Eto na naman ako pasilip silip lang. 2 yrs na pala mahigit since my last blog. Magaling na yung kagat ng aso sa muka ko. Medyo busy lang sa trabaho, actually naghahanap uli ng trabaho. Bwelo lang ako and I’ll be back in blogging.
PAINFULL VALENTINES DAY
Ang swerte ng ibang nag celebrate ng heart day kasi kasam labs nila, nag dinner, namasyal, may nag kwiki, or just simply spending time with each other. Kakainggit. Pero kakaiba valentines ko ngayon, andoon kaya ako sa ospital ng San Lazaro.
Totoo yata ang sabi ng mga Tsekwa na medyo malapit sa aksidente sa year of the rat ang mga taong ipinanganak ng Year of the Pig. 2 times na akong nag kasakit nitong January, trangakaso and food poisoning. Akala ko ligtas ako for the month of February, hindi pala.
12 Feb. nakagat ako ng aso namin. May katandaan na rin yung aso kaya siguro may sayad na. mahabang istorya kung iku-kwento ko pa kung anong nangyari. basta ayun, kinagat ako ng aso namin and sad to say medyo malaki ang damage. Sa pisngi ko.
So, pinadugo ko muna then hinugasan tapos binuhusan ko ng alcohol. Nag punta kami sa pinakamalapit na clinic. Unfortunately, anti tetanus lang ang naibigay sa akin. So obligado akong pumunta sa isang Dog Bite clinic sa Taytay.
13 Feb, pinuntahan ko yung clinic at nag inject sa akin ng PVRV sa magkabilang braso. 800 pesos per shot and I need around 5 shots. Eto pa, dahil sa muka ako nakagat, mabilis mas delikado raw kasi malapit sa brain. Kahit na raw na may anti rabies na yung aso, hindi pa rin nakakasiguro kung may active na rabies na nakapasok sa katawan ko. So, sabi nila I need to have ERIG vaccine, yun daw yung mabilis na vaccine para mas mabilis nito ma prevent ang pag akyat ng rabies sa brain ko. Nirekomenda nila ako sa isang clinic sa Alabang. Nagta nong ako kung magkano,, ang sabi nalang ng nurse ay maghanda na lang daw ako ng mga 15k para sigurado. 15K????? Oh MY GULAY!!!!
14 Feb, no choice ako kundi pumunta sa San Lazaro Hospital kasi mas mura daw don at pwede ka makakuha ng kahati sa gamot. Maaga ako umalis ng bahay, nakarating ako sa San Lazaro ng 11 am.. Grabe pala don, pila ang nag papaturok ng gamot. Haba ng pila. Nung naresitahan na ako, dumiretso ako sa botika para bilhin yung gamot. 13.78 cc and need ko, pero 5cc lang every bottle or valve. sa makatuwid 3 botelya kailangan ko pero may sosobra pang konti. 3600 pesoses lang naman lahat. Aray!!
Kumain muna ako bago ako nag paturok. Eto na, turn ko na. tinanong ako kung kung hahatiin ba yung pag inject or isa nalang. kung hahatiin sa tatlo, pati sa sugat ko tuturukan nila. Ano ako bali, baka sila makagat ko pag ginawa nila yon. tinanon gko kung may option na iba, meron daw, Sa magkabilang pige ng pwet ko. Eh di yun nalang. Inihanda ng nurse ng gamot at injection, PUTARAGIS! karayom yata pang kabayo yung gagamitin sa akin. ang haba at ang laki. Pinaghati yung gamot sa 2 injection. Ayun na, oras na ng pagdurusa (uli), pinaupo ako tapos pinababa ang pantalon ko ng bahagya. Yung unang turok sa kanang pige ko, medyo ok lang kasi mg 4cc lang yata yung nasa siringe. Pero yung intinurok sa kaliwa, mga 9 cc ang laman, halos mabiyak yung sandalan ng Orocan na upuan sa pagkakagat ko. Yon pa man din yun malaking karayom at mas maraming gamot. Ang lapot pa ng gamot kaya mas masakit ang pag turok. Hayz…. namanhid ang pwet at balakang ko.
Ngayon, kailangan ko pa ng mga follow up 4 PVRV shots para daw mas epektibo at kumpleto ang gamot. Sa ngayon, may 10k na nagagastos ko. Pinag iisipan ko pa kung mag papaturok pa ako or hindi na. Kung babalik din ba ako sa San Lazaro or not. Kung aantayin ko nalang ba na manghabol ako ng pusa at kumahol nalang.
Pero one thing for sure, huwag na huwag nyo deadmahin pag nagakat kayo ng aso, pusa or kahit anong hayop. Kasi yung isang nakita ko sa ospital, nakagat daw ng aso at napabayaan. Iba na ang tingin nya, maitim na halos ang labi, tulo laway at nagwawala. Sabi ng doctor iakyat daw sa 3rd floor. Eh don pala yung mga hopeless cases. Naapektuhan na raw ang utak. Hindi na ma gagamot at hinihintay nalang madedo.
Mga dapat gawin kapag nakagat ng aso o pusa
1. Hugasan ng sabon at tubig
2. Lagyan Betdine or Alcol. Iwasan angbawang, ito ay nakakapaltos ng sugat. Huwag pisilin o paduguin.
3. Kumpletuhin ang bakuna sa rabis at kontra tetano.
4. Bumalik sa klinika na ayon sa petsa na bakuna.
Mga dapat gawin sa aso o pusang nakakagat
1. Itali o ikulong ang aso. Huwag saktan o papatayin.
2. Obserbahan ito sa loob ng 14 na araw mula sa araw ng pagkakagat.
3. Alagaan at pakainin at obserbahan araw araw.
4. Kung buhay ang aso sa loob ng 2 linggo, ito ay walang rabis.
5. Kung meron may sakit, nanghina o mamatay ang aso, dalhin sa animal clinic o sa mga laboratoryo ng RITM o San Lazaro Hospital.
PRAKTIS SA PANDARAYA!!!
Naalala nyo pa ba yung WOWOWEE SCANDAL? Laking issue non, Pati ang mga tv hosts ay nag kagulu-gulo dahil sa nasabing pandaraya. Nagbigay na rin ng paliwanag ang ABS-CBN na mechanical glitch daw yon.Totoo naman kaya?
Eh ano na naman itong kumakalat na video sa youtube? Kayo na ang humusga..
Panay ang reklamo ng ABS_CBN na niloloko raw sila ng GMA sa tv ratings at nananalo pa ng best male host si PAPI. Ang tigas na muka!!!
