bruhilda

“Kapit-Bisig Day”

Posted in jologs, kakornihan, mall, pamilya by bruhilda on Oktubre 15, 2012

Nangako ako sa bagets ko last week na i-ti-treat ko nung saturday sa kadahilanang sinabihan daw sya ni titser na rank 8 daw sya. xempre natuwa naman ang mudra. kaya walang abog-abog na magti-treat sa jugets.

eto na habang lumalapit ang sabado biglang tumawad ang jugets ko at ang sabi na kung pwede na sa linggo na lang daw (yun ay kahapon nga) kami umalis para itreat xa. xempre ang mudrakels oo agad sabay tanong kung bakit, kasi daw nasa alabang daw si Sir Chief at Maya. Naloka naman ako sa suggestion kung suggestion nga bang matatawag yun. Feeling ko hindi, planado na nya  talaga yun.

Xempre sumapit ang pinakahihintay na linggo at sobrang excited ng bruha kong anak. tanong pa ako kung anong oras magsisimula yung show sa alabang sabe 5pm daw.. o xa 5 pm. yun pala passed 5pm na kami nakaalis ng bahay.. anak naman ng teteng oo pagdating sa mall kami na nga ang nakipagsiksikan na halos magkapalit-palit na ang mga mukha ng tao sa sobrang sisikan. na kahit hindi ka maglakad makakausad ka dahil itutulak ka na lang ng mga tao. di kami umubra sa ground floor daming tao talaga. sa 2nd floor ganun in short, akyat kami sa 3rd floor. pucha naman napakalayo ang hirap ng maaninag ng mga mukha ng mga artista. ganito kalayo..

pagmalabo-labo ang mata mo parang mga dwende na lang sila sa paningin mo.. sa buong buhay ko ngayon lang talaga ako nakiusi ng ganito. wala naman talaga akong pakialam kung may show man sa mall na napupuntahan ko o wala eto lang talaga. disappointed nga lang si bebe ko kasi nga di nia nakita ng malapitan ang mga artista. ang babagal kasi kumilos kaya yan ang napala namin. pinahirapan pa namin ang sarili namin  masilayan lang sila Sir Chief at Maya.. dahil sa sobrang nalungkot si jugets next time daw agahan namin.. meron pang next time??? windang ako dun ha.. saan kaya ang susunod nilang “Kapit-bisig Day”?? nang makapagpareserve na agad-agad.. hahaha…

 

 

pollution

Posted in buhay kalsada, jologs, mga buhay-buhay by bruhilda on Marso 6, 2012

maaga akong nakalabas kanina sa opisina xempre tuwang tuwa naman ako. dahil sa naglakad kami mula opisina hanggang sakayan mga 20 minuto din yun napagod ako at nagutom pero hindi pa din ako kumain.. pagkababa ko sa bus nagkita kami ng jowa ko para sabay na kaming umuwi ng bahay ng nakamotor..
aba naman alam kong gutom ako pero naman.. hindi naman ako kumakain ng usok na galing sa tricycle at jeep.. ewan ko ba naman di ba pagniriregistro ang sasakyan merong smoke emmision testing pano nakapasa tong mga smoke belcher na sasakyan? eh kung bumuga ng usok daig pa ang dragon sa pag buga ng apoy. susmaryosep naman.. ang tanong lang uso pa ba ang testing testing na yan o wala lang may masabi lang na nag-test. ano ba ang kategorya para malaman na smoke belcher ang saakyan o hindi? wala naman yata eh. dapat ang mga ganyang sasakayan eh hinuhuli.. ang kaso lang pano naman may manghuhuli sa lugar namin eh bundok nga. mas maganda siguro kung gamitin sa pelikula yun bang pinasasabog. may pakinabang pa lumabas pa sa sine.. hmp..
malamang ang ilong ko at libag ko eh namumutiktik na naman sa dami. mega to the max kuskos na naman ako nito bago matulog. buset talaga..

Alay Lakad..

Posted in buhay kalsada, jologs, mga buhay-buhay, personal by bruhilda on Pebrero 29, 2012

kahapon maaga akong nakauwe infernes 1 oras lang akong nag-ot.. xempre naman tuwang-tuwa ang lola kasi nga maagang makakauwe. kasama ko ang mga prends ko kahapon sa paglalakad mula opisina hanggang sa sakayan. hindi naman sa sobrang nagitipid  kami pero exercise na din mga 20mins walking din kasi yun.

pagdating namin ng sakayan aba nangulat ang lola bat ang daming tao tapos walang masakyan.. sa may edsa.. mega tayo pa din ako kahit feeling ko eh mahihirapan akong sumakay.. nagtxt ako sa prend ko kung nakasakay na xa. kaso lang pang lima na xa sa pila. yayain ko sana xang kain muna bago umuwi.. pero bumalik pa din ako sa mall tinext ko isang prend namin.. at viola,buti naman nandun pa nga xa so bonggang window shopping muna.. napunta kami sa mga shades ng pambata at pang matanda, sa furniture (bukas dito bukas doon, upo sa bed) at napagod na kami sa kakaikot ng isang oras. so naghiwalay na kami para umuwi..

at pagdating ko sa sakayan linchak ang dami pa ding tao, pumunta pa ako sa terminal ng mga service nagbakasakali ako aba’t namputsa naman dinaig pa ang sawa sa haba ng pila. ending balik na naman ako sa hiway.. pucha parang may rally/ alay lakad sa dami ng tao.. at nakiisa na din  ako sa kanila sa paglalakad. di ko namamalayan ang layo na pala ng narating ko.. may nakita akong bus na byahe pasaamin sasakay sana ako kaya lang di na ako kakasya kahit isang step man lang sa hagdan. di na lang ako nagpumilit pa baka mahulog pa ako kaya bonggang lakad na lang ule. at may nakita akong bus na naman byaheng pa south.. so bongga ang takbo ko para akong hinahabl ng sampung kabayo sa bilis para makasakay lang ako.. at buti na lang nakaupo/higa ako.. kasi naman ang naupuan ko kusang humihinga ang sandalan alam yata ng sandalan na pagod na talaga ako. kahiya naman sa taong nasa likod ko.. hahaha… sori na lang kuya pagalitan mo ang sandalan ng upuan ko.. wala akong kasalanan.. sumasandal lang naman ako.. at buti na lang deadma si kuya.. ang napansin ko lang lahat yata ng sumakay ng bus na yun eh humihingal.. ibig sabihin lahat ng sumakay eh tumakbo ever.. at sa kamalas-malasan ko naputol ang linya ng telepono ko.. akalain mo yun nahirapan na nga akong sumakay di pa ako makapag text/tawag sa cp.. anak naman talaga ng teteng oh ang swerte ko talaga.. pag inaabot talaga sumasagad naman eh..

ang pagbabalik.

Posted in jologs, mga buhay-buhay, personal by bruhilda on Agosto 25, 2011

yun oh.. kulang 4 na taon ang binilang bago ako nakapag blog ulit. may pasko ng pagkabuhay? naging busy? o nagbusy-busyhan lang ng ilang taon??..  at sa aking pagbabalik, ako na nga ang nalito di ko alam kung anong iki-click ko..na bobo naman pala.. hmp.. kasi naman.. ano ba ang nangyari at tumigil ako sa pag ba-blog samantalang noon active na active ako tapos bigla na lang naglahong parang bula. at ngayon parang multong biglang nagparamdam. ganun talaga siguro ang buhay minsan.. sabi nga weder weder lang yan.. o xa ako na nga ang may weder. 😉 happy pa din ako ngayon kasi di nawala ang account ko dito.. salamat talaga pramis…hala naman ang tagal bago naipost.. di ko alam ang pipindutin ko.. windang na..

 

SMS jokes….

Posted in jologs, kakornihan, sms, wala lang by bruhilda on Disyembre 17, 2007

paano hahatiin ang 60 pesos sa tatlong babae at 3 lalaki?

sampuke ana.

sampuke clara.

sampuke rhea.

at sa lalake

o ten mo

o ten nya

o ten ko

tama ba?

_____________________________________

 

demonyo dumating sa park….

pari: hahh! sa kapangyarihan ko at paniniwala, umalis ka demonyo. alis!!!

demonyo: WOW …. parang may-ari ng park!! sayo to?! sayo to?!

__________________________________________

 

San Pedro: anong kasalanan mo?

KILLER PO!

sa impyerno ka! ikaw?

MAGNANAKAW PO!

sa impyerno ka rin! ikaw?

POKPOK PO!

ah don ka sa kwarto sa langit tayo!

 

_________________________________

a nerd ask his hot and sexy classmate to have sex with him

NERD: sex tayo! babayaran kita ng 1K, bibilisan ko tatapon ko yung 1k sa sahig. tutuwad ka habang punipulot mo, pagtayo mo tapos na ako i-sex ka.

SEXY: tawagan ko muna BF ko kung papayag sya.

tinawagan nya….

BF: sige payag ako. bilisan mo lang pagtuwad para walang mangyari.

After 10 mins BF calls…

BF: nakuha mo na pera?

SEXY: aaahhh… hindi pa eh! ah!ah!

BF: bakit?

SEXY: tig-pipiso eh!

 __________________________________________

kapag may nang-api sayo dadating kami at sasabihing:

kapangyarihan ng alak

taglay ang kahiluhan

dalawa ang tingin

pagewang-gewang ang dating!

kami ang super lasing!

_________________________________________

 

sa mental hospital

NURSE: anong nasa isip mo ngayon?

PASYENTE: pamilya ko

natuwa ang nurse

NURSE: nasaan ba ang pamilya mo?

PASYENTE: sana isip ko nga eh!

________________________________________

sa prusisyon

PARI: ang mga boys sunod sa caro ni san jose, mga girls sa caro ni mama mary.

BAKLA: kami father, san kami susunod?!

PARI: mga bruha follow me!

