mahilig ka bang manuod ng mga teleserye?
ok, review muna tayo…sino ung bida sa mga teleserye na to??
–> marimar, maria mercedes, maria la del barrio, at rosalinda?
e sino nmang mortal na kaaway nya?
mara^.^ ???
e anu namang title ng teleserye ni eddie garcia kung saan sya naging president? At anu yung sakit nia dun?
nasagot mo ba ng tama?? ?
yan yung mga ntatandaan ko pang teleserye, nung mga panahong uhugin pa ako! haha at napapaikot ng mga ganyang istorya.
kung papansinin mo ang mga teleserye dito sa atin parang  pasyon (fashion) lang..may taon na nauuso ang ganito.
halimbawa…
90’s  usong uso ang mexican drama…sinong hindi makakakilala kay thalia nun? marimar! aw! kay pulgoso at sa mabalbong dibdib ni  sergio ( eewww) ang tema ng mga drama nun,  rags to riches dahil nakapangasawa ng mayaman si babae  o kaya isa pala syang anak mayaman pero dahil sa ayaw ng mga magulang ng lalaki sa nanay nya (vice versa) eh pinaghiwalay sila. ang siste lumaking mahirap ung bida tapos matutuklasan na isa pala syang rich and the rest is history.
mga 2003  eto naman yung pagpasok ng iba pang teleserye mula sa ibang bansa like taiwan..F4 remember? dao ming xi!!!!!naalala ko pa 1st year college ako, nagmamadali kaming umuwi ni tinay para maabutan lang ang METEOR GARDEN..kasabay nito nauso ang  mga kantang gustong gusto nating ulit ulitin kahit hindi natin naiintindihan yun lyrics! o baby baby baby! my baby baby! so seng nu shang si sheni!! hahaha (ahem!!) isa ako  sa mga yun…tpos sinundan ng koreanovela na hanggang gayon patok pa rin sa atin.
at dahil patok pa rin sa atin kaya ang 7 at 2 ay may sari sariling gawa ng adaptations na to, na kahit hindi naman bagay e ipipilit pa rin, sasabihin may pinoy touch! hahaha para lang may masabi. tsk! kaasar kasi nasisira nito yung magandang iniwan sayo nung original..masakit aminin pero ang galing talaga             nating manggaya…(ouch!) haha

fantaserye…nakakaaliw, maganda sa mga mata ang mga props, pero kadalasan corny na. hindi masama ang mag fantasize pa minsan minsan..pero haler! this is reality…
hindi lahat ng kwento ay may happy ending kahit anung gawin nating panloloko sa sarili natin, kadalasan tragic ang nagiging ending…o kaya naman dahil dalawa ang leading men ni bidang babae at para ma please ang audience dahil yung isang kampo gusto si echo at yung isa naman ay si diet…itxt nyo po ang DIET kung sya ang gusto nyong makatuluyan ni____(pangalan mo..:)) o ECHO naman kung blah! blah! blah! at isend sa 666 hahaha anu to lokohan!
predictable, yan ang kadalasang takbo ng istorya…yung tipong kasisimula palang ng palabas alam mo na ang ending. parang tinanong mo ang bata ng 1+1 sa periodical exam! di ka man lang mag eeffort na mag isip sa mga mangyayari….
artista…kahit anung klaseng istorya pa yan..basta si dingdong, marian, angel, o piolo ang bida..papanuorin natin…na minsan kahit mukha nyang binabasa yung script e okay lang sa aten…eeeeehhhhhhh kasi crush ko sya ehhh!!! ( hayyyyy) hilaw ang akting mo teh!!!
sana naman yung meaningful ung kwento may substance ba…, hindi sa pagiging biased pero bakit wala tayong ng katulad sa korea? they are using their history to create a meaningful series, kaya hindi mo rin masisisi kung bakit nawawala na yung nationalism sa atin dahil tayo mismo hindi natin un binibigyan ng value. may history din naman tayo na pwedeng ipagmalaki…at dapat ipagmalaki!
mkakagawa tayo ng ganoon, kaya natin..pero kelan kaya?
salamat sa oras na nilaan mo sa pagbabasa…:)