Litpower
Kalinangan ng Literatura at Paglikha Incorporated

Oct
10

http://mars.nasa.gov/participate/send-your-name/orion-first-flight/?action=getcert&e=1&cn=509149

Aug
21


Aug
12

Ipinababatid po sa lahat na ang mga sumusunod na pangalang makikita ay natanggap para lumahok sa  darating na Ikatlong BULSU-KALIPI Palihan sa Malikhaing pagsulat:

ROSE ANN I CARDOSA

KHEVIN V CATAP

ABEGAIL V DE VEGA

MYLES DR DELGADO

DELIZA MAYE A FERNANDEZ

RUTH KLARIZZA MAE D IMPERIAL

MA FATIMA P LEE

NAIZA ERMIN C MENDOZA

REINA BEATRIZ PERALTA

JAYZEL M SANTOS

KIT SIMON S TORRES

MA LOUIE JHEI C VICENTE

Ang palihan po ay gaganapin sa ika-17 hanggang ika-20 ng Agosto ng taong kasalukuyan. Magsisimula sa ganap na ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. Kung may mga bagay pa na maaaring makapagpabagabag sa inyo ukol sa bagay na ito ay mangyaring makipagkita kay SIR EDEL sa faculty room ng CAL.

Binabati namin kayo! ^_^

Aug
06

Ni: Jessica Gatbunton

“Hamir, ayan na mapipisa na!” Masayang wika ni Mara sa kanyang asawa na sabik na sabik makita ang kanyang mga anak. “Mara, ang gaganda nila! Tingnan mo ‘yung isa hawig ni….” Hindi na tinuloy ni Hamir ang pagsasalita nakita niyang nag-iba ang mukha ng kanyang asawa. Sabay na nilang pinanuod ang kanilang limang inalay sa paglabas ng mga ito.

Limang malulusong na inakay ang anak ng mag-asawa. Si Pipay ang panganay, sinundan ni Ulan, sin Gin at Arah na halos iisa ang mukha at si Dilan ang nag-iisang lalaki. Sabay-sabay nag-iyakan ang mga inakay na agad naming linapitan ng mag-asawa.

“Mahal kong mga anak… mabuti naman at malulusog kayo!” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Mara. “Mara, ito na ang pagkain baka nagugutom na ang mga anak natin.” Wika ni Hamir at tigitigisang pinakain ang kanyang mga anak na lumibot at lumipad sa himpapawid.

“Mga anak, nasiyahan ba kayo sa paglipad natin ngayon? Tanong ni Hamir sa kanyang mga anak na pawing pagod na pagod. “Syempre naman Tatay. Eh ito ngang si Ate Pipay nagpapakitang gilas pa! Hahaha!” Wika ng mapang-asar na bunsong si Dian. “ Aba ! Dapat lang makita nila itong maganda kong pakpal. Mana kaya ako kay Nanay. Hahaha!” Matawa-tawang pabida ni Pipay. “Kayo talaga. Syempre mana kayong lahat samin ni Tatay niyo, hindi ba Hamir?” Sambit ni Mara habang naghahanda ng makakain ng kanyang mag-anak. “Oo naman manang mana kayo samin. Sa gwapo kong ‘to.” Tugon ni Hamir sa asawa. At ang lahat ay sabay-sabay na nagtawanan. Isa iyon sa makasaysayang araw ng pamilya nila Hamir at Mara.

Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan, nakakaalis na ang limang ibon kahit hindil nila kasama ang kanilang ama. Natututo na silang pumasyal kung saan-saan. Minsan pa nga’y ginagabi sila ng uwi. Isang araw, mag-isang namasyal si Ulah. Sa kanyang pamamasyal may nakita siyang isang puno. Ngayon niya lamang ito nakiya ngunit parang matagal na niyang napupuntahan ito. Nilibot niya ito. Nagtataka siya kung bakit ang gaan-gaan ng pakiramdam n’ya sa punong iyon. Magmula noon doon na siya pumupunta kapag gusto niyang mapag-isa o kaya kapag nakakaramdamn siya ng kalungkutan.

