Nung sabado, nagpunta kami sa Cartimar para buohin na yung project bike ko.

Hindi na ko nag Shimano MT15 wheelset dahil hindi pala ibibigay ng 3,650 yung wheelset sakin.  Overbudget na ko kung itutuloy ko pa bilhin yung 4,000 na offer nya.

Nag-ikot-ikot muna kami para magcanvass ng presyo. Sa Ross cycle nagtanong din ako pero suplado yung lalaking nakausap ko. 1 tanong isang maiksing sagot.

Sa Fitpro na ko nagpabuo ng bike kahit suplada yung nag-assist sa akin. Eto specs:

  • Frame: Mosso 2608TB
  • Fork: Suntour XCR 2014
  • Rims: Alexrims DP20
  • Spokes: Black Stainless steel
  • Tires: Kenda (don’t know the model)
  • Inner tube: Panaracer
  • Cockpit (stem, handlebar, seatpost): Mosso
  • Grips: Dabomb Holyshit
  • Headset: Mosso sealed bearing
  • Pedal: Dabomb

Yung saddle na ginamit ko yung generic na nabili ko. Makapal naman at hindi sumasakit pwet ko. Mura at functional kaya di ko na pinalitan.

So far, ok naman ang performance nya. Nasubukan ko on roads for 52km. Magaan dalhin. Madali ang climbs. Wala din akong naramdamang masakit sa likod at kamay ko.

2013-07-27 16.10.56

Kulang na lang is rear and front fenders para hindi magputik lalo na ngayong tag-ulan.

Una kong nabili ay ang drivetrain ng project ko. Shimano Alivio ang groupset na binili ko. Mga kasama dito ay:

  • Front Deraileur
  • Rear Deraileur
  • Rapid Fire Shifters
  • Hydraulic Brake Set
  • Rotors
  • Chain
  • Hub
  • 9 Speed Cassette
  • Crank + Bottom Bracket

Nakuha ko to ng 1k pesos cheaper dahil sa online seller ko ito nabili. 6,900 ang benta nya sakin.

Balak ko hindi na gamitin yung kasamang hub dahil Shimano MT15 Wheelset ang bibilhin ko.

mt15

Mas magaan daw saka 28 holes sya compared sa standard na 36 holes. Reliable din daw.

Etong nakaraang mga buwan nakahanap na ako ng mga biking buddies. Matagal ko nang gusto magbuo ng magandang bike at magbike sa iba’t-ibang lugar. Ngayon may reason na ko para masimulan ang aking project bike at makapagretire na ang aking 5 year old beater bike.

Naisipan ko na magbuo ng custom mountain bike. Noong una, GT Avalanche 3.0 2013 ang balak kong bilhin. Built bike na ito at hindi ka na mamimili ng mga piyesa. Kung anong nakakabit, yun na. Sa presyong 18,800 pesos, pinag-isipan ko kung value for money ba base sa mga piyesang nakakabit dito. Pagkatapos ng aking pagreresearch at pagtatanong tanong, nagdesisyon ako na magbuo na lang ng custom bike.

Advantages:

  1. makakapili ako ng piyesang gusto ko
  2. more fun! parts shopping at bargain hunting
  3. di ka na gagastos ng extra di tulad ng built  bike na may mga papalitan ka pang piyesa dahil hindi akma sa taste mo o hindi ka komportable gamitin.

Disadvantage

  1. Posibleng gumastos ka ng mas malaki kumpara sa built bike.
  2. pwedeng magkamali sa pagpili ng pyesa = gastos++

Unang kailangan i-konsider ay kung anong gamit ng bike mo. Gagamitin ko ito pang XC(cross country) at konting trails. Dahil dito, nag-isip ako ng klase ng bike na gagawin ko.

Sa ngayon eto ang listahan ko ng piyesa

  1. Drivetrain – shimano alivio groupset (crank, bottom bracket, front and rear deraileur, hydraulic brakes, hubs, chain…) (6,900 ang pinakamura kong nakita sa online sellers)
  2. Frame – Mosso (2608TB) aluminum 7001 frame ito. 1.78kilos. magaan kaya maganda sa mga malayuang biyahe. (estimated price sa cartimar – 4,800)
  3. Fork – pinag-iisipan ko kung rigid fork o shock absorber fork. budget ko 2500. SR Suntour XCM or XCR ang target ko para dito since magtratrail biking ako, importante ang shock absorber.
  4. Rims – mavic 223 – 650 per piece ang pinakamura sa net, sana mas mura sa cartimar.
  5. tires – maxxis, continental o kenda. yung tig-600 lang
  6. headset – wala pa
  7. stem – ABR sana around 600-800
  8. handle bar – ABR din 600-800
  9. seatpost – ABR din para terno lahat 600-800
  10. saddle – velo around 600

paunti unti kong bibilhin hanggang mabuo ko.  

Married.

Simula na ng buhay mag-asawa. Pagkatapos ng madugong preparasyon sa kasal, nakaraos din. Natitira na lang ang mga bayarin.

Bagong buhay na magkasama. Nakakapanibago pa din ang may pangalawang magulang at kapatid ka na. Hindi pa sanay tumawag ng mama/papa. Maglinis ng sariling bahay. Mag-isip ng ulam araw-araw.

