Di ako marunong:
- magluto
- mag-bike
- lumangoy
- mag-drive
- mag-talop
- mag-gitara
- magtipid
- maningil ng utang
- lastly, i dunno when to stop
Haaaay….

Di ako marunong:
Haaaay….

Wala daw permanenteng bagay sa mundo kundi pagbabago. Sa loob ng ilang taon, tila napakaraming bagay na ang nagbago at mukhang nakalimutan na ang dating nakagawian.
Dati-rati, pag may assignments at projects kami, bago umuwi ng bahay, malamang ay dadaan kami sa library para mag-research sa iba’t ibang libro. Ngayon i-google mo lang, may assignment o term paper ka na sa loob lang ng ilang minuto at mahaba pa ang oras mo para makipag-chat at mag-Friendster. Napaka-swerte ng mga mag-aaral ngayon, napakadali ng buhay estudyante nila kumpara dati. Marunong ka lang mag-click ng mouse, may grado ng naghihintay sa’yo. Di gaya dati na lahat ng grado na matatanggap mo ay kailangang pagbuhusan mo ng oras at panahon at talagang paghihirapan mo.
Wala ng telegrapo. Itinapon na ang mga beeper, na kailangan mo pang tumawag sa operator para sa isang simpleng mensahe. Wala na rin party line na pinagpupuyatan naming barkada noong araw. At wala ng kartero nagdadala ng sulat sa amin kada isang linggo.
Ang phonepal naging textmate. Ang penpal naging chatmate. Nung hayskul, hirap na hirap ako sa pag-gawa ng love letter para sa nililigawan ko, ang panget pa naman ng sulat ko na parang kinahig ng manok. Tapos dapat pasikat ka pa, bibili ka ng stationery at dapat yung mabango. Hehe. Tapos dapat tama ang grammar, tama ang spelling tama ang punctuations. Ngayon, kahit boyoyong ka, makakapanligaw ka sa pakikipagtext. Yun bang “Hi! Lo! Aw r u. eat knb? Yngat ka plge. Labyu! ü”. Wadapak? Kung ako babae may magtext sa akin kagaya niyan, babastedin ko agad-agad yung lalaki! Sa chat naman, kauting bolahan, palitan ng pictures, tapos eyeball Voila! Parang pancit canton, may instant syota ka na! Minsan nga, kung bubwenasin ka, imbes na simpleng EB lang, parang Nescafe 3 in 1, magiging SEB, as in Sex Eye Ball! Harhar!
Dati pag may walkman ka, astig ka na! Ngayon magwalk-man ka, isa kang malaking katawa-tawa sa balat ng lupa. Parang kailan lang kailangan mo pang magdala ng extra batteries, at isang backpack na lagayan mo ng tapes ng mga paborito mong kanta. Ngayon may mp3 player ka lang, mapa – Creative, Izune or iPod man yan, ayos na ang buto-buto. Halos lahat ng paborito mong kanta mapapakinggan mo hanggang sa magdugo ang tenga mo, na di mo na kailangang magdala ng bag na lagayan ng mga tapes mo. Mas cool dba?
Ilan lang yan sa mga pagbabago mula noong nagpatuli ako hanggang ngayon na ilang beses na kinabog ang dibdib ko pag nade-delay ang aking dating minamahal. Actually marami pa yan, antok na lang ako at pagod na rin ako sa kakaisip. Pati aalmusalin ko, iniisip ko na ngayon.
Dagdag ko lang, ang SOP nagbago na rin, cybersex na ang uso ngayon! Lolz….

angel: paano tayo?
akil: mahihintay mo naman ako dba?
angel: oo. i promise, hintayin kita kahit anong mangyari. mahal na mahal kita akil.
Siguro nga masyado ng maraming nangyari sa loob ng halos tatlong taon. Pero ang pangakong mong yan, di ko pa rin nakakalimutan. Hanggang ngayon pinanghahawakan ko pa rin at umaasa na may magandang katapusang naghihintay para sa ating dalawa.
Sana di ka na lang nangako, ng sa ganun di ko na nagawang umasa. Sana di ka na lang nangako ng nasimulan ko ng muli ang buhay ko ng mag-isa. Sana di ka na lang nangako ng di na kita naisama sa mga plano’t pangarap ko sa buhay.
Sana hindi na lang kita iniwan…..
Sana di na kita mahal, ng di na ako nasasaktan pa.
Punyeta nagiging baduy na naman ako! Letse!