Minsan sinama ni Ulah ang dalawa niyang kapatid sa puno. Nagtataka sila sa pagbabago kay Ulah. Mas masigla ito at palakaibigan sa marami. “Ulah, bakit parang ang saya mo kapag andito ka sa puno na’to?” tanong ng isang kapatid na pinagmamasdan ang kabuuan ng puno. “Hindi ko nga din alam at ang gaan-gaan ng kalooban ko ngayon.” Tugon ni Ulah sa kapatid. Kinibit-balikat na lamang ng magkakapatid ang pagababago ni Ulah. Sa halip, kinatuwa ito ng buong pamilya at hinayaan na lang nila si Ulah.

Umuulan ng malakas, mahangin na mahangin. Halos niyuyugyog na ang mga puno. “Tulong… tulong…. Aaaaaaah—aaaah!” Nagising na pawis na pawis si Ulah, takot na takot. Akala niya’y totoo ang kanyang panaginip. Ilang araw na iyon lagi ang laman ng kanyang mga panaginip. “Anak, ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ng kanyang inang si Mara sabay yakap sa kanya. “Nay, akala ko nahulog na’ko sa matarik na matarik na puno. Nakakatakot ang lakas ng ulan. Walang tumutulong sa’kin.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ulah habang yumayakap sa kanyang ina. Laging iyon ang tagpo kapag dinadalaw si Ulah ng kanyang masamang panaginip.

Isang araw mayroong napansin si Ulah. Tuwing dinadalaw siya ng kanyang masamang panaginip ay nagkakaroon ng disgrasya sa kanya. Noong una ay inakala niya na pagkakataon lang ngunit halos limang beses na itong nangyari. Una noong muntik na siyang mahuli ng mangangaso sa kanyang pamamasyal. At noong napilayan siya ng hinabol siya ng mabangis na ibon.

Isang umaga, kinausap siya ng kanyang mga magulang. Pumunta silang lahat na mag-anak sa puno na palaging pinupuntahan si Ulah. Nagtataka ang mgakakapatid kung bakit. “Nay, bakit po tayo pumunta dito? Dito na po ba tayo titira?” pag-uusisa ni Dian. “Hindi naman anak. May mga bagay lang kaming ipapaliwanag sa inyo.” Pagpapaliwanag ni Hamir, dahil labis na nahihirapang magsalita ang kanilang ina kaya si Hamir na ang sumagot sa kanyang bunso. “Eh Tay , ano po iyon at saka bakit dito pa eh pwede naman sa bahay?” Tanong naman ni Ara na naguguluhan na. nananatili pa rin nananhimik si Mara na parang maiiyak na. Matagal na katahimikan ang namayani hanggang si Ulah na ang bumasag sa katahimikan. “Ano po ba talaga ang gagawin natin dito?” Medyo mataas ang tono ni Ulah na kinagulat ng lahat. “Ganito kasi iyon. May sasabihin ang nanay ninyo. Intindihin n’yong mabuti.” Wika ni Hamir. “Tungkol saan po ba?” tanong ulit ni Ulah. Hindi na makasagot pa si Hamir. Parang napipigilan. Hinihintay nilang magsalita ang kanilang ina subalit parang ang lalim-lalim ng iniisip nito. “Noong kasagsagan ng bagyo, dito sa puno na ito nakatira ang kapatid ko. Ginawa niya ang lahat para hindi mahulog ang mga anak niya. Sinamahan ko siya sa araw na iyon. Parehas kaming takot na takot. Kahit malakas ang ulan, pinilit niyang liparan ang tuktok ng punong ito para kumuha ng mga sanga pamproteksyon sa mga anak niya. Hindi pa sila napipisa. Tinuruan n’ya ko na limliman ko muna ko muna ang mga itlog.” Mahabang pagpapaliwanag ni Mara. Lahat ng anak niya ay nagulat dahil hindi nababanggit sa kanila na mayroon pa lang kapatid ang nanay nila. “Nay, ano sumunod na nangyari? Parang hindi pa tapos.” Pag-uusia ni Gin. “Oo nga Nanay. Saka bakit ngayon ninyo lang po naikwento sa amin?” dagdag naman ni Arah. “Tingin ko ngayon na ang tamang panahon. Lumipas ang ilang oras hindi pa rin siya bumabalik at bigla akong nakarinig ng hiyaw. Alam ko kapatid ko ‘yon. Hindi alam kung ano ang gagawin kung pupuntahan ko ba s’ya o ang bilin n’yang huwag na huwag kong iiwan ang mga anak niya.” Pagpapaliwanag muli ni Mara sa mga anak.

