0

BABAY!

Parang bula nawala ng biglaan
Pati lahat ng ala-ala

Pwede mo naman akong itext
Pwede ka rin namang tumawag
Pwede mo rin naman ipasabe
Kay manong Ogag
Pero bigla kang nawala
Para kang naging bula
pluk yun! Nawala!
Bigla kang nawala

Sana nagpasabe ka man lang
Hindi ganto wala akong alam

Andali kayang magsabe ng babay
Andali kayang magsabe ng babay
Andali kayang magsabe ng babay
B.A.B.A.Y.

Andali kayang magsabe ng babay
Andali kayang magsabe ng babay
Andali kayang magsabe ng babay
B.A.B.A.Y.

Pwede mo kong puntahan sa bahay
Alam mo naman ang address namin
Dyan lang sa tabe ng bahay ni Aling Choling
Block 48. Lot 5, Banker’s Village
Alam mo na alam mo yan
Kasi sinusulatan mo ako dati, diba?

Sige na pasabe ka man lang
Hindi ganto wala akong alam

Andali kayang magsabe ng babay
Andali kayang magsabe ng babay
Andali kayang magsabe ng babay
B.A.B.A.Y.

Andali kayang magsabe ng babay
Andali kayang magsabe ng babay
Andali kayang magsabe ng babay
B.A.B.A.Y.

Babay
Babay
Andali kayang magsabe ng babay
Babay
Babay
Andali kayang magsabe ng babay
Babay
Babay
Andali kayang magsabe ng babay
Babay
Babay
Andali kayang magsabe ng babay

0

Your Highest Aim

Through roads you took were not what you want.

Through decisions you made had failed

Look up to the sky and aim for the clouds

Follow the horizon where only few had sailed.

 

Aim for the heavens, but don’t be afraid

To take wrong turns and fall down again

Learn to stand when many had failed

Learn to pass the tests life had laid

 

Image

 

Reach out your hands and touch your faith

The only root to where you are now

Keep your faith, walk on your path

Believe in yourself and be strong enough

 

And when the time came when you have won 

All the glories and fame you had

Keep in mind and remember this:

YOUR HIGHEST AIM had started all from God. 

 

 

By: Liza Marie Montillano

The Marian Newswaves 2011

page. 14

0

Wrong Call

May mga tao talaga na maalala mo dahil lang sa maliliit na bagay na di naman sinasadyang mangyare. Pinipilit mong kalimutan pero di maiwasang di sumanggi sa iyong isipin. Ang kulit nya noh? Tinataboy na nga ipinagsisiksikan pa din yung sarili nya sa utak mo. Ganun lang talaga siguro kase mahal mo.

Uhmmmm..

Alam mo miss na miss na kita. Bakit di ka nagpaparamdam? May nagawa ba ako sayo na ayaw mo kaya ganyan ka? Wala naman akong matandaan eh. Bigla ka na lang nagkaganyan..

October 5, 2013 around 8 to 9pm nung nagsimula kang magkaganyan. Tandang tanda ko yun kase yun ung araw na dapat may sasabihin ako pero di natuloy kase parang nanlamig ka bigla. Hanggang sa wala na akong narereceive na text at call galing sa’yo. Kahit chat wala. Pero sabi ko sa sarili ko ayos lang yun baka busy ka. Inintindi ko yun pero bakit hanggang ngayon ganun pa rin? Masyado na ata akong nagpapakatanga. Bakit kase kung kelan mahal na kita saka ka pa nagkaganyan? :((

Kanina tumunog yung cellphone ko, October 30, 2013, 2:56pm. May tumatawag. Kinuha yung cellphone ko. Unregistered yung number pero ako pa rin yung unang nagsalita. Normal lang yung boses ko.  “Hello?” tapos nagsalita sya “Hello” Lalaki yung boses, ewan ko bigla akong sumaya. Tapos nagsalita ulit sya. Nung mapainggan ko ng ayos ung boses nya. Iba pala (assuming ako) maya maya nagpaalam na sya. “Sige, sorry sa abala. Wrong call lang ako. Bye.”. Yung maganda kong maghapon kahit walang gingawa nabalot ng kalungkutan naalala kase kita. 😥

Ang dami ko ng kwento sayo. Namimiss ko na yung boses mo. Yung kakulitan mo. Yung mga kwento mo. Yung bigla bigla mong mga banat na todo kilig naman ako. Haha. Yung di mo pagtawa sa jokes ko. Kahit kill joy ka miss na miss na kita. Di ko talaga alam kung bakit eh. Uhm, pwedeng magrequest? Paliwanag naman oh. Wala talaga akong maintindihan. Sa ngayon naiintindihan ko kase alam kong busy ka. Maghihintay ako promise pero sana wag mong hintayin na magsawa na talaga ako sa kakahintay sa’yo.

May gusto nga pala akong sabihin sayo. “Alam mo dati mahal na kita pero nung nagkaganyan ka di ko na alam. Siguro sa pagnaliwanagan ako pwede pa. Sabi mo naman maghihintay ka di ba? Pero kung hindi na ayos lang magsabi ka lang madali naman akong kausap eh” 🙂

~PS: Shhhhhh! Lang po tayo. Salamat!

2

Miss Ko na Yung Dating Tayo

Dati ang saya saya natin. Laging magkausap, tawa dito tawa duon. Magkasama sa lahat ng bagay. Pagkatapos ng eskwela gala dito gala duon. Masayang nagkukwentuhan ng kung anu-ano. Nagpromise pa nga ako sayo na di kita iiwan. Magkaibigan tayo forever pero pano ko matutupad yun kung ikaw mismo yung lumalayo? May nagawa ba ako?

