Chapter 12
ISANG simple ngunit marangyang kasal ang ginanap sa hardin ng mansiyon. Mga piling-piling bisita lamang ang naroon.
Napakaganda ng bride sa kanyang Victorian wedding gown. At kay kisig ng groom sa silver suit nito.
Pagkatapos ng ritual na palitan ng vows at singsing, humarap sa tao si Maya bilang Mrs. Maya dela Rosa-Lim.
Nakapaligid sa mga bagong kasal ang mga bumati na hindi halos matandaan ni Maya kung sinu-sino.
Nang pumailanlang ang isang bridal waltz ay hinila ni Richard ang asawa sa gitna ng bulwagan.
I’m….. I’m afraid it was senior prom when I last dance the waltz….” kinakabahang bulong niya sa asawa. Alam niyang sa kanila lahat nakatuon ang pansin ng lahat.
Isang ngiti ang isinagot ni Richard sa kanya at buong husay siyang dinala nito na nakalimutan niya ang kaba.
“You’re very beautiful, my greek goddess…..”
“T-thank you….ikaw rin….” natutunaw siya sa titig ng asawa.
“I’m afraid somebody will pinch me and I’ll wake-up…..” bulong uli ni Richard.
“You’re acting youre part as well….”
Isang mahinang tawa ang isinagot ng asawa. “Hindi ako mahusay na artista, my dearest Aphrodite. I always say what I feel. But sometimes, I have to suppress to protect my pride.”
Gustong itanong ni Maya kung ano ang ibig sabihin ng asawa subalit hanggang sa matapos ang tugtog at nagpalakpakan ang lahat ay walang tinig na lumabas mula sa mga labi niya.
Sinalubong sila ni Simon at Joan na siyang bestman at maid of honor.
“I’m so happy for you, Maya……” hinalikan sa pisngi ang kaibigan.
“Hinahangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa,” kinamayan naman ni Simon si Richard. “Lamang, hanggang ngayon ay duda pa rin akong may mga bagay na hindi ko nalalaman.”
“Masyando kang mapaghinala, Tito Simon. Dapat lang sigurong mag-asawa ka na rin nang hindi ka nag-iisip ng kung anu-ano.” Sabay sulyap kay Eds na sandaling nailing.
“Wow! Tito Simon? Talagang Tito Simon ang itatawag mo sa akin ha Richard? No way! Magkaidad lang tayo!” natatawang pahayag ni Simon.
“Ano masama duon? Tito ka ng sweetheart ko, natural lang na iyon ang itawag ko sa iyo.”
“Oo nga, hindi ko naman itinatanggi na Tito ako ni Maya, pero kaibigan kita at hindi lang kaibigan magbestfriend tayo kaya Simon lang ang itatawag mo sa akin.” pahayag ulit ni Simon.
“Okay Simon, kung iyan ang gusto mo.” Pahayag naman ni Richard at tumango na lang si Simon na natatawa.
Lumapit sa kanila ang mga magulang ni Maya.
“Saan ba ang tuloy ninyong mag-asawa pagkatapos ng reception?” tanong ni Arturo.
Sinulyapan muna ni Richard ang asawa bago sumagot. “Tinanong ko nga po si Maya kung gusto niya na lumabas ng bansa pero ayaw niya kasi baka daw po mahirapan lang siya. So, we are driving down to my old house in Laguna.”
Nagulat si Maya pero hindi nagpahalata. Totoong nag-suggest si Richard na mag-out of the country sila pero hindi nito sinabi sa kanya na tutuloy sila ng Laguna sa halip.
“Ikaw na sana ang bahala diyan sa anak namin, Richard. Napakabata pa ni Maya. Hindi ko talaga akalaing……” gumagaralgal ang tinig ni Teresita na sinabayan ng pamumula ng mga mata.
“Hija, hindi ito okasyon na dapat iyakan. Kasal na ang anak mo,” inakbayan ni Arturo ang asawa.
“Don’t worry, Mommy, Maya knows how capable I am in taking care of her lalo na sa mga hindi inaasahang outburst,” makahulugang sinulyapan nito si Maya na nagyuko ng ulo.
“Dali-dalian ninyo ang pagbibigay sa amin ng apo, Richard. Tumatanda na kmi.” Si Arturo uli.
“Daddy!”
“Soon, Dad. Very soon. Hinding-hindi po kayo maiinip,” nakangiting sagot ni Richard. Nagpalitan ng makahulugan na sulyap si Maya at Eds.
Nahinto ang pag-uusap nila dahil sa paglapit ng ilang mga bumati. Hindi agad namalayan ni Maya na wala na sa tabi niya ang asawa.
Sa gitna ng kasayahang iyon ay nakaramdam ng pagkahapo at kaunting pagsama ng katawan si Maya, hinanap niya si Eds ngunit kasayaw na ito ni Simon. Ang mga magulang naman ay may mga kausap.
Wala sa loob na napalabas siya sa may teresa. Subalit naudlot ang paglabas niya nang mapunang may tao a labas. Nag-uusap ang mga ito.
Aatras na sana siya pabalik ngunit dala ng kung anong kuryusidad at sumilip siya. At nakita niyang si Richard ang nakatalikod na lalake na kausap ang isang magandang babae.