“Eh Nay ano po ginawa ninyo?” tanong ni Arah. Lahat sila ay hinihintay ang muling pagkukuwento ng kanilang ina habang nakahilig sila Gin, Dian at Ulah sa kanilang ama. “Pinuntahan ko siya agad. Hindi na kalakasan ang ulan. Gulat na gulat ako dahil nahulog siya sa punong ito. Nadaganan siya ng sangang nabali. Sugatan siya, hinang-hina. Ginawa ko lahat para maiangat siya pero hindi ko makaya dahil unti-unting nababasa na rin ang mga pakpak ko. Tanging bilin niya alagaan ko at mahalin ang kanyang mga anak. Natakot ako ng sabihin niya iyon. Bigla na lang siyang nawalan ng malay.” Umiiyak na paliwanag ni Mara sabay yakap sa mga anak. Hanggang umiyak na rin silang lahat, nagtataka sila kung bakit nakaramdam sila ng kakaiba. Biglang nagtanong si Ulah, “Nay, kaya ba ako nananaginip na parang nahuhulog sa puno dinadalaw ako ng kapatid mo?” Lalong napaiyak si Mara. Hindi niya malaman kung ano ang susunod na sasabihin. “Nay, nasaan nap o ‘yung mga anak niya? Kala ko ba nangako kayo?” dagdag pa ni Dilan.

“Mga anak… kayo ang mga anak niya. Hindi ko alam kung bakit nahirapan ako na sabihin sa inyo ito dati pa. Mahal na mahal ko kayo. Tinuring ko kayong akin. Mapapatawad ninyo ba ang nanay? Naguguluhan din ako sa mga panaginip ni Ulah. Siguro nga panahon na upang malaman ninyo.” Pagtatapat niya sa mga anak at tumulo na ang luha niyang kanina pa gustong bumababa. Lahat sila ay humagulgol ng humagulgol. Punong puno ng emosyon ang lahat. “Nay, salamat po. Hindi naman naming naramdaman sa inyo ni Tatay na iba kami. Mahal na mahal naman kayo!” wika ni Pipay na hikbi ng hikbi. “Oo nga Nay, kayo pa rin ang nanay naming at tatay pa rin naming kayo ‘ Tay . Masakit mang malaman pero ayos lang. hindi po naming kayo iiwan, di ba?” dagdag pa ni Gin na humihingi ng tugon sa mga kapatid. “Syempre naman. Mahal na mahal naming ang nanay at tatay naming. Mana kaya kami sa kanila.” Tugon ng bunsong si Dilan sabay yakap sa mag-asawa. Lalo pang tumibay ang samahan nilang pamilya. Malaki rin ang pasasalamat ni Mara sa kapatid niyang si Pugad sa mga anak nitong mababait.

Jul
15

*Mekaniks ng Pagsusumite ng Akda sa Palihan*

Ang piyesang maaaring ipasa ay alinman sa mga sumusunod:

Maikling kuwento

Sanaysay (creative non-fiction)

Tula

Kung maikling kuwento ang ipapasa kailangan itong buuin ng 3 o higit pang pahina.

Kung sanaysay ang ipapasa kailangan itong buuin ng 3 o higit pang pahina.

