuyan namang binuburol ang dati kong kasintahan… nakakalungkot isipin na wala na sya dito sa mundo… hindi man lamang kami nakapag usap bago man sya pumanaw…

Ngayon…. mag iisang taon narin syang nakahimlay…. sa darating sa Setyembre 6 ay may isang taon na rin syang nanahimik…. (nawa’y payapa na sya kung saan man sya naroroon…)

Ako naman ngayon ay patuloy pa ring hinaharap ang realidad ng buhay dito sa mundo kaya sa  darating na ika 8 ng Setyembre ay muling nadugtungan ang aking buhay (salamat sa diyos)!!!.. Patuloy pa rin akong ginagamit ng diyos sa paglilingkod bilang katekista.., at taga pangalaga ng mga paslit (LITTLE XAVIER CHOIR) sa parokya ng Saint Francis Xavier . BAgay na aking pinasasalamatan dahil patuloy pa rin akong nagmimisyon…. kahit hindi natupad ang minimithi ko nuon… Dahil unti- unti kong naiiintindihan ang plano ng diyos sa akin….

Sa darating na ika walo ng Setyembre… muli kong maririnig ang mga tao sa simbahan na nag aawitan ng HAPPY BIRTHDAY!!! dahil sa kaarawan ng Mahal na Birhen… na syang kinatutuwa ko dahil pakiramdam ko halos lahat ng tao ay binabati ako saan mang sulok ng simbahan 🙂

Dahil sa FB

Posted in Walang Uri with tags on Hulyo 12, 2010 by lhen8

Kelan nga ba ako huling nagpost?.. mahigit dalawang buwan din ata hindi ko man lang nadagdagan ng bagong post dito sa blog ko… Hindi ko man lang namamalayan na inaagiw na ang bahay ko …

Isa lang dahilan……. na adik ako kaka FB.  Dati friendster pinagkakaabalahan ko para lang makita ang mga kaibigan ko… Pero mula ng makagawa ako ng FB, pati FS ko hindi ko na rin nabibisita … at higit sa lahat ang itong blogs ko… Hanggang sa hindi ko na namalayan na suspended na pala waaaaahhh 😦  kya hindi ko mabuksan…

At dahil na rin sa FB… nalaman kong marami ng ka-blog ko ang hindi na rin ma open … ang akala ko naman sa akin ay ok lang … si MARK ang una kong nakitaan nag wall patungkol dito ..

At dahil sa FB… dalawang tao rin ang nahingan ko ng tulong dito…  na dati rati si sandi lagi ang nag aassist sa akin mag blogs (na saan na nga pala si sandi?..) Salamat talaga sa kanila… (Sandi, Fr.Fiel at Ax)

At dahil sa FB… duon ko namin nakita ang matagal na naming pinaghahanap …ang UNCLE kong nawala ng 26yrs… na buong akala namin ay patay na sya… un pala nsa saudi lang pala… dito nya kami nakita sa FB rin…

At dahil sa FB … nagkita kita kaming magkakaibigan na matagal ng walang chikahan …. mga nakasama sa trabaho… at ka skwela

mga nakasama sa trabaho

At dahil sa FB… nagkita kita ang mga magkaka batch nung high school kya mega gawa kami ng page namin….

At nang dahil sa FB … nalaman naming magkakaibigan na may isa pala kaming kaibigan na lumalaban sa matinding karamdaman na

“nasopharygeal carcimona cancer or neck cancer” (hinihiling ko na rin po na ipa pray nyo po ang kaibigan naming ‘to)


Haaaayy sa wakas muli kong nabuksan ang bahay ko dito sa blogosperyo …. 🙂

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula