Once in a lifetime…

Midnight of March 16, 2022, I met a guy I never thought would change my life principles. Before he came, I was sure that I would never let any male specie control my heart, emotions, and mind. I will never compromise with someone whom I know will never be permanent in my life. But everything changed because of him.

Before he came, I was so contented with myself alone. I don’t need anyone to hear my bothering thoughts and to share my self problems with. But this man never failed to ask how my day was going and if I am doing fine. He consistently cares about my well-being.

He is always interested in my stories. He listens carefully. Whenever I tell him sad stories, he always cheers me up.

Hey! He is not perfect, but for me he is. He is perfect with his own flaws. He is perfect even though he is sometimes short-tempered. He is perfect even though he is not good with words. He is perfect even though he sometimes complains. He is perfect because he is perfect for me.

What’s cute about him? Everything! He is cute whenever he is much excited when telling some funny stories. He is cute whenever he is shy. He is cute whenever he is jealous (but please, don’t be haha). He is cute whenever he shares random photos with me. He is cute whenever he asks me for kisses. He is cute whenever he denies that he loves what he’s doing. He is cute in everything he has and does.

He is also handsome, handsome among all the men in this world. He is so attractive and handsome whenever he prioritizes and protects his family. He is handsome whenever he is too focused on his studies. He is handsome whenever he shares his honest opinions with me. He is handsome whenever he admits things like faults and some funny kinds of stuff. He is handsome whenever he answers my difficult random and out-of-nowhere kinds of questions. Most of all, he is the most handsome whenever he calls me “mahal” and “baby ko”. He is handsome whenever he tells me that he loves me at random moments. He is handsome whenever he says “mahal na mahal kitaaaa”.

I may have known you for not so long, but I want you to know that my love for you is deeper than what I thought I can feel or give to someone. Everything is really new to me because I never see myself loving someone as much as this. I never know that I will be this willing to spend a lifetime with someone who is out of my league.

The more days we spent with each other, the more we discover stuff that may hurt us or may make us both happy. Our relationship gets more challenging. But, with these challenges and quarrels, we tend and choose to love each other more.

Hi, mahal! Kapit lang! There are more challenges out there that I am sure we will still face and conquer together. Never doubt the love we have for each other, okay? This story is for us. You are the once in a lifetime that I would spend my life with.

Nangangarap… Nagpapasalamat…

Sa nagsusulat ngayon na nangangarap maging isang abogado

Ipagpatuloy mo

Ituloy mo ang laban

Para sa mga taong nag-iintay sa’yo

Hindi mo man lubos na pinangarap

Ngunit, may higit na nangarap para sa’yo

Hindi mo man noon ginusto

Ngunit ngayo’y tingnan mo

Ito’y mahal mo na

Mahirap

Nakapapagod

Nakauubos

Nakabababa

Subalit hindi iyan ang dulong nais mo

Sa lahat ng pagsubok

Sakit

Lungkot

Pinatibay n’yo ako

Wala pa man ako sa dulo

Nagpapasalamat na ako

Dahil kung anuman ang kahihinatnan ng lahat ng ito

‘Yon ay para sa aking pagkatuto.

Nagmamahal

Ang Iyong abogado sa hinaharap.

Basketball

Palagi nating naririnig na bilog daw ang bola
Alangan namang maging parihaba di ba?
Pero sabi ng iba, malalim na kahulugan daw ang tingnan
Pero bat ganun? Minsan wala ka pa din talagang laban.

Minsan ikaw yung lamang
Pero kalimitan ikaw yung dehado at nalalamangan
Ginawa mo na ang lahat pero hindi pa din sapat
Hawak mo na, yakap mo na pero bakit naagaw pa din ng iba?