Kung tula ang ipapasa kailangan itong buuin ng 4 o higit pang tula.

Ang manuskrito ay kailangang computerized, short type writing, double space, 12 font size, Times new Roman o Ariel.

Ang deadline ng pagpapasa ay July 31, 2010.

Ang manuskrito ay kailangang ipaloob sa short brown envelop kasama ng resume ng awtor (huwag kaligtaang ilagay ang cellphone number at email address para madali kayong masabihan ng mga koordineytor ng palihan na isa kayo sa mga napiling fellows para sa taon na ito.

Ang lahok ay maaaring ipasa kay Mr. Edel Larin CAL Faculty Room, Federizo Hall, 2nd floor.

Visit our e-zine site: litpower.com

Mga Direktor ng Palihan:

Dr. Victor C. Ramos

Mr. Edel Larin

Mr. Orlando Pineda

Jul
07

Ni: Henry Pabustan

Ngayong gabi ang huling paglalamay ko sa aking nakaraang namatay sa trahedya ng

isang pinilit na amnesia.

Namumugto pa rin ang aking mata sa mga huling sulyap ko sa mukha n’yang ni hindi ko

nagawang sulyapan noon.(Ang dami n’ya palang pilat– may mga naiwan pang sugat na

hindi na nakuha pang gumaling.) –Kalunos-lunos ang sinapit.

Kaya ngayon ko iniluluha ang lahat… ngayon ko inluluha ang mga araw na pinalipas ng

aking kapabayaan. (Kung alam ko lang na magkakaganito….)

Kaya ngayong gabi– hahayaan kong itong tula ang maging puntod niya– kasama ng mga

salitang walang bango (na magsilbing bulaklak) na lagi nang magpaalala na minsan

s’yang nabuhay sa akin…

Ngunit natatakot akong magmulto s’ya kinabukasan at paulit-ulit s’yang dumalaw sa

aking gunita…. Ngayong gabi ang huling lamay sa aking nakaraan–

ngunit wala ni isa mang nakisimpatya–

wala liban sa akin ang nagdamdam–

wala ni ipis o ni daga–

wala… wala… wala.

Mga naulila:

Jun
16

Ni: Junelyn Socajil


Nakatambay ako sa labas ng bahay namin isang hapon, tabi ng kalsada. Nanonood ng paroo’t paritong mga batang nalalapit nang pumasok ulit sa eskwela. Hunyo na naman. Natapos na rin ang break naming mga college students na sa totoo lang ay hindi ko naman talaga na-sulit. Nag-take kasi ako ng summer para sa naiwang subject.

Iniisip ko kung ano na naman kaya ang mga posibleng mangyari sa darating na sem. Kapag naiisip kong magiging teacher na naman namin ‘yung taong hindi nauubusan ng topak sa katawan, ay naku! Mas gugustuhin ko pang mag-damo na lang sa likod-bahay namin. Alam naman natin na ang kolehiyo ay ‘di kasin-dali ng pagkain ng jelly stick. At ang pag-aaral ay hindi natatapos lang sa pag-sukbit ng bag sa balikat at pag-suot ng uniform.

Nangiti ako nang may nasaksihang usapang elementary sa tabi ko. Ang topic ay bagong notebooks, lapis, papel, pambura at iba pa. Nung kasin-laki pa lang nila ako, nasasabik din akong sumapit ang pasukan. Mantakin mong bago lahat ng gamit mo sa eskwela, ‘di ka ba gaganahang pumasok?!

Natatandaan ko pa, taong 1995 nung una akong tumapak sa eskwelahan. Day Care ‘yun, hiwalay ‘yung Learning Center namin sa Elementary School. Ang natatandaan ko lang nun, tabi ng school namin ang bahay ng ka-klase ko at may nakasabit na karatula ng DSWD ang bakod ng paaralan namin. Lasinggero rin ‘yung asawa ng Ma’am ko nun kaya takot akong pumasok dahil laging bumibisita sa paaralan para manghingi ng pambili ng gin kay Ma’am. At kapag tina-tanghali ng gising ‘yung ka-klase kong nasa tabi lang ng paaralan ang bahay, si Ma’am pa ang gumigising. Nagsipasukan na kasi ang mga kasama niya sa bahay. Ang mama niya, sa bangko. Ang papa niya, sa palengke at ang mga ate niya, sa Elementary School. Kung gaano ka-wierd ‘yun, hanga rin talaga ako sa teacher ko.