 

ang aking mga kinahuhumalingan

Posted in jologs, mga buhay-buhay, tag, wordpress life by bruhilda on Nobyembre 27, 2007

eto na naman po ang tag buti na lang hindi mahirap na mula kay cdy173. gusto yatang makita ang aking sulat kamay at ang aking mga kinahuhumalingan sa mga panahon ngayon.

 1. blog – xempre pa ito ang una. pagdating ko pa lang sa opisina ito na ang pinagkakaabalahan ko magbasa ng blog ng may blog bago magtrabaho. kung di ba naman kaadikan ang pinaggagawa ko. maghapon nakatambay sa WP san ka pa diba? para tuloy akong binabayaran ng kompanya para mag-blog. ok lang yun wag lang makikita ng mga nakatataas. hahaha…. ultimate pasaway eh. nung una ko pa lang dito medyo nahihiya akong magsulat kasi naman po hindi naman talaga ako magaling sumulat ng kung ano-ano wala ngang latoy kung baga. pero xempre dinaaan sa kakapalan ng mukha ito at nakakapagsulat na ako ng kahit pano. kahit trying hard. hahaha. bakit ba kanya-kanya noh. at ito nga naging adik na dito pano na lang pag wala na nito san na ako dadalhin at pupulutin meron bang rehab para sa mga adik sa WP? asa ka pa.

2. badminton – aktwali bago ko  pa lang tong kinahuhumalingan sa kagustuhan kong mabawasan ang mga kolestirol ko eh bimili ako ng set nyan para makapaglaro lang at mapawisan. kahit mainit ang panahon at tanghaling tapat go pa din lagi ko kinakaladkad ang aming kasambahay para lang meron akong kalaro o kaya naman yaya sa kapitbahay. tuwing gabi pag maaga akong nakakauwi ng bahay laro pa din.

3. pocketbook – ito ang aking libangan lalo na pag ayaw kong lumabas ng bahay at bago matulog ugali ko na talagang magbasa. pinagkakagastusan ko yan tagalog man o inglis wala akong pakialam basta pocketbook sya. sabihin mang jologs care ko eh ano naman lahat naman tayo may tinatagong kachipan sa katawan. pagnasimulan kong basahin ang isang pocketbook kailangan kong tapusin mapuyat man ako at ngarag pagpasok kinabukasan. minsan nga may baon pa ako nyan at magbabasa habang nasa sasakyan papasok o pauwe man.

wala na akong itatag pa kasi naman lahat yata ng nabasa ko meron na nito at ako na lang yata ang wala. hehehe

problemahin ba?!

Posted in jologs, mga buhay-buhay, mga palabas sa telebisyon, teleserya by bruhilda on Nobyembre 22, 2007

sobrang gabi na ako nakarating ng bahay kagabi. nag-OT lang naman po kasi ako ng tatlong oras. payaman kuno kasi malapit na pasko. malamang mabubutas na naman ang bulsa ko nito. nagmamadali pa naman akong umuwi kagabi hoping na madadatnan ko pa yung teleserye na palagi kong inaabangan. oo teleserye may pagka jologs talaga ako at aminado ako dun. alangan naman pakaplastik pa ako di ba? mas pangit yun eh talaga naman nanonood ako. kasi ako’y isang dukha at hampas-lupa lang kasi wala kaming cable kaya hindi ako nakakapanood ng mga foreyn na palabas  na yan. echus…..

kaya ngayong araw na to sa sobrang hindi ako mapakali sa kakaisip kung anong nangyari sa teleserye na yun. pinakwento ko tong katabi kong SC at mega kwento naman ang lola. ang kaso mo hindi ko gano maintindihan hindi ko alam kung hindi lang talaga ako makaintindi o hindi talaga sya marunong magkwento. siguro pag sign language pa ang ginawa nya eh magkakaintidihan pa kami. hindi kasi nya kamag-anak si lola basyang  paiba-iba kasi ang bersyon nya. ano ba talaga lola? nawindang talaga ako.

at sa kakatihan ng kamay ko na magpunta kung saan-saan dito sa WP may nakita akong entry na ganun sa hinahanap ko kaya lang ng basahin ko na napanood ko na po pala nung isang gabi pa yung episode. hay anu ba yan… kung saan-saan pa ako pumunta…pindot dito, pindot doon at kung saan-saan pang pwedeng pindutin… at BINGO hindi po yung biskwit ha hindi ako binigo at talagang WOW nakuha sya sa pindot nakita ko din yung site kung saan ako pwedeng pumunta. umaandar na naman kasi ang pagiging computer eliterate ko. hmp madali lang pala namroblema pa ako. at mega nood naman ako na nakahedpon pa. at palingon-lingon na parang may kinakatakutan. natural takot akong mahuli ng boss ko dahil kung nagkataon memo ang katapat ko.  syempre tuwa naman ako dahil sa susunod alam ko na kung saan ako pupunta. hindi na ako magpapakahirap na umintindi ng kwento na iba. kung bakit kasi ngayon ko lang to nalaman eh.

Design a site like this with WordPress.com
Magsimula