Ligo!

Kakabalik ko lang galing bakasyon sa Pinas nun..hinding-hindi ko makakalimutan ang isang pangyayari na yun sa buhay ko..

Sinipat ko ang aking orasan, ala-dose na ng madaling araw kailangan nang magpahinga para may lakas harapin ang kinabukasan. Isang pagkakataon ginising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko parang sarap lang itapon…dali-dali akong nagpunta ng bathroom para umpisahan ang nagpapasimula ng aking araw, Ang maligo! Pagpunta ko dun nadaanan ko pa ang kapatid kong bunso na adik sa videogame sinita ko pa, ” Huy matulog ka na anong oras na..nag-aadik ka na naman jan”. Ngunit nakasalpak ang headset sa kanyang tenga hindi nya ako narinig at pinansin.
Sa bathroom, enjoy ko ang pagligo, buhos dito, buhos duon, ( oo wala kaming shower sira! hehehe ) sa mga sunod-sunod kong pagbuhos ng tubig sa aking ulo hanggang katawan gamit ang tabo nakaramdam ako ng pagkahilo, parang umiikot ang buong paligid ko, pinili kong kumalma dahil ayokong mahimatay duon ng hubod-hubad ( naisip ko sakaling makita nila akog nahimatay duon baka sabayan nila ako ng pagkahimatay pag nakita nila ang katawan kong mala-baka) Saglit akong tumigil at nakiramdam, pinilit kong bumuti ang pakiramdam ko. Tinanong ko sarili ko ano kayang nangyayari sa akin? Bakit kaya ako nahihilo eh naliligo lang naman ako..

Nung bumuti na ang pakiramdam ko dali-dali ko nang tinapos ang pagligo at dali-daling nagtapis at pumunta na sa aking silid upang duon ay magpatuloy ng buhay nang araw na iyon. Nadaanan ko ulit ang kapatid kong adik sa videogame pero hindi ko na pinansin mas gusto ko nang mag-ayos nang sarili para makapasok na ng opisina.
Nang tapos na ang lahat kinuha ko na ang aking bag at ang susi ng pintuan. Nadaanan kong muli ang kapatid ko pero hindi ko na natiis..sinita ko ulit sya sa pagkakataong itu hinila ko na ng bahagya ang kanyang buhok para mapansin na nya ako. Ganito ang naging takbo ng usapan.

Muymuy: huyyy tigil mo na yang paglalaro mo. Nagpupuyat ka sa walang kakwenta-kwentang bagay!!!

Sa halip na sumunod, nang makita nya akong bihis na bihis nagtanong pa ang loko..

Bunso: ate, saan ka pupunta?

Muymuy: adik ka??!!! papasok sa opisina..saan pa ako pupunta??!

Bunso: ate, alas-dos pa lang ng madaling araw!

Saglit akong natigilan at nalito..at walang ibang nasambit kundi “Huh?”
Timingala ko ang orasan at kinusot-kusot ang aking mga mata upang makita ko ng maayos ang oras. Kumpirmado! Alas-dos pa nga lang ng madaling-araw!!

tawa ng tawa ang kapatid ko. pag tingin ko sa alarm clock ko alas-sais ng umaga! saka ko naalala na hindi ko pa pala napapalitan ang time sa nyelpon ko. Pinas time pa pala ito. hahahaha kung susumahin natulog ako ng alas-dose at nagising ako ng ala-una..shet na malangket, isang oras pa lang pala ako nakakatulog. kaya pala ako nahihilo nung ako’y naliligo..hahhahaha sino bang hindi mahihilo kung naligo ka agad-agad galing sa isang oras na pagkakatulog!

Madaling araw, tawanan na lang kami ng kapatid ko. Siguro kung hindi ko hinila ang buhok ng kapatid ko at dumiretso ako ng labas ng bahay hahahhahah ewan ko na lang mamuti ang mga mata ko kakaantay ng bus ko! hahahahahaha na kung saan ang driver ay naghihilik pa ng mga oras na yun…hahahahahahahaha

:-(

Tinanong ako ng isang kaibigan kung ano pa ang pinakamasakit na pedeng mangyari sa isang tao bukod sa mawalan sya ng isang mahal sa buhay?…akala ko para sa akin isa lang ang pedeng rason para makaramdam ka ng sobrang sakit yun yung “hindi ka na mahal ng taong mahal mo” 😦
Nagkamali ako meron pa pala…masakit rin pala yung “natutunan mo nang mahalin tas hindi ka kayang panindigan” 😦

Vigan!…city of?

