
Mahigit Pitumpong Pamilya ang nabiyayaan ng Ramadhan 2021 Iftar Program sa Bacolod City kanina bilang bahagi ng patuloy na kawang-gawa ng masigasig na partnership ng BCOBAR Federation, Bacolod Eagles Club, 303rd Brigade at ang Bacolod City Police Station 6.
Ayon sa organizer na si Khalid Lumna, ang National Coordinator ng BCOBAR sa Western Visayas, ang nasabing programa ay bunga ng aktibong ugnayan sa mga mahahalagang institusyon sa lugar, “Hindi lang charity ang binubunga ng ating masiglang ugnayan dahil ang mga grupong ito ay kinabibilangan ng mahahalagang tao at ahensya na daglian nating malalapitan sa anumang problema ng komunidad.”
Nauna rito ay naglunsad na rin ang kanilang partnership ng medical mission at iba pang outreach activities sa lungsod. Kabilang sa mga ginawaran ng sertipiko ng pagkilala at pasasalamat ang 303rd Infantry Brigade, 3ID, PA at sina CPT MERVIN CASTILLO ROSAL (INF) PA, CMO Officer, 303 Infantry Brigade, 3ID PA, COL INOCENCIO I PASAPORTE INF (GSC) PA, Commander, 303rd Infantry Brigade, 3ID, PA.
Ginawaran din ng pagkilala sa Ramadhan 2021 Iftar Program ang National Liaison Officers ng Eagles Club na si Kuya Ed Lumogdang TFOE-PE at ang 79th Infantry “MALASIGAN” Batallion. Para sa patuloy pang kawang-gawa ng grupo ay makikipag-ugnayan lamang sa Messenger ng organizer @Khalid Dalidig o sa kanyang cellphone number 09480374774. (BCOBAR News, May 8, 2021)


