From the Ashes (Part 2)

Chris Martin's avatarChris Martin Writes

I stood, immobilized, gripped in the clutches of incomprehensible fear.

My eyes had most certainly watched as a large aircraft plowed into the South Tower of the World Trade Center, but my mind had yet to rationally compute the horror. I winced as flames, debris, glass, and black smoke erupted in a fireball of destruction. The shock wave assaulted the North Tower, but the windows remained intact. At least the one I was looking through. I felt another rumble under my feet, and I forced my legs to move.

I returned to my fallen co-worker. He moaned in pain. “What’s your name?” I asked.

“It’s Jack.”

“I’m Rick. I think it’s time we got outta here, what do you say?”

Jack nodded. He pulled up his pant leg, and I could see that his ankle had swollen considerably in just a short amount of time. He needed medical assistance. Probably…

View original post 1,891 more words

:LONER( *CHANGE*(yourself??)

Loner sabihin na natin na yan ang tawag sa mga taong laging nag-iisa. sila yung takot makihalubilo sa iba, sya yung nasa isang tabi lang at namumukmok habang nagsasaya ang iba.

Image

takot kasi syang ipakita kung sino talaga sya, minsan kasi iniisip nya kung ano ang tingin ng lipunan sa knya o kung tanggap sya nito. kung baga sya yung taong nega. yung puro negative ang iniisip nya, alam nyo yung lalapit na sya sa isang tao para makipagkaibigan may biglang papasok sa isip nya na pipigil sa knya kaya sa huli sayang.

Hindi naman katulad ng real life ang anime world na kung saan may isang taong dadating at babaguhin ang pananaw mo sa buhay, na kung saan sya ang magdadala sayo sa liwanag at maging dahilan upang iwan mo ang madilim mong buhay. Kung tutuusin bihira mangyari yan sa totoong buhay, minsan yung mga taong taong dumadating sa buhay natin ay nagiging inspirasyon, mayroon din namang mga taong nagiging instrumento upang tayo ay magbago.

Hindi naman importanteng baguhin mo ang sarili mo kasi ikaw mismo yan, kung inaalala mong maraming may ayaw sayo isipin mo na lang na mas maramingtao ang tumanggap sayo kasi nagpakatotoo ka.

Pero ang desisyon ay nasa iyo pa rin kung magbabago ka o hindi.

Minsan tanungin mo ang sarili mo kung ano ba talaga ang totoong kahulugan ng pagbabago..

When Boredom Strikes

bored…bored..bored

Image

waaahhh..reading books. watching TV shows and lying on my bed all day(especially this) can’t kill my boredom

When this thing strikes time goes by slowly, you feel like dying and cursing the day to end already..but in reality you only need a “satisfaction” in your daily life.

boredom arises when you think of something better to do than what you are currently doing..

some people would go out and do the stupidest thing just to kill their boredom..

actually there are a lot of things that we can do to kill our boredom, we can gain satisfaction form those things, the only problem is that we are lazy to move.

 

UNFAIR

nranasan mo na bang maging outcast o maramdamang hindi ka needed?yung feeling mo parang di ka nag i-exist sa mundo prang wala ka pero nandyan ka naman.pakiramdam mo para kang multo na nakatayo lang sa isang sulok at handa ng manakot?

lahat naman siguro tayo nakakaramdam nyang mga bagay na yan. Minsan pakiramdam natin hindi tayo naiintindihan ng iba kaya  ang gagawin natin iiyak at mag mumukmok sa isang sulok minsan kadamay pa natin ang MUSIKA para makatakas sa mga bagay na ito. Minsan pag sumisigaww ka pakiramdam mo walang nakikinig sayo para ka lang yung tindira na sumisigaw at nagtatawag ng costumer pero wala namang lumalapit . May mga pagkakataon kung saan down kana lalo ka pang ida-down. Yung mga taong galit sayo kasi hindi mo kayang abutin ang mga expectations nila. There are times na akala mo mga kaibigan mo yun pala sasaksakin ka rin sa likod at pagharap mo puro mga pekeng ngiti ang iyong makikita. napaisip ka ba minsan na gusto mo na lang tumakbo ng walang tigil makawala lang sa klase ng mundong iyong ginagalawan?

