Why you should follow what the shirt say: Never Give Up

1

After. Almost. 10.Months.

By merely reading the title whoever read my first ever column that was published on our Magazine issue last academic year this should be an easy task for you to know.

I’m done. This time it is for real.

Tracing back, I was diagnosed back then of having the final stage, I guess, of having two primary complexes on the early stage of my life which is TB. Well, I won’t brag here about anything I’ve been through (who’s interested anyway. LOL) but let me share some thoughts I’ve learned while battling something unseen yet may attack you in many ways.

As John Green wrote on his book TFIOS, “Depression is the side effect of dying”. Mostly true for every person like me with the ailment which may cause to death, but what really hit us hard in the face is not the fact that we may die on any moment, because what really depressing is we can’t do things we really want, yes whoever you are reading this, those made-like boundaries of what we should do that reprimand us on making what can we really do are a hard nut to crack.

By merely staying awake in the middle of night when you want to read some novels would be considered a sin after the first several months of my diagnosis, by not being able to breathe because something is clogging your used to be usual breathing pattern, by not just taking your too-much-dosage-my-body-can-take meds first thing in the morning could lead to a restless feeling all over a day that makes you feel sick when you can’t even stand and go in your class, or also by taking the said drugs could lead you to an agitate feeling that makes your world, or only on my case, spin.

I’m become restless to fight, I just follow the current and let them tell me what to do.

But what one thing I’ve learned was there’s always a time to bounce back, to do something you really want, to be selfish on simple moments, and to feel you’re 100% healthy despite what ailment is inside you. The most appropriate time to bounce back, I think, is now.

For all those people that really care, for those people that from time to time tell me those things I should do, for those people that let me do things I really want despite of imaginary limitations that accompanied my ailment, for those people that really believe I could be back, and for those people that serve as primary reason why I should be back, this is all for you.

From the bottom of my now-cleared (finally, I could say this. Haha) lungs and heart, I really do appreciate all those things you’ve done since day one, for all the texts and messages, for all the reminders that I should take my meds, and for everything and anything, Thank you.

I know that words won’t be enough to express such gratitude.  But let me tell one last thing: I’ll be back, for once and for all.

If you finish this until this line, you’re an amazing person, thank you. *salute*

Para sa tanong na nakita ko pag-stalk ng isang blog, at sa paniniwala niya tungkol sa ferris wheel. :)

1893, Chicago, Illinois, USA --- Ferris Wheel and general overhead view of part of Chicago's World's Columbian Exposition. --- Image by © Bettmann/CORBIS

1893, Chicago, Illinois, USA — Ferris Wheel and general overhead view of part of Chicago’s World’s Columbian Exposition. — Image by © Bettmann/CORBIS

“Balanse lang, ika nga. Kung puro saya na lang kasi at puro pagpa-party, e ano pa sense ng life?”

Parang ganito lang ‘yan, “Life is fair, for it is unfair for each and every individual”. Pare-pareho lang tayong ginigising ‘pag sapat na ‘yong tulog natin, na kailangan nating kumain sa panahong nagugutom tayo, at matutulog ulit pag inaantok na.

Wala namang nakatatakas sa sirkulo ng buhay, paulit-ulit na lang, kaya siguro na rin hindi laging gano’n kaya dumarating sa punto na hindi balanse ang mga pagkakataon. Madalas nga sa panahong sobrang saya natin pag kasama natin ‘yong ibang tao dumadating sa punto na pagkauwi natin ng bahay nalulungkot tayo ng wala namang konkretong dahilan, lahat naman ata nakaranas na nyan.

Hayaan mong sa scenario na ‘yan sagutin ko ‘yong tanong na nasa taas ng blog na ‘to.

Darating sa point na puro kasiyahan lang ang natatamo natin sa bahay, ‘yong tipong araw-araw good vibes na lang nakukuha mo, daig mo pa nanalo ‘yong datingan mo pag gising mo sa umaga. ‘Yong panahong saya lang ang bumabalot sa pagkatao mo.

Tipong umulan na pero dumating si crush na may dalang payong at inaya ka niya dahil nakita ka niya sa may waiting shed na naghihintay at malakas ang buhos ng ulan. At oo, may halong swerte pero nangingibabaw ‘yong saya sa nangyayari na ‘yon.

Pero minsan din naman dumadating sa punto na lugmok tayo sa problema kabaliktaran ng nauna, ‘yong tipong ayaw mo na lang gumising sa umaga dahil puno na nga ng problema, kumabaga sa lotto tumaya ka na ng ilang kumbinasyon pero wala pa ring tumama don, parang tumaya ka sa 9 sa loob ng 10 pero yong isang hindi mo tinayaan yong lumabas.

Umuulan na nga, nawalan ka pa ng pera pauwi, gutom na gutom ka na, plus the factor na dahil nag-overtime lang ‘yong prof mo kaya nagkaganon ang lahat ng bagay. ‘Yong panahong nawawalan ka ng pag-asa sa buhay. Gusto mo na lang umalis walang sayang nararamdaman, puro kamalasan.

Don na nga siguro pumapasok sa buhay natin kung bakit nga ba kailangan lang balanse ang mga pagkakataon, dahil hindi naman lagi laging masaya lang at hindi naman lagi purong hirap lang. Pero in the first place, hindi naman natin mararamdaman kung ano ‘yong saya kung hindi tayo malulungkot muna.

Kaya hindi talaga wish-granting-factory ang buhay ng tao dahil na rin hindi natin mararamdaman kung gaano tayo kaswerte kung hindi tayo mamalasin, hindi natin malalaman ang halaga ng isang bagay kung hindi to mawawala, at hindi tayo makakaramdaman ng tunay na saya kung hindi muna tayo umiyak sa pagkakataong iniwan tayo.