Ang dami kong kwento about my recent vacation, tatamarin n asana akong isalathala ang kwento ko pero tong kaibigan kong si Papa Romy panay ang follow-up kung mababasa ba nya ang vacation stories ko sa blog ko, Nahipo ako!! este na-touched ako kasi akalain mo yun may nag-aabang ng kwento sa blog na sa palagay ko ay walang kwenta naman at puro kalokohan lang hehehehehe…kaya cge itu na magkukwento na…

Makaraan ang isang taon at apat na buwan ng paghihintay dumatin na rin sa wakas ang pagkakataong masilayang muli ng mga tsinita kong mga mata at masinghot muli ng cute na cute kong ilong na parang sa koreana lang (oh! Oh! Wag na kayong kumontra! Blog nyo toh?? Blog nyo toh?? Blog nyo toh ha??!!)) ang polusyon ng Pilipinas at syempre marinig muli ang ingay ng Maynila..

Dumating ako ng January 20, nakalabas ng NAIA ng mga tanghali na..ngunit, subalit, dapatwat, uumpisahan ko ang kwento ko pagkatapos na ng January 26, dahil prior to that date masasakit ang mga nangyari sa akin sa Pinas..nakakalungkot…papatak ang luha ;(

Would you believe na wala akong dalang cash pag-uwi ng Manila, I wasn’t able to get my 2 months salary before my flight dahil maling IBAN no. ang inilagay ng accounts naming dun sa bank ko para mai-transfer ang limpak, limpak kong salapi hahaha, pero hindi yan naging hadlang para maisakatuparan ko ang mga pangarap kong jackpot sa aking bakasyon :p

January 27 – kasama sa itinerary ko talgang kitain at makapiling muli ang mga pinakamamahal kong kaibigan na dating naninirahan at nagtatrabaho ditto sa UAE, may mga bagay lang talaga na kailangan gawin kaya mas pinili na nilang umuwi ng Pinas. Namiss ko silang lahat, si Edz na aking soulbrodah, si ate Olive na masarap pa ring yakapin J at si Ronil na favorite kong tunay. Simple lang naman ang balak naming ang mag-EK, Enchanted Kingdom wala lang trip lang bumalik sa pagkabata at magsaya. Ngunit dahil na rin sa kanya-kanyang mga lovelife este atupagin sa buhay ay hindi magtugma an gaming skedyul. At dahil depressed, frustrated ako mula nung Jan.20-26, naisip kong takasan ang nararamdaman kong iyon, lumayo, malayong-malayo. Tinawagan ko agad sila ate Olive kung pede kaming mag-Vigan ng weekends at salamat naman at pwede ang skedyul nya at salamat din dahil ganun din si Edz nalungkot ako nung nalaman kong hindi makakasama si Ronil, pero OK lang..basta ang gusto ko lang naman ay lumayo, suminghot ng sariwang hangin, makakita ng ibang mundo.

Ang kagustuhan kong lumayo ay natupad naman, dahil akalain nyo yun, sampung oras ang byahe from Manila to Vigan, Ilocos Sur via Partas transport tarayyyyyyy!! Sakit-sakit sa wetpu ang pag-upo sa bus ng sampung oras hahaha buti na lang at nakabili kami ng balot ni ate Olive dun sa may bandang Pampanga at nagkaron ako ng konting lakas, un lang natapunan ako ng suka sa damit ko kasi naman tong mamang driver makapagmaneho walang bukas helllooooooo tulin-tulinan na parang nagtatae lang sya at gusting makahanap agad ng toilet.

January 28 pasado alas-singko ng medaling araw kami dumating ng Vigan, hindi naming alam ang lugar kaya mas exciting, nagtanong-tanong kami kung saan ba kami pumunta sa mga tourist spots duon, and we come to know na magkakatabi lang naman pala sila at nasa Centro ng Vigan mismo. Maganda ang Vigan, sariwa ang hangin, malinis ang paligid at mababait ang mga tao J tipong hindi ka nila lolokohin kahit alam nilang turista ka duon kumbaga walang mang-gagantso sayo hehehehe ang dami naming napunta at karamihan ng mga tourist spots duon ay mga historical museums and churches. Wala kaming pinalampas na tourist spots, bakit kanyo?? Hmmm syempre meron kaming motto ‘ng tatlo nila ate Olive at Edz. Sa mga oras na nananakit na ang mga paa namin kakalakad sa kung saan saan, babanggitin lang namin ang mga katagang “huy! Nandito na tayo, sayang naman” at dahil jan, dali-dali kaming tatayo at magpapatuloy sa paglalakad at pamamasyal hehehe.

