Unknown's avatar

Eulogy (Short Story)

Kinakain ako ng takot at kalituhan sa nangyayari sa akin. Nangangamba ako sa kaligtasan ko, kasabay ng pag-aalala na baka hindi na ako maabutang buhay ng mga magulang ko. Kung katawan lang ang habol nito sa ‘kin, papayag na ako makaalis lang sa impyernong lugar na ‘to.

Sa gitna ng katahimikan ay may biglang bumukas o may nagbukas ng mailiit na ilaw. Tanging ang repleksyon galing sa kanyang salamin naaninag ko sa madilim na kwartong kinalalagyan naming dalawa. Sa panandaliang pagdampi ng ilaw sa mukha niya, alam kong siya nga. Si Miguel.

“Ano na naman ba ‘to, Miguel?” sigaw ko sa kanya.

Si Miguel lang pala. Nawala ang takot ko. Nangibabaw sa akin ang inis at galit sa kanya. Matagal na rin kaming hindi nagkakausap. Maga-apat taon na rin. Simula no’ng nakipag-break siya sakin.

“Happy anniversary!” sigaw n’ya habang nakangiti, parang wala lang sa kanya na ‘eto ako, nakagapos sa kadena, at siya ang may pakana.

“Anong happy anniversary? You know what, Miguel? You’re pathetic. Naiinis na ko sa ‘yo! Alam mo, pag nalaman ‘to ni Robert—“

“P*tang In*ang Robert na ‘yan! Wala dito ang Robert mo. Walang sinuman ang nakakaalam ng lugar na ‘to, dahil nasa pusod ka ng impyerno!” Naluluha na si Miguel habang nagsasalita, parang tinatakasan na ng bait. Hindi ko na s’ya kilala.

“Ano bang nangyayari sa’yo? Please cut this off! Ayoko ng drama. At d’yos ko an’tagal na nating wala, Miguel. Move on.” Malumanay na ang boses ko. Alam kong hindi pa siya nakaka-move on. At alam kong ‘yon ang dahilan kung bakit umabot kami sa ganito.

Mabait si Miguel. Maalaga. Wala kaming problema o naging awayan no’ng nagsasama pa kaming dalawa; na s’yang dahilan kung bakit ako tinabangan sa kanya. Na-boringan ako sa kanya. Walang aksyon. Binibigay lahat ng gusto ko. In short, too-good-to-be-a-gentleman. Kaya naghanap ako ng iba at wala na lang siyang nagawa kundi hiwalayan ako.

“Napakadaling mag-move on, para sa ’yo, ano? Hindi mo na kasi kailangan ‘yon. Pano ka magmo-move-on, eh ni hindi ka nga kailanman na-inlove sa ‘kin. Naawa ka lang, Cammile. Sana hindi mo na lang ako sinagot,” unti-unti nang kinakain ng mga luha ang mga mata ni Miguel.

“Sana nga hindi na lang kita sinagot. Eh ‘di sana, wala ako dito ngayon. Alam mo, Miguel, wala na sa ‘kin ang problema. Oo, nanlamig ako sa ‘yo. Pero, God, ang tagal na no’n. Kasalanan kong lumandi ako dati, nag-sorry na ko. Tinagggap mo. Tapos na. Alam mong tapos na tayo sa unang buwan pa lang ng pagsasama natin,” nasabi ko nang lahat ‘to sa kanya. Maliban sa huling pangungusap.

Napababa ang tingin ko sa kanya. Napansin kong may kinuha siya sa bulsa n’ya. Revolver. Nanlamig ang katawan ko. Parang hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

“Isang bala lang ang laman nito,” bumubulong na lang siya pero sa sobrang katahimikan ng kinalalagyan, maliwanag ko pa ring naririnig ang mga sinasabi n’ya.

“Lahat ng problema, kaya nitong solusyunan. Hindi ko naman alam na aabot sa ako sa ganito,” nakayuko na siya at parang wala nang emosyon ang pagsasalita n’ya. Pero ramdam ko sa awra n’ya ang lahat ng emosyon na hindi n’ya kayang ihatid gamit ang boses.

“Limang taon. Limang taong wala na tayo. Limang taon na ring kayo. Limang taon na rin akong ganito.”

Unti-unti ng binabasag ng pag-iyak ang boses n’ya.

“Hindi ako kailanman nagalit sa’yo. Sa loob ng limang na taon, pilit kong pinoproseso kung bakit mo ko pinagpalit. Kung bakit ako nagtiwala sa ‘yo. Kung bakit ibinigay ko ang buong tiwala ko sa ‘yo at hindi ako nagtira para sa sarili ko.”

Hindi na n’ya mapigil ang pag-agos ng luha sa mata n’ya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya sa kabila ng takot na kahit anong oras ay pwede n’yang itutok sa ‘kin ang baril n’ya. Hindi ko namalayan na tumutulo na rin pala ang luha ko.

Pinilit ko ang sarili ko na magsalita. “Miguel, hindi ko gusto na iwanan ka. Pinili ko lang kung sa’n ako magiging masaya. At pinangako mo na magiging mas masaya ka kung masaya ako.”