Sabihin mo naman ng maliwanagan ako. Minsan kahit binabalewala mo na ako sige ka parin ako ng sige. Nagmumukha ka na nga akong tanga kakakamusta sa sayo pero wala ka pa ding pakialam. Naaalala mo lang ako pag may kailangan ka. Pero ayos lang yun kase alam ko na tumutupad ako sa usapan. Ganun lang talaga siguro ang buhay kahit pa magpakamartyr pa ako wala pa ring magbabago. Pero wala eh ganun ako magpahalaga kahit na binabalewala na patuloy pa rin akong maghihintay. Hindi man ako maging masaya ngayon alam ko balang araw magkakaroon ng kapalit ang lahat ng iyon..

Marahil ay manhid na ako sa ganyang bagay pero tandaan mo. Baka bigla akong magsawa kakakintindi sa mga bagay na pinipilit kong ipaintindi sa sarili ko na hindi ko alam kung tama ba o hindi. Tumutupad ako sana ikaw din.. <//3 

Alam mo isa lang ang masasabi ko. “Miss ko na yung dating tayo” :((

 

Image

 

 

~medyo madrama. HAHAHAHA

0

Bakit Nga Ba? Ganito Kase Yun…

TUKO? Bakit nga ba tuko ang pangalan ng blog ko? Hahaha. Ganito kase yun…

 

 

Gabi yun andito ako sa kwarto ko nagkukulong na naman. (lagi naman) binuksan ko ang aking mahal na laptop. Haha, open ng twitter and then facebook. Scroll down.. Scroll up.. Maya maya nagchat yung bestfriend ko. Sinend nya saken yun link ng blog nya tapos nagbasa ng kung anu ano. Nalaman ko na din na may iba na din akong mga kaklase merong blog kaya ayun pinagbabasa ko. Matagal ko na ding pinagiisipan na gumawa, sembreak naman kaya may time naman siguro ako. Gumawa ako ng BLOG. Habang nagfifill ng ng requirements para makagawa ng blog. Nabasa ko yung “site title” bigla akong napaisip. Ano nga bang atitle ko sa blog ko? Kaya napahiga na muna ako. Isip.. Isip.. Tingin sa paligid ng makakita ako ng Tuko. Hahaha. Pinagisipan ko pa din yung kung yun na ba talaga kase pwede namang ahas o kaya ipis pwede ding daga takot din naman ako dun sa mga yun. Pero napagdesisyunan ko na tuko na talaga. At may kwento ako sa inyo :DDDD

 

Tuko.. Alam nyo bang nakabantay lagi saki yung tuko na yun sa CR, sa kusina pati dito sa kwarto ko. Nagiging dahilan din yun ng pagkukulong ko dito sa kwarto. Andun kase yun sa may pinto napwesto kaya di ako makalabas. Feeling ko kase tatalunan nya ako pag dumaan ako sa ilalaim nya. At feeling ko lagi yung dalawa nyang malalaking mata nakatingin saken. Nakakatakot. T.T

Minsan nga sa CR, nagmamadali ako nun kase malalate na ako maga-6 na ay 6:30 pa naman klase ko. Napagtiisan ko talaga na maligo kahit andun yun. 5mins lang ata ako naligo sa sobrang takot. HAHAHA.

 

Medyo waley yung story ko mga mahal kong bloggers. Pagpasensyahan at beginner lang po. 😀

Nga pala, ito po yung tuko oh!! HAHAHA.Image

 

0

Pusa o Daga? Daga o Pusa?

Kanina pa ako ako nag-iisip ng ipopost dito sa blog ko. Nang maiisipan kong pumunta muna ng CR. Madilim na patay kase yung ilaw tanging ilaw lang laptop ko yung source ko ng liwanag..

Hinananap ko yung cellphone ko para ipangilaw. Kapa.. Kapa.. Kapa.. Ayun nakita ko na.. Pinailaw ko tmayo ako at lumapit sa pintuan pag minamalas ka nga naman nauntog pa ako pagkabukas ko ng pintuan medyo napalakas din yun.. Sana di bumukol may bukol pa kase ako sa ulo kase nung isang gabi paghiga ko ayun sapul sa pader. Mahal na mahal talaga ako ng disgrasya ngayon. HAHAHA.

Lakad sa sala. lakad lang.. lakad.. Malapit na ako sa CR sa wakas. Kinapa ko yung switch ng ilaw tapos *click* lumiwanag na.. :DD

Tinabi ko muna yung cellphone ko sa bulsa at pagkabukas ko ng pinto isang hakbang ko pa lang  ng  biglang *waaaaaaaaaahhhh* napasigaw at napatalon ako! PUSA! Ay hindi daga yun kulay itim at tsaka iba ung buntot di yun pusa, DAGA!! *waaaaaahhhh!!* ang laki! Tuloy lang ang sigaw at talon ko.

Maya maya nagising si mama. Taranta na si mama. Ano daw yun? Napaano daw ako? Nang marealize ko na wala na yung daga saka lang ako napatigil sa pagtalon at natawa na lang sa sarili ko. Hahahahaha!

Hahahaha. Salamat dun sa PUSA na mukhang DAGA ay hindi DAGA pala yung mukha lang PUSA at may naisulat ako dito sa blog ko. Bwahahahaha. XD

Medyo epic ang araw na to. Sa susuonod ulit.

~milesss