Nasa Centro nga ang karamihan ng mga tourist spots sa Vigan, ngunit ang iba duon ay malalayo din ang distansya, kaya umupa kami ng maglilibot sa amin sa Vigan, tricycle uu tricycle at ang ang bait ng driver na si kuya Wilson yun lang at dahil parehas kaming seksi ni ate Olive para kaming sardinas na dapat pang itaktak sa lata para makalabas ng tricycle hahahaha nakakalokah ang eksenang yun hahahaha…

Maghapon kaming naglibot-libot sa Vigan, maliit lang namn kasi ang Vigan at kayang-kayang libutin ng maghapon, dapat nga pupunta pa kami sa Pagudgud kaya lang ang byahe from Pagudpud to Vigan ay almost 3 hours pa so eh syempre back and forth pa yun kaya mga 6 hours pa ang byahe kaya hindi na lang namin tinuloy next time na lang.

Hindi ko makakalimutan ang eksenang itu sa Vigan eh habang kami‎ naglilibot sa padre Burgos Museum at naniningin ng kung mga statwa dun may pinag-usapan kami ni ate Olive at itu yun..

Muymuy: ate Olive ano kaya ang tawag sa Vigan anoh? Dibah yung Bacolod City of Smile eh yung Vigan kaya city of anoh kaya?

Si ate Olive na busy sa kakatingin ng mga rebulto na hindi rin alam ang sagot ay napaisip rin.

Hanggang sa kinalimutan na lang namin ang katanungang iyan at nagpatuloy sa paglibot-libot. at iniba na lang ang topic at napagdesisyunan namin na after ng museum kung saan kami naroroon ay mamimili na kami ng mga pasalubong.

Sikat ang Vigan sa masarap na bagnet (fried mamuy), longganisa empanada at kung anek anek pah. Kaya naman tinanong naman tinanong ni ate Olive yung babaeng nagbabantay sa museum kung saan makakabili ng mga iyon..

Ganito ang eksena habang tinatanong ni ate Olive yung babae..

Ate Olive: ate san po bilihan ng mga longganisa ditto at bagnet at kung anek anek pang pasalubong?

Ate sa museum: ay dun lang yun malapit sa heritage village.

Ate Olive: ah ok cge teh, pero the nga pala ano pala ang tawag sa Vigan? Diba yng Bacolod sabi nila City of Smile, Baguio City of Flowers eh yung Vigan po city of ano??

Si ate sa museum pinagpawisan, sa isip-isip nya shet! Taga-dito ako kailangan may maisagot ako..

Ate sa museum: Vigan city of ……………………………………..Longganisa!

Hagalpakan kami ng tawa nila ate Olive at Edz, sakit ng tyan namin sa kakatawa..

Ahahhahha ang pangit pakinggan City of Longganisa! Parang double meaning lang itu..hahahaha kaya naman naglaro ang aming mga munting isipan…dahil mga ilokano ang mga tao duon at sabi nila maiitim daw ang mga ilokano kaya naman naisip ko maitim din kaya ang longganisa nila? hahahaha

…at umuwi kami na dala-dala ang kaalamang ang Vigan ay City of Longganisa

kain muna tayo balot! pampalakas ng tuhod..mahaba-habang lakarin rin ito =) hehehe

sabi nila wow legs..sabi ko naman...wow! pata! hahahha

sabinamn senyo eh parehas kaming seksi ni ate Olive 🙂

ang babae sa labas ng banga! lol

dahil perpek smile ako dito..post ko toh hahahaha

maganda ang background!....OO NA! OO NA! yung background lang..mga echosera kayo! hahahahahha

ang init ng panahon pero kapag nakapasok na kayo sa loob ng Bell Tower ang lamiiiiggggg...parang gusto nyo ulit syotain yung dati nyong syota para lang may kayakap sa loob hehehe :p

FINE! dahil pinaalala nyong wala naman akong syota sa mga panahon ngayon...Bell na lang ang niyakap ko...wow lamig hahahha

....dahil mahirap naman kung yung ostrich ang syotain ko! hahahaha

hindi ko na alam pano tatapusin ang kwento kaya ganito na lang..

that’s all folks!

