(Salin ng maikling kwentong War ni Luigi Pirandello)

Ang mga panggabing mga manlalakbay na kaaalis lang galing Roma ay napilitang tumigil hanggang bukang liwayway sa isang maliit ba istasyon ng Fabriano upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay sa pamamagitan ng lumang linya na karugtong ng Sulmona sa susunod na araw.
Kinaumagahan, sa masikip at mausok na bahagi ng tren kung saan limang tao na ang natulog nang nakaraang gabi, isang matabang ginang na puno ng luksa ang pumasok sa tulong ng lang kalalakihan. Sa likod na nakasunod sa kaniya ay ang kanyang asawa na humihitihit ng sigarilyo at kung miminsa’y sumasambit ng kung anu-anong pangungusap. Ang lalaki—maliit, payat, at mukhang mahina, ang kanyang mukha ay maputi na gaya ng sa patay, ang kanyang mga mata ay maliliit at kumikislap, mukha siyang mahiyain at may kung anong bumabagabag sa kanyang isipan.
Nang sila’y makaupo na, nagpasalamat siya sa mga pasahero na tumulong sa kanyang asawa at nagbigay ng kanilang upuan para sa kanya. Pagkatapos ay nilingon niya ang babaeng sa pagkakataong iyon ay ibinababa ang kwelyo ng kanyang damit pangginaw. Magalang siyang nagtanong:
“Kamusta ka, kaibigan?”
Ang babae, sa halip na sumagot, ay muling itinaas ang kanyang kwelyo patungo sa kanyang mga mata upang itago ang kanyang mukha.
“Malupit na mundo!” Ang tanging nasambit ng lalaki sa kanyang sarili habang malungkot na ngumingiti.
At naramdaman niyang tungkulin niyang ipaliwanag sa ibang mga manlalakbay na ang kanyang asawa ay dapat kaawaan sapagkat maaring bawiin ang kanilang nag-iisang anak bunga ng digmaan. Isang dalawampung-taong gulang na lalaki na pinag-alayan nila ng kanilang buong buhay bilang mga magulang; kinailangan nilang ipagbili ang kanilang bahay sa Suloma masundan lamang siya sa Roma, kung saan kinailangan niyang mag-aral. Pagkatapos nito’y nagboluntir ang kanilang anak na maging sundalo ng Italya sa kasunduang hindi siya masasabak sa giyera sa loob ng anim na buwan, subalit nakatanggap sila ng telegramang nagsasabi na siya ipapadala sa susunod na tatlong araw at kailangan nilang pumunta upang siya ay makita sa huling pagkakataon.

Ang babae na nakadamit pangginaw ay hindi mapalagay, minsa’y humihiyaw na parang hayop sa kagubatan; sa palagay niya, ang mga manlalakbay sa loob ng tren ay hindi magbibigay ng simpatya para sa mag-asawa anumang pagpapaliwanag ng dalawa sa kanilang nararamdaman sapagkat silang lahat ay nasa parehong kalagayan—tulad din niya.
“Dapat nga magpasalamat ka pa sa Maykapal na ang iyong anak ay ngayon lamang aalis. Ang anak ko’y ipinadala na unang araw pa lang ng digmaan. Dalawang beses na siyang umuwi nang sugatan subalit muli’t isinasabak siyang muli.”
“Paano naman ako, mayroon akong dalawang anak at tatlong pamangkin na lalaki,” turan ng isa pang pasahero.
“Oo nga, subalit, siya’y nag-iisa naming anak,” sagot ng lalaki.
“Ano’ng pinagkaiba? Maaari mo mang mahalin ang nag-iisang anak, ngunit hindi mo siya maaring mahaling higit pa kung sa iba mo pang mga anak. Ang pagmamahal ng magulang ay hindi parang tinapay na maaring hatiin ng pantay-pantay at ipamahagi sa bawat isang anak. Ibinibigay ng isang ama ang kanyang pagmamahal para sa lahat ng kanyang mga anak na walang pag-iimbot, isa man o sampu. Kung ako man ay nagluluksa ngayon, hindi ako nagluluksa ng kalahati para sa bawat isa, kundi doble.
