
Change of Heart: Schooling in the Midst of Pandemic


Yung sobrang excited ng Nanay for 7th birthday party ni Kuya Lourd tapos hindi pala matutuloy dahil sa ECQ. Killjoy talaga itong pandemya na ito eh. Bwisit kang Covid-19 ka, go away na daw sabi nila Lourd at Mica. Pero syempre, palaging may paraan para mapasaya at mairaos ang mahalagang araw na ito para kay Lourd James.
Last year ko pa iniisip kung swimming party since summer tatapat o kiddie party sa Jollibee para mas makatipid ang Nanay (haha!). Ay syepmpre doon tayo sa mas makakatipid ang Nanay. So, ayun na nga, wala pang ber months last year, naglista na ako ng invited para sa party nya, naglista na ng mga need bilhin at gastusin para sa budget. January pa lang nagpa-reserve na sa Jollibee. At syempre naghanap na din ng mga sponsors. Hahaha. Pero matapos ang pagpa-plano, mauuwi pala sa quarantine party ang lahat.
Na-cancel lahat. Sa Jollibee party, sa cake at kung ano pa. Salamat sa kaibigan na nagbigay sakin ng ideya. Gawin ko na lang daw quarantine party ang theme since bawal din naman mag-imbenta. At ganun na nga ang kinahantungan.
Since long weekend dahil sa Eid’l Fitr, nag-leave na ako ng 26-27 para mas mahaba ang rest day ko at magawa ko lahat ng kailangan in 5 days. Ay wow! DIY lahat ng ginamit sa party ni Lourd. Ako ang gumawa ng banner, party hats, at kung ano pa. Alam kong wala akong ka-art-art sa katawan pero pwede na yan at no choice. Haha. Salamat din sa nakausap kong supplier at na-push ang cake ni Lourd (si Bumbleebee na lang since yellow and black din sya, na sakto sa color ng theme). Last minute naghanap ng gagawa ng cake kasi na-cancel yung taga-Sta Rosa. Salamat din sa mga Ninang na nag-sponsor ng cake. Hihi





At dahil tatlo lang silang bata sa party, itinodo ko na ang laman ng loot bags. Pang-1 week na candy na nila yan. Haha. Tingnan nyo kung gaano nabigatan si Lourd sa loot bag nya.


Araw-araw na ako nagluluto ng merienda nila. At alam kong ayaw na nila sa spaghetti ko. Haha. Kaya para pahinga talaga, nagpa-deliver lang kami ng Jollibee pan family spaghetti, chickenjoy bucket, burgers, at pizza. Yan na lahat ng handa namin, at nagkasya mula tanghalian hanggang hapunan! Yehey!
Salamat din sa padalang regalo ni Mama Thet. Hindi lang si Lourd ang masaya kundi pati ang dalawa nyang bisita. Lahat sila may binuksan na kalat este laruan pala ngayong araw.
Marami din naman virtually invited sa birthday party ni Lourd dahil nakikanta din ng happy birthday ang pamilya namin mula sa Tondo at Virac. Lahat kami halos may hawak na cellphone habang kinakantahan si Lourd (salamat sa Messenger. Hehe).






Picture taking, singing happy birthday kay Lourd, blow ng candle, kain kain kain, at swimming. Yan ang kabuuan ng quarantine party ni Lourd. Masaya naman daw sya at 7 years old na sya. At masaya din kaming lahat para sa’yo, anak. Maligayang kaarawan! Mahal ka namin. ❤





After weeks ng ECQ, nag-chat sakin si James na huwag muna i-enroll ang mga bata for the next school year. Mas mainam na mag-stay sa bahay para mas safe sila. And I quickly said yes. Of course, top priority natin ang safety ng ating mga anak.

So bakit nga ba okay lang na ma-late sila sa eskwela?

Sabi ni DepEd Secretary, wala daw learning ang mga bata pag nasa bahay lang. But I disagree. Hindi lang naman sa classroom may matututunan. Sa panahon na nasa bahay sila, pwede silang turuan maging independent. Maghugas ng sarili nilang plato, tumulong maglaba, magluto, maglinis, maligo ng sarili nila, turuan magbasa, magsulat, at kung ano pa.
Delay din naman ako ng 1 year sa school. Bilang hindi ako nag-attend ng kinder at diretsong grade 1 na ako noon, nabigla ako at nag-tantrums. Hindi kinaya ng parents ko kaya grade 1 pa lang pinahinto na nila ako. Haha. Kaya mas matanda ako ng 1 year sa mga classmates at friends ko. Pero okay lang naman ako ngayon, nakapagtapos naman ako ng kolehiyo at may maayos na trabaho. Kaya personally, alam kong magiging okay lang din ang mga anak ko kahit ma-delay sila sa school ng isang taon o hanggang masabi natin na safe na.