……soon to post CEBU-LEYTE-BOHOL trip

im not moving…im not moving =)

;

…..bigla kong naalala the first time I watched the video at bigla akong nainlove nang narinig ko ang song na ito..

Magandang Binibini…

hindi ko pedeng palampasin ang moment na toh kaya kahit tinatamad akong magsulat sa blog ko eh, magsusulat ako..kebs! may ikukwento kasi ako hehe may pogi (naks) singkit, hindi naman katangkaran at makulit na mama in short ulam sya para sa akin hehehehe  kasi na nagpangiti sa araw ko ngayon, hmmm pero bawal na syang pagpantasyahan taken na sya..kaibigan ang turing ko sa kanya kahit hindi nya alam na matagal ko na syang sinisilayan sa simbahan tuwing ako’y nasisimba..hehehehe

basta unang kita ko pa lang sa kanya sa simbahan eh nabighani na ako sa taglay nyang kapogian, mga tipo nya kasi ang tipo (oh naguluhan kayo noh ahhahaha) nuon ko pa sya nakikita sa St. Michael’s church sa katunayan nga eh hinahanap sya ng mga mata ko tuwing misa, eh minsan lang naman pala sya nagsisimba kaya minsan bigo ang inyong lingkod..ngunit isang araw ng simba, tandang-tanda ko pa toh talga. ang kulit kulit ng pamangkin kong si Sam, takbo rito takbo duon ang ginagawa sa loob ng misa..kung anu-ano ang kinakalikot, ako naman habol ng habol sa kanya at suway ng suway kasi nga magulo eh on going ang misa, sa kanyang kakatakbo, huminto sya sa isang sulok ng simbahan, nung kakargahin ko na sya upang dalhin sa amin upuan bigla nya sa aking sinabi: Samboy: tita! tita!…tito oh! (sabay turo sa lalaking nakasandal sa pader sa gilid ng simbahan)  …nung iangat ko ang aking ulo upang tignan ang tinuturo nyang tito…ako’y kinabahan sapagkat itong lalaki na itu na lihim kong inaaabangan sa simbahan ang kanyang tnutukoy…ang pamangkin kong toh..marunong nang mang-reto hahahahahahah ke bata-bata pa eh cguro mga 2-3 years old pa lang sya nun…ngunit labis akong natuwa cguro naramdaman ng pamangkin kong yun na ako’y natutuwa sa boylet na yun!..gang ayan lumipas ang panahon naging member na ako ng SFC at sya din pala member hehehehe kaya ayun naging tropa tropa na lang kami hihi..masarap syang maging friendship hihi..makulit malakas mang-asar hehehe *papayat din ako pogi*

tas share ko lang po yung conversation namin sa FB..hihihihi (wag kayong mag-alala nagbibiruan lang kami nyan..walang ibig sabihin yang mga tinuran nyan..helllloooo may GF na sya at ang ganda ng GF nya (God’s gift/ Girlfriend nya nohhh)))

Me: pogi may no. ka ni Argel?

Cuervo: Magandang binibini…ipagpaunmanhin mo ngunit subalit dapatwat wala akong numero ng kaibigang Argel

Me: haha adik kelan ka pa nagging makata?

Cuervo: nang masilayan ko ang iyong natatanging kagandahan..

Me: hahahahhaha kita utak ko ditto kakatawa..

Cuervo: isang maganda balita na ikay natutuwa sa aking mga salitang binibigkas??

Me: hindi ko alam kung bakit lagi mong binabanggit ang mga katagang “magandang binibini” sa wari ko naman ako ay hindi maganda’t marikit..

Cuervo: magandang binibini…ako’y mapagbiro at hindi sinungaling..

Me: samakatuwid hindi ka nagsisinungaling sa mga katagang iyong nabanggit? Kung magkagayun, maraming salamat kaibigan..

Cuervo: salamat din sayo magandang binibini…

…ewan ko kung saan nya nakukuha yang magandang binibini na yan hehehe kada mag-uusap kami sa personal, sa ym at sa fb, laging yan ang code name nya sa akin…hihihihi

…im so happy kasi friends kami weeeeeeeeeeeeeee *salamat sa book* niregaluhan nya kasi me ng book entitled “the short second life of bree tanner” heheh alam nya kasi na nanonood kami ng “The Twilight Saga” movies

odd’ness

09:55Jamire

psst

09:55Me

batet?