Minsan napapaisip ako kung bakit kelangan pa nating maranasan ang mga ganitong bagay na pwede namang hindi mangyare.

Image

Pick-up Lines

“Mapa ka ba?” kasi ikaw ang gusto kong MAPAngasawa,,
“Si PaMa ka ba?”kasi ikaw ang gusto kong PAkasalan at MAkasama habang buhay

minsan sa simpleng batuhan ng mga linyang nakakakiligImagenagsisimula ang lahat.

sa totoo lang di ako mahilig sa mga pick-up lines, medyo deadma lang ako pagdating sa mga bagay na iyan,

pero sa bagay na ito kami nagsimula (medyo malandi).sa simpleng bigayan namin ng mga pick-up lines naging close kami sa isa’t-isa (sa chat lang). 3 magkasunod na gabi kami nagbatuhan ng mga pick-up lines hanggang magkaroon ng “PAMA” at “MAPA”(tawagan namin dati hihihi)(fotek lumalandi).sya ang unang tumawag sakin ng “MAPA” at sinagot ko naman ng “PAMA”(kinilig ako that time)(nyemas ano to!?)

(medyo secret yung iba)

Ngayon, hindi na nag i-exist si “PAMA” at “MAPA” pero magkaibigan pa rin naman kami at nag cha-chat paminsan-minsan napakagulo kasi ng utak nitong taong ito hindi mo mahulaan kung ano ang laman.

dati gusto kong ibalik yung mga panahong iyon, gustong ibalik si “PAMA”at”MAPA”(dati)

pero inisip ko na ,you can’t expect things to be the way it is(again)

ayos lang yon atleast friends pa rin kami at nagco-communicate sa isa’t-isa.

 

 

MATA

dati tuwing nakikita kita masaya na ako, sa simpleng “hi” mo lang ayos na ako,sa tuwing makakatabi kita bumibilis tibok ng puso ko at kapag tinitingnan mo ako sa mga mata bakit ba parang lalo akong nahuhulog sayo. ano ba ang meron sa mga matang iyan at sa tuwing ako’y titingin(dati) para bang tumitigil ang oras,Image

Siguro nga dahil sa mga matang iyan kaya kita nagustuhan, marahil pag-ibig ang naramdaman ko ng mga panahong iyon,pero hindi rin nagtagal at nagbago ang aking nararamdaman kasi alam ko na lalo akong masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa. Nangako ako sa sarili ko na hindi na muling titingin pa sa mga matang iyon. masyadong dangerous para sa akin (dati)

Ngayon tumingin man ako sa mga matang iyon siguradong hindi na ako muling mahuhulog…

 

<Love3

Nakakatawa lang na isipin na maraming buhay ang nasisira dahil sa bagay na ito, mga magka-kabarkadang nag-aaway at naghihiwalay, magka-kaibigang nag-aagawan at minsan mga taong hindi naman magkakilala pero nag-aaway.

Minsan napapaisip ako ano kaya ang pakiramdam ng maiwan ng taong mahal mo, bakit nasasaktan ng sobra ang mga tao na para bang inagaw ng mundo ang lahat sa kanila, yung iba papakamatay na lang kasi akala nila wala ng sense ang buhay nila sa mundo (medyo O.A), meron din namang nagpapakatanga pa rin kahit ilang beses ng nasasaktan (medyo matibay). pero kung iisipin mo madali lang naman ang makalimot, tayo lang yong nagpapahirap sa mga sarili natin, hindi kasi natin matanggap sa ating mga sarili ang katotohanang hanggang dun na lamang iyon. minsan kasi parang lastiko yan na may dalawang taong nakakapit sa magkabilang dulo, kapag bumitaw yung isa paniguradong masasaktan yung isang hindi bumitaw, kaya matuto kang bumitaw at magparaya kasi alam mo naman sa sarili mo na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo isipin mo na lang na hindi naman ikaw ang nawalan kung hindi siya. Marami pang iba dyan yung mga taon mas worth it kesa kay “ex”