“Totoo…totoo,” malungkot na sagot ng napahiyang lalaki, “ngunit halimbawa (hindi ko naman hinihiling ito) ang ama ay may dalawang anak na nasabak sa digmaan, at nawala sa kanya ang isa, mayroon ka pang natitirang isa upang mabawasan ang kalungkutan…at sa kabilang banda…”
“Oo,” sagot ng isa, “ang anak na magpapasaya sa magulang, subalit siya ay mapipilitang mabuhay para sa kanyang natitirang anak, ang amang namatayan ng nag-iisang anak, ay maaari na ring magpakamatay upang matuldukan ang kanyang kalungkutan. Alin sa dalawa ang higit na masakit? Hindi mo ba nakikitang mas mahirap ang aking kalagayan?
“Walang kabuluhan,” nawika ng isa matabang manlalakbay na namumula ang abuhing mata at mukha.
Siya ay naghahabol ng kanyang hininga. Mula sa kanyang namamagang mga mata anyong lalabas ang tinitimping karahasan ng di mapigil na lakas na hindi kayang ibahay ng kanyang mahinang katawan.
“Walang kabuluhan,” muli niyang nasambit, pilit niyang tinatakpan ang kanyang bunganga upang ikubli ang dalawang nawawalang ngyipin sa harapan. “Walang kabuluhan. Binigyan ba natin ng buhay ang ating mga anak para sa ating kabutihan?”
Napatingin ang ibang mga manlalakbay sa kanyang kinalalagyan. Ang lalaking kung saan ang kanyang anak ay isinabak na sa digmaan sa unang araw pa lang ay napabuntong hininga: “Tama ka kaibigan. Ang ating mga anak ay hindi natin mga pag-aari; sila’y para sa bayan.”
“Kabaliwan,” salungat ng isa. “Iniisip ba natin ang bayan noong ipinanganak natin sila? Ang ating mga anak ay ipinanganak upang…mabuhay. At kung sila’y mabubuhay dadalhin nila ang ating mga buhay kasama nila. Ito ang katotohanan. Tayo’y kanilang pag-aari, subalit sila ay kailanma’y hindi magiging atin. Tayo ay naging tulad din nila noong sumapit sa ika-dalampung taong gulang. Tayo ay mayroon ding mga ama at ina, subalit bukod sa kanila mayroon ding…babae, sigarilyo, ilusyon, bagong kurbata, at ang bansa na ating tinutugunan ang pagtawag—no’ng tayo ay dalawampung taong gulang—kahit tayo ay pagbawalang nina ama’t ina. Sa ating edad ngayon, an gating pagmamahal sa bayan ay nananatili, natural, ngunit higit na mas mahalaga rito ay ang ating pagmamahal sa ating mga anak. Mayroon bang ni isa man sa atin dito ang di gugustuhing humalili sa ating anak sa digmaan, maligtas lamang sila?”
Natahimik ang lahat. Ang lahat ay napatango na tanda ng pagsang-ayon.