09:56Jamire

walalng

10:03Me

arte moh!

10:03Jamire

alam mo

no offense

ha

weird werd

mo

na

10:04Me

huh?

bakit??

10:04Jamire

Jamire

basta

akkaiba ka

10:04Me

huh?

saan ako naiba?

Jamire

basta

di ko alam if paranoid ako

or wat

pero me akkaiba sayo

10:10Jamire is offline

Jamire is one of my childhood friend, siguro kung may mas nakakakilala sa aking tao, isa na sya dun..matagal na kaming magkaibigan, alam na nya cguro ang karakas ko kaya nasabi nya ang mga katagang yan…bigla tuloy akong napaisip…ano ba nag-iba sa akin??  DYUSA pa rin naman ako *hmmm syempre juk lang yan, maka-pagreak walang bukas* kidding aside, ano nga ba?? hmmm nag-isip ako ano ba bago sa life ko??..isa lang naman ang dinagdag ko sa schedule ko…yun eh yung pagiging SFC member ko since last year…then now, were gonna have CLP  (Christian Life Program)at isa ako sa mga naatasang maging facilitator sa mga soon-to-be SFC member…im just trying to live a life with SFC culture…isa ba itung malaking factor kung bakit napansin ng friend kong yan na theres something odd in me…maaari pero ano? saan? sana pinaliwanag nya dibah..hayssttt naaalala ko tuloy yung pelikulang JOLOGS… gustong-gusto ko yung character ni Assunta de Rossi dun eh at ni Dominic Ochoa…

bakit ba kapag may binago ka sa self mo spiritually eh sasabihin na sayo ng tao ang weird weird mo na??…ganun din kapag you are spiritually inclined lalo na kapag kasali ka sa mga community sa church …hayssstt

ngayon, nung sinabi ng friend ko na ang weird weird ko na, hindi ko alam kung ako ba si Assunta de Rossi sa pelikula o ako si Dominic Ochoa sa pelikula  na nag-alive alive..

ayoko na…

AYOKO NA……sa FACEBOOK

………. OK! OK! pansamantala lang muna, tumanggap po kasi ako ng isang obligation para pagsilbihan YUNG BIG BOSS NATIN SA TAAS (sabay tingin sa langit)…kaya wala munang facebook at hindi ko pa alam kung hanggang kelan hehehe

AYOKO NA MAGSALITA NG MGA BAD WORDS…..

………. hmmm inperness nabawasan ng konti yung pagsasalita ko ng mga ganyan-ganyan simula nang tanggapin ko yung responsibilidad para pagsilbihan Sya..hindi ko na nga maalala kung kelan ako huling nagmura…improving hehehe sana magtuloy-tuloy hihihi

AYOKO NA…sa BILBIL NA MALAKI

………. kaya nililimitahan ko na rin ang kain ko, and healthy food ang nilalafang ko as much as possible, buti na lang tinuruan ako ng kapatid ko sa pananampalataya na si. bro. Edz ng mga food na dapat kainin kung gustong matanggal ang kabilbilan hehe tas syempre sabayan ng exercise *sayang kasi pagka-DYUSA ko kung malapad naman ang shotawan dibah* nyahahaha *kafal fez*

AYOKO NANG KAUSAPIN KA…

………. sa tuwing kinakausap kasi kita nasasaktan lang ako, aba kinakarir ko na ang pagiging masokista ko ah, pero ang tanong kaya ko ba?? hindi ko rin alam ang sagot, pero kakayanin…nanginig ang laman ko nung unang araw hindi ko pinansin ang facebook *parang addict lang dibah* kagabi hindi ako makatulog kasi parang gutom pa ako kasi naman mushed potato lang at hotdog ang kinain ko, ang tanong kakayanin ko ba ang hindi kita kausapin? baka manginig din ang laman ko at hindi rin ako makatulog sa tuwing nanghihinayang na hindi kita kinausap, pero sige kakayanin para sa world peace!   ikabubuti ko… sana may pills na pampalimot at sana nabibili sya sa mga suking botika..sana! sana!