Syempre kasama ko palagi ang aking magandang misis. Sa hirap at ginhawa. I love you hunny!

2012-11-10 22.30.20

 

Susunod, baby naman ang aabangan.

Ilang buwan na akong hindi nakakaapanuod ng sine. Nakakatamad kasi manuod mag-isa sa Singapore. Ngayong balik pinas na uli ako, makakapanuod na ulit ako.
Kahapon, nanuod kami ng Bourne Legacy sa SM Block. Birthday kasi ng mga utol ni misis kaya nanlibre ng sine.
Mabantot ang sinehan. May maamoy lang mangasim-ngasim. Meron ding amoy medyas na basa. Kala mo 4D theater eh, pati amoy kasama sa palabas.
Patok yung Bourne Legacy sa mga Pinoy kasi dito shinoot yung ibang parte ng pelikula. Parang sa Cubao yung nakita ko tapos napunta sa Maynila. Walang gaanong trapik sa kalsada at maaayos magdrive yung mga extra sa pelikula. Siguro alam kasi nila na kinukuhaan sila ng camera. Hindi rin bulok na mga police car ang ginamit kundi bagong bago at nangingintab pa.
Sa casting naman nila ng mga sikyo, puro mga Chinese na fluent mag-English ang sikyo. Meron pa dun na isang dialogue na parang ginamitan lang ng google translate; yung maririnig mo sa radyo ng police car. Sa twing maririnig mo din na magsalita ng Tagalog lalu na ang mga bida, magpapalakpakan yung mga tao sa sinehan.
Sa kwento naman, sobrang simple ng plot. Kelangan lang nila tumakas sa mga humahabol sa kanila. Pag nakatakas na, tapos na ang pelikula
Nekstaym Expendables naman papanuodin ko.

Sa mga sitcom ko lang ata nakikita itong kabulastugan na ito.  Nakakita ka na ba ng taong nagsusuot ng salamin pero walang lens yung salamin?  Mukhang tae lang.  Frame lang ang suot.  Mukha ka bang cool hipster o retarded?
Ang dami kong nakikita dito sa Singapore na ganun.  Kadalasan mga batang nasa puberty stage o mga young adult na hindi alam ang gagawin sa buhay ang nakikita mong may suot nito.  Nakakatawa na nakakainis tignan.  Kung gusto mo pumorma lang, pwede naman may lens kahit walang grado diba. Eto na yata ang bagong trend ngayon, hipster retard look.

Pagkagising ko na-LSS ako sa kantang ladybug picnic.

Di ko alam kung bakit, pero bigla ko na lang kinakanta habang nakaupo sa kama. Paikot ikot yung lyrics sa utak ko bago ako maligo.

Typical day. Late na ko pumapasok dahil wala na din naman ako ginagawa. Late din pumapasok mga kaopisina ko. Alas diyes na 2 o 3 pa lang ang tao sa opis na amoy industrial chemical. Buti na lang ok ang public transport dito, di ka matatakot na dukutan o holdapin. Hindi din siksikan sa MRT at mga bus(dahil siguro late na ako pumapasok). Ang reklamo ko lang eh napakamahal ng pagkain. Bibili ako ng 2 pirasong tinapay sa Bread Talk, 3 dollars(~99 Petots) na agad. Bwakanangshet yan. Tapos ang taho eh 1.30 dollars. Lagi kong napapaisip, yung presyo ng binili ko eh halos 1/3 lang ng presyo sa pinas at wala pang sago yung taho ha! Wala Pang Sago!

Ilang araw na lang ay babalik na uli ako ng Pinas. Siguro mamimiss ko din yung chicken rice at kung ano ano pang shit na makakain dito. Dalawang linggo na lang, kakain na uli ako ng lechon kawali!

Nasabihan ka na ba ng “Taba mo ngayon ah” o ng “Uy, tumataba ka” kapag nagkita kayo ng isang taong matagal mo nang hindi nakikita. Parang natural ata sa mga pinoy ang ganung klaseng pagbati. Kung iisipin mo, parang iniinsulto mo yung kausap mo. Ok lang kung sasabihin mo ay “uy sexy/macho mo ngayon ah”, “gumaganda/pumopogi ka ah” o kaya isang simpleng “kamusta na”.

Kung may bumati uli sayo na “Tumataba ka” sabihan mo ng “Ang panget mo ngayon ah” para quits lang kayo.

Image

image

Grabe na talaga mga masasamang tao sa Pinas.  Nanakawan yung utol ni misis(soon to be) ng mga cellphone sa loob ng clinic nila. Naisipan nila na kabitan ng CCTV system kaya naka-score ako ng murang CCTV system sa ka-opisina ko. Mabigat lang nga i-uwi sa Pinas at sana lang hindi pag-initan ng mga kurakot na Customs dun sa airport.

Hard drive lang tatakbo na to. 24hr surveillance tapos may night vision pa. Huling huli lahat ng mga kupal.

wow! halos mag-1 year na pala mula nung last post ko dito. tinamad na ako magblog. tingin ko kasalanan ito ng facebook at twitter at kung ano anong micro blogging sites.

susubukan ko magpost uli dito.

ok din basahin mga back entries. para nakikita mo kung gaano ka katanga at kakorny dati.

Pages

Categories

Archives

Blog Stats

  • 51,352 hits
Design a site like this with WordPress.com
Get started