Hindi masamang maging masaya ng sobra kung nalungkot tayo ng matagal.

Hindi masamang sumama sa iba kung tinalikuran na tayo nong akala natin sasama sa tin sa huli.

Hindi masamang tanggalin ‘yong lubid kung nakakasakal na.

‘Yon siguro ang dahilan kung bakit kailangan nating mag-party at magsaya ng matagal na panahon, para sa panahong lulungkot, iiwan, at iiyak tayo alam natin kung ano yong dapat maramdaman para maging masaya.

Masarap naman kasing umangat, pag nalugmok ka.

Mas masaya ring magmahal kung dati ka ng nasaktan, ‘yong tipong tatanggaling ‘yong takot.

Kaya tayo lumulungkot, kasi kailangan nating maramdaman ano ‘yong tunay na saya. 🙂

Dahil hindi ferris wheel ang paghahanap ng forever, kahit pa gaano katagal tayong nasa itaas, pag natapos na ‘yong ride ‘di naman pwedeng aalis na lang tayo, pwede rin naman kasing tayong sumakay ng ilang ulit hanggang sa may makasabay tayong gagawing memorable ‘yong sakay na ‘yon para hindi na tayo umulit pa ulit ng sakay. 🙂

*wink*

21 Characteristics of an A+ Boyfriend

Oh cool

Jasmin Tan's avatarThe Clumsy Lass

Image

  1. He is your number one fan. He is the first one to congratulate you when you passed all your subjects. He makes the layout of your tarpaulin when you were awarded as cum laude. He delivers the news to everyone when you win a certain contest. He may not carry cheerleading pompoms, but he makes you feel that you are a superstar.
  2. Even during your losing moments, he will still be very proud of you. He will cheer you up and tell you you’re still the best even though you failed to achieve an award you were aiming for or got defeated on a competition. Even if you feel like a pathetic loser, he will make you feel like a winner.
  3. He does not fail to text and call you. Whether they are “good morning” and “good night” messages, or a regular reminder for you to eat your breakfast, dinner…

View original post 947 more words

Sa paghihintay at pag-blog

Disclaimer: Last year pang gawa ‘to, inayos ko lang nang konti.

Eksena: Habang matagal na naghihintay para sa mga topic na pwedeng ilagay sa blog na ‘to, narealize ko na ‘yong kanina ko pang ginagawa ang topic na hinahanap ko: paghihintay.

Madami at normal sa mga tao ang mainipin o maikli ang pasensya ‘yong tipong isang oras pa lang naghihintay sobrang tagal na para sa kanila. May mga tao rin namang binayayaan ng kakaibang abilidad para maghintay nang matagal o sa madaling salita ‘yong mahahaba ang pasensya.

Naghihintay tayo sa mahaba at mainit na pila sa enrolment, Hi BulSUans! Kung saan may mga walang awa pang sumisingit at nagpapalakad. Pagtapos ay kukuhanan tayo ng haggard na picture para sa ID na gagamitin mo bilang gate pass para makapasok sa mapanitang mata ni manong guard.

Ginagawa at nakakaya natin lahat nang ‘yan para makapag-aral, para makatulong sa magulang, at sundan mo pa ng ibang cliché na pangyayari na pwedeng ilagay sa elementary essay contest.

Kung may gusto kang bilhin at hindi sapat ang pera  maghihintay ka sa tamang panahon kung kailangan nakaipon ka na, huwag lang sana matagalan baka maunahan ka ng iba.

Nagawa mong maghintay nang matagal sa isang mall para mapirmahan ng paborito mong artista, na nalate pa sa venue sa hindi malamang dahilan, ang album niya na napakamahal.

Nagagawa natin ‘yan para mafulfill ang mga gusto natin na nagbibigay sa atin ng kakaibang kasiyahan. ‘Wag na tayong lumayo, ilapit na natin kung saan pwedeng maka-relate ang lahat, lovelife.

Kung isa kang nilalang na ‘they live happily ever after’ ang ending ng storya at never-say-die fan ng destiny sa mga nag-iintay ng ideal man/woman ng buhay mo dahil naniniwala kang may taong nakalaan para sa’yo hindi mo siya kailangan hanapain dahil darating siya sa’yo.

May mga tao na naghihintay para sa mga mahalaga sa kanila o mahal nila kasi maaring hindi pa sila pwede ngayon at may tamang panahon sa kanilang dalawa. Pero may mga tao talagang pinagtagpo, perfect timing eka nga.

Bakit nga ba tayo naghihintay?

Para sa ‘kin, simple lang, naghihintay tayo para sa kung ano o sino ang nagpapasaya sa ‘tin ‘yong tipong makikita mo kung gaano kahalaga ang isang bagay na matagal mong hinintay ‘pag na sa’yo na ito.

Kasama ng mahabang pasensya ang tiyaga at hindi agad pagsuko dahil kung gaano mo pinaghirapan at katagal hinintay ang isang bagay o isang tao ganoon din kahirap itong bitawan o iwanan.

Kaya matutong maghintay dahil madaming magandang pwedeng mangyari kung tayo ay maghihintay, dahil may mga bagay na nadadaan ‘pag tayo ay nagdahan-dahan. Pero alam mo na rin naman kung kailan titigil, kaya hindi ko na sasabihin pa dito.

Patience is a virtue nga ‘di ba? Cliché pero totoo.

Pagpapatuloy ng eksena: Hindi ko namalayang natapos na pala ang ‘yong blog na ‘to. Hindi lang dahil sa naghintay ako pero may ginawa rin kasi ko para matapos ‘to.