alimpungat…

dahil sa sobrang antok ko kahapon pagkauwi ko at after kong magbihis eh nashulog agad ako..to the nth power kasi tlaga ang antok ko sobra lang..around 5:30.. ata yun nung natulog ako, pagkagising ko naalimpungatan ako feeling ko ang tagal ko nang nakatulog…pagkatingin ko sa relo 6:30 tinignan ko ang bintana maliwanag, hinanap ko lahat ng roomates ko bakit wala sila?, pumasok na kaya sila sa work?..umupo ako  sa kama saglit habang nakatingin sa wall clock nag-isip…at nag-iisip ulit kung nasan ang mga kasama ko sa bahay..pumunta ako ng CR para nyumihi at mahimasmasan pagbalik ko sa kama ko tinignan ko baka kasi kaluluwa ko lang ang bumangon ngunit hindi naman, at napagtanto kong 6:30pm pa lang pala..kaya wala pa ang mga kasama ko sa bahay dahil hindi pa sila dumarating from work..grabe ang feeling na yun, para kang namamalikmata, nalilito kung ano nangyayari sa paligid mo…cguro kung ang alas-otso ng gabi eh maliwanag pa baka dumiretso ako ng CR para maligo at pumasok na sa trabaho…hahahhaha. Kaya ang ginawa ko natulog na lang ulit ako..mga 8:30 na ako ng gabi ulit nagising…nakita ko na ang mga kasama ko sa bahay, dalawa na sa kanila ang dumating…

Bumaba ako para bumili ng makakain, hotdog with cheeze lang para madaling iluto and manggang hilaw lang ang binili ko, im craving for mangga kasi last night..then pagbalik ko ng house may pinapanuod sila MISS YOU LIKE CRAZY..woot woot ganda pala ng pelikulang yun nila John Lloyd Cruz ang Bea Alonzo..hehe

*punta wikipedia, kuha plot ng story*

The story is a flashback of the five years (2005 to 2010) of love affair involving the characters of Allan Alvarez (John Lloyd Cruz) and Mia Samonte (Bea Alonzo). The opening scene was in a Pasig River ferry boat. One of the passenger, Allan, was sad and confused if he really loved his then live-in partner, Daphne Recto (Maricar Reyes). While another passenger, Mia, was downtrodden by family problems. To express her heartaches, Mia would write messages on stones and would leave them anywhere, Allan picked up one of those, they got acquainted and their romantic story began.

Later, in one of their trysts they met an old man (Noel Trinidad) in Paco Park who predicted that they were meant for each other and would end up together although it would take a difficult five-year ride.

Allan was torn between two loves. Although he knew that he loved Mia more, he procrastinated in his choice. Mia left for Malaysia. Two years after, when Allan finally broke free from his indecision, he went to Malaysia to look for Mia only to find out that she was already engaged to another guy. It was now Mia’s turn to make a choice. She chose the new guy who loved her so much even though she honestly knew in her heart that she still loved Allan.

Allan did not lose hope. He patiently waited for Mia for another three years. He firmly believed that she would come back to him as predicted by the old man earlier in the story. True enough, the Malaysian guy let Mia go as he was aware of who Mia truly wanted. On the very same date foreseen by the old man, Mia returned to the Philippines, saw Allan waiting for her, and embraced each other.

…katakut-takot na batikos ang naririnig ko mula sa aking mga roomates tungkol sa istorya sa pelikula, apekted much kumabaga hahahahahaha..oh ganito takbo ng usapan..

eksena (kissing scene sa hagdan) si Bea naghubad ng t-shirt..

roomate no.1:  ay nakakainis naman tong si Bea ang bata bata pa eh pumayag ng ganyang eksena..kakainis naman!

muymuy: unfair toh! bakit si Bea lang ang naghubad ng damit nakakainis ha!…John Lloyd maghubad ka rin NOW NA!!!

(sabay tawanan kaming lahat, at parang sinagot ang kahilingan ko naghubad nga ng damit si John Lloyd, lalo kaming nagtawanan) hahahahhaha

scene no.1 (nahanap ni Allan si Mia sa Malaysia at gustong makipagbalikan, ngunit napagtanto nyang meron nang ibang jowa si Mia)

roomate no.2:  bakit pa kasi nagpupumilit pa tong si Allan eh hellllloooooo masaya na si Mia sa piling ng iba ehhh…

muymuy: kunyari lang yan masaya pero HINDI YAN MASAYA!