Memorable din ang uniform ko nung Day Care. Kulay pulang checkered at puting blouse, tsaka black shoes. At dahil bata, inaabot ako ng bagyo sa eskwelahan kapag alam kong ‘di ko kaya ang nerbiyos sa kulog at kidlat. Buti na lang, nariyan lagi si Nanay. Sinusundo ako ‘pag ganun ang panahon.

Natapos ang Day Care nang hindi ako naging problema ng teacher at magulang. Oo! Mabait kasi ako noon. Hindi ako maingay sa klasrum, ‘di rin ako nang-aaway ng katabi. Hindi ko rin nagawa ang mortal na kasalanan ng iba, ang tumae sa klasrum.

‘Yun na nga, kinder na ako. Iba na rin ang uniform. Jumper na navy blue at white T-shirt saka sapatos na itim. Pamilyar na ako sa ibang kamag-aral dahil nakasama ko na sila noong Day Care. Ang masaya nung Kinder ay ang ‘tulugan session’. Binibigyan kami ng teacher namin ng 20 minuto para matulog. May sarili kaming unan. ‘Yung iba, sa sahig nahihiga. ‘yung iba, sa mesa. Hindi naman talaga kami natutulog sa loob ng bente minutos noon, nagpipindutan lang kami ng ilong ng mga katabi ko sa pag-higa at kunwaring mga tulog na.

Natapos ang makulay na Kindergarten. Kung 20 lang kaming magka-klase nung Kinder, naging 50 na nung Grade 1. Sa public school ako nag-aral dahil walang private shool sa Alcantara, Romblon nun. At kung meron man, tiyak! Sa public pa rin ako mag-aaral. Isang subject namin nung Grade 1 ay ang Science and Health. Pinagdala kami ni Ma’am ng iba’t ibang uri ng halaman, dahon at bulaklak. Ididikit ito sa bond paper at lalagyan ng pangalan sa ibaba. Nakipag-talo ako sa mga ka-klase ko tungkol sa sampaguita. Wala akong muwang sa hitsura ng sampauita nung pitong taon pa lang ako. Ang alam ko lang, lima ang petals nun at kulay puti. ‘Yun kasi ang karaniwang nakikita ko sa textbook naming black and white eh. Pati si Tatay na taga-pitas ng mga halamang isasama sa project ko ay naguluhan. Hindi raw iyon ang sampaguita. Minadali ko na lang siyang idikit ang halaman sa bond paper dahil male-late na ako. Kasehodang sampaguita nga ‘yun o hindi.

Nang makarating ako ng school, naka-habol naman ako sa 1st subject na pang-hapon. Hindi ko inaasahan na kukuwestiyunin ng mga ka-klase ko ang “sampaguita”. Kesyo raw, hindi iyon ang sampaguita, mali raw ang project ko, hindi na raw ‘yun tatanggapin ni Ma’am, hindi na raw ako magkaka-grade sa project. Hindi ko na alam ang gagawin ko nun pero desidido akong magpasa. Kahit mali ‘yung “sampaguita”. Pagbalik sa ‘kin ng folder ko, nakakuha ako ng average na 93%. Ayos na. Kahit may malaking malaking ekis na pula ‘yung tapat ng “sampaguita”.