Magdidribble ka ng magdidribble, poprotektahan mo
Kaso konting mali mo sa iba na napupunta
Iba na ang nakikinabang sa bagay na ikaw naman ang nagpakahirap
Iba na ang nakakakuha ng puntos na dapat ay para sayo

Ipapasa mo sa kakampi mo kasi di mo na kaya
O kaya kasi libre silang tumira
Pagtumira sila minsan shoot pero madalas sala
Kasi nauunahan na ng kaba

Tatalon ka at muli na namang makikipag-agawan para sa team na naman mapunta
Ngunit hindi mo alam na pagtalon mo naunahan ka na pala ng iba
May iba nang nakahawak at itinatakbo na ang bola palayo sayo
Pero dahil ang bola ay bilog muli ka na namang dedepensa

Minsan akala mo panalo na kayo kasi mahina ang kalaban
Akala mo kaya niyo na kasi nakalamang ka na
Paano naman kung ayaw naman pala sa inyo ng bola?
Kaya sa iba ito pumupunta at kapag ikaw ay tumira kusa siyang lumalabas

Paano ka dedepensa kung sa una pa lang alam mo ng talo ka?
Paano ka hahabol kung alam mo namang naiiwanan ka na talaga?
Paano ka tatalon kung yung kaagaw mo sa bola hanggang balikat ka lang pala?
Paano ka pupuntos kung ang sarili mong kakayanan ay di mo kayang pagkatiwalaan?

Palagi kasing nakatingin sa negatibong bahagi
Bat di mo tingnan yung positibo?
Kung wala kang makitang positibo bat di mo gawing positibo yung negatibo?
At itry mo din kayang magtiwala sayong mga kakampi

Kaya mong dumepensa basta itatak mo sa utak at puso mo na hindi mo dapat ipaagaw sa iba ang bolang pinagkakaagawan ng madami
Kaya mong humabol hangga’t natatanaw mo pa ang ‘yong hinahabol
Kaya mong tumalon at umagaw ng bola kung ang nasa isip mo ay’ kaya ko to’
Kaya mong pumuntos basta magtiwala ka lang sa sarili mo

Ang laro ay hindi natatapos dahil lang naagawan ka
Hindi ito natatapos kasi nagkamali ka
Ang laro ay nagpapatuloy basta may oras na patuloy na tumatakbo
Ito’y nagpapatuloy habang di ka sumusuko

Ang bola ay bilog para madali mo itong mapatalbog
Ang bola ay bilog para ito’y iyong maprotektahan
Ang bola ay bilog kaya walang makatutuldok sayong kakayahan
Ang bola ay bilog kaya sa sigaw ng madami ay huwag kang magpapabulabog

Manalo matalo ang mahalaga lumaban ka
Masarap ang pakiramdam ng nananalo
Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon kayo ay panalo
Matalo man ayos lang yan basta ginawa niyo ang tama

One Lovely Blog Award

First of all, gusto ko pong pasalamatan si ate aysabaw dahil dinamay niya ako sa sumpa. Hehehe baka kasi magalit pa kapag di ko ginawa itoπŸ˜‚ Basta ateng aysabaw salamat pa din hahaha.

Rules:

β€’Thank the person who nominated you and link their blog in your post.

β€’You must include the rules and the blog award image in your post.

β€’You must add 7 facts about yourself.

β€’Nominate 15 people to this award.
β€œWala pa po akong kilala masyado kaya di na po ako magnonominate haha”

7 Facts About Me

1. Sara May Joy ValdepeΓ±a Rondero. Pantatlong tao ang pangalan na ibinigay sa akin ng mommy ko haha. Siguro na predict nila agad na mahihirapan silang makabuo ulit kaya dinamihan na nila yung pangalan ko mwahaha

2. Senior High Student. Grade 11 pa lang po ako. So next school year Grade 12 na akooo hehehe alangan namang Grade 11 ulit di ba? Syempre marunong naman akong magbida bida sa classroom para ipasa ng teacher hehehe joke lang po.

3. Rank 1. Yan! Tama po yang nabasa niyo. Rank 1 po ako ngayong SHS kasi medyo ginalingan ko sa pagbibida bida at pagsipsip. Pero joke lang po ulit. Syempre bunga ng prayers yan at sipag na din (pwee)

4. Basketball player. Tama po ulit yung nabasa niyo. Varsity po ako haha. 2 years na since kakastart lang ng team namin last school year. Pero syempre straight po ako, nakahiligan ko lang talagang magbasketball kasi kapitbahay namin ang court.

