dahil labs ko si helena, eto gagawin ko ang tag niya..
Ito daw ang mga rules:
Magsabi ng (10) sampung bagay-bagay tungkol sa sarili mo. (9) Siyam dun ang totoo at (1) isa ang kwentong barbero. {Naks medyo mahirap to ah, hindi ako marunong magsinungaling eh, buti isa lang. lolz}
1. I love ANIMÉ.. aysus, mahal ko talaga ito.. ewan ko ba.. siguro henerasyon talaga namin natapat ang animé kaya atik ako dito.. may pagkakataon pa nga na malelate nako sa pasok pero inuna ko pa manuod sa internet ng latest episode ng peyborito kong anime.. haha
2. Eversince, ive had 4 serious relationships.. yeah i know, hindi ako ganun kagwapuhan.. pero kyut ako.. haha.. at hindi nanggaling sakin yan, galing yan dun sa mga nakarelasyon ko noh.. except sa una.. haha.. kahit itanong mo pa sila.. ay, hindi niyo pala sila kilala.. haha
3. I’m a Music Lover.. aysus, ikaw ba naman lumaki sa pamilya at sa environment na halos lahat ng tao kung hindi kumakanta, eh sumasayaw.. sa ngayon im enjoying my life na musically-inclined..(tama ba spelling ko??kung mali,sorry naman)
4. Had a recent heartbreak.. haha.. wala nako maisip na about myself.. at naisip ko, ito ang bagay na hindi alam ng karamihan.. kaya mamuti kayo sa kakaisip kung totoo ba ito o hindi.. bwahahaha
5. Taong bahay din ako.. tulad ni helena, hindi ako pala-labas ng bahay.. kilala ko lang mga tao sa neighborhood namin sa mukha.. yung iba sa pangalan, pero wala ako tropa dito.. kung wala sa school, nasa church ang tropa ko..
6. EMO ako.. hindi ako yung tipo ng EMO na may baong blade everytime.. hindi ako yung EMO na halos ipangmake-up na ang eyeliner para magmukhang galit sa mundo, at ang mga pic ko ay hindi yung puro nageemote, nakatakip ang mukha, nakayuko etc.. ako yung simplified EMO lang.. haha.. hindi sumasagi sa isip ko ang suicide kahit bigat na bigat nako sa mga problema na ibinabato sakin ng mundo.. oha, EMO diba??haha
ayan malapit na.. konti na lang..
7. Torpe mula noon hanggang ngayon.. aba, kasalanan ko ba na hindi ako naturuan ng tamang panliligaw?? kung pano humirit ng mga “banat lines”?? kung pano amgpakyut?? well.. atleast natuto ako ng sarili ko lang.. yun nga lang, pag anjan na ang ispesyal samwan, wala na aku masabi.. nahihiya na.. @’#!!? haha..(mura yan).. hindi ko alam pano ako makakasurvive sa buhay ng ganyan ang katayuan ko pagdating sa panliligaw..
8. Certified kuripot.. aba sa hirap ng buhay ngayon, sino pa ba ang mahilig gumastos?? ay alam ko na.. yung mga mayayaman.. yung mga hindi nauubusan ng salapi.. yung mga hindi naaapektuhan ng krisis sa pilipinas at sa buong mundo.. at teka, hindi ako kuripot, nagiipon lang para sa future.. haha
9. IYAKIN.. ampfness.. “kasalanan bang mahalin ka ng lubusan??”.. ahaha.. kinanta mo??kung hindi, ang KJ mo.. haha mahirap pigilin ang luhang pumapatak na.. kaya siguro ako natawag na iyakin kasi hindi ko na maibalik yung nagsimula nang umagos na luha.. eh kung nakakaiyak naman kasi talaga ang isang bagay, panong hindi ka maiiyak?? ano ka bato?? yung tipong, ayun tagos sa laman, buto hanggang sa kaloob looban ko..haha.. kaya siguro EMO nga ako..bwahaha
10. Camwhore.. ewan.. siguro nahawa lang ako sa mga kaibigan kong mahilig magpicture ng sarili.. yung tipong naghahang na ang selpon dahil puro mukha niya ang nsa gallery section ng cp niya(may friend akong ganyan)o yung mga mahilig sumingit sa nagpipicutre..yung tipong nagsosolo pic la, tas pagtingin mo sa picture mo, presto.. 3 kayo sa picture kasi may nakasingit.. haha.. ganon nadin ako ngayon
yehey.. tapos na.. at dahil kakaunti lang ang prenster ko dito sa blog, a tinatamad ako..auko nang mag-tag ng iba pa.. magenjoy at mamuti na lang kayo sa kakaisip kung ano ang barbero sa sampung inilathala ko dito..bwahahaha