Noong, Grade 3…laktawan na natin ang Grade 2, wala namang interesanteng nangyare. Inoperahan ang nanay ko noon sa goiter. Hindi na rin ako naka-pasok dahil nagkasakit. Gumawa ako ng excuse letter at pinirmahan ko ng ako lang. Sa pangalan ko rin naka-adres. Sinulat ko sa pinilas na notebook at inabot ko sa anak ng teacher namin na may crush sa ‘kin. Tapos, kampante akong nagpahinga sa bahay. Pagpasok ko nung sumunod na linggo, lahat ng ka-klase ko nakatitig sa ‘kin. Parang ang laki ng nagawa kong kasalanan. At wala akong ideya kung ano. Tumuloy lang ako sa klasrum. Walang umimik ni isa, basta lang nakatitig sila. Nagsimula ang klase. Pagka-check ng attendance, ako kaagad ang napansin ni Ma’am. Naglitanya siya tungkol sa tamang paggawa ng liham. Tamang margin, address, petsa, lagda, ek-ek. At dahil bata, hindi na ‘ko nagdahilan. Naka-yuko na lang akong tumutulo ang luha.

Noong Grade 4, naglinis kami ng best friend ng CR. May darating daw kasing supervisor na mag-oobserve sa eskwelahan buong linggo. Ang ending, kumintab ang sahig ng CR, pumuti ang bowl, natuwa si Sir. Binigyan kaming singko, pambili raw ng kendi. Maligaya naman kami.

Ang unforgettable moment ko nung elementarya ay noong Grade 5. Napunta ako sa top secton as usual. Terror ‘yung adviser namin. Malupit siyang magparusa sa mga maiingay at mga tamad. Hindi ako madaldal noon, lalo na ‘pag klase niya. Hindi rin ako nagpapahuling nakatayo lang habang ang mga ka-klase ko, naglilinis. Ewan ko ba kung bakit nalista ang pangalan ko sa mga noisy. Hindi naman pwedeng i-dahilan na ibang Junelyn ‘yun dahil ako lang naman ang nag-iisang Junelyn sa section namin. Ayun. Napasayaw ako ng sweet sa harap ka-partner ang lalaking kamakailan lang ay umaming crush niya raw ako simula nung araw na ‘yon. In fairness sa langit at lupa, nangumbida pa si Ma’am ng audience mula sa ibang section. Gusto kong maging kabute nung mga panahon na ‘yon. Ayoko na rin tuloy pumasok.

Pero, nalagpasan ko naman ang lahat ng pagsubok nung Grade 5 kaya nakarating ako ng Grade 6. May nagawa akong kasalanan sa adviser ko. Pinakialaman ko ang abaniko niya. Tapos, nasira! Inayos ko pero hindi talaga naayos. Nag-dahilan pa nga ako kay Ma’am na inayos ko lang ‘yun dahil sira talaga. Hindi rin ako lumusot. Buti na lang, half-day lang ang klase dahil makikiramay ang mga teachers sa co-tecaher nilang namatayan. Pagkatapos nun, nakalimutan na ni Ma’am at hindi na naalala pa kahit kelan.. balak ko ngang pag-uwi ko ulit ng Romblon, pasalubungan siya ng abaniko. Para quits na kami, ‘di ba?

Hindi siguro lahat ng naranasan ko ay naranasan ng lahat ng nag-elementary. Pero, sigurado ako… hindi talaga ako tumae sa klasrum.

May
31
Ni: Nikka Austria
 
Biglang dumilim, nagulat ang lahat. Wala namang kakaibang nangyari, kaya inisip ng lahat ng lahat na nawalan lang ng kuryente. Patuloy ang lahat sa kanilang ginagawa. Pero may kaba akong nararamdaman. hindi ko matiyak kung ano ‘yon. Maya-maya lang ay parang umulan ng buhangin, hindi, hindi ulan ng buhangin ang nangyayari.

Nagulat ang mga tao. Nagtakbuhan ang lahat sa takot. Hindi ako makakilos, parang tumigil ang mundo ko bigla. Nakatayo ako sa gitna ng palengke habang nagtatakbuhan ang lahat. Hindi ko malaman ang gagawin. Natauhan lang ako sa iyak ng isang bata. Dali-dali akong lumapit para hatakin ang bata papunta sa ligtas na lugar. Pero saan ng ba ang ligtas na lugar?Malapit na ko sa bata ng bigla na lang itong kunin ng isa pang batang babae. Napanatag ako para sa bata ng marinig kong tawagin niya itong ate.