5. Iyakin. Oo, iyakin po ako. Sobbrraaa. Example nang paggiging iyakin ko ay nung hindi ako sinamahan nung mga kaibigan ko sa canteen hahaha. Nagtira pa naman ako ng baon nun, tapos sabi nila busy daw sila. Tatlo sila, tapos lahat busy. Ewan ko kung bakit parang sobrang nagtampo ako nun huhu. Tapos noong lumapit yung isa kong kaibigan bigla na lang akong umiyak. Hahahaha babaw di ba? Lalo na kapag nanunuod ako ng movies na nakakaiyak, sinigawan lang yung bida naiyak na ako agad. Yan medyo na pahaba ang #5 hahahaha

6. Periodical Exam. To be honest po, di talaga ako writer o blogger kinailangan ko lang talagang gumawa ng account dito sa wordpress at magpost ng kung ano-ano para magkagrades sa E-Tech. Pero syempre natuwa pa din ako noong nalaman ko na ito ang exam namin. Kasi pinangarap ko din namang maging blogger at maging author ng kung ano-anong stories hahaha. Yung bestfriend ko kasi, sya talaga yung mahilig magsulat medyo gaya gaya kasi ako kaya yun… nakisulat na din ako hahaha

7. Christian. Last but not the least, at ang bagay na pinakaproud ako ay namulat ako sa Christian family. Tipong 6 years old pa lang ako nagtatambourine na ako sa church namin. Tuwing anniversary palagi din akong kasali sa special numbers. Pero ang pinakahighlight nang paggiging Christian ko ay madali along maguilty sa mga bagay bagay hahaha. Tapos yung mommy ko leader sa church namin. Chairwoman pa ng fasting kaya yun! Laging may nakasupport sa akin, kapag sasama ako sa youth camps.

PS. Pasensya na po sa aking kacheapan πŸ˜‚πŸ˜‚ Wag niyo na po ako ulit idadamay hehehe. Lalo kana ateng aysabaw tahimik naman po ako tapos nilista mo po ako sa noisy. Grabe ka po huhuhuhu

I am not alone…

“I am not alone

I am not alone

You will go before me

You will never leave me”

“You amaze me

Redeem me

You call me as your own

You amaze me

Redeem me

You call me as your own”

-I am not alone (Kari Jobe)

Feeling singer si ate mo sa pagta-type ng lyrics dahil may pagkanta pa! Anyways, gawan natin ito ng tula ^_^

Sa loob ng isang silid na kay dilim

Nagkukubli ang isang babaeng puno ng lihim

Mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan

Hindi niya malaman kung paano sosolusyonan

Hinayaan niyang iiyak lahat nang nadarama

Hanggang sa hindi na makapatak ang luha niya

Isang tinig ang kaniyang narinig

Tinig na bihira lamang ang nakakadinig

Ayon sa tinig, Siya naman daw ay handang makinig

Nais Niyang laman ng isipan ay aking isatinig

Binuka ang aking bibig

At sa Kanya’y aking kinwento ang lahat nang bumabagabag sa akin

Sa bawat tinig na lumalabas mula sa akin

Kasabay nito ang bawat hikbi na sa akin din ay nagmumula

Bawat sakit na nadarama sa Kanya’y ibinahagi

Bawat kabigatan ng loob, hiniling sa Kanya na ito’y alisin sa akin

Nang matapos ang bawat kwentong ibinahagi ko sa Kanya

Isang mainit at puno ng pagmamahal na yakap ang aking natanggap

Ipinadama Niya sa akin na ako’y hindi nag-iisa

Ipinadama Niya na Siya’y aking kasakasama

Dahil sa Kanya hindi ako natatakot mag-isa

Dahil kailanman di Niya ako iniwang mag-isa.