“Masasanay ka rin, Celeste…..”
“Oh, Richard….hindi ko kaya,” sagot ng babae na tila humihikbi.
Itinulos sa pagkakatayo si Maya. Masasanay saan? Araw ng kasal nila ay may inaasikasong ibang babae ang asawa niya.
At nang muli siyang mag-angat ng paningin ay nakita niya nang kawitin ni Celeste ang leeg ng asawa at hinalikan sa mga labi. Hindi nakayanan ni Maya ang tagpong iyon at mabilis na bumalik sa bulwagan.
Saan ka ba galing? Hinahanap kayo ni Richard ng ibang mga bisita. Bakit ka namumutla?” sunod-sunod na tanong ni Eds.
“N-nahilo ako ng kaunti, Eds.” Hindi niya gustong ipaalam sa kaibigan ang nakita niyang eksena.
“Sa kalagayan mo ay masama ang mapagod nang husto. Kung sabagay ay unti-unti nang nag-aalisan ang mga bisita kaya nga hinahanp ko kayo. Nasaan ba ang asawa mo?”
Alanganing lumingon sa pinanggalingan si Maya. “Nasa loob siguro. Tara na dun sa loob…..”
Pasado alas-kwatro na ng hapon nang mag-alisan ang mga huling panauhin kabilang na sina Arturo at Teresita. Gayun din sina Simon at Eds.
================
“Change into travelling clothes, Sweetheart. Nasa wagon na ang mga bagahe natin,” sabi ni Richard.
Walang kibong sumunod si Maya. Gusto niyang sabihin kay Richard na hindi niya gustong magtungo sa resort pero alam niyang walang mangyayari kung isasatinig niya iyon.
Maliban sa normal na pag-uusap manaka-naka ay tahimik na naglakbay ang mag-asawa patungong Laguna.
Alas-nuwebe na ng gabi nang sapitin nila ang bahay na minana ni Richard sa mga magulang nito. Isang matandang katiwala ang nagbukas ng gate sa kanila.
“Pakidala na ninyo sa loob ang mga bagahe, Mang Lem,” utos ni Richard sa katiwala na bumati sa kanila.
Inakay nito ang asawa papasok sa kabahayan na di ganoong nailawan. Si Richard na mismo ang nagbukas ng mga ilaw at tumambad kay Maya ang maluwang at magandang bahay. Neo-classic ang ayos nito. Bagay sa yari ng bahay na sa palagay niya ay renovated na. Capiz ang mga bintana.
Sa bukana ng hagdan papanhik sa itaas ay binuhat siya ni Richard.
“Anong ginagawa mo?” sabi ni Maya na nagpupumiglas.
“Observing tradition.”
“Ibaba mo ako!” patuloy sa pagpipiglas si Maya na hindi naman inalintana ng asawa.
Itinulak ng isang paa ni Richard ang pintuan at ipinasok sa kuwarto ang asawa at ibinaba sa mismong loob ng silid.
“Hindi ka gaanong kumain kanina, ano ang gusto mong ipahanda ko?”
“H-hindi ako nagugutom. Napapagod ako….” hindi siya nagsi-sinungaling. Preparasyon sa kasal, tension at puyat, ang nag-daang reception at ang oras ng biyahe ay sapat na upang wala na siya halos na lakas. Huwag nang idagdag na nagdadalang-tao siya.
“Mag-shower ka na habang kinukuha ko ang mga bagahe natin sa ibaba.”
Nang lumabas ang asawa ay pumasok sa banyo si Maya. Doon na rin naghubad at pagkatapos ay nagbabad sa maligamgam na tubig. Makalipas ang ilang minute ay inabot ang tuwalyang nakasabit sa rack at itinapis sa sarili.
Naudlot siya sa may pinto ng banyo nang makitang naroon ang asawa at inaayos ang mga gamit nila.
“Magbihis ka na,” anito na inabutan siya ng pantulog.
Atubiling inabot niya ang tuwalya at muli sanang papasok sa banyo upang doon magbihis nang hawakan siya ng asawa sa braso.
“Nahihiya kang magbihis sa harap ko, Maya?” Mag-asawa na tayo,” marahang wika nito.
“H-hindi ako sanay doon.”
“Umpisahan mo nang sanayin ang sarili mo ngayon pa lang, sweetheart. We’ve been into the most intimate situation na maaaring pagsaluhan ng isang lalaki at babae….” nakangiting wika ni Richard.
“Iba iyon……wala ako sa sarili ko….”
“When I make love to you, patutunayan kong ang nangyari sa resort at ang mangyayari ngayon ay pareho,” kinabig nitong payakap ang asawa.
“Please…..” matigas na protesta ni Maya na hinigpitan ang pagkakahawak sa tuwalyang nakatapis.
Nagbuntong-hininga si Richard at binitawan siya. “Alright. Magbihis ka habang ako naman ang papasok sa banyo,” nag-alis ito ng polo-shirt at pants at pumasok na sa loob ng banyo.
Mabilis na nagbihis si Maya. Pagkatapos ay pumailalim sa kumot at nahiga. Ang malambot at mainit na matress ay sapat na upang malimutan niya ang lahat ng agam-agam.
To be cont.
Patawarin nyo po ako na ngayon lang ako nakapag-update.