“Bakit…,” pagpapatuloy ng matabang lalaki, “hindi ba natin iniintindi ang nadarama ng ating mga anak ngayong sila ay dalawampung taong gulang na? Hindi na likas sa kanila sa ganitong edad na mahalin ang bayan higit pa sa pagmamahal nila sa kanilang mga magulang? Hindi ba ito likas, na tayo’y kanilang ituring na mga matatandang pasanin at kailangang mamalagi na lamang sa bahay? Kung ang bayan ay nabubuhay, kung ito’y pangangailangan gaya ng tinapay, kung saan lahat tayo ay kailangang kumain upang hindi mamatay sa gutom, kailangan ng mga taong magtanggol sa kanya. At ang ating mga anak, sa pagsapit nila sa kanilang ikadalawampung taon, ay hindi gugustuhing makakita ng luha, sapagkat sakaling sila’y masawi ay lilisan silang masaya. Ngayong, kung ang isang tao ay mamatay na bata pa at masaya, at di pa nararanasan ang madilim na bahagi ng buhay, ang kabagutan nito, ang kawalan ng kabuluhan, ang kapaitan ng pag-alam sa katotohanan…ano pa ang mahihingi natin para sa kanya? Itigil na natin ang pagtangis, at tumawa gaya ko, o dili kaya ay magpasalamat sa Maykapal—gaya ko—sapagkat ang aking anak, bago siya namatay ay nagawa pang magpadala ng liham para sa akin na nagsasabing mamamatay siyang masaya at kuntento dahil mamamatay siya sa pinakadakilang paraan. Kaya naman kung nakikita ninyo ay hindi ako nagluluksa…”
Ipinagpag niya ang kanyang damit pangginaw upang patunayan ito. Ang kanyang mapusyaw na labi sa itaas ng mga nawawalang ngipin ay nanginginig, ang kanyang mga mata ay basa at hindi gumagalaw, at pagkatapos ay tumawa na parang pagtangis.
“Oo…oo…,” pagsang-ayon ng iba pa.
Ang babae na kanina ay nakabaluktot ngayon ay naka-upo na at nakikinig—sa loob ng tatlong buwan—ay sinubok na mahanap sa pamamagitan ng kanyang asawa at mga kaibigan ang mga salitang magpapabuti sa kanyang pakiramdam, mga salitang magpapakita sa kanya ng paraan kung paano ang isang ina ay ipapaubaya ang kanyang anak kung hindi man sa kamatayan ay mapagpahamak na buhay. Subalit ay hindi niya natagpuan ang mga ito…ang kanyang kalungkutan ay mas lalong pinasidhi ng katotohanang walang nakaiintindi sa kanya.
Subalit paanong ang mga salita ng manlalakbay na ito ay nagpabago sa pananaw na ito. Napagtanto niyang ang pagkakamali ay wala sa ibang tao, at ang hindi pag-intindi sa kanyang sariling nararamdaman upang kagaya nga mga ama’t ina na ipinauubaya, nang walang pagluha, ang kanilang mga anak sa kanilang paglisan at sa kamatayan.
Itinaas niya ang kanyang ulo upang mapakinggan ng maayos ang mga detalye ibinibigay ng matabang lalaki sa kanyang mga kasamahan kung paanong ang kanyang anak ay namatay na bayani para sa kanilang hari at sa kanilang bayan na masaya at walang paghihinayang. Pakiramdam niya ay narrating niya ang isang mundong ni sa panaginip ay hindi niya naisip na totoo, isang mundong hindi niya alam, at siya ay masaya sa pagbati ng ibang manlalakbay sa matapang na ama na hindi iniindi ang mga salitang patungkol sa kamatayan ng kanyang anak.
At bigla, na parang wala siyang narinig sa mga napag-usapan at parang nagising mula sa panaginip, dumako siya sa matandang lalaki at tinanong ito:
“Totoo nang patay na ang iyong anak?”
Napatingin ang lahat sa kanya. At ang matandang lalaki ay napatingin rin sa kanya, itinuon ang kanyang malaki, namamaga, at namamasang abuhing mga mata sa mukha ng babae. Sinubok niyang sagutin ang tanong, subalit binigo siya ng mga salita. Matama niyang tiningnan ang babae, na parang noon lang—sa nakatatawa at walang kabuluhang tanong—napagtanto niyang ang kanyang anak ay patay na nga—wala na—habambuhay. Nag-iba ang kanyang mukha pagkatapos ay kinuha mula sa kanyang bulsa ang isang panyo, at sa pagkabigla ng ibang mga manlalakbay, siya ay tumangis.
Digmaan
Ipinaskil Nobyembre 15, 2009 ni JMga kategorya: Commentaries, Filipino Translation, Literature, Social Issues, Uncategorized
Tags: Fabriano Italy, Luigi Pirandello, Sulmona Italy, Translation of War, War

Comments: 23 mga puna