…hindi ko alam kung anong nanyari pero saglit na nkatahimikan sa buong room namin ang sunod na eksena matapos kong banggitin ang mga katagang iyon…*alam nyo yung biro na may dumadaan anghel daw kapag may katahimikan?, parang ganun ang nangyari eh* hehe batet kaya??!! hahahaha

para mabasag ang katahimikan nagtanong yung isang roomate ko ganito..

roomate no.2: sino pipilin nyo si Allan o si Amir???

roomate no.1: si Amir..

roomate no. 2: ikaw talga mahilig ka sa ibang lahi hahahhahahah

muymuy: bwahahahahhaha (tawa to the nth power)

roomate no.2: ay ako si Allan parin..hmmm pinoy pa rin ako..hihihihi iba pa rin ang pinoy

muymuy: naman talga, ako sa pinoy din..iba pa rin talga magmahal kahit nananakit (i was thinking about nananakit emotionally)

roomate no. 2: ang hirap maghintay ha ng ganyang katagal, naranasan ko na yan…hahahha

muymuy: talga??weh hindi nga??!!

roomate no.2: oo dun sa tayuman hahahahhahaha (habang nangingilid ang luha, may naalala cguro)

(tawanan kaming lahat) hahahahhaha

roomate no.2: kilala mo kaya yun roomate no.3?

roomate no. 3: ay talga ate? hehehe

muymuy: eh dumating naman yung hinihintay mo?

roomate no.2: yun nga eh hindi..shet lang talga!…hahahahahhaa

tawanan ulit kami..hahahahahaha

..tinapos ang pelikulang ang eksena eh dumating si Mia sa bahay ni Allan hinawakan ang kamay ni Allan para malaman nyang dumating na nga ito pra makapiling sya habang-buhay..

roomate no. 3: ay si Bea nanghahawak hahaha

roomate no.1: ang pangit ng ending hahahahaha

quotes na tumino sa utak ko sa nasabing pelikula..hihi

“Isa lang ang puso mo, kaya dapat isa lang ang laman niyan.”
“Time is meaningless when you are in love.”
“And don’t forget: This is the Day. Believe.”

“Love isn’t the only reason why you stay with someone… or leave someone”.
“”Kung pinagtagpo man tayo ulit maybe it’s not for happy ending. Maybe it’s just a second chance to end things. Kasi pag tuwing pinipilit nating magkasama tayong dalawa lagi tayong may taong nasasaktan. Diba?” ”

..pagkatapos nyan..nagsalang ulit ng isa pang pelikula si roomate no.2 yung pelikula naman nila Gerarld Anderson at Kim Chiu PANO NA KAYA ata ang title…mga adik lang kami noh..2 pelikula sa isang gabi hahahha parang walang pasok kinabukan eh…hindi ko masyadong bet ang pelikula kasi parang pambata lang..pero dahil nakatulog ako nung hapon na yun hindi tuloy ako makatulog agad agad kahit gusto ko nang matulog kaya ayun nanood na lang din ako pinagtyagaan ko na hehehehe

…ngapala. syempre may nakuha rin akong  quote sa pelikula..

“lahat ng nagmamahal nagpapakatanga, kaya tanga na kung tanga, pero mahal kita! mahal kita! gago ka!”

 

…dahil sa dalawang pelikulang yan..nahimasmasan ako ng wanport, marami tuloy akong naisip, maski hindi ko na lovelife naiisip ko rin eh, kaya tuloy 1:40am na ata mulat pa ako..hayssttt!

sudden happiness!

i fortuitously found an old email from my inbox to be exact that was 1 year 11 mos. and 1 day ago, at first i was hesitant to read it again because i was afraid to reminisce the pain that i had in my past brought by my “former” friends whom i loved, but since iam obstinate person i chose to read it, and while reading that email, i was surprised ‘coz i felt sudden happiness and i aint remember the pain but rather the love and care we had before 🙂

…i’ve already said this to you, and i will say it again and again: “MASAYA AKO DAHIL DUMAAN KA SA BUHAY KO, thanks dear”

..I dont wanna say so long! goodbye! farewell! because i know one day we will meet each other again…hehe*perhaps on your wedding day* ayt! my friend?;)

Meaner…

dont mess on me!…..im not nice!

*feeling mo maganda ka??!! muka kang paa*!!

…isa na lang bibingo ka… and i mean it!

Design a site like this with WordPress.com
Get started