Sa tuwing maglalaro ako ng DOTA sa computer shop, kasama ang mga taong naging parte ng buhay-dota ko (wenkz) marami akong naeexperience na mga bagy-bagay na di mo aakalaing dito ko lang mararanasan… Nariyan na yung mga sigawan ng mga naglalaro, na akala mo ay nasa isang casino na napakalaki ng pusta.
“First Blood!”
Iyan ang mariririnig mo sa mga speakers ng mga pc ng mga naglalaro ng Dota kapag may hero na namatay. Kadalasan, itong titulong ito ang pinag-aagawan nila. Kahit ako di ko rin alam kung bakit. (hehe)
“Killing Spree!”
Matapos mong marinig ang First Blood, killing spree naman. Kapag narinig mo na ito, kasabay mo ring maririnig ang mga boses ng mga manlalaro kasama na ang mga manunood. “Ayun oh? killing spree na siya!”- itong linya na to ang kadalasan mong maririnig.
“Mega Kill!”
Kapag ang isang hero ay nakapatay na ng limang kalaban (ang iskor niya ay 5-0), mega kill naman ang maririnig mo. Wala namang nakakaexcite dito. Hehe. Un nga lang, kapag narinig na ito, gaganahan na lalo maglaro ang mga kalaban para mapatay ang herong iyon.
“Dominating”
Dominating. Marinig mo pa lang di ba nakakatakot na? Parang gusto ka nang kainin ng buong buo. Nagsisimula ng kabahan ang mga kalaban ng player na nakadominating sa puntong ito.
“Wicked Sick!”
Sa puntong ito ay pagpapawisan na ang kalaban ng naka-wicked sick dahil malamang ay kinakailangan na nilang gumawa ng isang malupit na stratehiya upang mapatay at mapigilan sa paghahari itong player na ito.
“Unstoppable!”
Mauuna ang unstoppable sa wicked sick. Pero sinadya kong isunod ito dahil sa puntong ito, hindi pa rin mapigilan sa paglakas ang hero ng player na ito.
“Monster kill!”
Sa totoo lang, hindi masyadong nakagimbal ang titulong ito, ang monster kill. Bakit? Kasi halos lahat ng character sa dota ay monster! Kahit yung mga creeps. Kaya hindi ako masyadong natatakot sa monster kill. (corny na kung corny…hehehe).
“GODLIKE!!!”
Heto na! Natatakot na ba kayo sa titulong ito? Dapat lang! Dahil kapag narinig ng mga manlalaro ito ay magkahalong emosyon ang kanilang nararamdaman! (gumaganun pa?). Sa kakampi ng nakaa GODLIKE, magkahalong excitement at kaba ang naramdaman. Bakit? Excitement kasi lumalakas na ang kampi nila. Kaba dahil anytime of the game, ang pag-asa nila ay pwede pang humina at mabaliktad pa ang laro. Kaya’t kapag ako ay nakaka GODLIKE, ay hindi agad ako nagpapakasaya.
“HOLY SHIT!!!” (Beyond Godlike)
Isipin mo na ang gusto mong isipin. Basta sa puntong ito ay umiingay na ang paligid ng computer shop dahil sa mga sigawan ng mga naglalaro. Isipin mo na lang kung gaano kagaling ung makaGODLIKE, eh ang maka BEYOND GODLIKE pa kaya? Maaari ka ng maging kampante sa puntong ito.
Astig no? Akalain niyong ng dahil sa dota ay natutu akong mag obserba ng mga tao. Sa totoo lang ay hindi lang naman pagsasayang ng pera at panahon ang larong dota. Totoong nakaka adik ito, sa simula. Pero kapag natutunan mo na ang tunay na halaga ng larong ito ay hindi mo rin masasabing naadik ka na dito. Ang hindi lang alam ng marami ay may maganda ring naidudulot ang Dota sa isang indibidwal. Kung gusto niyong malaman kung anu-ano ang mga benefits na iyon, subukan niyong magtanong sa mga kakilala niyong naglalaro ng DOTA.
Tara! DOTA na!!! 🙂