Naririnig ko ang paghikbi ni Miguel. Pinipilit n’yang humikbi nang mahina pero kanina pa s’ya humahagulgol. Lumapit s’ya sakin. Bumilis ang tibok na puso ko. Napapikit ako.

“Mahal na mahal kita, Cammile.”

Hinalikan nya ko sa noo kasabay ang pagtulo ng luha nya sa pisngi ko. Iniabot n’ya sa ‘kin ang susi ng kadena at isang maliit na sobre at tumayo sa harapan ko.

Itinapat niya ang baril sa ulo n’ya.

“Mahal na mahal kita, Cammile.”

Unknown's avatar

Mga Siwang sa Gitna ng Liwanag

Kung bibigyan kita ng isang malinis na papel, at papaobserbahan sa ‘yo, malamang ay babatukan mo ako dahil

wala kang makikita. PERO kung kapag binutasan ko sa gitna ang papel, may masasabi ka na. ‘Yung tuldok. May

kapintasan.

 

Siya rin ang maliit na butas ang gagawa ng paglalagusan ng liwanag. Siya ring butas ang paran upang may makita

kang mga malilit na detalye sa likod ng maliit na butas na iyon.

Hindi pulos puti, hindi rin pulos itim. Hindi mo alam kung ano ang mga detalye, kaya ikaw na mismo ang gagawa ng

mas malaki pang butas upang malaman kung ano ba talaga ang nasa likod ng malinis at maliwanag na papel.

Tatanungin kita, ano ang mas maganda sa mata? ‘Yong puro puti sa papel o ‘yung mga maliliit na detalye mula sa

butas ng papel?

 

Minsan kasi, nakakasawa rin ang puro puti, puro kabutihan, puro kabusilakan ng puso ang nakikita natin.

Nalilinlang tayo ng nakikita natin sa puting papel. Puti. Malinis. Busilak. Hindi mo kakikitaan ang anumang bahid.

Pero, ayon sa pananaliksik ko habang nagpe-facebook, ang puti ay dulot ng pagsasama-sama ng lahat ng kulay sa

spectrum. Kaya lahat ng kulay ay kailangan, hindi lang masasaya at maliligayang kulay, pati na rin ang malulungkot

at mapupusyaw.

 

Ang kulay puti ay parang relihiyon. Pulos maliwanag, malinis, at busilak ang nakikita o ipinapakita sa iyo. Hindi

ipinapakita ang iba’t-ibang kulay na naktatak na sa rehiyon ng karamihan sa atin.

 

“This is my blood of the covenant, which is poured out for many for the forgiveness of sins.” –Matthew 26:28

 

Pula. Kulay ng dugo. “Ang katawan at dugo na ihahandog para sa inyo.” Pamilyar ba? Kung hindi, asahang

mabubuhay ka pa ng mas mahaba pang panahon. Katawan at dugo. Iaalay para sa atin. Katawan at dugo rin.

Inialay ng mga sundalo mula pa no’ng panahon ng Crusades hanggang sa mga Holy Wars.

Ilang katawan at dugo na kaya ang inialay para sa relihiyon?

 

“You shall not pollute the land in which you live… you shall not defile the land in which you live, in which I also

dwell.” –Numbers 35: 33-34

 

Luntiang paraiso para kay Eba at Adan. Luntiang pag-iisip para sa pari at Obispo. Lumalaki na ng lumalaki ang bilang

ng mga kaso ng pang-aabuso. Mula noong 1950 hanggang 2002, 10,667 ang bilang ng 81% dito ay pang-aabuso sa

kalalakihan, at 27% dito ay ginawa sa mga batang kinse hanggang disisyete anyos.

 

“But remember the Lord your God, for it is he who gives you the ability to produce wealth.” –Deuteronomy 8:18

Dilaw. Kayamanan. GInintuang kulay para sa kayamanan. Sa simple palima-limapiso mo sa alay t’wing nag-aalay ka

sa simbhan, nakabuo na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng 18 bilyong piso. Pwede na

nitong bilhin ang buo mong pagkatao. Bukod pa sa kaluluwang busong-puso mo nang ibinigay sa kanila.

At ang pinakahuling kulay: ITIM.

 

“The light shines in the darkness, and the darkness has not overcome it.” –John 1:5

 

Ang kadiliman ay ang kawalan ng liwanag. Ang kasamaan ay dulot ng kawalan ng Diyos. Saganang-sagana naman

sa Diyos ang mga tao sa tahanan niya, ngunit bakit pa nila ‘yon nagagawa? May magagawa ba tayo? Ako man rin ay

masamang tao. Lahat tayo ay masamang tao. Depende lamang sa antas.

 

Bilang pagtatapos sa sanaysay kong ito, magiiwan ako ng mga kataga na galing rin sa bibliya:

 

“People who conceal their sins will not prosper, but if they confess and turn from them, they will receive mercy.” —

Proverbs 28:13.