Pero bigla na lang akong napatingin sa bubong. Sobrang takot ang bumalot sa aking katauhan . Totoo ba itong nakikita kong ito o isang imahinasyon lang? Unti-unting tinutuklap ng buhawi ang bubong ng palengke. Kinalma ko ang sarili ko. Takbo lakad akong pumunta sa gilid ng palengke gaya ng ginawa ng iba. Umiiyak ang iba, nagdarasal, humihingi ng tulong, hindi alam kung anong gagawin. Nagkakagulo pa din, sumisigaw ang mga bata sa takot.

Natatakot ako, paano ko tangayin ako? Hindi ‘to kasama sa plano pero anong magagawa ko. Bahala na, ipinapasaDiyos ko na lang ang lahat. Tinawagan ko ang mommy ko, ikwinento ang kasalukuyang nangyayari. Kahit paano ay napanatag ako. At hinintay kung anong susunod na mangyayari.

Kitang-kita nang lahat kung paano tangayin ang matibay na bubong ng palengke. At unti-unti’y nagliwanag ang kalangitan. Wala na ang bubong, wala na rin ang iba pang bagay na natangay sa pagdaan ng buhawi. Lumiwanag na ang paligid. Kalmado na ang lahat. Pauwi na ang iba at nakikiusyoso naman ang iba.

At ako, naglakad ng naglakad. Medyo tulala pa sa nangyari. Hanggang nakakita ng masasakyan pauwi. Nagdasal ng taimtim at nagpasalamat sa Diyos. Masaya na at panatag dahil walang nasaktan sa nangyari.

Sa sasakyanm ay tahimik pa din ako. Si manong driver ang bangkero ng usapan. Biruuin mong pati pala mga trickle ay muntik ng tangayin. Ang nakakatawa pa sa kwento niya ay yung isang plastik ng gulay na pumasok sa sasakyan niya. Tuwang-tuwa at may ulam na siya. Basta ak, nagpapasalamat at naka-uwi ako ng ligtas.

Talaga nga namang nakakatakot. Hindi mo alam kung mabubuhay ka pa o hindi. Walang nakakaalam kung hanggang kelan nakatapak ang ang mga paa mo sa lupa at humihinga. Kaya gawin mo ang mga bagay na sa tingin mo ay tama. Samantalahin hanggat buhay ka pa. Hindi lahat ng tao ng tao ay kaya pang gawin ang mga nais nila. Kaya ano pang ginagawa mo?

May
16

Ni: Bianca Camille Apostol

Nasaan na nga ba tayo paglipas ng dalawampung taon? Unti-unti na tayong dinodomina ng teknolohiya. Kung baga cyber world na ang tawag.
Nag-umpisa ang pagdomina ng teknolohiya noong panahong nauso ang mga computer at cellphone… may pinsan nga ako..8 years old pa lang sya..hasler na sya sa mga larong counter strike, Y8 at iba pang video and computer games na uso ngayon. Mayroon na rin syang sariling facebook..nakikipag agawan na sya sa amin sa pag gamit sa computer.. naalala ko tuloy noong kabataan namin, ang mga usong laro pa na madalas naming laruin ay patintero, harangang taga, piko..pati na rin ang chinese garter at jockstones. At kung maliwanag ang buwan, madalas kaming maglaro ng taguan..pagkatapos ay nagkakatakutan. Napalitan na nga ang uso. Hindi ko na nakikitang nagpapawis ang pinsan ko sa pakikipaghabulan sa mga batang ka edad nya…ngayon, nakikipagbarilan na sya sa mga kalaro nya sa loob ng computer. nagpapasabog ng mga granada at gumagamit ng iba’t ibang klase ng baril.