Puso

Sa tuwing ikaw ay masaya, pakinggan mo ang sigaw ng ‘yong puso

Sa tuwing ika’y malungkot, pakinggan mo ang bawat hikbi nito

Sa bawat masasayang bagay sa buhay mo

Ito’y natatalos ng puso mo

Sa bawat lungkot na nadarama mo

Ang puso mo’y unti-unti ding nanlulumo

Alam nito kung kailan ka masaya

Alam nito kung kailan ka nang hihina

Alam nito kung sino ang dahilan ng ‘yong pagkakakaba

Dahil ang puso mo ang unang nakakadama

Puso din ang dahilan ng ating pagluha

Ang alagaan ito ang iyong tanging magagawa

Upang ito’y malayo sa pagkasira

Iyong tandaan, puso’y tapat sa ‘yong nadarama

Kaya dito mo dapat itago ang lahat ng mahahalagang alaala

Dahil ang isip ay nakakalimot ngunit ang puso’y palaging nakakakilala

Sakit man yan at hirap

Ito’y patuloy niyang tinatanggap

Dahil puso natin ay di mapagpanggap

Nalilito man ito kung minsan

Lagi mo pa ding dapat tandaan

Na ang puso natin ang nakakaalam ng katotohanan.

Bestfriend

IMG_20180309_185638.jpg

Dahil sa munting gusot

Samahan natin ay nagkalumot

Dahil sa mga bagay na nilihim nang kay tagal

Pagkakaibigan natin ngayon ay may tapal

Akala mo di kita tanggap

Tanggap kita at di ako nagpapanggap

Wala akong inasahan mula sayo

Kasi sapat na sa akin na tayo’y totoo

Pero yun din ang hiling ko mula sayo, na sana’y nagsasabi ka ng totoo

Pero dahil sa ating munting di pagkakaunawaan

Luha ko sa pagpatak ay nag-uunahan

Kaya pala kanina naaalala kita

Kaya pala kanina pinagmamalaki pa kita

Kasi ngayong gabi pala matatapos ang lahat

Sa apat na taon nating pagkakaibigan

Nauwi lang sa sumbatan at bangayan

Pasensya ka na kung ang akala mo’y hinusgahan kita

Pasensya ka na kung ang akala mo sa desisyon mo’y di kita sinuportahan

Nagkakamali ka kaibigan

Nagulat lamang ako dahil sa mga sinabi mong di ko inaasahan

Pero anong dahilan para di kita tanggapin?

Kung yung iba nga pinapayuhan ko at sinusuportahan?

Ikaw pa kayang aking minamahal na kaibigan

Pasensya ka na kung natapos ang pagkakaibigan natin sa patawadan

Ayos na din ito, atleast sa huli alam mo pa ding ikaw ay aking suportado

Para sa bestfriend ko, tanggap kita sino ka man

Di naman sa kasarian nasusukat ang pagkakaibigan

Pero dahil mukhang malabo na ang ating relasyong pinahalagahan

Mag-intay lang tayo ng tamang oras para ito’y muling malinawan

Mag-ingat ka diyan sa iyong kinaroroonan

Ito ang huli kong hiling na sana’y iyong baonin

Mahal kong kaibigan,

Ano man ang sabihin ng iba, ito’y wag mong pakikinggan

Ang mahalaga ikaw ay masaya kasama ang iyong minamahal.

Dedicated to: Patrick the Starfish (Prend)

RTC Br 54

RTC

Nangyari ito kahapon. Sa loob ng isang silid na akala mo’y kahon sa loob ng madami pang kahon. Kung saan may isang rebulto na sa kamay ay may timbangang hawak hawak. Ito’y rebulto ng isang babae at mata niya’y natatakpan. Dahil sa kanya’y maraming nagtitiwala na ang katarungan ay makakamtan na walang dayaang magaganap. Dahil ang bawat tao sa loob ng kahon ang hanap ay tunay na kasagutan sa katarungang kanilang inaasam.

Pagpasok ko pa lang sa pintuan

Hanap agad ay katarungan

Nakikita’y mga lalaking nakasuot ng dilaw na damit,

Mga kamay nila’y kapit-kapit

Dahil sa posas na sa kanila’y nakakabit

Bilin ng gwardiya ang bata’y hawakan,

Sapagkat sa harap ng mga preso’y kaligtasan ay walang kasiguraduhan

Tanong sa akin ng babae, “Neng, anong kaso mo?”

Ngunit ang sagot ko’y “Kumplikado po”

Muli siyang nagtanong dahil malamang sa sagot ko’y di niya narinig ang nais niyang kasugatan

“Neng, biktima ka ba ng pang-aabuso?”

