Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos at nabibigyan ako ng pagkakataon ng aking trabaho na bumiyahe (ng libre!) sa iba-ibang bansa. At sa tuwing nakaka-dapo ako sa bagong lugar ang una ko talagang pinaplano ay matikman yung lokal na alkohol — Beer kadalasan, Hard magkaminsan.
Sa Nepal, kung saan ako recently umepal (hehehe), Gorkha Beer ang kanilang pambato.

Named after the famed Gurkha Warriors of Nepal, may kakaibang sipang taglay itong beer na ‘to. Para kang sinampal ng Kukri sa pisngi. 🙂