Nawalan na rin ng silbi ang mga post office..sabagay, mas napabilis naman ng e-mail ang pagpapadala ng sulat..isang click lang, presto! Natanggap na ng ang letter mo. Yun nga lang, nawalan ng trabaho ang mga postman dahil wala ng interesadong magpadala ng sulat.
Nag evolve na rin ang e-mail sa YM. Makakapag usap kayo ng hindi kayo nagkikita. Chat-chat na lang kumbaga. Doon mas lumawak ang pakikipag boyfriend sa mga foreigner through chat.


Pataais pa natin ng kaunti, mula sa chat na nag uusap, ngayon pwede mo ng makita at marinig ang boses ng kausap mo kahit nasa magkabilang panig pa kayo ng mundo. Uso na kasi ngayon ang webcam. Parang ganyan ang set up ng mga pilipinong mga kapamilya abroad. Tulad ng tito ko, nasusubaybayan nya sina tita dahil 3 beses sa isang araw sila kung mag usap ng naka webcam. Nauso tuloy ang cybersex.
Mula sa hichtech na mga gamit, mapunta naman tayo sa dati ay pangarap ko lang..nabubuhay sa imahinasyon ko dala na rin ng mga napapanuod ko sa tv. Nagsimula ko silang makita sa isang batang lumilipad habang nagliligtas ng buhay..hanep ang batang ito, ipinagdiriwang pa ang birthday nya.. sikat sikat.. pati na rin ng limang sasakyang lumilipad at nag vo-volt in, upang kalabanin ang mga monsters na nagsusulputan upang manakot.. kabisado ko pa nga dati ang theme song nila. ngayon, totoong totoo na talaga sila. Minsan nga napanuod ko sa tv na may isang dinesenyo pa para maging kasambahay. May ibang pang office ang dating at may isa na receptionist. .hindi kaya dumating sa puntong puro sila na lang ang gagawa ng mga bagay na dati ay tayo ang gumagawa.? Parang yung napanuod kong movie ng isang black american na nakikipaglaban sa isang batalyong robot dahil sinasakop na nito ang buong amerika. Minsan nga naisip ko, baka nga magkatotoo na ang isang scifi movie na pinanuod ko na nakatulugan ko ata, yung lalake na in-love sa isang babaeng robot…malaki nga yata ang posibilidad noon dahil sa ngayon, may mga lifesize robot na ang purpose ay para sa sexual arousal ng mga tao..


Dahil nga masyado ng high tech ang mundo, hindi maiwasang pati tayo ay gumaya na. tulad ng hightech na eleksyon..automated na kung baga.. ipapasok mo lang sa machine presto na-count na ang boto mo..


Sa dinami-dami ng mga naiimbentong makabagong teknolohiya ngayon, hindi ko maiwasang mag isip kung ano pa kaya ang wala? Kung ano pa kaya ang maiisip gawin ng tao? Minsan nga sabi ng prof ko, may naimbento na raw na kumo-control sa weather natin.. kaya nilang magkaroon ng bagyo.. ng buhawi.. parang naniniwala na nga ako..hindi ba’t sabi noon sa lumubog na MV princess of the stars ay bumalik daw ang bagyo na impusible namang mangyari kaya ito lumubog? Ewan ko na lang.. Bakit hindi na lang sila gumawa ng isa pang ozone layer para naman mawala ng global warming, at ng lumamig lamig na dito sa pinas..o on the process na sila?…

Apr
19

ni: Maris Castro

H’wag mo akong tirisin

ni wag laruin.

Hindi! Hindi makabubuti

sa mukha mong makinis.


H’wag mo akong pigain.

Lalabas ang naknak na

maaari mong sumpain para

sa pangarap mong maging beauty queen.

Ako pa ang iyong sisisihin.


Lilipas. Iimpis. Maghihilom.

Subalit sa di sinasadyang pagkakataon,

nakukutkot mo ako nang

wala sa loob.

Design a site like this with WordPress.com
Get started