Ang tanong niya’y di ko binigyan ng kasagutan,

Sapagkat ang gwardiya’y muling nagbilin, na sa loob ang kasamang bata ay dapat pagkaingatan

Lima, anim, pito

Pitong lalaking kalbo ang sa upuan ay mukhang nagsasaya pa,

Kahit katapusan nila’y lumalapit na

Ang lalaking pang-walo, ang taong sa alaala ko’y sa akin ay umabuso

Sa mata ko siya’y di makatingin kaya’t palaging nakatungo

Isang preso ang sa akin ay nagturo

At ang mga mata ng lalaking kalbo lahat sa akin ay nagtungo

Ang akala nila’y kaya nila akong sindakin

Ngunit di nila alam, sila’y kaya kong isa-isang sapakin

Ngunit mas pinili kong sila’y ipanalangin

Dahil alam kong puso nila’y kaya Niyang hipuin

Katarungang hinahangad, Siya sa akin ang maghahatid

Sapagkat laman ng aking puso’y Kanya Niyang nababatid.

Kwento Ko

img_20180303_15213914303694.jpg

Kapag na basa niyo na ito. Malalaman niyo na ang sekreto ko. Pakiusap wag niyo kong kaawaan dito. Kasi alam niyo namang sobrang lakas ko. Yan! Rhymes pa lahat ang dulo HAHAHA iwasang lumuha

Sa hirap ng aming buhay

Ako’y naiiwan sa kani-kaninong bahay

Ang bahay na akala ko’y puno ng kulay

Kadiliman pala ang taglay

Sapagkat sa bahay na yun ako’y hinalay

Ng tiyuhin kong nakilala ko bilang isang tatay

Ayon sa kanya, kami daw ay mag-babahay-bahayan

Sabi ko naman, ako ang anak-anakan

Ngunit ito’y di niya pinayagan

Sapagkat ako daw ang nanay- nanayan

Ang larong akala ko’y masaya

Ang naging bangungot sa aking alaala

Ito ang naging pighati sa aking memorya

Kaya ang nais ko’y lumaya na

At makagawa ng bagong alaalang kay saya.

 

Mapait na Nakaraan

Published na ito matagal na kaso naka-private hahaha… So ito na nga iu-update ko na para mabasa niyo. Sayang kasi yung drawing ko hahahaha…

Simulan natin ang dramang ito mula sa pagkabata

Iyo pa bang naaalala ang paggiging bata?

Yung simpleng naglalaro lang ng habulan-taya

Naaalala mo pa ba ang dahilan ng iyong mga halakhak noong bata ka pa?

Eh yung una kang nadapa?

Siguro natatawa ka habang iyong binabalikan ang ‘yong mga alaala

Swerte ka kasi ako’y walang masayang alaala ng pagkabata

Sa tuwing aking binabalikan ang lahat, dilim ang aking nakikita

Puro sakit ang aking nadarama

At nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha sa aking mga mata

Nais kong ibahagi sayo ang karanasang ayaw mabura sa aking alaala

Ako’y napasailalim sa kamay ng isang demonyo

Mundo ko’y sinira niya ng todo

Sapagkat pagkabata ko’y kanyang inabuso

Sinira niya ang sana’y puno ng kulay na parte ng buhay ko

Kinuha niya ang dignidad na dapat ay dala dala ko

Kaya ngayon kakaiba ang tingin sa akin ng mga tao

Lalo na yung mga kakilala ko

Sa mata nila’y di mo mawari kung awa ba o pandidiri

Paninira nila’y di ko mabilang sa aking mga daliri

Ang dali nilang manghusga sapagkat sila’y walang alam sa pangyayari

Akala ko ba ako’y biktima?

Bakit sa mata nila ako’y hamak na sinungaling na bata?

Dahil sa paningin nila ako’y masama

Hindi kasi nila alam ang dinanas ko sa kamay ng demonyo

Hindi kasi nila alam na ako’y kanyang inabuso

At lalong hindi nila alam na ito kailanma’y di ko ginusto.

Design a site like this with WordPress.com
Get started