Di ko namalayan, isang taon na naman pala ang lumipas. Kaarawan ko pala ngayon! Haha! Taragis! Parang tumatanda ako ng walang pinagkakatandaan! Ewan ko. Parang hanggang ngayon di pa rin ako natuto sa mga kabalastugan ko. Di ko alam. Minsan tinatanong ko sarili ko kung naggu-grow ba ako as a person. Parang hindi. Siguro ang pinakamaganda ko lang natutunan nitong nakaraang taon ay kung paano tumanggap ng pagkakamali, bukod dun wala na ata. May mga bagay pa rin na paulet-ulet ko pa rin ginagawa kahit na alam kong walang magandang idudulot na maganda. Siguro masyadong nakakabato ang buhay para sa akin pag walang problemang dapat lusutan. Ewan. Isa ang sigurado ako, gusto kong maging maayos ang buhay ko(sino bang hindi?), gusto kong maging masaya. Baduy man pakinggan, gusto kong maging masaya kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Sana mangyari pa yun. Sana lang talaga. Sana!
*Birthday Gift
Bago ako umalis kanina para bumili ng pang-regalo sa sarili ko, binuksan ako ang aking friendster acccount. Gaya ng inaasahan may mga comments na Happy Birthday(pinag-iisipan ko pa kung dapat ko bang i-approve) at may mga messages na binabati din ako ng Happy Birthday, at syempre nag-reply ako ng pasasalamat dun sa mga nag-message sa akin. Nag-browse ako ng kaunti, sinilip mga bagong larawan mga tropa ko sa Pinas, bagong lovelife, bagong shout-out, hanggang napunta ako sa friendster ng babaeng minamahal ko. At yun nga, ang pinakamaganda kong regalo:


Walang pasok! Yey! May bisita kasi ang gobyerno ng Dubai, si Presidente Bush ng bansang Amerika. Ewan ko ba. Para lang sa ilang oras na state visit ni Bush dito, kailangan pang isarado lahat ng pangunahing lansangan dito. Baka natatakot ang gobyerno dito na pag may nagtangka sa buhay ni Presidente Bush ay giyerahin sila ng Amerika hanggang sa mabura sa mapa ang U.A.E. Saka ganun ata talaga pag Presidente ka ng pinaka-makapangyarihang bansa sa buong mundo, may espesyal na pagtanggap sa’yo. May isang tanong lang sa isip ko, paano mo masisikmura pakiharapan o pakitunguhan ang isang taong pumatay sa mga kalahi mo? Sa mga pinuno ng mga bansang nasa Gitnang Silangan, paano nila nagawang pakitunguhan at tanggapin ang isang taong nagdulot ng sobrang kaguluhan at kumitil ng libu-libong buhay ng mga kapwa nila Muslim? Nagtataka lang ako.
Sa kabilang banda, walang pasok, makakapagpahinga rin ng isang buong araw!

Bakit kaya may mga taong walang pakialam at kunsiderasyon sa kapwa nila, mga Pilipino pa naman! Nakakapanginit ng ulo. Mga nagmamagaling na wala naman sa lugar. May dalawang ungas kasing nagpasikat sa isang forum at isiniwalat nila kung sino ang susunod na matatanggal at kung sino ang mananalo sa sinusubaybayan kong The Amazing Race. Ang mga tarantado may spoiler tags naman di ginamit, kung di pa naman mga bastos ang mga gunggong! Ang mas nakakainis, matagal na yung thread at wala sinuman ang naglakas loob na naglagay ang anumang spoiler. Kung kelan matatapos na at ilang koponan na lang ang natitira, saka pa nagkaroon ng dalawang abnormal na kulang ata sa kalinga ng mga magulang nila ang nagpasikat sa thread at isiniwalat ng walang pakundangan ang susunod na matatangal, ang bansang pupuntahan at higit sa lahat kung sino ang mananalo. Mga balahura!Mga hinayupak! Lamunin na sana kayo ng lupa at iluwal sa piling ni satanas! Bwiset!
/rant

Do you know that you feeling you get, when somebody is gone from your life and then suddenly realized that you miss ’em?

Tuwing bagong taon, nakagawian ko ng gumawa ng New Year’s Resolution. Kung anong dapat gawin, kung anong dapat baguhin at kung anong dapat pag-bigyan ng pansin. Kadalasan wala lang, magka New Year’s Resolution lang, wala ring nagagawa, wala ring natutupad. Ang saya!
Ngayong taong 2008, may New Year’s Resolution na naman ako. Yey!
Maligayang Bagong Taon!

Bagong taon. Bagong buhay. Bagong pag-asa. Bagong pagsubok. Bagong pakikipagsapalaran. Bagong pag-aaksayahan ng oras. Bagong libangan. Bagong blog.
Magba-blog ako kasi gusto ko. Hindi para makiuso, hindi para maging cool. Naisipan kong mag-blog kasi maraming mga bagay na hindi ko nasasabi, hindi ko naipapahayag. Napakaraming bagay ang sinasarili ko lang. Mahirap. Hindi naman kasi lahat ng oras, andyan ang mga kaibigan mo para pag-aksayahan ka ng oras at makinig sa mga kabaduyan mo. May mga sarili din silang mga buhay, may mga kanya-kanyang trabaho, at may kanya-kanyang pamilya. Saka mas maganda pa humingi ng opinyon ng iba, sa di mo personally kakilala, sa isang estranghero. Yung bang ibabase nila yung opinyon nila ayos sa karanasan nila at hindi sa kung anong pagkakakilala nila sa’yo. ‘Yun na ‘yun.
Maligayang pagba-blog…